logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2

Alex's POV
Weird.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na tinignan ang cellphone ko pero wala pa ding isang call or text galing kay Sebastian. Usually naman paggising ko ay tadtad na ako ng pang-uurat ni Sebastian.
Actually, dalawang araw na niya akong hindi ginugulo kaya naman naninibago ako. Napailing nalang ako bago nilagay sa bag ang cellphone, baka nagpapa-miss na naman ang lalaking iyon.
Sunod kong sinilid sa bag ang dog tag na binili ko para kay Sebastian. Nangako siyang sasamahan ako buong gabi dahil wala naman akong kilala sa birthday party niya pero bigla siyang nawala. Hindi ko tuloy naabot ang regalo ko sa kanya noong friday.
“Weird.” Bulong ko sa sarili ko dahil kakaiba ang ambiance ng office ngayon. Parang ang gloomy. Ginala ko ang tingin ko sa kisame para tignan kung mayroong mga sirang ilaw at ma-report sa engineering department.
“Totoo ba ‘yung balita?” Tanong ng babaeng kasabayan ko maglakad. “Paano na tayo? Isasara na ba ang branch dito?”
“Wala pa namang sinasabi kaya huwag kayong kabahan.” Sagot ng kasama nitong lalaki. Napataas ang kilay ko dahil sa pinag-uusapan nila. Anong branch ang isasara? Sa pagkakaalam ko hindi pa naman nalulugi ang company namin, mayroon pa ngang international expansion.
“Sshhh.” Sabi naman ng isa. “Ang ingay niyo talaga. Nandyan si Alex oh.”
Nilingon ko sila nang marinig ko ang pangalan ko. “Anong mayroon?” Tanong ko pero sunod sunod naman silang umiling. Pilit silang ngumiti sa akin at nagpanggap na naghihintay ng elevator.
Pagbukas ng elevator ay bumungad sa akin si Sir Theo, ang best friend ni Sebastian at VP of finance. Ngumiti ako sa kanya pero wala siyang naging sagot sa akin.
Weird.
Sa tuwing nagkikita kami ay palagi niya akong kinukulit tulad ni Sebastian. Minsan ako na nga ang sumusuko sa kakulitan nilang dalawa kapag nakatambay sa table ko.
Sumakay ako ng elevator pero nagpaiwan ‘yung mga nag-chismisan kanina. “Hindi pa kayo sasakay?” Tanong ko at iling lang ang naging sagot nila.
“Sa susunod nalang kami Ms. Alex.” Sabi noong lalaki at kumaway sa akin.
Pagkasara ng elevator ay agad kong sinilip si Sir Theo pero diretso lang ang tingin niya. Mukha nang hindi ako nag-exist sa mundo niya. Sumandal na lang ako sa likod, naninibago pa din ako sa pakikitungo niya sa akin.
Nang dumating kami sa floor nila, agad siyang lumabas at iniwan ako. Walang paalam. Hindi kaya bagong gimik na naman nila ito ni Sebastian? Hilig pa naman akong pag-tripan.
Pagdating naman ng elvator sa floor namin ay lalong kumunot ang noo ko nang makita si Sir Manuel na nag-aabang sa table ko. Tumingon ako sa relo ko para malaman kung late na ba ako, nakahinga ako nang maluwag ng makita kong may 5 minutes pa ako.
“Good morning sir.”
“Alexandra, follow me.” Tanging sabi niya at pumasok na sa office. Iniwan ko lang ang bag ko sa table at sumunod sa kanya. Mukhang wala sa mood si Sir Manuel ngayon, napakadilim ng aura.
“Hindi na ao magpapaligoy-ligoy pa.” Sabi ni Sir Manuel nang umupo siya sa swivel chair. “Aalis ako at si Carmela ngayong tanghali papuntang America.”
Tumango naman ako. “Ilang araw po?” Tanong ko at nilabas ang planner ko. Mukhang madami dami akong meeting na i-reschedule.
“Indefinitely.”
Natigilan ako sa pagbabasa at napaangat ang tingin ko sa kanya. “Indefinitely po?” Pag-uulit ko. Mamaya mali pa ako ng nadinig.
“Ako ang personal na mag-handle ng international expansion ng Oasis. While I am gone Mr. Javier will act as the CEO, also he will handle Oasis Manila and the other branches outside the Metro.” Sabi niya at wala akong nagawa kung hindi tumango. Inabot niya sa akin ang isang papel na may lamang number. “That’s Paula’s number, my secretary in the US.”
“Tinatanggal niyo na po ako sa trabaho?”
Ngumiti siya sa akin. “No, you’re still my secretary here in the Philippines. I want you to update me every day about the progress of Oasis under the supervision of Mr. Javier.” Sagot niya at tumango lang ulit ang naging sagot ko.
Dapat masaya ako ngayon dahil mayroon pa din akong trabaho kahit lilipat si Sir Manuel sa US at may bago na siyang secretary doon. Bakit hindi ko magawa? Parang may kulang.
Sunod niyang inabot ang folders sa akin. “Pinirmahan ko na ang mga budget proposal ng mga department heads for next year. Ikaw na lang ang bahalang magbalik sa kanila.” Utos niya at tumayo na sa pwesto niya.
“Isa ka sa pinagkakatiwalaan ko sa kompanya kaya sana huwag mong sirain.” Sabi nito at niyakap ako bago naglakad papuntang pintuan. Hindi pa din nag-sink in sa utak ko ang mga sinasabi niya. “Bye, Alex.”
Nakatingin lang ako sa pintuang nagsarado, ang dami kong gustong itanong sa kanya pero wala akong lakas ng loob. Nasaan si Sebastian? Kaya ba hindi siya nagpaparamdam sa akin dahil kasama siya sa pag-alis ng pamilya niya?
Hinigpitan ko ang pagyakap sa folder at planner ko bago hinabol si Sir Manuel. Kung hindi ko lalakasan ang loob ko, maiiwan akong madaming katanungan. Mamaya masiraan pa ako ng bait sa kakaisip.
“Sir Manuel.” Tawag ko habang hinihintay niyang makaakyat ang elevator. “Kasama niyo po ba si Seb… este Sir Sebastian sa pag-alis niyo?”
“Nauna na si Sebastian noong sabado ng umaga.” Iyon lang ang sinabi niya bago muling nagpaalam sa akin at sumakay ng elevator.
Napabuga nalang akong hangin habang naglalakad pabalik ng table ko. Hindi ako makapaniwalang umalis siya ng walang paalam. Bale wala sa kanya ang dalawang taong pinagsamahan namin.
“Ang galing. Napakagaling.” Hindi ko napigilan sabihin habang pabagsak na umupo. Bubusugin ka sa matatamis na salita, kikiligin ka at aasa pero iiwan ka rin pala sa huli. Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak. Ngayong araw lang ako iiyak, pagkatapos nito kakalimutan ko na si Sebastian at magpapatuloy ako sa buhay.
“Bakit naman siya magpapaalam sa iyo kung wala naman kayong label?” Tanong ko sa sarili ko. Kinuha ko ang dog tag na regalo ko sa kanya, binasa ko ang nakaukit na salita doon. “Boyfriend.”
Siguro ito ang rason kung bakit naiwan ko ang regalo ko noong party niya. Minsan gumagawa ang tadhana ng paraan para magkita at magkakilala ang dalawang tinadhana. Nakalimutan kong pinaghihiwalay rin nito ang mga taong hindi para sa isa’t isa.

Book Comment (99)

  • avatar
    AnnalexSandoval

    nag papa pansin si sir Sebastian at hindi na maoa fucos sa work si alex hayss kalimutan mona kasii

    22d

      0
  • avatar
    Cindy Araneta

    nakaka longkot

    06/08

      0
  • avatar
    Jhan Carlo

    thanks

    21/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters