logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 2

Talasalitaan:
Alpombra- Carpet
Marangya- Wealthy
Binuksan ni Almira ang mga mata, isang kisame na kulay ginto ang nakikita niya. Sino ba sa kanilang lima ang may kisame na gawa sa ginto?
Tumulala siya at pinakiramdaman ang sarili niya, masakit ang katawan niya pero magaan kumpara sa naramdaman niya nung oras na nabaril siya.
Did I survive?
Dahil kung oo, isang napakalaking kahihiyan yung pinagsasabi niya ng oras na 'yon. Oo, siya yung klase ng babae na mas pipiliing mamatay keysa balikan yung nakakahiyang pinagsasabi niya.
Should I pretend that I have amnesia?
Pero hindi iyon gagana dahil hindi naman siya tinamaan sa ulo, sa puso siya tinamaan.
"Sado, nagmamakaawa ako sayo, tulungan mo yung anak natin," napalingon si Almira sa kaliwa dahil sa boses ng babae na narinig niya, mukhang galing sa labas ng kwarto, umupo siya at kinusot ang mata. Isang malaking himala na walang nakasaksak na swero sa katawan niya o kaya mga aparato sa tabi ng kamang hinihigaan niya.
"Mariya, nagawa ko na lahat, pinapunta ko na lahat ng magaling na manggamot, hindi ako Anito para iligtas yung anak natin," sabi ng isa pang boses, boses lalaki. Gumapang si Almira papunta sa gilid ng kama, sino bang may ari ng napakagandang kwarto na 'to? Wag mong sabihin na kay Heneral Madrid?
"Dahil ba babae siya? Kaya hindi mo siya binibigyan ng pansin?" pumipiyok na sabi ng babae.
BLAG!
Ouch, masakit ah!
Paano ba naman kasi, nalaglag si Almira mula sa kama, alam niyang maliit siya pero bakit parang ang taas nung kama?
Ginala ni Almira ang mata niya sa buong kwarto, gintong kisame, kama na gawa sa narra at mayroon pang kurtina. May pulang alpombra sa lapag, mayroong lamesita sa isang gilid na may kasamang sopa at dalawang upuan. Lahat na ata ng marangyang gamit ay makikita sa loob kaya napaka pristihyeso nitong tignan, sino ba sakanila ang may ari ng ganitong bahay?
Tuloy padin sa paggala ang kanyang paningin ngunit natigil ito sa harap ng salamin, natulala siya, wala sa sariling napatayo at lumapit sa salamin, napahawak siya sa mukha niya at iyon din ang ginawa ng salamin.
Sino 'to?
Nataranta si Almira at nagsimulang gumawa ng kung ano ano as harap ng salamin ngunit kahit anong gawin niya ay ginagaya siya ng salamin.
No, this is impossible!
Paano ba naman kasi, hindi niya makita ang sariling mukha sa salamin, bagkus ay isang batang siguro ay nasa tatlong taon ang kanyang nakikita, nakasuot pantulog na bestida at ang buhok ay itim na nahaluan ng asul.
Hahahaha, tama, nananaginip ako! Kailangan ko lang magising!
Hindi makapaniwalang sabi niya sa sarili, oo nga naman, imposible ang nangyayari sakanya ngayon kaya't humawak siya sa magkabilang gilid ng salamin at humingang malalim.
KRASH!
"Aww!" shit, ang sakit! Paano ba naman kasi, inuntog niya ang sarili niya sa salamin at ngayon ito ay nabasag, napahawak siya sa noo niya at tinignan ang kamay... nagdudugo.
"Almira?" napalingon siya sa tumawag ng pangalan niya na bumulusok galing pintuan, may dalawang taong lumapit sakanya, lumapit sakanya ang lalaking may kulay itim na buhok at kulay kapeng mata, nilayo siya nito sa basag na salamin at inupo sa kama.
"Anong nangyari saiyo anak?" nagaalalang tanong sakanya ng babaeng kulay asul at may halong itim din ang buhok at kulay lila ang mata, halos kasing edad ng lalaki, lumuhod sa harap niya at pinunasan ang dugo sa noo niya.
Kung kanina ay natulala na siya ngayon ay mas lalo siyang walang masabi sa mga taong nasaharap niya. Lumuhod din ang lalaki sa harap niya.
"Mariya, sabihan mo si Aro na ipatawag ang manggagamot," sabi ni Sado sa asawang si Mariya, tumayo naman si Mariya at bago pa siya makapaglakad ay hinawakan siya sa kamay ni Almira.
"Anak, bakit?" tanong sakanya ni Mariya, tiningala siya ni Almira at sunod sunod na tumulo ang mga luha.
"Anak, bakit, may masakit ba sayo? Tatawagin na natin ang doktor," sabi ni Sado sakanya ngunit umiling lang si Almira na patuloy na tumulo ang luha at niyakap si Sado ng hindi binibitawan ang kamay ni Mariya.
Parang naitindihan naman ito ni Mariya at lumuhod ulit at niyakap ang kanyang mag ama. Si Almira naman ay patuloy padin ang pag luha, siguro nga nananaginip siya, at kung panaginip ito, ayaw niya ng gumising pa.
General, Nanay.
Oo, tama, kamukhang kamukha ang mga taong ito ng kanyang ina at ama, bukod sa kulay ng buhok at mata, alam niyang sila ang magulang niya.
Hindi niya maipaliwanag kung ano ang nangyayari ngayon pero ang alam niya ay masaya siya, sobrang saya niya at wala siyang pakialam kung nasaan o ano man ang nangyayari sakanya ngayon.
**********
"General Fuego, nakaligtas ang batang ito," sabi ng isang lieutenant kay General Fuego, tinignan ng heneral ang bata.
Inosenteng mukha at malamlam na mata ang nakita niya pero may bahid ng dugo ang pisngi nito.
"Paano nakaligtas ang batang 'yan?" tanong ng heneral sa kasamahan niya, dahil sa totoo lang, lahat ng bata na sinubukan nilang iligtas mula sa sindikatong ito ay namatay.
"Sinaksak niya yung taong in-charge sa pagbabantay sakanya," sabi nito, napangisi ang heneral, sa paningin niya ay nasa walong taong gulang lang ang bata.
"Paano niya sinasak, gamit ang alin?" tanong ng heneral at naglakad, sinundan naman siya ng lieutenant habang hawak ang pulsuhan ng bata na ngayon ay nagpapahila lang.
"Sa basag na salamin niya nakuha, pitong saksak sa tiyan at dalawa sa dibdib, patay ang tatlong nagbabantay sakanya," sabi ng lieutenant, tumigil ang heneral at hinarap silang dalawa, sinalubong niya ang malalam na mata ng bata.
"Anong pangalan mo, bata?"
"Almira."
"Bibiyan kita ng pagpipilian," may nilabas na baril ang heneral mula sa bulsa niya at nilagay sa harap ng bata.
"General-" tutol sana ng lieutenant, pero tinignan siya ng heneral at binigyan ng ngiti, naintindihan niya naman iyo kaya hindi na umimik.
"Pwede kang matuto ng pakikipaglaban pero magsisilbi ka para sa gobyerno natin o pwede naman na hindi, ipapadala-" hindi na natapos ni General Fuego ang sasabihin niya dahil walang pag aalinlangang kinuha ni Almira ang baril mula sakanya.
Nagulat ang dalawa, pero hindi din nagtagal ay napangiti ang heneral at ginulo ang buhok ng bata, hindi siya nagkamali ng tingin kanina, na bagkus ay napakainosente man ng mukha ng bata ang mga mata nito ay sumisigaw sa tapang.
**********
"Iha, sige na, kumain ka na," sabi ng isang may katandaan ngunit magandang babae kay Almira, apat na taon na ang nakalipas at tapos na ang kanyang pagsasanay para maging tao ng gobyerno, ngunit imbes na dalhin siya ni General Fuego sa kampo ay dinala siya nito sa bahay nila.
Kausap niya ngayon ang asawa nito na si Mary Fuego, dalawang taon na silang magkakilala at madalas makakwentuhan masasabi niyang malapit sila, pero hindi niya padin maintindihan kung bakit siya nandito sa bahay nila.
"Umhh, ano po, bakit po ako nandito?"
"Hindi ba sinabi sayo ni general?" takang tanong ng ginang sakanya na tumigil sa pagkain, umiling si Almira dahil wala nga naman talagang sinabi ang heneral sakanya.
"Sige, sandali lang," sabi ni Mrs. Fuego at lumabas ng kusina.
Bumalik ito na may dalang folder at inabot sakanya. Binuksan niya iyon at natulala. Tinignan niya si Mrs. Fuego at nagtuloy tuloy bumagsak ang luha.
Nginitian siya nito, binitawan niya ang folder at bumaba sa upuan at niyakap si Mrs. Fuego, inalo at pinatahan naman siya nito.
"Shhh, Almira, wag ka na umiyak, dahil simula ngayon may pamilya ka na," sabi nito, lalo naman siyang umiyak at humigpit ang yakap.
Nakangiti naman silang tinatanaw ni Heneral Fuego, two years ago, noong unang makita ng asawa niya si Almira, ay sobrang naawa ito kaya lumipas ang dalawang taon na palagi itong pinupuntahan ng asawa niya, dinadalhan ng pagkain at madalas na nakikipagkwentuhan, naging malapit ang dalawa.
Until three months ago, his wife told him that she wants to adopt Almira, which is no problem with him, right from the start, he liked the fire in Almira's eyes and another thing is they don't have a child because his wife really can't bear a child.
At ngayon, wala siyang pagsisi, dahil sa loob ng apat na taon, nakita niyang ngumiti si Almira ng abot mata at bukod padoon ay masaya ang asawa niya.
**********
"`Oy, tama na yan, kanina pa kayo nag eensayo, may pasok ka pa bukas, Mira, anak," sabi ni Mary habang innilalapag ang pagkain sa lamesa, nag lalaban kasi ang kanyang mag ama sa hardin.
"Nanay, si general kasi, inaaway ako," sumbong ni Almira sa nanay niya at niyakap ito, napangiti naman si Mary.
"Paano ba naman kasi, mahal, iyang anak natin, tatlong taon ng nandito saatin, general padin ang tawag saakin," maktol ni General sakanyang asawa, napatawa ito.
"Oo nga naman anak, ako nga tinawag mo agad ng nanay bakit ayaw mong gawin iyon kay general?" tanong nito sakanya, ngumuso si Almira.
"Hindi ko feel, nay, eh," sabi ni Almira na ikinatawa ni Mary, kumunot naman ang noo ng heneral.
"Ikaw talagang bata ka, kinse ka na pero ang galing galing mo padin mangasar, iyan ba ang tinuturo sainyo sa eskwelahan?!" sabi ng heneral at hinabol siya, tumakbo naman siya sa likod ng nanay niya, kaya't ngayon ay nasa gitna nilang dalawa si Mary, at natawa sakanila.
"Sige na, tama na ang laro, kumain na kayo," pigil niya sa mag-ama kaya tumigil sila at umupo, dinilaan naman ni Almira si General kaya't nagsimula nanaman silang maghabulan.
Kung titignan, para talaga silang isang pamilya, sabagay, pamilya naman talaga sila, dugo lang ang pinagkaiba nila at sobrang nagpapasalamat si Almira sa mga taong ito, ito ngayon ang rason kung bakit siya nakakangiti ng abot tenga at mata.
(Itutuloy...)

Book Comment (94)

  • avatar
    GuterrezJeck

    wow

    18d

      0
  • avatar
    Jake Obina

    ganda ng istory

    29d

      0
  • avatar
    Tino Tenorio

    give me

    26/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters