logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 5

Talasalitaan:
Libangan- Hobby
Buryo- Bored
Naglalakad si Almira sa gitna ng kagubatan, ito ay ang kagubatan ay nasa ilalim ng teritoryo ng mga Paygo, kapag wala siyang ginagawa ay tatakas siya mula kay Aro at mga katulong para magpalipas ng oras dito.

Nang makarating siya sa harap ng isang puno ng mangga ay doon siya umupo, sumandal siya at ipinikit ang kanyang mata, ngunit lumipas lang ang limang minuto ay binuksan niya ulit ang kanyang mata.
"Sinong nandiyan?" tanong niya at tumayo mula sa kanyang pagkakaupo, hindi maganda ang pakiramdam ni Almira sa presensyang nararamdaman niya.
Delikado, iyan ang tamang salita upang ilarawan ang presensya, naglakad siya palayo sa puno ng mangga, dahil kapag nanatili siya doon at umatake ang kalaban, hindi niya magagawang bumwelo.
Naglakad siya ng mga limang metro at may nakita siyang sanga ng puno, hugis patusok ito at kasing haba ng mga braso niya, pinulot niya iyon at humarap sa presensyang sumusunod sakanya.
Ang matalim nitong mata ay nakatingin sakanya, iyon ang anyong leon na doble ang laki ngunit ang buntot nito ay may mga tinik habang ang mga kuko nito ay nakalabas na parang handa ng ikalmot sakanya.
Tama, ang kaharap niya ay isang halimaw ng gubat, ito ay kagaya ng nilalabanan ng kanyang kapatid na si Sulong sa bayan at lungsod.
Nakipagtitigan siya dito, ganoon pa man ay hindi nakaramdam ng takot si Almira. Kung unang beses ay maari, ngunit dalawang taon na ang lumipas ng una niyang madiskubre ang mga halimaw at nagsimulang nakikipaglaro sa mga ito. Sa totoo lang, noong unang beses siyang makaharap ng halimaw ay nagulat lang siya sa itsura ng mga ito ngunit hindi masasabing natakot.
SSSHSSHS!
Imbis na angil ng leon, tunog at dila ng ahas ang lumabas sa bibig nito bago siya atakihin, iniwasan niya ang pagkalmot nito at tumakbo. Agad siya nitong hinabol, ang ganitong halimaw ay mas mabilis pa sa musang kaya't alam niyang walang silbi ang pagtakbo, hinawakan niya ang kanyang palda, inipit sa braso niya ang sanga at nagsimulang umakyat ng puno.
Ngunit hindi pa siya nakakakalahati ng pag-akyat ay naramdaman niyang may pumulupot sa binti niya kaya't napatigil siya, ito ang buntot ng halimaw, naramdaman niyang bumaon ito sa binti niya kaya't napangiwi siya.
Naramdaman niya din na hinihinila siya papalapit ng halimaw pababa, napangisi naman siya, ito na ang pagkakataon niya, inipon niya ang pwersa mula sa taas- SHHH!
Nabitawan siya ng halimaw dahil sa pagpukpuk niya sa ulo nito, nalaglag siya sa lapag, tumayo siya ngunit hindi iyon nagtagal at naka-ipit na siya sa mga kuko nito sa paa.
SSSSHHSS!
Sitsit ng halimaw sa mismong mukha niya at saka siya tinitigan sa mata ngunit ni katiting na takot ay wala siyang maramdaman, sabagay ikaw ba naman na minsang mamatay at muling mabuhay sa ibang katawan, may ikakatakot ka pa ba?
Itinaas ng halimaw ang kabilang paa upang atakihin si Almira ngunit iyon ay bumagsak bago pa tumama kay Almira, naramdaman ni Almira ang dumadaloy na dugo nito sa braso niya, kasabay ng pagluwag ng pagkaka-ipit niya sa kuko nito.
Tinignan niya ang saksak nito sa leeg, sanga na kasing laki lang ng palad niya, napulot niya iyon kanina. Napangisi si Almira, tinulak niya ang paa ng halimaw at tumayo sa tabi ng naghihingalong hayop. Tinignan niya ito.
Nang makita siya nitong nakatitig ay binigyan siya nito ng nalilisik na mata hanggang mawalan ng hininga, ngumisi siya at naglakad siya palayo dito, uuwi na siya, tutal nakapaglaro naman na siya.
Ganito ang ginagawa ni Almira sa loob ng dalawang taon para ilabas lahat ng mga nararamdaman niya. Ang dami niyang tanong na hindi mabigyan ng kasagutan, gusto niya malinawan ngunit walang magpapaliwang sakanya ng nangyari talaga. Isa pa nahihirapan siyang masanay sa buhay niya sa Laso kahit apat na taon na siyang nandito.
Matulog, kumain, panoorin ang mga kapatid niya na magensayo at makipaglaro na parang bata, magliwaliw. Iyan ang ginawa niya ng una siyang magising... napakalayo ng mga gawain niya sa dating buhay na magtrabaho at pumatay araw araw.
Buryong buryo siya hanggang sa natuklasan niya nga ang pagkakaroon ng halimaw ng lugar na ito. Noong una ay nahirapan siyang makipaglaban dahil sa laki ng mga ito ngunit pakiramdam niya ay nabuhayan siya ng dugo.
Nagsimula siyang mangaso ng halimaw at ginamit sila para mailabas ang sama niya ng loob o kaya pakiramdam niya ng pagkabigo, at masasabi ngang gumagaan ang pakiramdam niya pagkatapos.
Bukod doon ay naramdaman niya ang pagtalas ng isip. Hindi si Almira ang mahilig mag-plano dahil gawain iyon ng mga kagrupo niya. Ngunit kung pisikal na laban lang at hindi gagamitan ng utak ay matatalo talga siya, idagdag mo pa na wala siyang ensayo noong mga panahon na iyon, kaya't wala siyang ibang pagpipilian kung hindi gamitin ang utak para matalo ang mga ito. Pero sa ngayon, halos libangan niya na lang ito.
Tumigil siya sa paglalakad at tinignan ang braso at kamay niya pagkatapos ay napangiwi, wala na talgang araw na hindi siya nadumihan, saan nanaman kaya ako maghuhugas nitong dugo?
**********
Nakatulala si Migo sa kung saan ang katawan ng walang buhay na nilalang, para lang itong natutulog ngunit pag nakita mo ang nagkalat nitong dugo ay aakalain mong halimaw na kasing lakas niya din ang kumalaban sakanya.
Tiningnan niya nag direksyon kung saan nagtungo si Almira, hindi niya lubos maisip kung paanong ang ganoong kaliit na katawan ay nagawang makapatay ng isang halimaw.
Ilang taon ba si Almira? Pito, hindi ba? Paanong... paano niya iyon nagawa? Nakita niya lahat ng pangyayari...at hindi niya alam kung dapat niya ba itong sabihin kay Sado.
Pero sa lahat ng nasaksihan niya, isang bagay ang pinaka tumatak kay Migo, nung oras na tinitigan ni Almira ang halimaw habang naghihingalo, ang mata nito ay parang sa kanyang guro, ngunit siguro ay guni-guni niya lang iyon. Anak siya ni Sado at parehas sila ng kulay ng mata ngunit sigurado siya na si Sado lang ang may ganoong klase ng mata.
Naglakad siya paalis sa lugar na iyon, ngunit muling lumingon kung saan ang katawan ng halimaw, naalala niya ang mga ngiti nito at kinilabutan siya ngunit sa parehas na paraan ay nakakahanga, sobrang inosente ng ngiting iyon ngunit... sa sobrang inosente ay nakakatakot.
Naka-ngiting tinatanaw ni Sado ang kanyang mga anak na nag lalaro ng habulan sa kanilang bakuran.
Isang linggo na ang lumipas nang makauwi si Sulong at Sado mula sa pakikipaglaban sa halimaw sa bayan. Isang linggo na din ang lumipas simula ng masaksihan ni Migo ang nakita at hindi niya padin ito sinasabi kay Sado.
Ang ina din ni Almira na si Mariya at ina ni Sulong at Rule na si Teresa ay nakauwi na mula sakanilang paglalakbay, ngayon ay nagluluto ang dalawa sa kusina ng hapunan, kasama ang mga katulong.
"May gusto ka bang sabihin, Migo?" tanong ni Sado sakanya ngunit nakatingin padin sakanyang mga anak na ngayon ay kumuha ng kahoy na espada at naglalaro ng pakikipaglaban.
"Guro..." alanganin niyang sabi, tinignan siya ni Sado.
"Kilala kita, Migo, parang anak na din kita, alam kong may mali sayo, may gusto kang sabihin nung nakaraan pa, ayaw kitang piliting sabihin ngunit pakiramdam ko ay may kinalaman iyan kay Almira," wika ni Sado sakanya at ibinalik ang tingin kina Sulong, tinuturuan ni Sulong ang dalawa kung paano gumamit ng espada. Napaisip si Migo at huminga ng malalim.
"Guro, bihira po ang kulay ng mata niyo, hindi ba? Bukod sainyong dalawa ni Binibining Almira, wala na pong naitalang kulay kapeng mata, hindi po ba?" tumango si Sado sa tanong ng estudyante.
Oo, totoo iyon, ang kulay kapeng mata ay bihira. Si Migo ay may kulay berdeng mata at pula ang buhok na may halong itim. Si Sulong at si Rule, ay parehas na kulay abo ang mata, kagaya ng kanilang ina ngunit itim ang buhok kagaya ng kanilang ama. Si Mariya ay kulay lila na mata at asul na may hibla ng itim ang buhok. Si Teresa sa kabilang banda ay abo ang mata at berde ang buhok. Ngunit ang pangkaraniwan talaga na kulay ng mata ay dilaw habang ang sa buhok ay itim. Ganoon ang kulay ng kay Aro at karamihan ng mamayan ng dalawang bansa.
"Oo, may problema ba kay Almira?" tanong ni Sado sakanya. Umiling si Migo at tinignan si Almira na mabilis nakopya ang mga galaw ni Sulong.
"Hindi po sa ganon, ngunit, ang sikreto po ng inyong mata..."
"Wag mong sabihin na nakita mo ‘yon kay Almira?"
"Guro, hindi po ako sigurado, sa tingin ko ay guni guni ko lang po iyon wag niyo iyon bigyan ng pansin," sabi ni Migo dahil dinig niya ang pag-aalala sa boses ng guro, nakahinga naman ng maluwag si Sado.
Sabay nilang muling binaling ang atensyon sa magkakapatid. Tumigil na si Almira sa pakikipaglaro sa mga kaptid niya, mukhang papalapit ito sa kanila.
**********
"Kuya Sulong, kuya Rule, sandali, iinom muna ako ng tubig," sabi ni Almira at tumigil sa pag hampas ng hawak niyang kahoy na espada. Tinanguan siya ni Rule at Sulong kaya't tumalikod siya at mabagal na naglakad.
Pagkatalikod na pagkatalikod ni Almira ay nagkatinginan si Sulong at Rule at ngumisi, mahal nila si Almira, oo, pero lalaki sila na pinalaki sa kultura na mas mababa ang babae kaya't minsan ay nakakahanap sila ng kasiyahan kapag pinagkakaisahan nila si Almira.
SHHHS!
(Itutuloy...)

Book Comment (94)

  • avatar
    GuterrezJeck

    wow

    18d

      0
  • avatar
    Jake Obina

    ganda ng istory

    28d

      0
  • avatar
    Tino Tenorio

    give me

    26/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters