logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5

NAKAPAG-grocery na si Freya. Nailagay at naisaayos na rin niya ang grinocery sa fridge at sa cupboard. Nalinis na rin niya ang buong bahay. Kakatapos lang niyang magluto para sa agahan ni Ylac. At habang hinihintay niya ang pagdating nito ay inabala niya ang sarili sa panunuod ng TV. Palipat-lipat siya ng channel. Naghahanap siya ng magandang palabas hanggang mapukaw ang interes sa isang balita. Natutop ni Freya ang bibig habang nakikinig siya sa balita. Ayon kasi sa balita ay nasangkot sa isang car accident ang sports car na minamaneho ng isang sikat na car racer na si Xavier Brillantes. Nangyari ang aksidente kaninang tanghali ng nasa racing field si Xavier. Hanggang ngayon ay wala pa ring balita tungkol sa kalagayan ng lalaki. Mahigpit kasi ang bantay sa ospital kung saan dinala si Xavier kung kaya't nahirapan ang media na makakuha ng balita tungkol sa lagay ng binata.
Hindi naman maiwasan ni Freya na makaramdam ng bahagyang pag-alala sa sinapit ng nakakatandang kapatid ni Ylac na si Xavier. Naidalangin tuloy ni Freya na sana hindi malubha ang lagay nito. Nasa ganoon siyang posisyon ng bumukas ang pinto ng condo at iniluwa mula roon si Ylac. Wala na sa ayos ang suot nitong necktie. Nakalihis na rin hanggang siko ang manggas na suot nitong long sleeved. At mukha itong stressed, pero gwapo pa rin.
Napatayo agad si Freya. "Sir! Okay lang kayo?" hindi niya napigilan itanong iyon sa lalaki. Lumapit siya rito at kinuha niya rito ang hawak nitong bag at black suit. Hindi ito sumagot. Sa halip ay kinamot nito ang batok at naglakad papunta sa may sala. Ibinagsak nito ang sarili sa sofa. Isinandal nito ang likod at ipinikit nito ang mata. Inilapag naman ni Freya ang mga hawak sa single sofa saka nagmadaling pumunta ng kusina para kumuha ng tubig. Hindi naman siya nagtagal roon, agad siyang bumalik sa kama.
"Sir Ylac..." pukaw ni Freya sa nakapikit na binata. Nang magmulat ito ng mata ay agad niyang inabot rito ang basong may lamang tubig. "Umininom muna kayo ng tubig." aniya, hindi naman nagdalawang isip si Ylac kinuha nito ang baso at ininom iyon. Inabot nito sa kanya ang baso pagkatapos nitong inumin iyon.
"Sir?" tawag niya. Tumikhim siya para maalis ang bara sa kanyang lalamunan. "Napanuod ko po kasi iyong balita tungkol sa aksidenteng nangyari kay Xavi—kay Sir Xavier pala. Hmm...p-patay na po ba siya?" alanganing tanong ni Freya kay Ylac. Nakagat ni Freya ang labi ng sulyapan siya ng masama ni Ylac sa tinanong niya.
"Sino ang nagsabi na patay na si Xavier?" salubong ang mga kilay na tanong nito.
"P-pasensiya na, Sir. In-assume ko lang base sa reaction niyo kanina." nakangiwing sagot niya. Masyado kasing malungkot ang ekpresyon ng mukha nito kaya inakala niyang may masamang nangyari kay Xavier. Napaatras si Freya ng marahas na tumayo si Ylac mula sa pagkakaupo nito sa sofa.
"Don't assume too much, woman." malamig na wika nito bago siya nito tinalikuran.
"Freya nga ang pangalan ko, hindi woman. Ang hirap makaintindi. Bwesit!" naiinis na wika niya ng tuluyan ng mawala sa paningin ang arogante at dominanteng boss niya. Biglang naglaho na parang bola iyong nararamdaman niyang pag-alala rito ng dumating ito. Napalitan iyon ng inis.
"GOD!" sambit ni Freya nang makita ang oras sa alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Agad siyang bumalikwas ng bangon mula sa pagkakahiga. Saka siya bumaba ng kama. Masyadong nasarapan ang tulog niya dahilan para hindi niya namalayan kung ano ang oras sa umagang iyon. Nakalimutan din ni Freya na sa ibang kwarto siya. Ang buong akala kasi niya ay nasa sariling kwarto lang siya. Ang oras kasi ng gising ni Freya sa umaga ay alas siyete or alas otso. Hawak kasi niya ang sariling oras. Pero iba na ang sitwasyon niya ngayon. Hindi na iyon tulad ng dati na gigising na lang siya kung anong oras ang nais niya. Ngayon magtitiis siya ng dalawang linggo na gumising ng maaga hanggang matapos niyang bayaran ang atraso niya kay Ylac—este sa naging atraso niya kay Mr. Lambhorjhini.
Nagmamadaling isinuot ni Freya ang balahibong tsinelas na nakalapag sa sahig. Saka patakbong pumasok sa banyo para magmumog. Basta na lang din niyang inipit ang magulong buhok na hindi pa nadadaanan ng suklay. Hindi na rin siya nag-abalang magpalit ng damit. Nakaputing pajama lang siya at nakaputing sleeveless blouse.
Nagulat si Freya ng pagbukas niya ng pinto ng kwarto ay ang pagbukas din ng pinto ng kwarto ni Ylac. Iniluwa niyon ang naka-t-shirt at nakapajama rin na si Ylac.
"Sir! Good morning!" bati niya kay Ylac sa nanlalaki ang mata. Hindi na niya hinintay na sumagot ito tumakbo na lang siya papunta sa kusina para ipagluto ito ng almusal. Sa pagmamadali niyang makapunta agad sa kusina ay hindi niya namalayan ang pagbangga niya sa sofa. "Ouch!" impit na daing niya ng tumama ang binti niya sa sofa pero gayunman ay tuloy-tuloy pa rin siya sa pagtakbo. Hindi niya alam kung namali lang siya ng rinig pero parang narinig niya ang salitang 'careful' na lumabas sa bibig ni Ylac. Pero nakapa-impossible naman iyon. Si Ylac? Mag-aalala? Mukhang end of the word na.
Pagkarating ni Freya sa kusina ay agad niyang binuksan ang fridge. Kinagat niya ang isang daliri habang naghahalungkat siya kung ano ang pwede niyang mailuto sa almusal. Napalingon siya kanyang likod ng maramdaman niya ang mga yabag at presensiya ni Ylac. Nakita niya itong nakatayo sa bukana ng pinto sa may kusina.
"S-sir Ylac pasensiya na. Na-late ako ng gising. Akala ko kasi nasa bahay lang ako." hingi ni Freya ng paunmanhin sa binata. Habang sinasabi niya iyon ay napapakamot siya ng kilay. "Hindi na ito mauulit. Promise!" itinaas pa niya ang kanang kamay. Na tila ba siya nanunumpa.
"It's okay." sagot ni Ylac. Nakahinga naman siya dahil doon. Mukhang maganda ang gising ni Ylac dahil good mood na ito hindi tulad ng nagyari kagabi.
Kagabi kasi ay bad mood ito ng tanungin niya kung patay na ba ang nakakatandang kapatid nito na si Xavier. Hindi naman niya masisisi ang sarili kung mag-assume siya ng ganoon. Masyado kasi itong haggard at malungkot ng dumating ito sa condo nito at nagkataon rin na aksidente si Xavier kaya inakala niyang patay na ang nakakatandang kapatid nito. At hindi rin naman niya masisisi si Ylac kung maging bad mood ito kagabi sa kanya. Ikaw ba naman ang tanungin kung patay na ang mahal mo sa buhay? Talagang maba-badtrip ka.
"By the way, anong gusto niyong iluto ko for your breakfast?" tanong niya. Hindi naman kasi niya alam kung ano ang gusto nitong iluto niya. Mabuti na lang ang magtanong kaysa magluto siya ng gusto niya at hindi naman nito iyon gusto. Mabuti na lang ang nakakasiguro. Para hindi sayang ang pawis at effort niya sa pagluluto.
"Bahala ka na." anito saka ito tuluyang pumasok sa loob ng kusina. Ibinalik naman niya ang tingin sa loob ng fridge at naghalungkat kung ano ang pwede niyang mailuto roon. Inilabas niya sa fridge iyong madaling iluto. Tulad na lang ng bacon, hotdog at egg. Pagkalabas niya ay ipinatong niya ang mga iyon sa may sink saka siya sumulyap kay Ylac.
"Sir, gusto niyo bang uminom ng kape habang hinihintay niyong maluto iyong almusal niyo? Ipagtitimpla ko kayo?" tanong muli niya kay Ylac na hawak-hawak ang isang baso na naglalaman ng tubig.
"Brewed or with cream?" tanong niya ng tumango ito.
"Brewed." sagot nito. Humila ito ng silya at umupo roon. Dali-dali naman siyang nagtimpla ng kape para rito. Nang matapos siyang magtimpla ay inabot niya rito ang mug na naglalaman ng tinimpla niyang kape. Hindi siya umalis sa tabi nito hanggang hindi pa ito humihigop.
"Tama na po ba ang lasa?" tanong niya ng humigop na si Ylac sa kapeng tinimpla niya. She crossed her finger na sana ay patok sa panlasa nito ang tinimplang kape.
Sumulyap sa gawi niya si Ylac. Wala siyang mabasang anumang ekspresyon sa mukha nito. His face was expressionless.
Pero sa sunod na sinabi ni Ylac ay halos lumukso ang puso niya. "It tasted good." maikling komento nito. Maikli iyon. Gayunman ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng bahagyang saya sa kanyang dibdib sa naging komento nito. Tila siya isang bata na pinuri ng kanilang guro sa harap ng buong klase. Parang lumaki din ang puso niya sa sandaling iyon. Inspired tuloy siyang ipagluto si Ylac ng almusal nito.
At sa buong durasyon na nagluluto si Freya ay hindi umalis si Ylac sa kinauupuan nito. Hindi tuloy siya naging komportable. Naiilang din siya. Lalong-lalo na kapag napapatingin siya sa gawi ni Ylac, nakatingin kasi ito sa kanya animoy pinagmamasdan ang bawat kilos niya. Naiilang at ni-nerbiyos tuloy siya. No man can affect her like that. Kahit iyong mga past relationship niya. Hindi siya nakakaramdam ng pagkailang kahit pagmasdan siya buong araw. Kahit ginawa siyang isang specimen kung tingnan. Tanging kay Ylac lang niya nararamdaman ang ganoong klaseng pagkailang. To think na wala naman itong ginagawa. Nakaupo at nagmamasid lang ito sa kilos niya. Hindi niya maipaliwanag sa sarili pero may taglay ang presensiya ni Ylac na nagpapakabog ng husto sa dibdib niya. Kahit ang pinakamatalinong tao sa mundo ay hindi maipaliwanag ang nararamdaman niya sa sandaling iyon.
Nakahinga ng maluwag si Freya ng sa wakas ay tapos na rin ang ginagawa niya. Inilapag na niya sa mesa ang mga platong may laman ng pinirito niyang bacon, hotdog at itlog. Saka ang fried rice din. Pinainit rin niya iyong niluto niya kagabi na adobong manok na hindi naman kinain ni Ylac. Pagkatapos kasi nitong magwalk-out kagabi ay hindi na itong muling lumabas ng kwarto nito. Hindi naman niya ito kinatok sa kwarto para i-remind na kumain na ito. Hindi na ito bata para tawagin. Kung nais nitong mag-hunger strike. Wala siyang pakialam. Hindi naman siya ang magugutom. Hindi naman niya tiyan ang magugutom kung sakali.
Pagkatapos niyang maihanda ang lahat ay nagpaalam na siya kay Ylac. May gagawin pa kasi siya. Hindi na niya hinintay na sumagot ito sa halip ay naglakad na siya palabas ng kusina. Mamaya na lang siya kakain ng almusal pagkaalis nito. Hindi naman siya makakain ng maayos sa tuwing nakikita niya ang salubong na kilay nito. Baka hindi pa siya matunawan. Pero hindi pa siya tuluyang nakakalabas sa may kusina ng mapahinto siya sa paghakbang.
"Where are you going?"
Nilingon niya si Ylac na ngayon ay salubong na naman ang mga kilay. "Sa sala po, maglilinis." sagot niya. "Bakit? May kailangan pa ba kayo?" Kamahalan? dugtong niya sa isipan.
"Sabayan mo ako."
Tumaas ang isang kilay niya dahilan para mas lalong magsalubong ang kilay nito. Sa sobrang salubong ay nag-isang linya na iyon.
"Samahan mo akong kumain." ulit nito. "And I'll take no for an answer." dagdag na wika ni Ylac. Nais naman sanang matuwa ni Freya dahil sa pag-iimbita ni Ylac na sabayan niya itong kumain. Pero paano siya matutuwa kung ang paraan ng pag-iimbita nito ay tila nag-uutos? Para itong hari kung makapag-utos. Ngali-ngali tuloy niyang kutusan ang ulo nito. "What are you waiting for, wo—
"Nandiyan na." putol niya sa anumang sasabihin ni Ylac. Hindi niya napigilan ang mulagatan ito dahil sa sobrang inis. Naiinis kasi siya sa tuwing tinatawag siya nitong 'woman'. Nakakainis at nakakarindi kasi iyon sa pandinig niya. Maganda naman ang pangalan niya. Bakit hindi nito iyon kayang banggitin? Naku! Pasalamat ito at mabait siyang nilalang. Pasalamat din ito dahil gwapo ito at nasasayangan siya sa magandang genes nito. Kasi kung hindi baka nilagyan niya ng lason ang niluto niyang pagkain para hindi na siya ma-pwerwisyo nito.
Sa halip na lason, gayuma na lang ang ilagay mo baka sakaling mag-iba ang ugali, sulsol ng mahaderang isipan niya. Iiling na lang na napangiti si Freya sa naisip. Nang mapadako ang tingin niya kay Ylac ay agad na napalis ang ngiting nakasungaw sa labi niya. Napansin kasi niyang nakatitig si Ylac sa kanya. May nakita siyang kakaibang emosyon na bumalatay sa mata nito habang nakatitig sa kanya. Isang klaseng emosyon na kahit wikipedia ay hindi maipaliwanag. Namamalikta na naman siguro si Freya dahil ng pagkurap ng mata niya ay naglaho na iyong kakaibang emosyon na nakita niya sa mata nito. His eyes were now expressionless again. As usual.

Book Comment (37)

  • avatar
    antonioaiza

    great story

    17d

      0
  • avatar
    Noemi Gonzales Beo

    super beautiful story

    13/07

      0
  • avatar
    Arona Balagtas

    goods

    10/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters