logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 1

Alex's POV
“Badtrip.” Bulong ko bago lumuhod sa sahig upang pulutin ang mga nagkalat kong ballpen. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, hindi ako mapakali, pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda ngayong araw.
Paggising ko pa lang lakas na ng tibok ng puso ko. Na-late pa ako sa trabaho dahil nabangga pa ang sinasakyan kong UV express. Pagdating ko naman ng office, napagalitan pa ako ni Sir Manuel dahil hindi ko pa na-disseminate ang memo niya sa mga department heads. Ngayon naman, hindi ko makita ang ibang files sa table ko at natabig ko pa ang pencil holder ko kaya naman naglalamay ako ngayon sa sahig.
Sinusundan yata ako ng malas.
“Alexandra, smile.” Muling bulong ko sa sarili ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago ngumiti. Naniniwala akong susunod ang swerte kung patuloy ka lang sa pagiging positive. “Think positive. Think positive.”
Mabilis akong bumalik sa upuan ko nang marinig kong tumunog ang elevator. Mukhang nakabalik na si Sir Manuel sa meeting niya. “Good mor--.” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang magtama ang mata namin ng lalaking papalabas ng elevator.
Pinilit kong ngumiti kahit na sa isip ko ay gustong gusto ko siyang sasakin ng hawak kong ballpen. Siya ang papalit kay Sir Manuel at kung ayaw kong mawala ng trabaho dapat akong maging mabait sa kanya. “Good morning Sir Sebastian.”
Tumayo ako sa pwesto ko at yumuko sa kanya para magbigay galang. “Bakit ba siya nandito ng ganito kaaga? Ngayon na ba ang first day niya? Wala pa namang nababanggit si Sir Manuel.” Sunod sunod na tanong ng utak ko.
“Good morning din.” Sagot niya pero nakayuko pa din ako. Hihintayin ko nalang na umalis siya bago ko iangat ang mukha ko. Feeling ko madadagdagan ang kamalasan ko ngayong araw kapag nakita ko ang pagmumukha niya. “Bakit nakayuko ka pa din? Mamaya magka-stiff neck ka dyan.”
“Ha. Haha. Hahambalusin kaya kita?” Pilit kong tawa sa sinabi niya habang binulong sa sarili ko ang huling pangungusap.
“May sinasabi ka?” Tanong niya sa akin.
“Sabi ko po salamat sa concern.” Sagot ko habang nakangiti pa din sa kanya. Kung makapag-alala, akala mo hindi nag-iwan at nagpaasa. “Nasa meeting pa po si Sir Manuel. Kung gusto niyo po sa loob na lang kayo ng office maghintay.”
Umalis ako sa pwesto ko para buksan ang office ni Sir Manuel. “Ayaw mo ba akong makita?” Bukod sa tanong niya ay naamoy ko ang pabango niya na nagpatigil sa akin. Tom Ford Oud Wood, ang paborito kong pabango niya.
“Obvious ba?” Bulong ng isip ko na nagpabalik sa huwisyo ko. Pasimple kong kinurot ang sarili ko para “Wala po akong sinasabing ganyan Sir Sebastian.”
“Really?” Tanong niya at doon ko lang napansin ang distansya naming dalawa. Napalunok nalang ako nang makitang isang dangkal na lang ang pagitan namin, ngayon alam ko na kung bakit naamoy ko ang pabango niya.
Mabilis kong hinakbang ang paa ko paatras para makalayo sa kanya. Naramdaman ko nalang na tumama ang likuran ko sa pinto ng office ni Sir Manuel. “Do you miss me?” Sunod niyang tanong sa akin habang tinatawid ang pagitan namin.
Agad na hinanap ng kamay ko ang door knob at binuksan ang office. “Na-miss naman po kayo ng lahat ng empleyado dito lalo na ‘yung mga kababaihan.” Sagot ko bago tuluyang lumayo sa kanya.
“Mukhang napaaga ‘ata ako sa meeting.” Sabi ni Sebastian na nakaupo sa sofa at nakatingin sa mamahalin niyang relo na parang wala siyang ginawang kalokohan kanina. Patago akong ngumisi, diyan naman siya magaling. Magpanggap na para bang walang nangyari. “Is there something wrong?”
“P-po?”
“Nakakunot kasi ang noo mo.”
Umiling naman ako. “Mukhang matatagalan si Sir Manuel sa nauna niyang meeting. Ano pong gusto mong inumin habang naghihintay?” Tanong ko sa kanya. Kailangan ko na makaalis dito, nararamdaman kong mayroong hindi magandang mangyayari kapag nagtagal pa akong kasama siya.
“Coffee, please.”
Tumango lang ako at diretsong lumabas ng office. Agad kong inabot ang pouch ko sa isang cabinet at sumakay ng elevator. Oo, bibili ako pero sa malayong coffeeshop.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆
“Lastly, kung gusto mong tumagal sa trabaho, iwasan mo ang lalaking anak ni Sir Manuel.” Paalala ni Ms. Dianne bago umalis. Siya ang huling secretary ni Sir Manuel at nag-train sa akin bilang kapalit niya. “Naiintindihan mo ba ako?”
Sa dalawang linggo ng pag-trabaho ko dito ay madami na akong naririnig na kwento tungkol sa lalaking anak ni Sir Manuel. Gwapo pero babaero, ang description na palagi kong naririnig sa mga tao. Lapitin ng gulo kaya palaging sakit ng ulo ng magulang niya.
Wala naman akong masabi dahil hindi ko pa nakikita ang anak na sinasabi nila. Si Ms. Cassandra, ang panganay na anak lang ang palagi kong nakikita. Mas mabuti na iyon, malayo sa gulo.
Agad na nabaling ang tingin ko sa elevator nang marinig kong bumukas iyon. Halos malaglag ang panga ko nang makita ang lalaking kakalabas palang ng elevator. Nakasuot siya ng black pants at muscle tee kaya naman litaw na litaw ang muscles nito at tattoo sa magkabilang braso.
Naliligaw ba ito?
Karamihan ng umaakyat sa floor na ito ay naka-corporate attire. Kahit si Ms. Cassandra, anak ng may-ari, sumusunod sa dress code. Paano naman kaya siya nakalusot sa mga guard?
“Good morning sir. How can I help you?”
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, ilang beses niya iyong ginawa na para bang kinakabisado ang itsura ko. Hindi ko mapigilang magtaas ng kilay sa ginagawa niya. “Where’s Dianne?” Tanong niya dahilan para magsalubong ang tingin namin.
“Re-resign na po.” Sabi ko habang hindi naalis ang tingin sa mata niya. Gusto ko mang iiwas ang tingin ko pero para akong nahi-hypnotize nito.
“Oh. I see.” Sabi niya at ngumiti sa akin. Nilahad niya ang kamay sa akin upang magpakilala. “By the way, I’m Sebastian Jacob Aragon and you are?”
Aragon?
Biglang bumalik sa akin ang paalala ni Ms. Dianne. “Lastly, kung gusto mong tumagal sa trabaho, iwasan mo ang lalaking anak ni Sir Manuel.” Siya na ba ang anak na lalaki ni Sir Manuel?
“Alexandra Ignacio. Ako po ang pumalit kay Ms. Dianne as secretary ni Sir Manuel.” Sagot ko at tinanggap ang pakikipagkamay niya. Nanlaki ang mata ko nang halikan niya ang kamay ko. Tama nga sila, gulo ang hatid ng lalaking ito. Agad kong hinila ang kamay ko at umatras, ayokong mawalan ng trabaho.
Bahagya siyang natawa sa kinilos ko habang umakto naman akong walang epekto ang ginawa sa akin. “Nasa meeting pa po si Sir Manuel. Bubuksan ko nalang ang office niya para doon mo siya hintayin.” Sabi ko pero umupo siya sa table ko.
“No need.” Sabi niya habang pinaglalaruan ang mga ballpen ko sa table. “Wala naman akong gagawin doon.”
“Wala din naman po kayong gagawin dito sir.” Sagot ko habang nagtitimping huwag siyang tarayan. Anak pa din siya ng boss ko at kailangan kong respetuhin. “Mas maganda po sa loob mas ma-relax kayo habang naghihintay.”
“Mas interesado akong makilala ka.”
Humugot ako ng malalim na hininga upang pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko akalaing ganito kakulitan ang bunsong anak ni Sir Manuel. “I don’t want to be rude Mr. Aragon but I don’t have time para makipagkwentuhan sa iyo. Madami pa akong tatapusing trabaho.” Sagot ko bago bumalik sa pwesto ko.
Sinimulan kong ayusin ang schedule ni Sir Manuel para sa susunod na linggo. “How old are you?” Tanong nito habang iniisa isa ang mga gamit ko sa table.
Pinili kong hindi siya sagutin kaya naman tinuloy tuloy niya ang pagtatanong. “How old are you? Where do you live? Are you free tonight?” Napakagat ako ng labi, mukhang wala siyang balak na tantanan ako.
Humigpit ang hawak ko sa ballpen habang nagpipigil na sigawan siya. Gusto ko lang namann ng katahimikan. Gusto kong umalis sa harapan ko at malayo sa gulong hatid niya.
“Saan ka nag-aaral? May boyf---.” Hindi na niya natapos ang tanong niya dahil padabog kong nilapag sa tabi niya ang curriculum vitae ko. Tinuro ko ang waiting area kung nasaan may sofa.
“Basahin mo at manahimik ka sa gilid.”
Ngiti lang ang naging sagot niya at umupo sa sofa na katapat ko. Napahilot nalang ako ng sentido, mukhang tama ang bulong bulungan ng mga tao. Sakit lang ng ulo ang dala ng lalaking ito.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆
“Himala, bumisita ka dito.” Bungad ni Sierra, ang company nurse, nang dumating akong clinic. “Hindi ka ba busy sa taas?”
Umiling ako. “Pwede ba akong mag-stay dito?” Tanong ko.
Binuksan niya ang isang cubicle. “Girl, okay ka lang ba? May nararamdaman ka ba? Ang putla mo ngayon.” Sabi niya habang inaalalayan ako sa isang kama.
“Okay lang ako.” Pagsisinungaling ko. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit sinusundan ako ng malas, bumalik na si Sebastian sa buhay ko. “Makikitulog lang ako sandali.”
May gusto pa sanang sabihin si Sierra pero tinikom nalang niya ang bibig niya at iniwan akong mag-isa sa cubicle. Oo, best friend ko siya pero hindi pa ako handang ikwento ang nararamdaman ko.
Sa loob ng tatlong taon, palagi kong sinasabi sa kanyang nakamove-on na ako. Wala akong pakialam kung bumalik man si Sebastian dahil kinalimutan ko na siya at ang nararamdaman ko.
Pinapaniwala ko lang ba ang sarili ko sa kasinungalingang iyon?
Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman ang tunog nito, bumibilis na naman ang tibok ng puso ko at isang tao lang ang ganitong epekto sa akin.
Sebastian.
“Alexandra, focus!” Sabi ko sa sarili ko. “Nandito ka para magtrabaho. Natuto ka na sa nangyari noon, hindi ka na magpapaloko ngayon. Galit, iyon lang ang nararamdaman mo sa kanya.”

Book Comment (99)

  • avatar
    AnnalexSandoval

    nag papa pansin si sir Sebastian at hindi na maoa fucos sa work si alex hayss kalimutan mona kasii

    23d

      0
  • avatar
    Cindy Araneta

    nakaka longkot

    06/08

      0
  • avatar
    Jhan Carlo

    thanks

    21/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters