logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Eternal Love

Eternal Love

BeeeeeAnneeee


Prologue

Note: All characters, names, places, things, events, etc. are just made by my imagination only. All characters appearing in this story are fictitious. Any similarities in real people, events, happening or any similarities in reality is all coincidental.
Prologue.
Huminga ako nang malalim bago ko hinila 'yong maleta ko at naglakad na palabas ng airport. Nakita ko agad ang mga walang kwenta at nakabusangot na dalawa kong kapatid. Like the usual, may mga nakapaligid sa kanila na mga bodyguard namin. Agad naman may lumapit sa akin na bodyguard para kuhanin 'yong mga bagahe ko.
"Ate Lucy..." bati naman ni Chaim na lumapit pa sa akin para bumeso. Tumango na lang naman ako kay Kuya Carson na seryoso lang na nakatingin sa akin at nasa tabi ni Chaim.
"Let's go..." sambit ni Kuya Carson na sinang-ayunan ko naman dahil gusto ko nang umuwi. Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang naman ako at nakatingin sa labas.
"Ate..." tawag ni Chaim na nasa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya at nagtaas ng kilay bilang pagtatanong. Nakikitaan ko nang pag-aalala ang mukha niya. "Okay ka lang ba?"
Bumuntong hininga ako bago ngumiti at tumango sa kanya. Kita ko naman sa gilid ng mata ko ang paglingon ni Kuya Carson sa amin.
"Are you really sure about your plan? Hindi pa naman tayo sigurado doon? Hindi pa talaga natin alam kung sa kanya nga ba 'yon?" tanong ni Kuya Carson nang hindi n'ya na ata napigilan ang sarili.
"I'm sure about it. He will need this. We need to seperate, so, he can choose his son," seryosong saad ko at tumingin na lang ulit sa labas.
Napabuntong hininga ako nung napatingin ako sa aking left ring finger. Dalawang simpleng singsing ang nandoon at ang isa pa ay may maliit na diamond na simbolo sana nang pagmamahal namin pero hindi ko alam na magiging simbolo rin pala ito nang kasinungalingan n'ya. Mahal... Mahal nga ba talaga? Tss.
Nung makauwi ako sa bahay ay kita ko agad ang pag-aalala sa mukha ng mga kasambahay namin pero hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
"Pwede namang ipagpabukas mo na lang 'yan at magpahinga na lang muna ngayon..." pigil ni Manang Lydia sa akin dahil mukang alam n'ya na ang pakay ko sa pag-uwi rito.
"Well, Manang Lydia is right, Lucy. Kakauwi mo lang kaya kailangan mong magpahinga," sambit naman ni Kuya Carson na nasa likuran ko.
"I don't want to waste my time," saad ko. Hindi ko na sila pinansin pa at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
Walang katok-katok ay pinasok ko 'yong opisina n'ya. Naabutan ko s'ya na kausap ang kanyang sekretarya. Kita ko ang gulat niya nung makita ako pero agad din namang naging seryoso ang mukha niya at hinarap niya ang sekretarya niya.
"Dismissed. You can go now..." sabi niya doon sa lalaking sekretarya niya.
Tumango naman iyon at magalang na nagpaalam sa kanya. Bahagya pa itong nag-bow sa akin bago tuluyan na naglakad paalis. Sinundan ko lang ito nang tingin at nung masiguro na nakalabas na ito ay nilingon ko na si Sky na nasa tabi ko na pala kaya bahagya akong dumistansya sa kanya.
Tinignan n'ya naman ang paa ko nung humakbang ako. Umirap lang ako at humalukipkip. Magsasalita na sana ako pero naunahan n'ya ako.
"You didn't tell me na uuwi ka ngayon—" Mabilis kong pinutol ang sinasabi niya.
"Let's stop being so plastic. Alam kong alam mo kung bakit ako umuwi dito," seryosong sambit ko sa kanya pero kita ko naman ang galit sa mata niya at ang bahagyang paggalaw ng kanyang panga.
Hindi na siya nagsalita at nagtaas lang naman ito nang isang kilay na parang nagbabalik na naman ang pagiging mataray niya sa akin. Inirapan ko lang naman ang pagtataray niya.
"I want you to sign this pa-" Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay pinutol niya naman iyon kaya tinignan ko siya nang masama.
"I don't want to." Bumalik at naupo na siya ulit sa kanyang swivel chair.
"Just sign this." Padabog ko pang binaba 'yong mga papeles sa lamesa pero tinignan niya lang naman ito at ngumisi sa akin.
"What if I sign that papers? Kapag ba pinirmahan ko 'yan, masisiguro mo talaga na madi-divorce tayong dalawa?" tanong niya sa akin habang may ngisi pa rin sa kanyang mukha.
"Yes. I'm very sure of it," confident at matapang na sagot ko. Hinawi ko pa 'yong buhok ko at humalukipkip pa ako sa harapan niya.
"I don't think so..." Mas nairita ako sa kanya nung makita ko na mas lumapad ang ngisi sa kanyang mukha kaya kumunot ang noo ko.
"What do you mean?" tanong ko sa kanya at huminga pa nang malalim para mas mapahaba ko pa ang aking pasensya.
"Nagpakasal tayo dito kaya paano tayong magdi-divorce? Ee, wala namang divorce dito sa Pinas?" parang nanunuya na tanong niya sa akin, mas napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya pero sa huli ay natawa na lang dahil sa kalokohan niya.
Tawa lang ako nang tawa pero tumigil rin at umayos nung makita na seryoso na ang mukha niya. Kunwari pa akong umubo para lang maayos ko ang boses ko.
"Sorry, sorry, I just can't help it. What are you saying? Nakakalimutan mo na ba na sa New York tayo nagpakasal? Baka ibang babae ang pinakasalan mo dito because I'm very sure na hindi ako ang tinutukoy mo," puno nang confident at may ngiti sa mukha na sambit ko dahil siguradong-sigurado ako na sa New York lang kami nagpakasal.
Nagtaas ako nang isang kilay sa kanya nung may binaba siyang papeles sa lamesa niya. Takang at saglit ko naman pinasadahan ng tingin iyon bago nagtanong sa kanya.
"What is that?" takang tanong ko at tinuro pa 'yong papel.
"Take a look..." Nakangisi pa siya nung sinabi niya iyon.
Bumuntong hininga ako at umirap bago kinuha iyong papel at binasa ang nakasulat roon. Nanlaki naman ang aking mata at tinignan ko pa ang mga sumunod na pahina at muling binasa ito nang maigi.
Did i really signed this? Kailan? Bakit hindi ko matanda—Oh, sh1t! No, no... Hindi.
"Is... this for real?" hindi makapaniwala na tanong ko at nanlalaki pa ang mata na tinignan siya na kalmado lang naman na nakaupo sa swivel chair niya.
"Wala namang nakalagay diyan sa papel na 'It's a joke' or 'It's a prank, Lucy', diba? So, malamang totoo iyan," seryosong sambit niya pero mas ngumisi rin naman ito sa akin nung makitang seyoso na ang mukha ko.
"No way... This is not true!" Umiling-iling pa ako.
"It is."
"Then, we will file a divorce here," sambit ko at tinignan siya na kalmado pa rin na nakaupo sa kanyang swivel chair.
"Walang divorce dito sa Pinas," sabi niya naman.
"I know! I will find a way..." sabi ko bago s'ya tinalikuran at umalis na. Para bang may paraan pa nga para makapag-divorce kami dito. Meron nga ba? Oh, sh1t. Bakit ba kasi tatanga-tanga ka, Lucinda? Bakit mo naman kasi pinirmahan iyon? Urgh!
Iritang-iritang ako kahit nung nasa condo na ako ni Chaim. Wala pang pahinga at agad na akong nag-search ng mga paraan para makapag-hiwalay kami.
"Your husband and I are both lawyer. And we all know na wala na talagang paraan 'yan..." seryosong saad ni Kuya Carson na kanina pa pala nasa tabi ko at tinitignan ang ginagawa ko.
"Then, what do you want me to do? Adopt his son and stick with him forever?" mataray na tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga s'ya bago nagsalita.
"No. Pero bakit hindi mo na lang muna alamin kung totoo nga ba iyong balita na nasagap mo? Imbis na 'yan ang ginagawa mo, alam mo naman na wala nang kwenta 'yang pagse-search mo because you will end up, staying with him dahil wala naman talagang divorce dito," sabi ni Kuya Carson pero hindi nabago no'n ang isipan ko at nagpatuloy pa rin ako sa ginagawa ko ngunit sa huli ay tumigil rin ako dahil wala nga rin saysay iyon.
"Dito ka ba, Ate, titira?" tanong ni Chaim nung naupo ako sa single sofa.
"I don't know..." Tinignan ko sila nang jowa niya na naghaharutan sa gilid ko pero tumigil rin naman sila dahil napansin nila na nakatingin ako.
"I suggested, Ate, na doon ka na lang kay Kuya Skyler habang pina-process mo 'yong paghihiwalay niyo. And maybe, you can get a evidence there na pwede mong gamitin para sa paghihiwalay niyo," sabi ni Chaim kaya nagtaas ako nang kilay sa kanya.
"I agree with Chaim's idea. Hindi pa alam nila Mom na maghihiwalay kayo kaya doon ka na lang muna para hindi nila malaman 'yang plano mo at para hindi ka na rin nila mapigilan sa gagawin mo," sabi naman ni Kuya Carson na lumabas galing sa kusina. Hindi ko alam kung gusto niya ba kaming maghiwalay ni Skyler o hindi, but isa lang ang sigurado ako, hindi maganda kung mananatili ako doon but I think, tama nga sila.
"Tumigil na kayo diyan sa landian niyo dahil baka umuwi lang din 'yan sa hiwalayan, pagsisihan niyo pa na ginawa niyo 'yan," diretsong sabi ko kila Chaim at doon sa girlfriend niya. Tumayo na ako at nagtungo na sa guest room kung nasaan ang mga gamit ko.
Kinuha ko 'yong maleta ko para kumuha nang pamalit na damit ngunit iba ang nakita ko roon.
Kinuha ko ang isang box at binuksan ito na kung saan agad na bumungad sa akin ang gintong kwintas na may claddagh pendant na katulad na katulad ng design ng singsing na bigay niya rin sa akin.
Naupo ako sa kama at ilang minuto pa pinag-masdan iyon. Tinigil ko lang nung naramadaman ko na namumuo na ang luha sa aking mata.
Bumuntong hininga ako at itinago na lang iyon kasama ang singsing. Kung ano na lang rin ang kinuha ko at nagtungo na sa bathroom para makapag-bihis at makapag-pahinga na rin ako. Nung nahiga ako sa kama ay agad akong nakatulog dahil na rin sa pagod.

Book Comment (236)

  • avatar
    Kim Yarcia

    super ganda💗💗💗

    8d

      0
  • avatar
    Jhon Rey Sumog-oy

    Its good

    11d

      0
  • avatar
    Zhaiden Iker Javelosa

    hinila at nag lakad

    12d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters