C H A P T E R 3 ━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━ Bagsak balikat na naglalakad si Celeste. Habang ang kaniyang nay Thalia ay nasa likod niya lamang. It's already 2'oclock in the afternoon. And she needs to go, baka maabutan pa siya ng gabi. Dumaan silang dalawa si likod ng mansyon dahil doon ay walang cctv. Hindi niya pa rin maiwasang mag-alala sa magiging sitwasyon ng kaniyang nay Thalia. Baka kasi malaman ng kaniyang mga magulang na siya ang tumulong dito upang maglayas siya. At baka iyon ang maging dahilan upang mapalayas din si ncay Thalia sa bahay na ito. "Mag-iingat ka iha." Inayos ni kaniyang Nay Thalia ang suot at ang mga gamit niya na nakalagay lamang sa malaking bag na kulay puti, at may disenyo na mga puso na kulay pula. Napanguso niya ng ilagay ni Nay Thalia ang bag na iyon sa balikat niya. Ramdam niya kung gaano kabikat iyon ngunit ayaw niyang magreklamo sakaniya, dahil baka mas lalo silang matagalan kung papalitan niya pa ito. And besides, nay Thalia will not agree. "Mag-iingat din po kayo Nay Thalia." Inayos ni Celeste ang pagkakasuklib ng malaking bag na iyon saka nginitian ng malawak ang kaharap. Ngunit agad din nawala ng makitang nanunubig ang mata nito. "Nay naman eh..." May pakiusap ang boses ni Celeste. "Wag na kayong umiyak. Baka hindi na ko tuluyang makaalis sa mansyong 'to." Agad naman niyang pinunasan ang mga butil na tumulo mula sa mga mata nito. Saka malawak na nginitian ang nay Thalia niya saka tumingkayad upang mahalikan ang noo ni Celeste. Mas matangkad si Celeste kaysa sakaniya kaya minsan ang nay Thalia niya ang laging nag-aadjust. "Wag kang magpapagutom doon, okay?" Masuyong hinawakan ni Nay Thalia ang kaniyang magkabilang pisngi. "May tiwala ako sa'yo Celeste, alam kong hindi ka mapapahamak o magugutom dahil pinaghandaan mo itong mabuti tama ba ako?" Masunuring tumango si Celeste at hindi niya na napigilang yakapin ng mahigpit ang kaniyang nay Thalia. Inalis niya na muna ang bag na nasa balikat niya, dahil harang lang iyon sa yakapan ng dalawa. "Promise, nay Thalia. I will be an independent woman. I'm having a hard time with the new situation I'm dealing with, but if that would be good for me, then I will go for it." she softly said. Her Nay Thalia softly creased her hair. "May tiwala ako sa'yo Celeste. Magagawa mo na ang mga bagay na gusto mo ngayon-" Pinaghiwalay niya ang yakapan nilang dalawa saka ibinalik ang pagkakahawak ang mga palad nito sa magkabilang pisngi ng dalaga. "-Malaya mo ng magagawa ang mga bagay na dapat ginawa mo noong bata ka pa lamang. Basta ay siguraduhin mong mag-iingat ka." Agad na tumango si Celeste saka hinalikan sa pisngi ang Nay Thalia niya. Kinuha niya na ang bag na nilapag kania. Inayos niya muna nag sarili saka nginitian ng malawak ang kaharap na hanggang ngayon ay nakatitig lamang sakaniya. "Mag-iingat din po kayo kina Mommy." Humugot ng malalim na hangin ang nay Thalia niya saka tumango sa sinabi at tinapik ang braso niya, saka hinila papunta sa mahaba ngunit maliit na gate ng likod ng masyon saka binuksan iyon. "Tawagan mo ako kapag may nangyari sa'yo, okay?" pagpapaalala nito. Nakangiting tumango si Celeste saka lumabas na ng gate at humarap sa nay Thalia niya. "Huwag mong-" "Wag mong ilalabas ang cellphone mo kung hindi naman kinakailngan. Huwag kang magpapagabi sa daan, huwag mong papagurin ang sarili mo, huwag ka masyadong mag ingles sa mga makakasalubong mong tao dahil baka hindi nila maintindihan at baka mahalata ka mayaman ka. At higit sa lahat ay wag kang magtitiwala sa mga makikilala mong mga tao." Hindi maiwasang mapahanga si Celeste sa sarili dahil nakabisado niya agad iyon. Marami din ang habilin ng kaniyang Nay Thalia, hindi lang iyon. Ginulo niya ang buhok ni Celeste saka muling tinapik ang braso nito. "O siya, maglakad ka na. At baka gabihin ka pa." Humugot ng malalim na hangin si Celeste saka agad na tumalikod sakaniyang nay Thalia. Sa totoo lang puno ng kaba at takot ang nararamdaman ni Celeste habang naglalakad palayo sa nakasanayan niyang bahay. Ang bahay na puro katulong lang ang kasama niya mula pa noong bata. Ang bahay na puno ng katahimikan at walang magandang ala-ala na maaring dalahin. At ang bahay na puno ng mabangungot na karanasan. Hindi lubusan alam ng dalaga kung anong mararamdaman niya. Kaba ba o saya? Kaba, dahil magiging mag-isa na lamang siya. Walang magsisilbi sakaniya na mga katulong, at hindi niya masisiguro na makakain siya ng tatlong beses sa isang araw. O kung makakahanap siya kaagad ng matutuluyan. Saya, dahil sawakas hindi na siya makakaramdam ng pagkalungkot at pag-iisa at marami na rin siyang taong makikilala. At higit sa lahat ay marami na siyang mararanasan. Napabuntong hininga siya ng hindi niya namamlayan na nasa labas na pala siya ng subdivison. Kunot noo siyang lumingon sa guard house. Tumaas ang kilay niya ng walang makitang guard doon. They're not serious about their work. It should have a guard there. Malay mo biglang may magnanakaw na pumasok sa subdivision nila. At walang kaalam-alam na may nakapasok na palang magnanakaw doon. Napa kibit-balikat na lamang siya saka tumingin sa paligid. Puno ng usok at maraming mga nagtitinda sa gilid ng daan. Hindi maiwasang mapaisip si Celeste. Baka kapag hindi niya kinaya na mag-isa at pakainin ang sarili ay baka mauwi siya sa ganiyang sitwasyon. Marahas siyang umiling saka tinapik ang sariling balikat. "Just trust yourself, Celeste." Akmang lalakad na siya ng may biglang humila sakaniyang braso. Handa na sana siyang suntukin ang taong humila sakaniya nang makilala niya kung sino iyon. "Ate Loly?" Iyon ang isa pa sa mga katulong na laging nasa tabi ng kaniyang nay Thalia. "Dito tayo." Agad siyang hinila ni Ate Loly sa may likod ng mga maraming halaman. Matatangkad ang mga halaman na nasa harapan nila kaya hindi sila nakikita ng sino man. "Ano pong ginagawa niyo dito?" mahinang bulong niya. Hindi alam ni Celeste sakaniyang sarili kung bumulong siya. "Mamaya ko na ipapaliwanag sayo-" Tumingin ito sa guard house. "-Ayun na ang kotse nila madam." Agad napalingon si Celeste sa gawi kung saan nakatingin si Loly. Kumabog ng malakas ang puso ni Celeste sa kaba. Tinted ang kotse ng kaniyang mga magulag, ngunit alam niyang sila ang nakasakay doon. Tinitigan lamang ni Celeste ang papasok na kotse ng kaniyang mga magulang. Ng tuluyang makapasok ang mga ito sa loob ay nawala na ito sa paningin ni Celeste. Narinig niya ang malakas na pagbuga ng hangin ni Loly kaya agad siyang napalingon doon. "Hay nakung bata ka!" Napatalon na lang siya sa sakit ng malakas na hampasin siya ni Loly sa braso. "Bakit kasi ngayon ka pa kasi naglayas!" Napanguso na lang siya dahil sa tanong niya saka hinimas ang braso na hinampas. "Bakit 'nga po kayo nandito?" Ulit niya sa tanong niya kanina. Malakas na bumuntong hininga ang kaharap saka hinila sa tabi ang dala-dalang maleta. Nanlaki ang mata ni Celeste dahil hindi niya namalayan na mayroon palang dala-dala si Loly na maleta. "Naglayas din po kayo?" gulat na tanong niya at agad nasapo ang nakaawang na bibig. Ginulo ni Loly ang sariling buhok sa pagka frustasyon. "Hindi ako nag layas! Hindi kaya ako nakatira doon. Katulong lang ako." Pinag krus nito ang mga braso. "Nag resign na ko." "Bakit naman po?" agarang tanong ni Celeste na para bang gustong-gusto malaman kung anong dahilan. "Personal issue, wag kang chismosa d'yan." Bumalik sa pagkakanguso ang mga labi ni Celeste dahil doon. Concern lang naman siya. "Hindi naman po ako chismosa katulad niyo." "Ano!?" Napapikit na lamang si Celeste dahil sa lakas ng pagkakasigaw ni Loly sakaniya. "Why? I'm just telling the truth." Yumuko siya upang hindi makita ang nakakatakot na itsura ni Loly dahil sa sinabi. Lagi kasing nakikipag kwentuhan si Loly sa ibang mga kasambahay sa tuwing naglalaba sila at nagsasampay sa may likod ng mansyon. Tinanong niya sa nay Talia niya kung bakit laging ganun ang Ate Loly niya. At isang salita lang ang sinabi sakaniya ni nay Talia. "Chismosa ang tawag riyan." "Hay nako! na i-istress ako sayo bata ka. Lit's gu na 'nga!" Agad siyang hinila sa wrist ng kaniyang Loly, kaya agad niya naman itong hilahin siya kung saan. At katulad ni nay Talia niya ay pinagkakatiwalaan niya rin si Loly. Na kahit chismosa ito ay alam iyang hinding-hindi sasabihin ni Loly kung nasaan man siya ngayon sa mga magulang niya. "Ate Loly, it's Let's Go. Not Lit's Gu." Binitawan na ni Loly ang wrist niya saka hinilot ang sariling sentido. "Sinasadya ko iyon, madame Celes." May panunuya sa boses nito. Nagkibit balikat lamang sakaniya si Celeste. "If you say so." Hindi talaga naniniwala si Celes sa dinahilan sakaniya ni Loly dahil alam niyang mahina talaga sa mga pag pronouns sa mga ingles si Loly. Pumara si Loly ng taxi. Ng tumigil ang taxi sa harap nila ay agad siyang hinila ni Loly papasok sa taxi at kinuha ang bag niya saka dinala iyon sa likod ng sasakyan. Wala sa sariling napatitig siya sa labas ng subdivison. Hindi niya alam kung kailan niya ulit makikita ang mga subdivison na ito ngunit, hinihiling niya na sana hindi niya pa ulit makita ito. Masakit man pakinggan ngunit... Celeste doesn't want to see her parents again.
done
19/06
0this is so exciting
03/03/2025
0popo
02/09/2024
0View All