C H A P T E R 2 ━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━ Naalarma si Celeste ng marinig niya ang pag galaw ng pintuan ng kaniyang kwarto. Kaya agad kumilos ang dalaga upang isara ang maleta na hinanda niya saka iniligay sa ilalim ng kama niya. Alam niyang si aling Thalia iyon. Laging nakalock ang pintuan ng kwarto niya kaya laging may dala si aling Thalia na susi upang mabuksan ang kwarto niya. Inayos ni Celeste ang magulong buhok at pinunsan ang mumunting luha sa gilid ng mata niya. Saka umayos ng pagka-kaupo sa kama. "Hindi ka pa ba papasok?" bungad na tanong ni aling Thalia sakaniya habang may mga matatamis na ngiti sakaniyang mga labi. Palihim na humugot ng hangin si Celeste saka umiling. "I don't feel like going to school right now." He lazily lay down on the bed, then stared at the white ceiling. Narinig ni Celeste ang mahinang pagbuntong hininga ni aling Thalia ngunit hinayaan niya lamang iyon saka ipinikit ang mata. Hanggang ngayon nag-aaway pa ang utak at ang puso niya. Hindi niya alam kung anong pipiliin niya. Ang utak niya ba na nagsasabing huwag na lamang umalis dahil mas lalo siyang mahihirapan doon, at hindi pa naman siya sanay sa pagiging mag-isa sa buhay. At baka mas lalong mamoblema ang mga magulang niya. Ang puso niya na ang tanging sinasabi ay makakabuti iyon para sakaniya at kung hindi niya ito susubukan, hindi niya mararanasan ang mag-isang mabuhay. "Mukhang sobrang lalim ng iniisip ng alaga ko." Napadilat na lamang si Celeste ng marinig iyon. Hindi niya namalayan na nasa tabi niya na pala si aling Thalia. Pilit itong ngumiti saka pumikit muli. Naramdaman niya na inaalis nito ang mga ligaw na buhok na nakaharang sa mukha niya, palihim siyang napangiti dahil doon. Kung hindi niya nararamdaman ang pagmamahal sa mga magulang nila, pwes kay aling Thalia ay lagi niya iyon nararamdaman. Namatay ang anak ni aling Thalia noong bata lamang ito, dahil sa sakit sa puso. Kaya hindi niya masisi si aling Thalia kung ibuhos lahat nito ang pagmamahal kay Celeste. "May balak kang umalis d'ba?" Doon ay tuluyang napadilat si Celeste. Nanatili pa din ang ngiti sa mga labi ni aling Thalia, dahilan para makaramdam ang dalaga ng pag ka guilty, Palihim na lumunok si Celeste saka umupo kaharap ng kaaniyang yaya. "Hindi po," inosente niyang sabi habang umiiling. Mahinang natawa si aling Thalia saka inipit ang kakaunting buhok sa likod ng tainga niya. "Wag ka na magsinungaling sa'akin, Celeste. Kilala kita sa tuwing may plano ka na hindi magu-gustuhan ng iyong mga magulang." Mahabang napanguso ang mga labi ni Celeste ng sabihin iyon ng kaniyang yaya. Sa ilang taon na inalagaan siya ni aling Thalia ay kilalang-kilala na nito ang alaga niya. "How did you know?" nakayukong tanong ni Celeste. Nagkibit balikat si aling Thalia sakaniya saka tumingin sa ilalim ng kama. "Nakita ko ang mamahalin mong maleta sa ilalim ng kama mo at nakabihis ka rin." Mas lalong humaba ang nguso ni Celeste. Saka nahihiyang tumingin sa sariling yaya. "Isusumbong niyo po ba ako kina Mommy?" "Gusto mo bang isumbong kita sakanila?" Agad na umiling si Celeste dahilan para lumakas ng bahagya ang tawa ng kaniyang yaya Thalia saka ginulo ang buhok niya. "Kung iyan ang gusto mo, ang umalis sa poder ng mga magulang mo ay su-suportahan kita." Masuyong hinaplos nito ang pisngi ni Celeste. May kung anong kamay na humaplos sa puso ni Celeste ng marinig iyon galing sa pinakmamahal niyang yaya. Hindi na napigilan ni Celeste na yakapin ang sariling yaya. Agad namang gumanti ito ng mahigpit na yakap. "Thank you so much yaya Thalia. I don't know what to do if wala ka sa tabi ko." Isinandal ni Celeste ang noo niya sa balikat nito. Kahit na amoy sabong panlaba ito ay hindi niya na lamang ito pinansin. "Hindi ko rin alam ang gagawin ko kung wala ka sa buhay ko Celeste." Napapikit si Celeste ng hapulusin ng malumanay ang kaniyang buhok. Hinihiling niya na sana ito na lamang ang ina niya. Na sana ay siya na lamang ang kayakap at kapiling niya. Marami pa siyang 'sana' na nasa isip niya, ngunit alam niyang hindi na iyon mangyayari pa. Sa halip ay ang yaya Thalia niya ang tutupad sa lahat ng mga 'sana' niya sa mga magulang. Sa ngayon ay okay na sakaniya ang yaya Thalia niya. "Ngayon mo na ba balak umalis?" Naghiwalay na sila ng yakap. Napakurap ng ilang beses si Celeste ng makita ang basa ang pisngi ng kaniyang yaya. "Are you crying?" nag-aalalang tanong niya at agad tinulungan na punasan ang basang pisngi ng kaniyang yaya. Mahinang natawa ang kaniyang yaya. "Nadala lang sa emosyon." Bumuntong hininga na lamang si Celeste saka tumango bilang sagot sa tanong kanina sakaniya. "Ng ganyan ang suot?" Pinasadahan ng tingin ng kaniyang yaya ang buong katawan niya, saka ito ngumiwi na para bang hindi ka aya-aya ang suot niya. Kunot noo siyang tumingin sa reaksyon ng kaniyang yaya saka tumayo at tumungo sa harap ng salamin upang tignan ang sarili. Suot niya ang white v neck shirt na Gucci, at ang high waist jeans from Dior. Simple lang naman iyon para sa dalagang Celeste kaya malaki ang pagtataka niya sa naging reaksyon ng kaniyang yaya. "Kung maglalayas ka dapat hindi iyan ang isuot mo." Napatingin siya sa likuran niya kung nasaan nakatayo ang yaya niya habang naka krus ang mga braso. Mas lalong lumalim ang gatla ng noo niya. "Wala naman pong masama sa suot ko?" Nakangiting umiling ito sakaniya. "Maari kang manakawakan d'yan habang naglalakad ka sa daan dahil makakahalata sila na galing ka sa mayaman na pamilya. Saka-" Lumingon ito sa ilalim ng kama na kung saan nandoon ang mamahlin niyang maleta. "-Hindi rin iyon ang pwede mong gamitin." Nanlalaking mata niyang tinignan ang kaniyang yaya. "Don't tell me-" "Kung ganu'n, hindi ko na sasabihin." Bumagsak ang magkabilang balikat ni Celeste dahil doon. "Nay Thalia naman eh..." Agad niyang nilapitan ang yaya saka malambing na kumapit sa braso nito. "Hindi ako comportable kung hindi gantong mga brand ang su-" "-Dapat una mo palang insisip na hindi ka makakapagsuot o makakapagdala ng mga mamahaling gamit kung maglalayas ka. Mas lalo mo iyon ikakapahamak." Natulala siya sa nag-aalalang mukha ng kaniyang yaya. May point ang sinasabi ni Nay Thalia. Ang tanging inisip niya ay kung paano siya mabubuhay at mapapakain ang sarili, ang magtrabaho at paano pag-aaralin ang sarili. Hindi man lang pumasok sa isip na may kailangan pa pala siyang gawin, na akala niya ang lahat ng na i practice at napagisipan niya ay sapat na. "Pero kung ito talaga ang gusto mo-" Agad bumalik sa reyalidad si Celeste. Namalayan niya na lang na haplos ng kaniyang yaya ang pisngi nito. "-Tuturuan kita kung ano ang dapat mong gawin." Lumingon ito sa labas. "Maaga pa kaya may ilang oras pa tayo para maturuan ka." Bigla nalamang hinila ni aling Thalia si Celeste paalis sakaniyang kwarto. Hinayaan na lamang ni Celeste na hilahin siya nito kung saan. Natagpuan niya na lamang ang sarili na nasa kwarto na siya ngayon ng kaniyang yaya. Kaya kunot noo siyang tumingin dito. "D'yan ka lang. Wag kang aalis." Masunurin na tumango si Celeste sakaniya. Tinitigan lamang niya ang palayong bulto ng kaniyang Nay Thalia. Nang mawala ito sa paningin niya ay inilibot niya na lamang ang tingin sa buong sulok ng kaniyang kwarto. Hindi niya maiwasang maawa dahil sa itsura ng kwarto ng kaniyang nay Thalia. Masikip, mainit, at parang tirahan lamang ng aso ang itsura nito. Naka pwesto ang kwarto nito sa may basement ng kanilang bahay. Hindi lubusang maisip ni Celeste kung bakit dito nilagay ng kaniyang mga magulang dito si nay Thalia. Dahil ba lagi siyang tinutulungan nito? O hindi kaya masyado na siyang napapalapit dito? Bumuntong hininga na lamang si Celeste ng wala ni isang makasagot sa napakadami niyang tanong. Nahagip ng kaniyang mata ang nagi-isang picture frame na nasa maliit na lamesa nito. Agad niyang nilapitan iyon saka tinignan ang picture frame. Napakurap na lang siya ng ilang beses ng makita ang nay Thalia niya na nasa hospital bed at may yakap-yakap na maliit na sanggol na naka pink na damit. Halatang kakapanganak pa lamang ng sanggol. Siguradong ito ang kaniyang anak na namatay. Hinawakan niya ang picture frame saka hinaplos iyon na para bang nahahaplos niya sa totoong buhay ang sanggol. Kung nabuhay lamang sana ang anak ng kaniyang nay Thalia ay siguradong may kasama siya ngayon sa bahay at siguradong sobrang saya ng kaniyang Nay Thalia doon. "Celeste?" Agarang binaba ni Celeste ang picture frame saka nakangiting tumingin sa nay Thalia niya na nasa harap niya na ngayon habnag hawak-hawak ang mga ordinaryong damit. "Ito na nag susuotin mo." Nakangiting lumapit sakaniya ito saka inilalagay sa tapat ng katawan niya ang mga damit na para bang tinitignan doon kung babagay ba iyon sakaniya. Unti-unti siyang napangiwi ng makita kung gaano ka ordinaryo ang mga damit 'nun. Hindi naman siya masyadong mapanghusga ngunit siguro ay sadyang hindi lang talaga siya sanay na makakita ng ganu'n ka ordinaryong damit sa tanang buhay niya. "Wag kang mandiri sa mga damit ng pamangkin ko. Malinis ang mga iyan." Mahinang natatawa na sabi ng kaniyang nay Thalia. Agad na umiling si Celeste saka tinignan ang mga damit na nasa kama na ngayon. "Lahat ba 'yan dadalihin ko?" Nakangiting tumango sakaniya ang nay Thalia niya. Iniiwasan niyang bumagsak ang magkabilang balikat niya upang hindi makita ng kaniyang nay Thalia na dismayado siya sa desisyon niya. Alam niya naman na para sa ikakabuti niya ang mga iyon kaya wala na siyang magagawa pa. "Ito ang paglalagyan mo." Nanlaki ang mata niya ng makita ang inabot sakaniya ng kaniyang Nay Thalia. This can't be...
done
19/06
0this is so exciting
03/03/2025
0popo
02/09/2024
0View All