logo
logo-text

Download this book within the app

Gangster 2

(Naya’s POV)
(Flashback)
"Baby wake up breakfast na!"
"Sweety pie huy? Bangon!"
"Kuya naman eh!" reklamo ko sa mga nambubulabog sa akin.
Bumangon agad ako sabay kamot ng ulo dahil sa magkahalong antok at inis dahil sa kambal.
"We passed the university exam darling, let's celebrate! come on?" sabay nilang hiyaw.
I look at kuya Nate and Naye with my eyes wide open, pakiramdam ko lahat ng antok at inis ko ay nawala dahil doon. Gulat na gulat akong nakatingin sa kanila habang nakangiti lang sila sa akin.
"We?" pangaasar ko sa kanila.
"Talagang minamaliit mo ang mga Kuya mo ha?" sabay na naman nilang sabi.
Tiningnan nila ako ng mapanuring tingin matapos nilang sabihin iyon, saka sila nagtinginan at sabay na ngumiti sa isat isa. Buti na lang talaga wala akong kakambal, kapag nagkataon kasi ay baliw rin ako katulad ng dalawang ‘to. Hindi na ako nakakilos sa gulat ng bigla na lang nila akong kilitiin, and I just cant help myself but to laugh out loud dahil doon.
“What the hell? Enough!” reklamo ko na agad naman nilang itinigil.
Hinihingal akong bumangon saka ako ngumiti sa kanila habang tumatawa pa rin sila.
"Congrats mga Kuya ko," I greeted them with a smile.
They both smile at me and hug me so tight kaya niyakap ko na lang din sila ng mahigpit saka ako ngumiti.
(End of flashback)
"Wake up honey! Aabutin ka ng traffic."
Napabalikwas ako ng bangon, sabay tayo dahil sa narinig kong boses na sinabayan ng tapik para gisingin ako. Ramdam na ramdam ko rin ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa panaginip na iyon. This was the first dream I have na masaya sila.
I just sigh and brush my hands on my hair saka ako tumingin kay Mom and she just smile at me and she hug me sabay abot ng towel sa akin. Hindi naman na ako nagsalita pa at dumeretso na lang ako sa banyo saka naligo.
This is another stupidity and another university. Malamang hindi na naman ako tatagal doon, pero parang iba naman ang kutob ko sa pinaglipatan sa akin ni Dad. This was the first time he let me live on a dorm, hindi niya iyon ginagawa, dahil palagi nga silang nakabantay sa akin. Iwinaksi ko na lamang ang isiping iyon saka ko ipinagpatuloy ang pagligo, nagbihis na lang din agad ako matapos maligo saka ko kinuha ang bag ko at ang maleta ko, saka ako bumaba sa ground floor ng bahay.
"Lets eat first?" bungad ni Mom sa akin pagbaba ko.
Nginitian niya pa ako at ibinaba ko lang naman sa may sala ang mga gamit ko. Hindi ba sila papasok sa trabaho? Hindi pa sila bihis. This was the first time na nakita ko silang nandito sa bahay kahit tanghali na.
"Akala ko gigisingin pa kita eh."
Nilingon ko ‘yong nagsalita and even Mom look at him. Its Apollo, pinsan ko siya. Wait? What is he doing here? Tiningnan ko lang naman agad siya ng masama na hindi naman yata niya napapansin, malawak pa rin kasi ang ngiti niya at pakiramdam ko ay hindi iyon maganda, weird.
"Apollo? Let's eat first."
I look at Dad na nagyaya kay Apollo, pababa pa lang siya ng hagdan pero dumiretso lang siya ng kusina at hindi niya ako pinansin, ngumiti lang din naman si Apollo saka siya tuluyang lumapit sa amin.
"Tara na insan?" yaya ni Apollo sa akin.
Hindi na rin naman ako nagsalita at hinayaan ko na lang din siya na hilahin ako papasok ng kusina. Sumunod naman agad si Mom sa amin nang hindi nagsasalita. Pero bakit nga kaya nandito ‘tong mokong na ‘to? Naupo lang din naman agad ako pagpasok namin sa kusina saka ako nagsimulang kumain matapos lagyan ni Mom ng pagkain ang plato ko.
"Faster, baka maipit tayo sa traffic," Dad said to us pagkaupo namin nina Apollo.
"Why he's here?" agad kong tanong kay Mom.
Agad din namang ikinakunot ng noo ni Apollo iyon kaya lalong napakunot ang noo ko.
"He will go with you," Dad answered.
Agad kong tiningnan ng masama si Apollo pagkasabi noon ni Dad na dahilan naman para mapalunok siya, agad ko ring sinipa ang paa niya sa ilalim ng mesa saka ko siya pinanlakihan ng mata. Problema ko pa ang lampang yan doon.
"R-relax insan," bulong niya sa akin.
Agad niya ring itinaas ang dalawang kamay niya sa ere na parang sumusuko na siya sa akin. Siya kasi ang katabi ko sa kanang bahagi ng mesa habang nasa center seat si Dad at nakaupo sa harapan namin si Mom.
“Sumakay ka na lang, trust me,” bulong niyang muli saka siya ngumiti sa akin.
"Tsk!"
I just roll my eyes on him at hindi ko na lang din siya pinansin. Binilisan ko na lang din ang pagkain saka ako naunang lumabas ng bahay. Sumakay na lang din ako sa sasakyan ni Dad pagkalabas ko dahil ihahatid daw nila kami. And Its unusual, really unusual.
"Wala na kayong problema sa papers niyo ha? Okay na rin ‘yong dorm niyo, and all you have to do is present that forms on the guard and on the deans office," Mom said.
Iniabot din agad ni Mom sa amin ni Apollo ang mga folders na hawak niya. Nasa unahan kasi siya katabi ni Dad at sa likod naman kami nakaupo. I also don't bother myself looking at the papers pero si Apollo ayun tuwang-tuwa pa siya sa papers niya.
"Hindi talaga ako makapaniwala na makakapasok ako sa DR University," Apollo exclaims.
I look at Apollo dahil sa sinabi niya, hindi naman niya ako pinansin dahil busy siya sa pagtingin sa mga papel niya, and he was too excited and too amaze at parang nagniningning pa ang mga mata niya dahil doon.
DR university? Sigurado ba siya? Napatingin din ako sa mga papel na hawak niya at nakita ko doon sa form niya na may nakalagay na DR university passer. I look at my form at agad kong nakita na pareho kami? But I didn't --
"Remember the exam I have given you and told you that you should pass? It's their qualifying exam," Mom explained to me, and then she smiled.
I'm just looking at her habang sinasabi niya iyon and that makes my heart beat so fast also. DR University was the same university the twin got enrolled in before. After they died there, I decided to enter that school also but Dad didn't allow me, they didn’t allow me before.
"Live there Naya, If you die you will never know who killed them. Get the justice we all wanted, know who killed them, survive, you should survive, or else it's over. That’s all you want right? Hindi na kita mapipigilan so just live," Dad said to me.
Matagal na katahimikan ang namalagi sa amin matapos sabihin iyon ni Dad, umiwas din naman agad siya ng tingin sa akin dahil nakatitig lang ako sa kanya. He then look at our front and I was still in awe. Hindi ko ito alam, talaga nga yatang hindi na niya ako kayang pigilan, pero gusto ko ring umasa na sa ngayon ay naiintindihan niya na ako.
"I will," I said to him.
Agad din akong umiwas ng tingin sa kanya saka ko pinakatitigan ang mga papel na hawak ko, hindi ko na rin namalayan na hindi ko na napigilang maiyak sa sobrang saya at sobrang kaba. Sobrang excited din ako, niyakap ko na lang din ang mga papers na hawak ko sa saya. Hindi ko na rin naiwasang mapahagulghol dahil sa halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Finally, ito na ang hinihintay ko, ito na ang pagkakataon ko, ito na.
"You leave me no choice but to do this, so just stay alive and come back home safe honey. Ipangako mo na uuwi kang buong-buo Naya, nawala na ang mga kapatid mo anak, huwag kang mawawala na tulad nila," Dad said again.
Napatingin ulit ako sa kanya and I saw him crying too, nagiyakan na kami ni Dad and I saw Mom and Apollo cry too. Matagal ko ng hinihiling ang bagay na ‘to at inaasam. I wanted to enter that school to know who killed my brothers, my brothers who died there. They are killed and until now no one knows who killed them. Even my father na police, even my Mom na lawyer, wala silang nagawa. Dahil ang school na ‘yon ay isang malaking palaisipan sa lahat.
"Were here,” Dad said matapos ang mahabang byahe.
Tumigil din agad ang sasakyan namin sa tapat ng napakalaking itim na gate, bumaba din naman agad kami saka namin pinagmasdan ang gate ng school na huling nasilayan ng kambal bago sila mawalan ng buhay.
“Magiingat kayo,” paalala ni Mom sa amin.
Nilingon ko naman muli sila saka ko sila niyakap.
"Aalamin ko ang totoo, pinapangako ko na makakamit din natin ang hustisya, Mom? Dad? Trust me, this time trust me," I said.
I stared at them, eye to eye, assuring them that I can do it habang nakangiti lang naman sa amin si Apollo.
"We love you, darling," sabay na sabi nila.
Mom wipe her tears na hindi niya na napigilang tumulo muli and I just smile at her.
"I love the both of you too," I said saka ako ngumiti sa kanila.
Niyakap nila akong muli and even Apollo at ilang minuto rin ang itinagal noon bago nagsalita si Dad.
"Tama na to sige na lakad na."
I kiss their cheeks before we get our things, I also smile at them and wave my hand habang papaalis na sila, I will live here and know who killed them, I promise, I swear that to death.

Book Comment (36)

  • avatar
    Hann-jeff De Fiesta

    ang tanong? sinu ang nag inject sa dean? kasi hanap niya rin antidote nu?!..next po🤙

    21/07

      0
  • avatar
    Van Camero Van

    yhhbun

    17/07

      0
  • avatar
    Brisbane Amster Saycon Labe

    hot

    03/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters