logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

(Flashback)
"Himari is your name little girl." hinaplos ng lalaki ang kanyang ulo habang nakaluhod ito sa kanyang harapan. Pinapantayan ang kanyang tangkad.
The man had this scary playful aura and mischievous grin in his lips. Bakas ang katandaan sa namumuti na nitong buhok at sa singkit nitong mga mata. Sa kabila niyon ay hindi naitago ang kakisigan niya.
Natatakot siya kaya hindi niya masalubong ang tingin nito. Nanginginig ang buo niyang katawan, bukod kasi sa kanilang dalawa ay may dalawang lalaki rin sa magkabilang gilid nito na may bitbit na malalaking baril.
"Dont worry, I will take care of you, you want that?" tumango siya ng dahan dahan na lalong nagpangiti sa lalaki.
"But, make sure to obey my words from now on ok?" muli siyang tumango.
"Here." inabutan siya nito ng teddy bear na puti, halos kasing laki niya na. Masaya niya itong niyakap at dinama ang kalambutan niyon. Maliit na ngumiti siya sa lalaki.
"Thank you po. Ano pong pangalan mo?"
"Hiroyi Kaburagi little one, call me Otousan."
"Oji-sama?" inosenteng tanong niya rito.
"It means father. I will be your father Kazeyo. I'll take care of you. Trust me, ok?" tumango siyang muli at niyakap ang matanda.
"I trust you po Otousan."
ISANG malakas na sampal sa muka ang natanggap ng sampung taong gulang na si Himari.
Sumadsad siya sa sahig, hindi pa ito nakuntento at sinipa ang kanyang sikmura.
Hindi niya iyon ininda at tumayo bago iniyuko ang ulo at katawan sa harap ng kausap simbolo ng pagpapakumbaba at paghingi ng tawad.
"You dissapoint me Himari.." nanginginig sa galit na banggit nito sa kanya.
"Otousan, Gomen Nasai." hingi niya tawad, hindi niya ininda ang mga pananakit nito sa kanya. Sa tuwing nagkakamali siya at may hindi nagustuhan ang kanyabg ama sa kanyang kilos ay pinaparusahan siya nito.
Minsan ay nagagalit siya ngunit naiisip niyang wala siyang karapatan na magreklamo.
It was her fault, nakipag away siya sa isang bata imbes na mag ensayo.
"Learn how to act right! I dont raise you just to have fun! Hindi mo na dapat pinpatulan ang mga walang kwentang bagay! Pasalamat ka at pinalaki kita, matuto kang tumanaw ng utang na loob!" dinuro nito ang kanyang sentido, walang emosyon siyang muling yumuko sa harap nito at muling humingi ng tawad.
"Forgive me, Otousan"
Umiling ito at malamig na umiling bago lumingon sa mga lalaking bantay saka siya ipinakaladkad.
"Lock her up, beat her and dont give her food."
Hiroyi watched them beat her. She had to make sure not to show any pain and be strong.
Tahimik siyang naupo sa sulok ng madilim na silid. Emotion can not be seen from her face. Puno ng latay at pasa ang kanyang batang katawan, sa dami ng pinagdaanan niya ay naging manhid na siya.
Her Otousan will surely be mad if he saw her being weak.
She stood up ang grabbed the bar, tila wala sa sarili siyang tumitig sa guwardiya sa labas. Ramdam niya ang galit para sa ama.
"Anong tinitingin tingin mo bata?!" sigaw nito sa kanya dahilan para mapag buntunan niya ito ng galit.
Isa ito sa nambugbog sa kanya. She was just ten years old, young and weak iyan ang tingin sa kanya ng lahat.
Nanlaki ang mata ng guwardiya ng walang sabi-sabing hinila niya ito at hinampas sa bakal.
Galit siya at wala siyang gustong gawin kundi manakit.
"Shit!" sigaw nito ng magdugo ang noo at galit na tumingin sa kanya.
"Walang hiya ka!" nagmamadali nitong binuksan ang selda at saka siya sinuntok sa sikmura, tumilapon siya sa pader. Hindi pa nakuntento ang lalaki at pinagsisipa nito ang kanyang sikmura.
"Ang lakas ng loob mo, wala ka namang binatbat ampon!" Akma pa siyang sisipain ng hinuli niya ang paa nito at malakas na hinila kaya bumagsak ito sa sahig, una ang likod. Narinig niya ang pag-" crack" ng buto nito.
"Aaaaahhhhh!" Napasigaw ito sa sahig ng tinapakan niya ng muka nito ng ubod diin. Isang ngiti ang namutawi sa kanyang labi, satisfaction can be seen in her face.
"This is what you got for hurting me." malumanay niyang sabi saka binitawan niya ang muka nito at kinuha ang malaking kandado sa pinto.
"Do you know that I can ruin your face just by this?" ipinakita niya ang malaking kandado. She grinned.
Nanlaki naman ang mata ng guwardiyang hindi makatayo. Umiling iling ito sa kanya. Hindi mapigilang magtaasan ang balahibo ng lalaki, ang batang ito sa kanyang harap ay malaki ang ngiti.
"H-huwag." gumapang palayo ang lalaki ngunit tuwang tuwa lang itong pinanuod ng bata habang dahan dahang sinunsundan.
"Otousan said that I should not let anyone hurt me. He will be proud of me if I kill you. Right?" walang maramdaman kundi purong kuryosidad ang bata.
Hindi niya naiisip na mahalaga ang buhay ng isang tao. Ang konsnesya ay tuluyan ng nilisan ang kanyang katauhan.
Sumeryoso siya.
"Remember the eyes of the person who will kill you." hindi na nakasagot ang lalaki ng tumama ang kandado sa mukha nito.

Hinihingal siyang nagpunas ng pawis at ngumiti pagkatapos.
Nakangisi ang muka ng matandang si Hiroyi Kaburagi ng makita ang kanyang ampon na nakangiti habang nakatingin sa patay niyang tauhan.
(end of flashback)
PAGPASOK niya sa klase ay nadatnan niyang tahimik, she noticed that Hogan's group was missing. Almost half of the class were gone. Ang mga natira ay mga babae at ilang lalaking puro libro ang atupag.
Kapansin-pansin rin ang mga pagkabahala ng mga ito.
"Anong meron?" tanong niya sa katabi.
"Ruske..Kasi ano...yung grupo nila Hogan kahapon diba sabi nila susugurin nila sila Daru." kagat kagat ni Sidney ang kanyang
Kuko.
"Kasi nagtext siya kay Nico, nasa ospital daw silang lahat eh." tukoy nito sa presidente.
That Daru must be something, but she can feel Hogan is not a weakling, there must be something that happend.
"Ang inaalala ko, baka pagtripan nanaman tayo ng klase nila Daru, wala pa naman sila Hogan." takot na bulong nito sa kanya.
"Oh my God guys cheer up! Ngayon pa ba kayo maduduwag?!" inis na sigaw ni Danella na siyang nagpaigtad sa mga kaklase nila.
"Hindi mo kami masisisi! wala sila Hogan, sinong lalaban kila Daru?!" sigaw ng isang nerd na lalaki sa dulo.
"Mga duwag kayo! Step up for yourselves cowards!" muling sigaw ni Danella.
Takang pinanood niyang magsigawan ang mga kaklase niya na para bang takot takot sa mangyayari.
Napalingon sila bigla sa pinto ng bumukas ito and there the smirking Daru was standing arrogantly with his goons.
"Ang aga naman ng drama ninyo."
Para namang mga tuta ang kanyang kaklase na nanginig sa mga kinauupuan ng pumasok ang grupo ni Daru sa silid. Naupo ang lalaki sa teachers table saka iginala ang tingin sa paligid saka humalakhak na parang baliw.
"Balita ko nasa ospital ang mga kaklase ninyo ah?"
"Anong kailangan niyo dito Daru?!" nanggagaliiting sigaw ni Danella.
Pinipigilan naman ito ng kanyang mga kaibigan pero hindi nagpatinag ang dalaga.
"Ang mabuti pa, umalis na kayo dito!" turo nito sa pinto.
"Honey huwag mo namang akong paalisin. Nasasaktan ang damdamin ko." madramang aksyon ni Daru at kinabig ang baywang ni Danella.
"Get off me yuck! You freak!" napasigaw ito.
"Stop resisting honey unless someone will volunteer to help you?"
She waited for someone to stand up but no one did. Everyone was afraid even Danella's friend.
Nagtaka siya, akala niya ba ay magkakaibigan ang mga ito? Base on what she watch, friends should help each other.
So she thought friends should take care of each other?
"Tulungan mo siya." naiiyak na bulong ni Sidney sa tabi niya.
She amusedly look at her crying face. Sidney's face is just like the face of her victims when they were afraid.
This is stupid. Why would she cry over this pathetic thing?
Napasinghap ang kanyang mga kaklase ng sampalin ni Daru si Danella.
"Nagtitimpi lang ako sa iyong babae ka! Alam mo bang matagal na kitang gustong tikman?!"
Akmang sasampalin pa ulit nito ang dalaga ng mabilis siyang tumayo.
"Stop!" sigaw niya. She did not interupt to save her classmate but because of just sheer curiosity. She was amused at what is happening right now. Everything is just like the movie Nakazan made her watch.
"R-Ruske." naiiyak na tawag ni Danella sa kanya.
"Wow...Look whos here, Akagami!" masayang bati sa kanya ni Daru.
Nilapitan siya nito saka inakbayan. Mabilis naman siyang umalis sa pag kaka akbay nito.
"Huwag na kayong manggulo dito Daru."
Nakakalokong tumawa ito sa kanya.
"Why baby girl? May magagawa ka ba?"
Nakasara ang pinto at malamang ay may mga bantay din ito sa labas kaya walang makapagreport sa nangyayari. Maaga pa at wala pang guro na dumadating.
Pinasadahan ng tingin nito ang katawan niya tsaka ngumisi.
"Damn, you're hot babe." umiwas siya dito ng akma siya nitong hahawakan pero umiwas agad siya.
"Ouch babe, dont you want me too?" umarte pa itong hawak ang puso na tila nasasaktan. He and his goons laugh.
Mabilis nitong dinakma ang panga niya at pinisil.
"Huwag kang magmatapang Ruske, Wala kayong magagawa."
Tumawa ito ng hindi siya sumagot. She close her eyes.
Nang maramdaman niyang hahapitin nito ang baywang niya ay otomatikong hinawakan niya ang kamay nito at ipinaikot sa likod nito saka binali.
'Crack'... Theres a moment of silence until...
"Aaaahhhh Fuuucckk...!!!" Mahabang sigaw ni Daru ng bumagsak ito sa sahig na namimilipit.
"B-boss!" tarantang sigaw ng tauhan nito.
Namimilipit ito sa sahig at naghuhumiyaw sa sakit.
She look at him with contented small grin that only Daru has seen. Daru's eye widen.
"Oh my God Ruske!" she heard Sidney screamed.
She look at the girl glaring at her, ito rin yung babaeng sumampal sa kanya kahapon. Si Kristine.
Inambahan siya nito ng suntok kaya umiwas siya. Galit itong sumugod ulit.
"Bitch!" Kristine took a chair then throw it towards her.
Huli na para umiwas at isinangga niya ang kanyang kamay anticipating for the pain but someone dragged and hugged her.
Narinig niya ang maliit na pag-aray nito.
She look up and see his eyes directly staring at her.
"Dominus?" She uttered.
His cold demeanor turn gentle as he stare at her.
"I got you." mahinang bulong nito sa kanyang tainga.

Book Comment (63)

  • avatar
    EncaMhoctar

    worried things to do

    18d

      0
  • avatar
    Neth Casipong Palis

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    11/08

      0
  • avatar
    ParconNica

    500

    27/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters