logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Ika-apat na Kabanata

“NABALITAAN ninyo na ba ‘yong nangyari kay Alora na taga-Tourism building?”
“Oo, napanood ko ‘yong balita kagabi.”
“Grabe! Kawawa naman ang mga magulang niya. Ang bata niya pa masyado para mawala sa mundo.”
“Pupunta ba kayo sa lamay niya mamaya?”
Rinig kong usap-usapan ng mga tao nang makapasok ako sa loob ng school. Nakasuot ako ng shades ngayon kahit hindi naman masyadong tirik ang araw. Hindi ako nakatulog kagabi sa kakaiyak kaya halatang-halata ang eyebags ko at namamaga ang mga mata ko.
Napahinto ako sa paglalakad nang maramdaman kong anumang segundo ngayon ay maiiyak na naman ako.
Hindi ko pa rin maiwasang hindi maiyak sa tuwing naaalala ko ang nangyari kay Alora. Parang kahapon lang ay kasama ko pa siya. Hindi ko man lang nalaman na ‘yon na pala ang huling araw na makikita at makakasama ko ang kaibigan ko. Sana pala ay sinulit ko na ang mga panahong ‘yon para pasayahin siya bago siya nawala.
“Quinn…” umiiyak na pagtawag ni Pracy sa akin nang makasalubong niya ako.
Mahigpit niya akong niyakap saka siya humagulgol sa braso ko. Napaangat ako ng tingin sa langit nang magbadya na namang mangilid ang luha sa mata ko.
“Tahan na,” mahinang sabi ko at hinagod ang likuran niya para patahanin.
“H-Hindi pa rin ako makapaniwala…”
“Kahit ako rin,” malungkot na anas ko. “Kahapon lang ay kasama ko pa si Alora. Hindi ko inakalang mawawala na siya sa atin pagkatapos no’n.”
Mas lalo siyang napahagulgol. Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan ko na lang siyang umiyak nang umiyak hanggang sa magsawa siya.
Nang sa tingin niya ay wala na siyang mailuluha pa ay pinaupo ko siya at pinakalma. Kinuha ko ang tubig na nasa gilid ng bag ko at ibinigay sa kaniya.
Naaawa akong napatingin sa itsura niya. Pareho lang kaming nasasaktan dahil matagal na naming kaibigan si Alora pero mas higit namang nasasaktan ang mga magulang niya dahil siya lang ang nag-iisang anak ng mga ‘to.
Napayuko. “Kasalanan ko ito…”
Umangat ang tingin sa akin ni Pracy dahil sa sinabi ko. “Ano ang ibig mong sabihin?” tanong niya. “Wala kang kasalanan dahil aksidente ang nangyari, Quinn.”
Umiling ako at dumikit sa kaniya para masiguradong walang ibang makakarinig sa amin.
“Nakita kong mangyayari ‘yon kay Alora kahapon…”
“Ano? Ang gulo, Quinn,” naguguluhang sabi niya.
“Kahapon, habang kasama ko si Alora, napatitig ako sa mga mata niya. Bigla kong nakitang may mangyayaring aksidente, pati na ang eksaktong oras at araw ng aksidenteng iyon ay alam ko. Pero hinayaan ko lang, binalewala ko lang,” naiiyak na paliwanag ko. “Kung may ginawa lang sana ako para mapigilan ang pagkamatay niya, sana ay kasama pa rin natin siya hanggang ngayon. Kung pinaalam ko lang sana sa kaniya ang nakita ko, malaki pa sana ang tyansang maiwasan niya ang panganib sa buhay niya.”
Napatulala siya sa kawalan hanggang sa pinunasan niya ang natuyong luha sa pisngi niya at walang emosyong hinarap ako.
“Can you please stop it, Quinn? Wala na nga si Alora, eh! Pwede bang kahit ngayon lang, tigilan mo muna ‘yang mga kapraningan mo?”
“Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin, Pracy?”
“Dahil alam kong imposible ‘yang mga pinagsasasabi mo!” singhal niya.
“Pero totoo nga ang sinasabi ko!”
“Tumingin ka lang sa mga mata niya, malalaman mo na kaagad ang mangyayari sa kaniya? Makikita mo na kaagad ang hinaharap? Gumising ka na sa mga kahibangan mo! Walang gano’n sa totoong buhay, Quinn! Wala!” giit niya bago ako padabog na tinalikuran.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Nilingon ko ang pintuan ng room kung saan nag-walk out si Pracy saka ako muling napahinga nang malalim at napaisip.
Paano ko ba siya mapapaniwala na totoo talaga ang mga sinasabi ko?
***
“Ms. Naveen, can I talk to you for a minute?” baling sa akin ni Professor nang matapos ang klase niya sa amin.
“Sige po, ma’am,” pagpayag ko.
Nauna siyang lumabas ng room at sumunod ako habang nakaabang sa kung ano ang sasabihin niya. Ilang minuto niya pa akong tinitigan bago siya bumuntong hininga at nagsalita.
“I’ve noticed something about you, Ms. Naveen,” panimula niya. “You’re acting weird lately…”
Nangunot ang noo ko. “What do you mean by acting weird, ma’am?”
“These past few days, I’ve been observing you. You’re always preoccupied. It’s like you’re drowning into your own thoughts. What’s bothering you, Quinn?”
Natigilan ako at nag-aalinlangang muling bumaling sa kaniya. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipaalam sa kaniya ang mga kakaibang nangyayari sa akin nitong nakaraan.
“You can tell it to me. Maybe I can help you,” dagdag pa nito.
Napasinghap ako at napailing. Hindi ko dapat ipagkalat at ipagsabi sa kung kani-kanino ang nangyayari sa akin. Dahil maski ako ay walang ideya sa nagaganap.
Tinapunan ko ng tingin si Professor. Baka kagaya ni Pracy ay hindi rin siya maniwala sa akin at isipin niya pang baliw ako.
“There’s nothing bothering me, ma’am. Masyado lang po akong nalulungkot sa pagkamatay ng kaibigan ko.”
“Are you sure? Pwede ka namang magsabi sa akin–”
“Salamat na lang po, ma’am.” Ngumiti ako nang tipid. Tumango na lang siya at hindi na nagpumilit pa.
“All right. If you say so.”
“Pwede na po ba akong bumalik sa loob?”
Hindi ko na hinintay pa ang sunod niyang sasabihin dahil pumasok na kaagad ako sa loob ng room at bumalik sa upuan ko. Nilingon ko si Pracy na tahimik sa gilid. Malungkot kong inalis ang tingin ko sa kaniya. Simula nang naging usapan at sagutan namin kanina ay hindi niya na ako pinansin.
Hindi ko rin naman siya masisisi. Naiintindihan ko siya. Sino nga naman kasi ang maniniwala sa mga sinasabi ko? Na bigla na lang akong napupunta sa ibang lugar at nakikita ko ang hinaharap ng isang tao? Maski ako ay hindi rin maniniwala kung may magkukuwento sa akin ng gano’n dahil sa imahinasyon at panaginip lang nangyayari ‘yon. Pero iba na ngayon dahil ako na mismo ang nakakaranas.
Nang magkaroon kami ng free time ay tumayo ang class president naming si Rika papunta sa harapan at inagaw ang atensyon naming lahat.
“Pupunta ba kayong lahat sa lamay ni Alora mamayang gabi?” tanong niya.
“Oo,” they said in chorus.
Hindi na lang ako umimik. Nagkatinginan kami ni Pracy pero kaagad niya ring binawi ang tingin niya sa akin. Napayuko na lang ako.
“Kung gano’n, sabay-sabay na lang tayong pumunta mamaya, okay?” sabi pa ni Rika na tinanguan na lang ng mga kaklase ko.
Pakiramdam ko ay ngayong araw ang pinakamahaba dahil sa tagal matapos ng klase namin. Nang sa wakas ay nag-uwian na ay pare-pareho na kaming naghanda sa pag-alis.
Nasabihan ko na rin ang mga magulang ko na late ako makakauwi. Noong una ay nag-aalangan pa silang pumayag dahil natakot sila sa nangyari kay Alora pero sa huli ay wala rin silang nagawa. Alam nilang matalik kong kaibigan si Alora at gusto ko siyang masilayan kahit sa huling pagkakataon man lang.
“Guys, let’s go,” pagyayaya ni Rika.
Naglakad lang kaming lahat papunta sa bahay nila Alora dahil malapit lang naman ‘yon sa school. Nang makarating ay naabutan namin doon ang napakaraming bisita at mga kamag-anak nila Tita na tahimik na umiiyak.
“Condolence po,” anang mga kaklase ko nang salubungin kami ni Tita Rafaela, ang nanay ni Alora.
“Salamat.”
Pinagmasdan kong mabuti ang itsura niya. Maputla siya at halatang kagagaling lang sa pag-iyak dahil sa pangingitim ng ibabang bahagi ng mata niya.
“Kumain na muna kayo,” alok ni Tita na ginawa ng mga kasama ko.
Binalingan niya ako nang mapansin na hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko.
“Condolence po, Tita,” sabi ko at mahigpit na yumakap sa kaniya.
Ang pagpipigil niya ng luha kanina ay biglang bumuhos. Natahimik ang lahat at tanging ang malakas na paghagulgol lang ni Tita Rafaela ang ingay na naririnig namin ngayon. Gumanti siya ng yakap sa akin na mas mahigpit.
“Wala na ang anak ko. Wala na si Alora…” lumuluhang wika niya.
Tumulo nang sunod-sunod ang mga luhang kanina pa gustong lumabas mula sa mga mata ko. Ang sakit sa puso at nakakaawang makitang umiiyak ang isang magulang dahil nawalan ito ng anak. Labis ang sakit na nararamdaman ngayon ni Tita dahil sa sinapit ng anak niya.
Sinisisi ko nang sobra ang sarili ko. Hindi ko man masyadong naintindihan ang nakita ko pero alam kong may ibig sabihin ang pangitain na ‘yon. Alam kong may magagawa pa ako para mapigilan at maiwasan na mangyari ‘yon pero ipinagsawalang bahala ko lang.
“Huwag na po kayong umiyak, Tita,” pagpapatahan ko sa kaniya.
Pinunasan niya ang luha niya at bumitaw sa pagkakayakap sa akin para ayusin ang sarili. Nahihiya siyang humarap sa mga bisitang ngayon ay humihikbi na rin.
“Excuse me,” paalam niya at pumasok sa loob ng bahay nila.
Nilingon ko si Pracy na tahimik na sumisinghot sa tabi. Tinanguan niya ako at sinenyasan na sundan ko si Tita.
Pumasok ako sa loob ng bahay nila. Nakasalubong ko si Tito Rick sa bandang sala. Bakas sa mukha niya ang sobrang lungkot pero hindi niya iyon ipinapahalata sa iba dahil alam niyang siya lang ngayon ang mapagkukuhaan ng lakas ng loob ng asawa niya.
“Nasa taas siya.” Turo niya kung nasaan si Tita.
Nagmadali akong umakyat papunta sa kwarto nilang mag-asawa pero wala roon si Tita. Malamang ay nasa kwarto siya ngayon ng anak niya.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Alora at tama ang hula ko dahil nandoon nga siya. Nakaupo sa kama ng anak habang yakap-yakap ang litrato nito. Napatakip ako sa bibig ko upang pigilan ang sarili sa paghikbi. Nasasaktan ako sa nakikita ko.
Natigilan siya nang mapansin niya akong nakasilip sa may pinto. Umayos ako ng tayo at pumasok sa loob.
“Kumain na po ba kayo, Tita?” tanong ko nang maupo ako sa tabi niya.
Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak lalo na sa harapan niya dahil alam kong hindi siya matitigil sa paghagulgol.
“Hindi pa,” nanghihinang sagot nito. “Wala akong gana, hija.”
“Pero kailangan niyo pong kumain para magkaroon kayo ng lakas, Tita.”
“Hindi ko kayang kumain habang nakikita kong nasa loob ng kabaong na ‘yon ang anak ko,” umiiyak na namang pagtanggi niya.
Kahit mahirap ay pinilit ko pa ring ngumiti para pagaanin kahit papaano ang loob niya.
“Kung nandito po si Alora ay paniguradong hindi niya hahayaan na makitang hindi kayo kumakain,” pangungumbinsi ko sa kaniya. “Kumain na po kayo kahit kaonti. Para magkalaman lang po ang tiyan ninyo.”
Muli siyang napaiyak nang marinig ang pangalan ng anak. Maya-maya ay hinawakan niya ang kamay ko at nakangiti siyang tumango.
“Maraming salamat, hija. Tama ka. Hindi matutuwa ang anak ko kapag nakita niya ako sa ganitong lagay.”
Napapayag ko siyang kumain kaya pareho na kaming bumaba at bumalik sa labas. Nakipag-usap muna siya sa mga bagong bisita na dumating habang ako ay nakaupo lang malapit sa kabaong ni Alora.
Tumayo ako at lumapit doon. Umiiyak man ay napangiti ako nang muli kong makita si Rika. Para siyang isang anghel dahil sa maamo niyang mukha at sa puting bestidang suot niya. Masaya akong masilayan siyang muli pero ikinalulungkot ko na ang sunod naming pagkikita ay kung kailan nakahiga na siya sa kabaong.
Hindi ako makapaniwalang wala na talaga siya. Hindi ako makapaniwalang hindi ko na siya muling makikita pa. Na hindi ko na siya muling makakausap at makakasama. Wala akong ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko.
Ako ang may kasalanan…

Book Comment (39)

  • avatar
    Dandan Dela Cruz

    that was so awesome

    20/07

      0
  • avatar
    Hanna Winx

    high school life. probably the happiest times in our lives many considers their collage life to be the best,but for me high school is better

    20/07

      1
  • avatar
    Misha Yuri

    ganda ng story

    30/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters