logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3 THREE

INABOT ni Tiberius ang Baston kay Josue. Nilingon nalang nila ang Palasyo na napapalibutan na ng mga Kalaban.
Bumaba nalang sila sa Kuweba. Walang ibang nakakaalam doon, tanging sila kasi ni Josue ang gumawa noon. Minsan kapag nangangaso sila'y ginagabi din sila kaya ginawa nila ang Kuweba.
Malinis ang Loob at may mga Kuwarto rin. Simpleng Palasyo na maliit kung titignan.
Umupo siya sa Upuang Kahoy ng Mailapag na ang Ama niya sa Kama nito. Si Donovan ay siniguradong maayos ang kalagayan nito. Nakita niyang may suot itong Kuwintas ng ilagay niya. Angsabi ng Duwendeng si Aloysius ay gamot daw iyon. Paniguradong iyon ang ginawa ni Avadis. Mamaya ay ipapainom niya iyon sa Ama niya.
"Mahahanap din natin siya." Nilingon niya si Josue. Inabutan siya nito ng Tubig.
Tumango narin siya. Kailangang manatili ang positibo niyang pag-iisip. Dalawa na ang nakuha ng Kalaban. Ang Reyna at si Teslyn.
Uminom siya ng Tubig saka tumingin sa kawalan. Hindi puwedeng mabalewala ang sakrispisyong ginawa ni Avadis. At dilang si Avadis, marami ang nagbuwis ng buhay.
"Kailangan natin ng tulong..." Ani Josue. Tumango siya.
Ngunit kanino? Wala naman silang ibang kaibigan. Ang Kabilang Kaharian ay pinamumunuan ng Masamang Hari. Kapag nalaman nito ang nangyari sa Kaharian nila'y tiyak susugod ito't sasakupin sila.
"Sa mga Sirena kaya?" Tanong ni Josue. Nilingon niya ito.
"Sirena? Diko sigurado." Aniya. Sa Kabilang Mundo ang mga Sirena. Sa Banda ito ng mga Tao. Batid niyang matutulungan nga sila ng mga ito. Pero masyadong mapanganib.
Tanging Bilog ng Buwan ang magbubukas sa Lagusan papunta sa Mundo ng mga Tao. At habang lumalaki siya'y kailanman ay dipa nagbubukas ang Lagusan.
At sa pagkakataong tu, delikado kung magbukas ang Lagusan. Puwedeng lumabas ang mga Mangkukulam at maghasik ng kaguluhan sa mga Tao.
Kailangan pa nilang hintayin ang Paggising ng Ama niya dahil tiyak may plano ito. Mahirap kapag sila-sila lang. Baka mapahamak pa sila lalo.
"Maayos na ang lagay ng Ama mo..." Nginitian niya si Donovan na bagong Dating. "Posibleng magising na siya bukas."
"O posibleng matagal pa." Singit ni Aloysius. "Ang Tumama sa kanya ay hindi lang pangkaraniwang itim na Mahika. Ito'y ginamitan rin ng Ubas na ninakaw sa Punong binabantayan ni Donovan."
"Huh?" Napalingon sila rito. "Ibig sabihin ililigtas niyan si Ama?"
"Hindi. Pagkat mas makapangyarihan ang itim na Mahika. Ang Ubas na iyon ay magproprotekta sa Itim na Mahika para mas lalong pahinain ang Ama mo. Ang Gamot na ginawa ni Avadis ay makapangyarihang gamot na galing sa Makapangyarihang Batis. Kailangang uminom siya niyan ng uminom kahit gising na siya." Mahabang anito.
"Ngunit saan tayo makakahanap niyon?"
"Isang Diwata ang makakatulong sa atin. Pero masyadong malayo ang Batis na iyon."
"Saan? Kakausapin ko ang Diwata."
"Si Kenia. Inaalagaan niya ang Batis pero sa Punong Katabi nun siya nakatira. Kailangan nating huminge ng Tubig sa kanya." Napatango siya.
"Kenia? Sino siya?" Tanong ni Donovan.
"Makapangyarihan siya. Nakilala kona siya pero di kami gaanong nagkausap." Ani Josue.
"Bukas na Bukas ay maghahanda tayo para puntahan si Kenia." Aniya.
"Sasamahan na kita." Ano Josue pero umiling siya.
"Mas Kailangan ni Donovan ng tulong rito. Baka biglaang dumating ang mga Kalaban."
Tumango ito. Nilingon naman niya si Aloysius. "Ikaw, sasamahan moba ako?"
Tumango naman ito.
PILIT sinisira ni Teslyn ang Bakal na piitan niya pero ayaw talaga. Nag-utos na siya sa Palaka niya na hanapin ang Kuya Tiberius niya at sabihin kung asaan siya.
"Kahit anong pilit mo, di magbubukas yan." Napasigaw siya ng makarinig ng Boses mula sa likod.
"S-sino ka?"
Tumawa ito pero tumahimik rin agad. "Ako si Rebecca. Isang Taong ibon."
Madilim kasi sa banda rito kaya di niya ito gaanong makita. "Ako naman si Teslyn. Maganda daw ako, sabi ng mga Palaka ko."
Lumapit ito sa kanya kaya nakita na niya ang mukha nito. "Matagal na akong nakakulong dito. At talagang ginawa kona lahat para makalabas. Pero wala eh. Naubos na ata lahat pati ang mga Kapatid ko."
Napayuko siya. "Sa tingin ko'y Oo. Ngayon lang ako nakakita ng Taong ibon—Teka! Meron! Iyong Alalay ni Kuya."
"Alalay? Sino?"
"Perrin. Si Perrin ang Alalay ni Kuya."
Napangiti naman ito. "Kung ganun ay nakaligtas nga siya. Siya ay aking Nobyo. Pinatakas ko sila ng Aking Ina pero nalaman ko nalang na namatay na si Ina. Ang akala ko'y pati rin si Perrin, hindi kasi niya ako hinanap."
Umiling siya. "Madalas kong naririnig ang mga kuwento ni Perrin. Halos Gabi gabi siya kung magkuwento sa mga Ibon. Iyon ay tungkol sa isang Babae. Hindi niya sinasabi ang Pangalan pero batid kong ikaw iyon. Ang sabi pa nga niya'y magkasama na kayo mula pa pagkabata."
Tumango ito. "Totoo iyon. Inampon kasi siya ni Ina."
Tumango nalang din siya saka sumilip sa labas.
"Hinihintay moba ang Palaka mo?"
Lumingon siya. "Narinig mo?"
"Oo, kanina pa kita tinitingnan. Huwag kang mag-alala. Tanga tanga din minsan ang mga Uwak na iyan. Tiyak di nila napansin ang Palaka mo. Pero matatagalan din iyon sa pagbalik kasi hahanapin pa niyon ang Kuya mo..."
Tumango siya saka tumabi rito. "Anong Kapangyarihan mo, Rebecca?"
"Wala. Tanging Pakpak kolang ang maipagmamalaki ko."
Napangiti siya. "Gusto korin niyan. Mabuti pa nga si Kuya meron eh. Pero Kapa niya iyon na nagiging Pakpak."
"Eh ikaw? Anong Kapangyarihan mo?"
Ngumiti siya. "May Kuwintas ako. Kaya kung magbalat-kayo kahit na sino. Iyon ang regalo ko kagaya ng Kapa sa Kuya ko. Pero ang Alaga ko'y Palaka. Samantalang kay Kuya naman ay mga Lambana."
Tumango ito. "Maswerte kayo sa Kapangyarihang taglay niyo. Maaari kayong makaligtas."
Umiling siya. "Di rin. Ito kasing Kuwintas ko, diko naman ginagamit. Naggamit kolang ito ng bagong Bigay ni Inay."
Tinitigan naman siya nito sa mga mata. "Pamilyar ka."
"Di naman kita kilala eh..."
"May kakilala kabang Avadis?"
Tumango naman siya. "Salamangkero siya sa Palasyo. Bakit?"
Ngumiti ito. "Ikaw nga. Kasama ko si Avadis ng iligtas namin kayo ni Tiberius sa kamay ni Levia!"
Napaisip naman siya. Levia? Narinig na niya iyon. Iyon daw ang babaeng kapatid ni Avadis na nagpahamak sa kanila.
"Kasama ka doon?"
"Oo. Angsaya ko nga umuwi nun para ibalita kela Ina pero may mga Kalaban na pala. Hanggang sa mamatay siya'y diko man lang nasabi sa kanya na may tinulungan ako. Tiyak magiging masaya iyon... Hayst. Namimiss kona sila. Antagal kona dito-"
Hinawakan niya ang kamay nito. "Lalabas tayo dito, okay? Magkikita pa kayo ni Perrin."

Book Comment (160)

  • avatar
    Zachary Aviles Prado

    super good

    17d

      0
  • avatar
    Xander Cortez

    this is cool story

    19d

      0
  • avatar
    Carlos Albino

    carlos albino

    26/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters