logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

TCS 06:

•Rabiya•
Nasa kotse niya kami ngayon babalik kami sa hospital para asikasuhin ang mga papeles para mailipat si nanay sa ibang hospital.
Sabi naman ni Caleb na siya na raw ang bahala sa hospital na lilipatan, dahil kaibigan daw ng pinsan niyang si Persephone ang nagmamay-ari no'n. Hindi ko iyon kilala pero dahil siya naman ang nagsabi ay magtitiwala na lamang ako.
"Caleb—" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang tumunog ang cellphone niya. Tumingin muna ito sa akin bago kinuha ang cellphone nito sa kanyang bulsa. "I'm sorry, kausapin mo muna iyan."
Nagkibit-balikat lang naman siya at sinagot na nga ang tawag. Nakita ko ang pagkunot at paniningkit ng mata nito habang nakikinig sa sinasabi ng kanyang kausap.
"Anong problema, Maureen? Sino ang humahabol sa'yo?" Isinuklay nito ang kanyang malayang kamay sa maayos niyang buhok. "Ano? Maui, don't cry. Tutulungan kita, sabihin mo sa akin ang problema mo."
"Sir, nandito na po tayo," usal ng kanyang driver, ngunit itinaas lang niya ang kanyang kamay. Importanteng tao nga siguro ang kausap nito.
"Kuya, mauna na lang po ako sa loob para makausap ko na po ang doctor," kausap ko sa driver.
Tatayo na sana ako nang hinila ako pabalik ni Caleb sa kinauupuan ko. Tumingin ito sa akin nang seryoso na nagbigay kaba sa aking dibdib.
"Who told you to move, Rabiya?" mariin nitong saad. Lumingon ito sa driver at ibinuka ang bibig, "Drive."
Babalik ba kami sa city? Paano ang mga kapatid ko? Si nanay? Kung tatlong buwan akong mamalagi roon kailangan ko munang maayos ang problema ko rito.
"I call you later. Tawagan mo ang Ate Persephone at Kuya Hades mo. May kakilala silang magaling na detective na siguradong makakatulong sa'yo."
Ibinaba na nito ang tawag at tumingin sa akin. Sinabihan nito ang driver na bumalik sa hospital na sinunod naman kaagad nito.
Napabuntong-hininga ako at tumingin sa bintana. Hindi ko kayang salubungin ang nangungusap niyang mata.
"Rabiya," tawag nito sa pangalan ko. Ikinisap ko muna ang aking mga mata bago lumingon sa kanya. "Since I need to do something important, ay hahayaan na muna kitang manatili rito ng limang araw. Sapat na siguro iyon para asikasuhin ang mga problema mo rito?"
Kagat-labi akong tumango sa kanya. Pero ang sabi ng doctor ay dapat maipagamot na si nanay, kung tatagal pa ng limang araw ay hindi ko alam kung magiging maayos pa ba ang kalagayan ni nanay no'n.
"Kukunin nila Doctor Sven ang ina mo mamaya. Ililipat niya ito sa hospital nila, huwag kang mag-alala dahil magagaling na doctor ang mga nandoon." Napaigtad ako nang hinaplos nito ang aking pisngi. "Pero tuparin mo rin ang usapan natin, Miss Sanchez, mabait ako pero iba akong magalit."
Napalunok ako sa sinabi niya at marahang tumango. Kinakabahan ako sa sinabi niya lalo na at nakita ko ang pakikipag-usap nito kanina sa kabilang linya.
"Pero sino ang magbabantay kay nanay kung mananatili ako rito?" tanong ko sa kanya.
"May mga tauhan ako na pwedeng bantayan ang ina mo, Rabiya." Tipid akong ngumiti sa sinabi niya. Gusto ko sana na ako ang magba-bantay kay nanay, kaso kailangan din ako ng mga kapatid ko.
Tatlong buwan din akong malalayo sa kanila kaya susulitin ko na muna ang mga araw na magkasama kami.
"Aalis na ako, Caleb, salamat—"
"Kiss me first," seryosong usal nito at itinuro ang kanyang labi. Napalingon ako sa driver na nasa unahan, pero wala naman ang atensyon nito sa amin. Parang sanay na ito sa ginagawa ng amo"Rabiya, I'm asking you to kiss—"
Mabilis akong dumukwang at ginawaran ng halik ang kanyang labi. Kaagad akong lumayo sa kanya at binuksan ang pintuan ng kotse. Namamangha naman niya akong sinundan ng tingin, hindi yata makapaniwala sa ginawa ko.
"Iyon lang po ba, Sir Caleb? Pupuntahan ko na po si nanay, salamat po," mahinang saad ko.
Narinig ko pa ang simpleng 'huh' nito bago ako binigyan nang nakakatakot na tingin. Kung nasa madilim kami na lugar at kami lang naroon, tiyak kong kakainin niya ako sa tinginang iyon.
Napahawak ako sa may bulsa ng jeans ko at nag-iwas ng tingin sa kanya.
"I'll let you go this time, Miss Sanchez, pero sa susunod ako ang magde-desisyon kung anong halik ang gusto kong hingin sa'yo," walang gatol na saad nito. Hindi man lang ito pumikit habang sinasabi iyon, alien ba ang taong 'to? "Pumasok ka na sa loob. Limang araw lang ang ibibigay ko sa iyo, Rabiya. Hihintayin kita sa condo ko."
Tumango ako at nagpaalam na sa kanya. Nang nasa pintuan na ako ng hospital ay nilingon ko muna ito at kinawayan siya.
Umalis naman kaagad sila kaya dumeretso na ako sa loob.

Nakausap ko na ang doctor at sumang-ayon ito kaagad dahil nakausap na rin ito ng doctor na sinasabi ni Caleb. Hindi na naging mahirap sa akin ang paglilipat ni nanay dahil si Caleb na lahat ang nag-asikaso.
"Nay, magpagaling ka roon, ah? Kapag nakahanap po ako ng magbabantay sa kanila Otoy ay hahabol po ako kaagad sa inyo," malambing kong saad at humiga sa maliit na espasyo ng kama nito. "Mabuti na lang po at may nakilala akong tao na kaya tayong tulungan."
Hindi ko alam kung ano ang kakahantungan ko sa sitwasyon ko na ito. Kapag natapos ang kontrata tiyak ko na hindi ko na rin maibabalik ang sarili ko.
Nakuha ng isang estranghero ang puri ko, hindi lang basta ibinigay ko iyon sa kanya kundi ay ibinenta ko pa. Ano pa ang mukhang maihaharap ko sa mga kapatid ko? Anong ituturo kong mabuti sa mga inosenteng bata na iyon?
"Nay, uuwi po muna ako, ah? May kukuha po sa'yo mamaya rito para dalhin kayo sa hospital na kaya kayong gamutin. May nagawa po akong kasalanan sa inyo kaya sana po ay mapatawad niyo ko pagdating ng araw."
Hinalikan ko siya sa noo at lumabas na sa kanyang kwarto.

"Otoy, nandito na ang ate, pagbuksan mo ako ng pinto." Gabi na akong nakauwi kaya kailangan kong gawin iyon.
Pinaalala ko pa naman sa kanila na hindi magbukas ng pintuan kapag hindi nila kilala kung sino ang kumakatok. Hindi kasi lahat ng kumakatok ay kilala mo, minsan ang iba ay may gagawing masama sa iyo.
"Ate Ibyang, kumusta po si nanay? Kumain ka na po ba?" tanong nito, bago kinuha ang aking bag. Umiling ako at umupo sa may sala. "May adobong ibinigay si Nanay Iska kanina, ate, kumain ka na muna."
Nagugutom na rin naman ako kaya hindi na ako nag-reklamo ng hainan niya ako ng pagkain.
"Otoy, kailangan kong pumunta sa Y City. Ikaw muna ang bahala sa mga kapatid natin, ah?"
Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Umupo ito sa upuan na nakaharap sa akin.
"Bakit po, ate? Saan ka po pupunta?"
Nilunok ko muna ang pagkain na nasa aking bibig, bago siya tiningnan nang malungkot.
"Kailangan kong ilipat si nanay ng hospital. Kailangan niyang maipagamot kaagad."
Nakakaintindi naman siyang tumango sa akin. Ayaw ko rin naman na malayo sa kanila, pero kailangan ko naman na gawin ito.
"Paano po namin malalaman kung okay lang po kayo roon?" may lungkot sa boses na tanong niya.
"Bibilhan kita ng cellphone para makatawag ka sa akin. Huwag kang mag-alala, Otoy, babalik din tayo sa dati."
Tumayo ako sa aking kinauupuan at niyakap siya nang mahigpit. Sana nga makabalik pa tayo sa dati nating buhay.

Book Comment (14)

  • avatar
    LeriaRiza Rodriguez

    nice

    20/04

      0
  • avatar
    Joyce Gajar

    wala na po bang part 2?

    25/02

      0
  • avatar
    Prais Lady Jane Bendong

    maghanda po yong novela

    14/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters