logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2

Shanaia's POV
I woke up late today. At least it's Sunday, rest day for regular workers.
I have no friends at work anyways so I have to memorize the days I'm working. Walang magpapa-alala kung sakali.
They said I'm a bitch. Sinubukan ko namang makisama pero ayaw talaga nila sa akin. Narining ko pang pinagchi-chimisan nila ako na mukha daw akong maldita at pokpok.
Tangina nila. Edi sila na mukhang perfect.
They don't know I'm a daughter of a CEO anyways. Wala rin silang mahu-huthot sa aking kung sakali.
Isa pa, I don't want gold-digger friends.
Minsan na nga lang ako magkaroon ng kaibigan, plastic pa. Huwag na lang.
For my own benefit, iniisip ko nalang na they're too jealous of my model-built sexy body and goddess looking face. Even though it's the other wise.
I grow up with my sister constantly reminding me that I'm a fucking ugly bitch. And so, I believed her.
Everyday I looked at the mirror belittling my features. One thing I hate the most was my freckles. Ako lang sa pamilya ang may ganito.
Kaya mas tumatatag talaga ang paninwala ko na ampon ako. Nung bata ako, sinubukan ko silang komprontahin, iniwasan lang nila ako saka tinalikuran nang walang nakukuhang sagot.
Wala man akong nakuhang sagot, pinaniwalaan ko nalang na tunay nila akong anak dahil dito ako unang nagmulat ng mata.
Anyways, enough with the breakdowns and dramas. Umagang umaga, kung ano-ano agad naiisip ko.
I fixed my bed before getting ready to hear my family's litany and to survive another day of my fucked up life.
I dress a simple black short and sleeveless top. I picked my phone and go downstairs.
I'm halfway down when I noticed na may bisita sila dad.
"Have a seat Mr. Andrade." I heard dad said as I step on the last step of the stair.
Saktong pagtapak ko ay ang paglingon nila sa gawi ko.
"Gising ka na pala. Shanaia dear, come here," Mom said with tenderness on her voice.
I don't know kung ano nanamang pakulo ang meron sila. Last time na ganito ang ipinaramdam nila sa akin, muntik na akong malunod sa sarili naming pool.
Dahan dahan akong naglakad palapit sa puwesto nila ngunit saktong layo lang mula sa mga magulang ko.
"Here's our youngest. Shanaia Monteverde."
"She's really beautiful. Napalaki mo nang maayos ang magiging anak ko balae," Mrs. Andrade said that made me confused.
Balae? Ano nanamang kaputanginahan itong pinasok ng magulang ko?
Nagulat naman ako ng biglang may lumapit sa akin na lalaki at inakbayan ako. Aalisin ko na sana kaya lang bigla siyang nagsalita na mas lalo kong ikinagulat.
"Mom, Dad, Tito, Tita, ipagpapaalam ko po sana itong fiance ko. Kausapin ko lang." What the fuck is he saying?
"Okay. Enjoy!" saad pa ni Mama na may nakakatakot na ngiti.
"Wha---" hindi na ako nakapag-protesta dahil bigla niya akong hinila papuntang likod bahay.
Nang huminto kami ay naupo siya sa stool dito sa may mini bar namin kalapit ng pool. Basta nalang siyang kumuha ng isang display na wine at nag-salin sa wine glass na nahalughog niya sa kung saan.
Feel at home ang gago.
"Want some?" tanong pa niya saka inialok ang isang wine glass.
"Bahay mo?"
Natawa naman siya sa isinagot ko.
"Sorry. I just want to lighten up the mood. Mukhang wala ka pang kaalam-alam sa balak ng mga magulang mo eh," siya saka ipinag-patuloy ang paglagok ng wine.
"Sorry again. I'm Gem by the way," pag-papakilala niya.
"Shanaia. Ano bang plano nila?" tanong ko.
"Well, as you heard, we're engaged. You're company's on its verge of bankcrupcy, 'pag wala pang ginawang aksyon ang ama mo, maaaring mawala ito sa inyo."
Hindi pwede, pinaghirapan 'yon ni Daddy eh.
"Sa madaling salita, ibinugaw ka ng mga magulang mo." Nangunot naman ako sa salitang ginamit niya.
"Sobra naman yung bugaw!" saad ko na nag-patawa sa kaniya. Natawa nalang din ako dahil muka naman siyang msaiyahin at mapagkakatiwalaang tao.
"Pumayag ka?" tanong ko na naging dahilan ng pagtigil niya sa pagtawa.
"No," he said with sadness visible on his eyes, "but I have no choice," he continued.
"Do you love someone else then?"
Tumango lang siya. Ako ang nalulungkot para sa kaniya.
Nagkaroon ng katahimikan ng ilang minuto sa pagitan naming dalawa. Napainom nalang din ako sa isang basong sinalinan niya kani-kanina lang.
Ganito nalang ba talaga ang buhay ko? Gagamitin kung kelan kailangan at itatapon kung hindi na?
Wala na ba talagang ibang choice?
Bigla ko naalala yung isang quote sa nabasa kong libro, "Choice is a decision to make, not a fate to wait."
Tama nga naman. Nasa desisyon na ng tao kung ano ang pipiliin niya. Hindi dapat iniaasa lang sa tadhana ang lahat.
Ika nga, kung gusto may paraan.
Kailangan ko kalayaan, ganon din ang sa kaniya. May naisip akong plano.
"I have a plan."
Naplingon naman siya sa sinabi ko.
"What is it?"
"Let's ditch. Tumakas tayo. Ikaw kasama ang mahal mo, at ako kasama ang...ang sarili ko." pahina ng pahinang saad ko.
"I can't do your plan miss." Nalaglag ang balikat ko sa isinagot niya.
Napansin niya siguro ang kalungkutan sa mukha ko kaya bigla siyang lumapit at niyakap ako.
"Kung anuman ang pinagda-daanan mo, andito ako bilang bago mong kaibigan. Hindi ko kayang tumakas dahil may kompanya akong pinamumunuan pero handa akong tulungan ka sa plano mo."
"Really?" I ask like a baby and look up to him.
Natawa naman siya at pinunasan ang luha ko.
"Yes, 'wag kang mag-alala. Sasabihin ko nalang na ang kapatid mo ang gusto ko para hindi na ikaw ang pag-diskitahan ng magulang mo at makatakas ka na dito."
I look at him confused. Why is he so eager to freed me?
"Kahit hindi mo sabihin, halatang-halata sa mukha mo ang lungkot sa piling ng magulang mo. Kanina palang nung pinalapit ka ng nanay mo, kapansin-pansin na," he said.
Unbelievable, siya na ibang tao napansin pero sarili kong magulang hindi.
"Can you be my kuya?" I said still hugging him.
"Ofcourse!" natatawang saad niya.
"Thank you kuya. Promise 'pag balik ko mula sa plano kong ito, may maipagmamalaki na rin ako sa mga mgulang ko."
He just hugged me tighter.
Later that night, I execute my plan...
Ang tumakas.
Kumawala mula sa pamilyang aking kinalakihan dahil sa kagustuhang makamtan ang kalayaan...
Sana sa desisyon kong ito, dalhin ako sa tamand landas.
Sana pagbalik ko, matanggap na nila ako...

Book Comment (63)

  • avatar
    Mariefe Rodriguez

    nice Ang ganda❤️❤️❤️

    12/04

      0
  • avatar
    Hann-jeff De Fiesta

    pwede ba ung mag ano kahit 2 days old palang ang baby? hehehe btw ang ganda☺

    06/02

      0
  • avatar
    Jenny Alminion

    need

    07/10

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters