logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 1

"Papa, naayos ko na yung kaso tungkol sa rape case ng isa sa mga sponsor mo," sabi ni Jake sakanyang ama habang kumakain sila sa isang malaking dining table ng sila lang dalawa at napakaraming handa. Sa gilid ay ilang katulong at limang bodyguard.
"That's good," sabi ni Senador Alejandro Naval sa kanyang anak habang hinihiwa ang steak na nasa kanyang plato.
"Pero, papa, sa susunod, pag ingatin mo naman sila, they have so much evidence against him, I almost lost," sabi ni Jake ng may inis sa tono.
"But did you lost?" mapagbirong tanong ng senador sa anak kaya napangisi si Jake at nawala ang inis.
"Ako pa ba? Papa? Kahit gaano pa kadami ang ebedensya nila, there's no way I'll let them win, kahit na totoo pa na na-rape niya yung babae," mayabang niyang sabi kaya parehas silang natawa.
"Anyway, Jake, kamusta yung corruption case natin tungkol doo-"
"Ano ba? Bakit niyo pinatay ang ilaw?" hindi na natapos ng senador ang sasabihin niya dahil biglang namatay ang lahat ng ilaw sa loob ng dining.
"Sir, sandali lang po, titignan ko ang circuit," sabi ng isang bodyguard at umalis.
Madilim pero kalmado ang mag ama ang hindi nila alam ay may isang taong gumagalaw sa ginta ng kadiliman.
"Sa wakas, nabuks-"
Nagitla at hindi naituloy ng senador ang sasabihin niya ng bumukas ang ilaw. May babaeng nakatungtong sa kanilang lamesa at punong puno na ng dugo ang damit. Ngnuit may mas malala pa sa sitwasyon nila ngayon... may nakatutok na baril sa ulo nilang mag ama!
"Si-si-sino ka?!" nauutal na tanong ni Jake sakanya. Ngumisi ang babae.
"Mira, Almira Fuego."
"Guards, huli-"
BANG!
BANG!
Bago pa matapos ni Jake ang pagtawag sa bodyguards nila ay nabutas na ng bala ng baril ni Almira ang ulo nilang mag ama. Sumirit ang dugo mula sa ulo ng mag amang Naval at natalsikan ng dugo ang mukha niya kaya't hinila niya ang kwelyo ng uniporme na suot niya para punasan ang dugo, tss, uniporme ng mga katulong.
Tumalon siya mula sa lamesa at isiniksik ang baril sa magkabilang hita, naglakad palabas sa pinto dahil siguradong narinig ng ibang guards ang putok ng baril. Pero bago tuluyang makalabas ay nilingon niya ang mga katulong at body guards na wala nading buhay at may laslas sa leeg.
Bakit niya sila pinatay? Hindi mo masasabing inosente sila dahil oras na makita mo na ang katotohanan, kasalanan na ang pumikit. Binawi ni Almira ang tingin sa kanila at nagpatuloy sa paglalakad.
"Major Mira," hingal na habol sakanya ni Corporal Gerald Santos na may dalang laptop at espada. Inabot agad ni Gerald ang espada kay Almira, iyon ang main weapon niya dahil ayaw niyang nag-papalit ng magazine ng baril.
"Thanks, nalinis mo na yung cctv?"
"Yes, ma'am! Bilisan na natin, iniintay na tayo ni Lieutenant Ivan at Captain Gelo sa kotse," sabi ni Gerald sakanya kaya't binilisan nila ang paglalakad.
Lahat ng makakasalubong nilang dalawa ay ginagamitan ni Almira ng espada, bawat wasiwas niya ay may tumatalsik na dugo sa dinadaanan nilang dalawa ni Gerald.
Parang may mali, hindi ba? Major, Captain, Lieutenant, Corporal, may nakakakabit na militar na titulo sa mga pangalan nila ngunit walang wala ang pumatay para kay Almira, ngayong dapat ay pinoprotektahan niya sila?
Iyon ay dahil ang pagtratrabaho nila sa militar ay palabas lang para itago ang kanilang tunay na ginagawa. Ang grupo nila, ay grupo ng assassins na nagtratrabaho sa gobyerno at paunti unting linilinis ang lipunan. Kapag napatunayan na may anomalyang ginagawa ang mga taong iniimbestigahan nila, sisimulan nila ang plano na patayin ito at lahat ng kasabwat nila.
**********
"Captain, ayan na sila," sabi ni Ivan kay Gelo o Angelo Monteverde. Parehas sila ngayon nakatanaw sa bintana ng kotse.
"Ii-start mo na ang makina," utos ni Angelo kay Ivan at binuksan ang pinto ng kotse sa likod habang nakatanaw padin sa kay Almira at Gerald.
"Yes, cap!" sagot ni Ivan, ini-start niya ang makina ng kotse at tinignan din ang kalmadong naglalakd na si Almira at Gerald papalapit sa kanila.
Mukhang naubos na nila ang mga kalaban. Naisip ni Ivan habang nakatingin sa espada na hawak ni Almira na puno na ng dugo. Napangisi siya, almost mission complete, kailangan nalang nilang mag report kay General Madrid.
"Nag enjoy ka?" tanong ni Angelo kay Almira mula sa nakababang bintana ng kotse pagkalapit na pagkalapit palang nila.
"Medyo bitin."
Napailing nalang si Angelo, higit tatlumpu ang nasa loob ng mansyon na iyon, kasama ang bodyguards at mga katulong pero mukhang wala lang sa babae ang ginawa. Sabagay, hindi masisi ang sitwasyon ni Almira, ang pagpatay para sa babae ay parang paghinga, it's not a want, it's a need.
"Sige na, sumakay na kayo" sabi niya sa dalawa, pinauna naman ni Almira si Gerald sa pagsakay at-
BANG!
"Mira!"
"Almira!"
"Teach!"
Sabay sabay nilang banggit sa tawag nila dito dahil biglang lumabas ang dugo sa bibig niya, sinalo siya ni Gerald at si Angelo naman ay tinignan kung saan nanggaling ang putok ng baril.
BANG! Binaril ni Angelo ang lalaking bumaril kay Almira, walang buhay naman iyon bumagsak sa lapag, tinignan niya ulit si Almira na ngayon ay nasa braso ni Gerald at basang basa na ng dugo ang damit, hindi nila alam kung ano ang dugo ni Almira sa dugo ng pinatay nito kanina.
"Cap...tain!" utal na sabi ni Gerald kay Angelo habang nakatingin kay Almira habang hawak hawak ang likod niya kung saan lumalabas ang dugo.
"Lieutenant, mag drive ka na!" bulyaw ni Angelo sa nakatulalang si Ivan.
"Yes, oo, sorry," sabi ni Ivan na bumalik sa katinuan at dali daling pinatakbo ang kotse kahit na nanginginig siya.
"Captain, si Major," naluluhang sabi ni Gerald, sa totoo lang ay sinisisi niya ang sarili ngayon dahil pinauna siya ni Almira pumasok ng sasakyan... ito ang nabaril.
"She'll be fine, Gerald, stop crying," sabi ni Angelo sakanya, kinakabahan siya pero siya ang acting captain ng grupo nila at kailangan niyang iparamdam sa teammates niya na magiging ayos din ang lahat.
"Shit, captain! Wala na tayong gas!" sabi ni Ivan dahil biglang tumigil ang sasakyan nila.
"Shit! Paanong nangyari 'yon? Naka-full tank tayo kanina!" frustrated na sabi ni Angelo, bumaba naman si Ivan at tinignan ang gas tank sa ilalim. Napakuyom ng kamao si Ivan at tumingin kay Angelo.
"Cap, may leak yung gas natin."
"Tang ina!" gigil na sabi ni Angelo at sinuntok ang bintana sa side niya na agad namang nabasag. Kinuha ni Angelo ang phone niya at tumawag.
"General, ako 'to, may tama si major," sabi niya agad pagkasagot ng kabilang linya, kahit hindi pa nakakabati, napatayo naman sa pagkakaupo si General Madrid mula sa opisina niya.
"Ano?! Paanong nangyari?!"
"Long story, pero kailang namin ng sasakyan, naubusan kami ng gas," sabi ni Angelo, nakikinig naman ang dalawa sakanya.
"Sige, ipapadala ko kung nasaan kayo, pero baka mga 15 minutes padin ang abutin bago makarating diyan," sabi ni general, kinagat ni Angelo ang labi niya, masyado iyong matagal!
"Okay, general," sabi niya na lang, dahil wala din naman siyang magawa. Binaba niya ang tawag at binuksan ang pinto ng kotse sa passenger seat.
"Anong sabi ni General, cap?" tanong ni Ivan.
"Papunta na daw sila, 15 minutes," sabi ni Angelo at binuhat si Almira palabas ng sasakyan at inilapag sa gilid ng kalsada habang nakasandal sakanya at nilalagyan ng pressure ang tama nito ng baril.
"What?! Captain, masyado iyong matagal!" sigaw ni Ivan. Lumabas na din si Gerald ng kotse.
"Alam ko! Pero wala tayong pagpipilian!" sigaw din ni Angelo. Pare-parehas lang silang naiinis sa sitwasyon ngayon pero wala silang magawa, wala 'to sa plano nila!
Almira is an important person to the three of them, for Ivan and Angelo, she's a friend and for Gerald, she's an idol and a teacher.
"Ang...uhh... ingay!" sabi ni Almira habang umuubo, napatingin ang tatlo sakanya.
Sa totoo lang may malay pa siya, pero ang bigat ng katawan niya kaya't sinusubukan niyang wag magsalita pero dahil nagaaway ang mga bobo niyang kasama, kailangan niyang magslita.
"Mira, ayos ka lang?" tanong ni Angelo.
"Bobo ka ba? Kita mo ng may tama ako ng baril... nagtatanong ka pa."
"Gelo... Ivan, wag kayo mag away pag wala na ako, ha? Wala ng aawat sa inyo," dugtong ni Almira sa panglalait.
"Mira, ano ba, wag kang magsalita ng ganyan," sabi ni Ivan at lumuhod sa harap nilang dalawa.
"Gerald, halika dito," sabi ni Almira kaya lumapit at lumuhod din si Gerald sakanya.
"Ma'am," naluluhang sabi ni Gerald, pinunsan niya yung luha nito.
"Wag ka masyadong umiyak, hmm?"
"Yes, Major," umiiyak padin na sabi ni Gerald kaya napatawa siya, iyakin talaga ang bunso nila.
"Ivan... Gelo... kayo na bahalang mag report kay general, ha?" utal utal na sabi ni Almira, sobrang bigat na talaga ng pakiramdam niya.
"Oo, kami na bahala," sabi ni Angelo habang nagpipigil ng luha, hindi siya tanga, alam niyang namamaalam na ang kaibigan niya.
"Ivan, tinatanong kita," tawag niya kay Ivan na ngayon ay sobrang higpit ng hawak sa kamay niya.
"Oo na, kami na mag rereport, madaya ka talaga, kami lagi yung pinapagawa mo ng paper works," biro ni Ivan sakanya pero pumipiyok na ang boses, ngumiti si Almira, yung ngiting sobrang inosente.
"Sana, sa susunod na magkita tayo, maging magkakaibigan padin tayo," tuluyan ng bumagsak ang mga luha ni Angelo at Ivan sa sinabi ng kaibigan.
"Sana, kahit hindi parehas ang sitwasyon, maging magkakaibigan padin tayo," alam ni Almira sa sarili niya na malaki ang posibilidad na hindi na siya magising pa siya pag pumikit siya kaya, sasabihin niya na lahat ng emosyon na tinatago.
"Ivan, Gelo, Gerald, wag niyong sisihin yung sarili niyo, hmm? Wag niyong iisipin na may kasalanan kayo sa nangyari ngayon, hmmm? Lalo ka na Gerald? Naintindihan mo ba? Mumultuhin ko kayo kapag ginawa niyo 'yon," sabi niya dahil alam niyang ngayon palang ay inaatake na ng self-guilt ang tatlo, at ayaw niyang mangyari yon dahil alam niya ang pakiramdam ng sinsisi ang sarili.
"Yes, ma'am!"
"Sobrang saya ko na nakilala ko kayo pati si General, hinding hindi ko kayo makakalimut-" bago pa matapos ni Almira ang sasabihin ay pumikit na ito at bumitaw mula sa pagkakahawak ni Ivan.
"Mira?" may pait sa boses na tawag ni Angelo sakanya.
"Stop it, Gelo," sabi ni Ivan na may luha sa mata. Napapikit si Angelo at yinakap ang katawan ng babae, pinunasan niya ang mga luha niya.
"Rest well, Major," sabi niya at hinalikan ito sa noo at binuhat, kasabay noon ay narinig nila ang tunog ng ambulansya na papalapit sa kinaroroonan nila.

Book Comment (94)

  • avatar
    GuterrezJeck

    wow

    18d

      0
  • avatar
    Jake Obina

    ganda ng istory

    29d

      0
  • avatar
    Tino Tenorio

    give me

    26/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters