logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7

TAPOS na ang duty ni Ylona sa ospital. At handa na sana siyang umalis ng tumunog ang ringtone ng kanyang cellphone. At kahit hindi niya tingnan kung sino ang caller ay alam niyang si Draven iyon. At hindi nga nagkamali si Ylona dahil ng tingnan niya ang screen ng cellphone ay nakita niya ang pangalan ng binata.
"Ahm...Hello." bati niya ng sagutin niya ang naturang tawag.
"Ylona." He mentioned her name in husky voice.
"Bakit?"
"Tapos na ba ang duty mo?"
"Oo. Pauwi na nga ako ng tumawag ka." Sagot niya.
"Tamang-tama. Nasa labas na ako ng Simoun Hospital. I'll just wait you here. Ihatid ulit kita sa inyo." Ani Draven.
Kinagat naman ni Ylona ang pang-ibabang labi. "Hindi mo naman kailangan na ihatid ako eh."
Narinig ni Ylona ang mabibigat na hininga ni Draven mula sa kabilang linya. "Ayaw mong ihatid kita?"
Umiling si Ylona kahit na hindi siya nakikita ng binata. "Hindi naman sa ayoko. Kaso nahihiya na ako sa'yo. Baka...kasi naaabala na kita." Paliwanag ni Ylona.
"Pagdating sa'yo ay hindi ako naaabala, Ylona. At gusto ko naman itong ginagawa ko eh." Ani Draven. "And as I said, I want to be with you. And I want to protect you." Dagdag na wika nito.
"Salamat." Tanging sabi ni Ylona. Hindi naman kasi niya alam kung ano ang sasabihin rito sa mga sinabi nito.
"Hindi mo naman kailangan na pasalamatan ako, Ylona. But, anyway, you're welcome." Si Draven. "So, I'll just wait you outside. See you later, Ylona." Pagpapaalam na nito bago pinutol ang tawag.
Nagpakawala naman siya ng malalim na buntong-hininga bago siya nag-umpisang maglakad palabas ng ospital. At habang malapit na siyang makarating sa labas ay naramdaman naman ni Ylona ang pagbilis ng tibok ng puso niya.
Napapadalas niyang nararamdaman iyon sa tuwing kasama niya si Draven, kapag may kinalaman sa binata. At hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit niya iyon nararamdaman para rito. Well, may ideya naman siya sa nararamdaman. Ilang beses na niya iyong narinig mula kay Jazz no'ng nanliligaw pa si Eric rito. Pero ayaw naman niyang ipasok sa isip ang ideyang iyon. Masyado pang maaga para sabihing in love na siya agad kay Draven.
Ipinilig na lang ni Ylona ang ulo at nagpatuloy na siya sa paglalakad. Hindi naman nagtagal ay nakalabas na si Ylona sa ospital. Iginala niya ang buong tingin sa paligid upang hanapin si Draven. Ang sinabi kasi nito ay nasa labas na ito at hinihintay na siya pero hindi niya ito makita sa labas?
Nasaan na kaya iyon? Tanong ni Ylona sa sarili habang hinahanap niya ang pigura ni Draven.
"Are you looking at me?" Marahas siyang napalingon sa kanyang likod ng marinig niya ang boses na iyon ni Draven na bigla na lang sumulpot. At paglingon niya ay nakita na niya itong nakatayo sa kanyang likuran.
"Saan ka galing?" Wika niya sa halip na sagutin ang sinabi nito. Napapansin kasi ni Ylona na bigla-bigla na lang itong sumusulpot. Hindi nga niya naririnig ang mga yabag nito. Nagugulat na lang siya minsan na nasa tabi na niya pala ito.
Ngumiti ito. "Magandang gabi, Ylona." Bati nito sa halip na sagutin din nito ang tanong niya. At sa sandaling nginitian siya ni Draven ay nawala na rin na parang bola iyong nararamdaman niyang pagkagulat at pagtataka sa biglaan nitong pagsulpot.
Ginantihan din niya ng ngiti ang binata. "Magandang gabi din, Draven."
Isang ngiti ulit ang pinagkaloob ng binata bago siya nito niyakag paalis. "Tara na?"
Tinanguhan niya ang binata bago siya nagsimulang humakbang. Mabilis namang umagapay ang binata sa paglalakad niya.
Saglit na namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Habang naglalakad sila ay napatingala siya sa kalangitan. Mangilan-ngilan lang ang bituin na nakikita niya sa langit. Hindi din sumilip ang bilog na buwan. "Naniniwala ka bang may lumalabas na aswang sa tuwing bilog ang buwan?" Out of the blue na tanong niya kay Draven. Nang sulyapan niya ito sa tabi niya ay napansin niyang nakatingin ito sa gawi niya.
"Bakit mo naitanong?" Sa halip na sabi ni Draven.
"Naisip ko lang. Naalala ko kasi iyong madalas na ikwento ni Nanay sa tuwing bilog ang buwan. Kweni-kwento niya na sa tuwing bilog ang buwan ay nagsisilabasan daw ang mga aswang." Kwento ni Ylona na may ngiti sa labi.
Tumango-tango si Draven. "Ikaw naniniwala ka sa kwento ng Nanay mo?" Balik tanong ng binata.
"Laking probinsiya ako. At sa probinsiya namin ay hindi na bago para sa'kin ang makarinig ng ganoong klaseng kwento. Mga aswang, kapre, tikbalang at mga bampira." Ani Ylona. "Pero sa dalawanput limang taon ko dito sa mundo ay hindi pa ako nakakakita ng ganoong nilalang. Mukhang kathang isip lang iyon ng mga tao. Gawa lang iyon ng malilikot na imahinaayon ng isang tao. At...iyong kwento ng Nanay ko na iyon ay panakot lang niya sa'min ng kapatid ko kung ayaw pa naming matulog sa gabi." Mahabang wika niya.
"Ikaw? Ano naman ang paniniwala mo?" Tanong din niya kay Draven.
Matagal bago sumagot ang binata. "Naniniwala ako na hindi lang mga tao ang naninirahan sa mundong ibabaw."
Tumaas bahagya ang isang kilay niya. "Maniniwala lang siguro ako kapag may nakita na ako."
Saglit namayani muli ang katahimikan sa kanilang dalawa.
"Ylona..." basag ni Draven sa katahimikan na namayani sa kanila.
"Hmm?"
"Paano kapag nakakita ka?"
"Siyempre, do'n lang ako maniniwala." Sagot niya na binuntutan pa niya ng tawa. Pero si Draven ay nanatiling seryoso ang ekpresiyon ng mukha kaya tumigil na rin siya sa pagtawa. Tumikhim din siya.
"At ano ang magiging reaksiyon mo kapag nalaman mong hindi lang tao ang naninirahan dito sa mundong ibabaw. Na may iba din nilalang na na rito kasama natin. Katulad na lang ng...bampira?" Seryosong tanong ni Draven.
"Bampira?"
Tumango si Draven.
"Ang totoo, matatakot ako." Matter of factly na sagot niya. "Makakita ka ba naman ng ganoong klaseng nilalang na akala mo ay sa libro lang makikita, na sa movies mo lang napapanuod. Siyempre, matatakot ako. Lalo na kung masamang nilalang iyon at ito'y pumapatay ng mga tao." Pagpapatuloy na wika niya.
"At hindi naman lahat ng nilalang...katulad na lang ng mga bampira ay masasama. Mayroon namang mababait. Sila iyong nagpo-protekta sa mga mortal sa mga kamay ng mga masasamang bampira." Ani Draven. "Katulad na lang sa mga napapanuod natin mga pelikula. Hindi lahat ng mga bampira ay masasama. Mayroon ding mabubuti."
"Katulad na lang no'ng napapanaginipan ko this past few days." Hindi niya napigilan ang sarili na ipabulalas.
"Napapanaginipan mo?" Si Draven. Nang sulyapan niya ito sa isang tabi ay nakita niyang nakatingin ito sa kanya. Mababakas din sa mga mata nito na parang interesado ito sa panaginip niyang iyon.
Tumango siya. "Oo." Aniya. "Dalawang beses ko ng napanaginipan iyong nilalang na may mapupulang mata at may matatalas na pangil sa bibig. At base sa anyo ng nilalang sa panaginip ko ay nasisiguro kung isa siyang bampira." Pagpapatuloy niya. Ikweninto ni Ylona sa binata ang una niyang panaginip tungkol sa nilalang na iyon. "Sa panaginip kung iyon ay akala ko ay katapusan ko na. Na mabibiktima na ako no'ng bampira. Pero may dumating...na nagligtas sa'kin sa kamay no'ng masamang bampira." Dagdag na kwento niya.
"Namukhaan mo ba iyong lalaki na sinasabi mo na nagligtas sa'yo sa panaginip mo?"
"Hindi eh." Aniya. "Iyong tanging malinaw lang sa panaginip ko ay iyong mukha no'ng bampira. Hindi ko nga maintindihan kung bakit iyong lalaking nagligtas sa'kin sa panaginip ko ay hindi ko mamukhaan."
Saglit na namayani ang katahahimak sa kanila.
"Pero alam mo parang totoong talagang nangyari iyong panaginip ko." Basag niya sa katahimikan. "Iyong para bang totoo kung nasaksihan. Kasi paggising ko ay nanginginig ako sa takot." Kwento niya pa.
His eyes averted on her. "May ganoong klase daw na panaginip. Akala mo totoong nangyari pero hindi pala, isang lang pala iyong masamang panaginip." Halos pabulong lang na wika ni Draven.
"Uhm, siguro nga."
Wala ulit nagsalita sa kanilang dalawa.
"Matanong kita, Ylona. Paano kung namukhaan mo iyong taong nagligtas sa'yo sa panaginip mo. Anong gagawin mo?"
"Magpapasalamat." Mabilis na sagot niya.
"Welcome." Si Draven.
Bahagyang kumunot ang noo ni Ylona. "Ha?"
"Nothing." Ani Draven. Pagkatapos niyon ay tinitigan siya ng matiim ng binata. Sinalubong naman niya ang mga titig nito.
"Ylona..." banggit ni Draven sa pangalan niya. "Gusto ko ipakita sa'yo kung ano ang tunay na ako kahit man lang sa panaginip mo. Gusto ko ipakita sa'yo na hindi lahat ng bampira ay masasama. Na hindi lahat ng bampira ay kinatatakutan. At gusto kung ipakilala sa'yo ang nilalang na nagligtas sayo sa kamay ng bampira sa sinasabi mong panaginip mo. Huwag kang matakot." Wika ni Draven habang titig na titig ito sa mga mata niya. Nang tumango siya ay nakita niya ang pag-iba ng kulay ng mga mata nito—naging pula iyon. May sumilip din sa bibig nito na matatalim na mga pangil.
"IKAW iyong taong nagligtas sa'kin sa panaginip ko!" Bulalas ni Ylona sa nanlalaking mga mata habang nakatitig siya sa pulang mga mata ni Draven at sa pangil nitong sumisilip sa bibig nito.
"Hindi ako ordinaryong tao, Ylona. Isa ako sa maalamat na nilalang na tinatawag na bampira." Pagtatama ni Draven.
"Isa...isa kang bampira?" Ulit na tanong niya. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresiyon ng mga mata niya. Hindi siya makapaniwala sa nalaman. At hindi din siya makapaniwala sa sarili kung bakit hindi siya makaramdam ng takot sa kaharap
Tumango naman si Draven bilang sagot. "Oo."
"Papatayin mo din ba ako, katulad na lang no'ng ginawa ng halimaw don babae?" Hindi mapigilan ni Ylona na itanong iyon sa binata.
"Kung gusto kitang patayin dapat sana matagal na kitang pinatay. Kung gusto kitang patayin, eh hindi na sana kita iniligtas do'n sa kamay ng halimaw na sinasabi mo. Kung gusto kitang patayin, hindi na sana kita pino-pinoprotektahan."
Napakurap-kurap si Ylona. "Pino-protektahan mo ako?"
Tumango si Draven. "Bakit?" Tanong niya. "Bakit mo ako pino-protektahan?"
"Hindi ko din alam. Basta parang may malakas na pwersang nagsasabi sa'kin na protektahan kita." Seryosong wika ni Draven.
Bumuka ang labi ni Ylona para sana magbigay ng komento sa sinabi ni Draven pero walang salitang lumabas sa bibig niya. Kaya isinara na lang niya ang mga labi. Matiim din niyang tinitigan ang anyo ni Draven. Pula ang mga mata nito at may sumisilip sa bibig nito na matatalas na pangil. Kakatwang isipin pero sa sandaling iyon ay hindi siya nakakaramdam ng takot sa kaharap. Kung sa ibang pagkakataon nga ay baka kumaripas siya ng takbo palayo rito pero hindi niya ginawa. Nanatili lang siyang nakatayo sa kanyang kinatatayuan habang kaharap niya si Draven.
"Aww!" Daing niya mayamaya ng kurutin niya ang sarili niya.
Nakita niya ang pagsalubong ng mga kilay ni Draven. "What are you doing? Why are you hurting yourself?"
"Panaginip lang ba ito?" Sa halip na wika niya. Hinahaplos-haplos din niya ang kinurot na braso.
"Malalaman mo kung isa lang ba itong panaginip paggising mo kinaumagahan." Ani Draven. Hindi pa rin nawawala ang pagkakasalubomg ng mga mata ng binata. At sa sandaling iyon ay gusto niyang haplusin ang noo nito upang maalis ang pagkakasalubong ng mga kilay nito. At iyon ang ginawa ni Ylona, lumapit siya kay Draven at hinaplos niya ang kunot sa noo nito. Naramdaman niya ang paninigas nito sa kinatatayuan. Hindi naman nagtagal ay nawala ang pagkakasalubong ng mga kilay nito. Nginitian niya ang binata ng mag-tama ang paningin nilang dalawa. Bumalik na sa dati ang kulay ng mga mata nito. Kulay itim na iyon. And her eyes were soft as he looked at her directly at her.
"Hindi ka natatakot sa akin?" Tanong ni Draven. "Hindi ka natatakot sa isang tulad ko?"
Mabilis na umiling si Ylona. "Hindi." Sabi niya. "Hindi ako natatakot kasi alam kung hindi mo naman ako sasaktan."
May dumaan na emosyon sa mga mata nito pero hindi niya iyon mabigyan ng kahulugan. "I hope so. Baka kapag hindi ko sinabi na huwag kang matakot at baka kumaripas ka ng takbo palayo sa'kin." Halos pabulong lang na wika ni Draven.
"Anong sabi mo?"
"Ang sabi ko ay hindi naman talaga kita sasaktan."
Isang ngiti lang ang isinagot niya sa binata. Saglit na namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa.
"Ilang taon ka na?" Basag niya sa katahimikan. "Hindi ako mahilig magbada ng vampire story o manuod. Pero may ideya naman ako ng kunti tungkol sa kanila."
Matagal bago sumagot ang binata. "I'm two hundred fifty years old."
Namilog ang mga mata niya. "Pero mukha kang thirty lang." Komento niya.
Tipid na ngumiti si Draven. "We're vampire, Ylona. We are immortal. We had longer life, age is very slow to us." He explained.
Tumango-tango siya. "What about your powers? Totoo bang kaya niyong tumakbo ng mabilis. Kaya niyong lundagin iyong matataas na gusali na ng walang kahirap-hirap?"
"Yeah." Tipid na sagot ni Draven.
Namilog ang mga mata niya. Mayamaya ay umangat ang dulo ng labi niya ng may maisip siya. "Pwede nating masubukan iyong powers mo?" Sabi niya. Hindi naman sumagot si Draven sa halip ay tumitig lang ito. "Please, Draven?" Aniya, pinagsalikop niya ang dalawang kamay habang sinasalubong niya ang titig ng binata. Unti-unti sumilay ang ngiti sa kanyang labi ng dahan-dahang tumango si Draven.
"Why can't I say no to you?" Ani Draven sa mahinang tinig. Saglit pa siya nitong tinitigan bago ito tumalikod ito sa kanya. "I'll give you a piggyback." Anito, tumungo din ito bahagya. "Ano pa ang ginagawa mo diyan?" Tanong nito ng hindi pa rin siya kumukilos. Nilingon din siya nito. Mabilis naman siyang lumapit sa binata. Huminto siya ng nasa likod na siya nito. Nagulat na lang si Ylona ng hilain siya ni Draven para makalapit siya ng husto rito. Ito na rin ang nagpulupot ng kamay niya sa leeg nito. Pagkatapos niyon ay hinawakan nito ang dalawang binti at umayos ng tayo.
"Ready?" Tanong ni Draven.
"Yes." Bulong niya sa tainga nito. Humigpit ang pagkakayapos ni Ylona sa leeg ni Draven ng mag-umpisa na itong tumakbo ng mabilis.

Book Comment (10)

  • avatar
    Olive Bigalbal

    maganda Yong storya

    29/02

      0
  • avatar
    Yammhie1993

    💚💚

    21/08/2023

      0
  • avatar
    Larcen Zaxis DE Castro

    its so good

    17/07/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters