logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 3

Talasalitaan:
Niyebe- Snow
Bunggalo- One floor house
Daungan- Pier
Baluti- Armor
Mangangalakal- Merchant/Businessman
Palatuntunan- Rules
Kabalyero- Knight
Katuwang- Concubine
Hindi matangal ang ngiti ni Almira habang naglalakd siya pauwi ng bahay, paano ba naman kasi, napili ang ipinasa niyang painting para sa isang poster making contest at siya ang ipapadala sa ibang bansa para lumaban.
Hindi niya sinabi sa magulang niya na sasali siya dahil ayaw niyang ma-disappoint ang mga ito, pero sino bang mag aakala na mananalo siya?
Nakarating si Almira sa gate ng kanilang bahay, bubuksan niya sana ito ngunit nakabukas na, pinagkibit balikat niya na lang at pumasok.
Nagderederetso siya sa loob ng bahay ngunit nakabukas ang pinto, napatigil siya, parang may mali. Binuksan niya ang pinto at nabitawan ang hawak niyang papel, tumakbo agad siya upang hanapin ang magulang.
Ang buong bahay nila ay parang dinaanan ng bagyo, nakakalat ang mga gamit, may mga basag na salamin, tumakbo siya ng tumakbo hanggang makarating siya sa salas, naglakad siya papalapit sa mga ito, nanghina ang mga tuhod niya at napaluhod.
"Nanay... General…" utal utal niyang sabi, ang katawan ng nanay niya, naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay, sa tabi nito ay ang katawan ni General.
"Mi...ra," tawag nito sakanya, hinawakan niya ang kamay ng heneral.
"General, anong nangyari? Bakit ganito?" tanong niya at nagsimula ng tumulo ang luha.
"Shh, anak, tinawagan ko na si Lieutenant Madrid, padating na sila, sumama ka sakanila, huh?" umuubong sabi ng heneral, umiling si Almira.
"General, hindi pwede, ilang taon palang tayo magkasama, sabi niyo ni nanay iintayin niyo pa akong makasal 'diba?"
"Shhh, wag ka ng umiyak, sabi saakin ng nanay mo, sabihin ko sayo na magpasalamat dahil naranasan niya daw maging ina dahil sayo at humingi ng sorry dahil mukhang aalis na daw kaming dalawa," nakangiting sabi ng heneral sakanya, umiling si Almira.
"No, tatay, ako dapat yung nagpapasalamat at bawiin mo iyon, hindi ka pa naman aalis, ‘diba?"
"Tinawag mo nadin akong tatay, ang sarap sa pakiramdam," tawa ng heneral.
"Alam mo anak, kung magkakaroon kami ng susunod na buhay ng nanay mo, sana maging tunay ka na naming anak," sabi ng heneral na lalong nagpaluha kay Almira, naramdaman niya ang pagbitaw ng kanyang tatay sa kamay niya.
"General! Tatay! No!" sabi niya at lalong umiyak at niyakap ang katawan ng heneral.
"Ano ba yan, ang drama," napalingon si Almira sa boses ng lalaking nagsalita may hawak itong baril at nakangisi sakanya kaya napatigil siya sa pagiyak.
"Sino ka?"
"Ahh, ako? Ako yung tatapos sayo, pinaiwan ako ni boss para siguraduhing walang makakaligtas sa pamilya ng Fuego" sabi ng lalaki at lumapit sakanya. Natulala si Almira, isa lang ang tumatakbo sa isip niya, hindi iyon takot, kung hindi 'may nagpapatay kina nanay.
"Ano ba ‘yan! Mahal na prinsesa, bakit hindi ka makagalaw? Wag kang mag alala, hindi kita sasaktan."
Hinwakan siya sa kwelyo ng lalaki, napatayo siya at umangat mula sa lapag.
"Saka makikita mo nadin ang mga magulang mo, wag kang malungkot," sabi ng lalaki at itinutok ang baril sa ulo niya, pero sa totoo lang walang marinig si Almira.
"...kayo?" ipuputok na sana ng lalaki ang baril ngunit nagsalita si Almira.
"Ha? May tinanong ka ba?"
"Anong grupo kayo?" mas malinaw na tanong ni Almira, ngumisi ang lalaki.
"Mamatay ka na kaya hindi mo na kailangan pang malaman iyon."
BANG!
"Shit!" mura ng lalaki, paano ba naman, sinipa siya ni Almira at nakawala sa pagkakahawak niya, tinamaan lang ang balikat nito. Tinignan niya si Almira na ngayon ay tumatakbo.
BANG!
BANG!
BANG!
Nairita ang lalaki dahil hindi niya ito tinamaan, hinabol niya ito, ngunit bago pa siya makalabas ng salas ay sinalubong na siya agad ng nakatalikod na si Almira, ngumisi siya.
"Bakit prinsesa? Naintindihan mo na ba na hindi ka makakatakas?" tanong niya at hinawakan sa balikat si Almira.
SHING!
"AHHH!" sigaw ng lalaki dahil biglang naputol ang kamay niya at sumirit ang dugo doon.
"Sino bang may sabing tumatakas ako?" tanong ni Almira sakanya.
Napaatras ang lalaki, may hawak si Almira na espada, nakuha niya iyon sa mga nakadisplay na armas sa pader ng salas.
Iwinasiwas ulit ni Almira ang espadang hawak niya.
"AHHH!" sigaw ulit ng lalaki dahil naputol ang kanyang kaliwang binti at napaupo siya.
Tinignan niya si Almira, may bahid ng talsik ng dugo at natuyong luha ang pisngi nito. Natuod ang lalaki, paanong nakakaawa itong tignan at sa parehas na pagkakataon ay nakakatakot?
"Arrghh!" daing ng lalaki dahil itinusok ni Almira ang espada niya sa tiyan nito.
"Ngayon, alam mo kung anong makakabuti sayo... sasagutin mo ako, kung ayaw mong magtagal pa ang paghihirap mo," sabi ni Almira at inikot ang espada habang nakasaksak sa lalaki, tumango ang lalaki kahit hirap na hirap na.
"Sino kayo?"
"Kami ang grupong Alyansa."
SWISH!
Dahil narinig ni Almira ang gusto mula sa lalaki, hindi na siya nagdalwang isip na ihiwalay ang ulo nito mula sa katawan, sapat na ang pangalan ng grupo para masingil niya ang pumatay sa magulang.
Tumayo siya at sinalubong ang tingin ng taong kanina pa nanonood sa kanila, Lieutenant Madrid at ang iba nitong kasamahan. Naglakad siya papalapit, napaatras naman ang mga ito at hinanda ang mga baril nila.
"Lieutenant, take me in, sisiguraduhin kong uubusin ko ang grupo ng Alyansa," sabi ni Almira, napatango ang lieutenant, nilagpsan siya ni Almira at saka lamang siya nakahinga, pakiramdam niya ay nakasalubong niya si kamatayan.
Tinanggap ni Lieutenant Madrid si Almira, sa bilin nadin ni Heneral Fuego, na sundin ang gusto nitong gawin sa buhay, nagkaroon ulit ito ng kaunting pagsasanay, ngunit agad na isinabak sa pagiging assassin, lumipas ang ilang taon at naubos ni Almira ang grupo ang Alyansa.
Nagawa nitong ngumiti ulit ngunit hindi na umaabot ang ngiti nito sa mata at tenga, kapag umaabot man, takot na ang mararamdaman mo dahil simula ng araw na namatay ang magulang niya, wala itong inatupag kung hindi ang trabaho.
Ang pagubos sa mga taong pumapatay ng inosente at mga taong pumipigil sa paglaganap ng katotohanan, ang pagpatay sa kanila ang nagpapagaan sa loob niya. Oo, walang hustisya, hindi tama ang paraan, pero sa simula pa lang naman na may mali kang ginawa sa iba at sinubukan mong pagtakpan, hindi na iyon makatarungan

Book Comment (94)

  • avatar
    GuterrezJeck

    wow

    18d

      0
  • avatar
    Jake Obina

    ganda ng istory

    29d

      0
  • avatar
    Tino Tenorio

    give me

    26/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters