logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5: New Friend

Rei's P.O.V.
Nandito na naman ako sa school, araw-araw same lang ang ginagawa, walang mga bagong ganap, as usual laging mag-isa... Hay nakakatamad naman ang araw na ito, nakapangalumbaba kong bulong sa sarili ko. Sa sobrang pagkabagot ay 'di ko namalayan na may kumakausap pala sa akin. Kinakalabit pala niya ako sa balikat.
"Hi!" bati ng isa kong kaklase na si Ericka.
"Pwedeng bang tumabi sa iyo Rei? Gusto ko sanang makipagkaibigan sa iyo, pwede ba? Matagal na kitang gustong kausapin kaso nag-aalangan ako kasi lagi kang mag-isang nakatutok sa mga drawing mo o kaya minsan ay nakatanaw lang sa labas ng bintana. Baka kasi 'di mo naman ako pansinin." ang sabi niya sa akin.
"Ha? Ako ba kinakausap mo Ericka?" tanong ko. "Malamang ikaw, mayroon pa bang ibang pangalan na Rei dito bukod sa iyo? Hmp!" With maldita effect look pa! "Joke, peace!!! Pwedeng makijoin sa iyo?" saad niya...
"Ah okay sige upo ka dito sa tabi ko, pasensiya kana 'di kasi ako sanay na may kumakausap sa akin. Masaya na kong ganito kaysa naman laging inaasar at baka mapaaway lang ako." nahihiyang sabi ko sa kanya.
"Ang bait mo no kasi kahit anong pang-aasar ang ginagawa nila sa iyo 'di ka man lang napipikon at nagagalit. Kaya nga matagal na kitang gustong maging kaibigan, alam kong magiging mabuting magkaibigan tayong dalawa. Simula ngayon best friend na kita, ayie! Magkaibigan na kami ni Rei!" nagtatatalon at may ngiti sa labing sabi nya.
"Ah, eh, sige! 'Di ka naman sobrang saya nyan Ericka no?" nakangiti naring sabi ko sa kanya. "Sa pagkakaalam mo may lahi kang japanese 'diba?" tanong niya sa akin.
"Ah, oo yung tatay ko Hapon." sagot ko.
"Kung ganon ano ba sa japanese ang kaibigan?" tanong niya...
"Ah ano, tomodachi, pwedeng dachi nalang..." sagot ko sa tanong niya. "Ganon ba? Okay, simula ngayon dachi nalang tawag ko sa iyo para maiba naman, unique ba, ganern, pak na pak, bet na bet pa!" Tawa niyang tinuran.
"Hahaha, ikaw talaga ang saya mo pala kausap at maging kaibigan." may ngiti sa labing sabi ko.
"Naman! Ako pa ba? Cute na funny pa, sure na 'di ka mabobored sa'kin." biro niya.
"Oo na, sige na, tama na, ikaw na, friend nalang tawag ko sa iyo, ayos ba 'yon?" tanong ko.
"Okay sure bet ko rin 'yon dachi. Halika na dachi punta na tayong cafeteria gutom na ako, dali bilisan mo at kumakalam na ang sikmura ko sa gutom." yaya niya sa akin.
Ang hyper niya grabe! Wala akong nagawa kundi magpahila sa kanya at lihim akong natutuwa dahil sa wakas may naging kaibigan ako sa school bukod kay James. Habang nasa cafeteria, habang nilalantakan ang mga inorder n'ya ay may itinanong siya sa akin...
"Dachi, 'diba malapit na JS prom natin, anong balak mo aattend kaba at may susuotin kana?" may excitement at kislap sa matang tanong niya sa akin.
"Hay naku wala! Wala akong balak umattend 'don no, 'di ako bagay 'don, mag stay nalang siguro ako sa bahay para makapagfocus sa pagpapractice para sa gaganaping poster making contest dito sa school natin." sagot ko.
"No, no, no! hindi pwede yan dachiRei. Ano kaba minsan lang 'to, dapat umattend ka, kasama mo naman ako, akong bahala sa iyo, promise mag-eenjoy ka, maraming gwapo sa school natin ano kaba makikipagsayawan tayo sa kanila... Hay dachi excited na talaga ako!!!" kinikilig-kilig pa niyang sabi.
"Ikaw nalang, ayoko nga! Tingnan mo nga hitsura ko, sinong matinong lalake ang makikipagsayaw sa akin, aber?" May halong lungkot na sagot ko sa mga sinabi niya. Bigla naman ay may nagsalita sa likuran ko.
"AKO!!!" sabi ng nasa likuran namin...
"Aba't sino kaya 'tong damuho natong nakikisali sa usapan namin." Tumalikod nga ako at nakita ko si James na nandoon, siya pala ang nagsabi noon.
"James!!! Anong sabi mo? Hmp!" Naiinis na singhal ko sa kanya.
"Sabi ko ako ang magsasayaw sa iyo sa prom. 'Diba ang gwapo ng partner mo?" Saad niyang sabay kindat.
"O ayan naman pala dachi may partner kana kaagad." ang sabi ni Ericka.
"Kahit na ayoko parin!! Capital A, Y, O, K, O, ayoko! Tigil tigilan mo nga ako James, kaya mo nasasabi iyan kasi kaibigan mo ako at naaawa ka sa akin kung sakaling walang magsayaw sa akin. Kayong dalawa tigilan niyo 'ko, nagkakaintindihan ba tayo?" irap ko sa kanilang dalawa.
"Hindi naman sa ganon Rei, gusto ko lang maranasan mo ang mga ganoong bagay para maging masaya ka." si James na may bahid na lungkot sa mukha.
"Hindi dachi gusto ka lang talaga naming makasama sa importanteng araw natin sa high school, kaya pumayag kana, please!..." malungkot na saad rin ni Ericka.
Nagi-guilty tuloy ako nung makita ko ang mga malulungkot nilang mga mukha. Napapaisip ako kung papayag ako sa kanila. Sa huli ay pumayag na rin ako.
"Okay sige na nga payag na ako." sabi ko.
"Talaga bro? Talaga dachi?" panabay nilang sabi.
"Oo na, sige na para sumaya naman kayong dalawa d'yan, ang papangit ng mga mukha ninyo kapag nakasimangot, hahaha!" biro ko sa kanila at tinakbuhan ko silang dalawa habang tatawa-tawa.
"Rei!!! Dachi!!!" sigaw nilang dalawa habang hinahabol ako.
Hanggang sa pagpasok ulit ng classroom ay nagtatawanan parin kami. Hindi naman lingid sa amin ang inis na makikita sa mga mata ng mga kaklase namin. Ayaw na ayaw nilang nakikita akong masaya. Ewan ko ba bakit ang init ng dugo nila sa akin. Siguro kung nakakamatay lang ang masasamang titig nila ay kanina pa ako nakabulagta dito. Napansin din nina Ericka at James na yumuko na lang ako dahil sa mga mapanukso nilang titig.
"DachiRei, huwag ka nang malungkot d'yan, hayaan mo nga ang mga bruhang pangit na iyan, huwag mo silang pansinin, inggit lang sila kasi mas magaganda tayo kaysa sa kanila." sabi ni Ericka sa akin.
"Oo nga naman bro, tama si Ericka, magsasawa din ang mga 'yan. Wala naman binabatbat ang mga iyan sa iyo!" pampalubag loob na sabi ni James.
"Oo tama kayo, pasensiya na kayo ha, 'di ko kasi maiwasan na 'di sila pansinin." Ang tanging tugon ko nalang sa kanila.
"Huwag ka nga humingi ng pasensiya d'yan, wala ka namang ginagawang mali. Pag ako nainis pagbubuhulin ko mga iyan eh!" inis na inis sambit ni Ericka. Nagtawanan naman ulit kami dahil sa sinabi niya.
Ang saya lang ng mga nangyari kanina. Hindi ko akalaing darating ang araw na magkakaroon pa ako ng bagong kaibigan. Hindi ko rin inaasahan na mapapapayag nila akong umattend sa darating na prom. Pinagtulungan ba naman ako, aist! Sana lang ay maging maayos ang gabing iyon. Hanggang sa pag-uwi sa bahay ay dala-dala ko ang mga ngiti sa aking labi.

Book Comment (33)

  • avatar
    Ongjoco Yulimar

    thank you din po😊

    20d

      0
  • avatar
    Reggie Cobar

    yes

    22d

      0
  • avatar
    Kayang Shiee

    50 p

    03/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters