logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 6

Pinilit kong kumalas sa halik pero masyadong malakas si Von. Matangkad siya kaya kahit nakaluhod siya sa harap ko at ako ay nakaupo sa kama ay magkapantay lang kami.
Sinimulan niyang igalaw ang mga labi niya sa labi ko at namalayan ko na lamang ang aking sarili na sumasabay na rin sa bawat paggalaw ng mga labi niya. Nanatiling nakahawak sa likod ng ulo ko ang kanan niyang kamay habang ang kaliwang kamay niya ay naramdaman kong marahang humahaplos pababa sa leeg ko na nagbigay ng kakaibang kuryente sa aking katawan, mula sa leeg pababa sa braso hanggang umabot sa baywang ko at mariin siyang pumisil do'n bago ipasok ang kamay sa loob ng damit ko.
Ang mainit na halikan namin ay patuloy pa rin hanggang sa dahan-dahan niyang ibinaba ang halik sa leeg ko dahilan para mapahawak ako sa magkabila niyang balikat.
"Hmmm, Von."
Kasabay ng halinghing na lumabas sa bibig ko ay ang pagtunog ng cellphone niya.
Kaya bigla ko siyang naitulak at siya naman ay narinig kong mahinang napamura.
Tumayo si Von at kinuha ang cellphone sa bulsa ng pantalon niya. "I'll just answer this call."
Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Kaagad akong tumayo at inayos ang nagusot na damit ko. Tumalikod ako sa kanya para balikan ang kaninang ginagawa kong paglalagay ng mga damit sa bag.
Nakakahiya ka, Eliza. Ang rupok mo kasi!(tudyo ng isip ko).
"Liz," maya-maya lang ay tawag sa'kin ni Von pero hindi ko siya hinarap. "Hurry up! We need to go home, kanina pa raw umiiyak si Isay sabi ni Mom, hinahanap na tayo."
Doon na ako napaharap sa kanya.
"Tara na!" Binitbit ko ang bag na naglalaman ng mga damit namin ni Isay at nilampasan ko na siya.
"Let me carry that." Kinuha niya sa'kin ang bag at siya na ang nagdala.
Ni-lock ko ulit ang pinto pagkalabas namin. Patungo na kami sa kotse nang may tumawag sa'kin.
"Liz?" si Nay Mila pala, landlady ng inuupuhan naming apartment.
"Po, Nay Mila? Magandang gabi po."
"Ikaw nga. Tiningnan ko lang, kasi nakabukas ang ilaw. Baka kako nandito na kayo. Nakalabas na ba si Isay sa hospital?"
"Opo, Nay. Kanina lang pong hapon."
"Mabuti naman." Dumako ang tingin niya sa kasama ko.
"Ah, Nay, si Von po, tatay ni Isay," sinagot ko na siya dahil alam ko naman na magtatanong si Nay Mila kung sino 'tong kasama ko. "Von, si Nay Mila, landlady ng apartment."
"Good evening po," magalang na bati ni Von kay Nay Mila.
"Magandang gabi rin, iho." Tiningnan niyang mabuti si Von. "Kay gwapo pala nitong asawa mo, Liz."
Napalunok ako dahil sa sinabi ni Nay Mila. "S-sige na po, Nay. Mauna na po kami dahil naghihintay na po sa'min si Isay sa bahay nina Von. Pakitingnan na lang po ang bahay. Salamat po."
*****
Buong biyahe ulit ay walang salitang namagitan sa'min.
Naabutan namin na nasa labas ng gate ang  mag-lola, umiiyak si Isay.
"Mamaaaa!"
Kaagad kong kinarga si Isay pagkababa ko ng kotse.
"'Diba nagpaalam si Mama na uuwi muna ako sa bahay natin? Bakit na naman po umiiyak?" Pinunasan ko ang mukha niya.
Hindi umimik si Isay at sumiksik lang sa leeg ko.
"Baby, come here. Si Papa na magkakarga sa'yo." Ngunit umiling lang si Isay.
"Let's go inside, mahamog na dito sa labas. Kanina nalilibang pa dahil kalaro si Yesha pero nang umuwi na sina Sasha ay nagsimula na kayong hanapin. Tumakbo pa palabas at ayaw nang pumasok dahil hihintayin daw kayo," pagkukwento ng ina ni Von habang naglalakad kami papasok ng bahay.
Pagkarating namin sa sala ay umupo kami sa sofa.
Hinaplos ko ang likod ni Isay. "Pawis na pawis ka na tuloy, anak."
"Iha, bihisan mo na si Isay at punasan mo ang likod. Baka magkasakit 'pag natuyuan ng pawis, kagagaling pa man lang sa hospital n'yang apo ko."
"Baby, come here na kay Papa para hindi mahirapan si mama mo magbihis sa'yo." Kinuha sa'kin ni Von si Isay at binigay niya sa'kin ang bag.
Kumuha ako ng damit ni Isay sa bag at malinis na towel. Hinubad ko muna ang damit ni Isay at pinunasan ang likod niya bago bihisan.
Tinalian ko rin ang mahabang buhok ni Isay habang kandong-kandong pa rin siya ni Von.
"Ma'am, Sir, nakahanda na po ang hapunan," saad ng kasambahay na pumarito sa sala.
"Sige, Manang susunod na lang kami sa kusina. Anak, Von, mauna na kayo sa kusina at tatawagin ko sa taas ang daddy mo, umakyat kasi kanina dahil sumakit daw ang likod niya dahil siguro sa biyahe."
"Okay, Mom."
*****
"Saan kami matutulog ni Isay?" tanong ko kay Von, pagkatapos naming kumain ay nagsiakyatan na kami papunta sa kanya-kanyang kwarto. Kailangan na rin kasing magpahinga ng mga magulang ni Von dahil pagod ang mga ito sa mahabang biyahe.
"Here, in my room."
"Ahh, i-ikaw?" nautal pa ako. Naiilang pa rin kasi ako dahil sa nangyari kanina ro'n sa bahay namin.
"Dito rin."
Oo nga naman! Malamang kwarto niya 'to.
"Kung hindi ka komportable, I'll move in one of the guestrooms," maagap niyang saad.
"Hindi... h'wag na, okay lang."
Nakakahiya naman kasi, sarili niya 'tong kwarto tapos siya itong lilipat.
Nilapitan ko na lang si Isay na nakaupo sa kama para hindi na humaba ang usapanin, naiilang kasi ako'pag naaalala ko yung nangyari sa apartment.
"I'll just take a bath," paalam niya.
Tinanguan ko lang si Von bago ko nilapitan ang anak namin sa kama.
"Pupunasan kita, baby." Kumuha ako ng wipes at pulbos. "Hindi ka na nangangati, anak?"
"Hindi na po, Mama."
Kaninang umaga 'pag gising niya, wala na siyang rashes. Binihisan ko na rin si Isay ng pajama bago siya pinahiga.
"Dito ka po sa tabi ko, Ma," humihikab na saad sa'kin ni Isay.
Tinabihan ko siya para makatulog na. Ilang minuto ay lumabas na si Von mula sa bathroom, tulog na rin si Isay. Napaiwas ako ng tingin sa kanya nang makita kong naka towel lamang siya.
Nang masigurado kong wala na siya sa harapan ko ay tumayo na ako para kumuha ng damit ko dahil maglilinis na rin ako ng katawan.
Nag-half bath lang ako. Nakabihis na akong lumabas mula sa bathroom. Naabutan kong nakahiga na sa tabi ni Isay si Von, parang isang magandang tanawin na makita kong nakayakap si Isay sa papa niya at si Von naman ay maingat na hinahaplos-haplos ang buhok ng anak namin.
Lumapit ako sa kama at umupo sa gilid ni Isay, napapagitnaan namin ni Von ang aming anak. Hindi muna ako humiga dahil pinapatuyo ko pa ang buhok ko gamit ang towel.
"Liz, can you tell me things about our daughter?" panimula ni Von na tinanguan ko bilang sagot.
"Favorite niyang kumain sa Jollibee, pero sinasabihan ko siya na dapat minsan ko lang siya dadalhin sa paborito niyang fast-food chain dahil hindi naman masustansya sa bata na puro fast food lang ang kinakain."
At wala rin akong pera para i-spoil si Isay.
Nakikinig lang si Von kaya nagpatuloy ako, "Favorite color, pink. Favorite niya rin ang hello kitty. Hindi rin nakakatulog si Isay 'pag hindi niya ako katabi o kaya hindi ako ang nakikita niya bago matulog at iiyak din 'yan 'pag hindi ako ang nabungaran 'pag nagising. Gusto niya palaging mayroong katabi o kayakap matulog. At two months na lang pala, birthday niya na. Mag-aanim na taon na si Isay."
"I'm very sorry to the both of you, Liz. I'm so irresponsible, halos anim na taon na walang ama si Isay. And it's all my fault."
Matagal niyang tinitigan ang anak namin na mahimbing na ang tulog bago siya nagpatuloy, "Nang makita ko kayo sa mall, I felt angry because I saw the sadness in Isay's eyes. Dahil simpleng laruan ay hindi mo mapagbigyan. Nasabi ko na napakawalang kwenta ng nakabuntis sa'yo. Tapos ako lang pala, ako yung walang kwenta. I felt so guilty of what I've done. Those words you said when we saw each other at the mall, those words really hit me. Then you came, pumunta ka sa kompanya. You know what, Liz? After that encounter at the mall, ikaw lang at si Isay ang naging laman ng isip ko. Then yesterday, I got an answer for all my questions in my mind."
"Liz, can you forgive me?"

Book Comment (316)

  • avatar
    Owen Daño

    wow

    14d

      0
  • avatar
    Mangongalanticse

    thanks

    16d

      0
  • avatar
    Anizza Leish Itlanas Ambita

    ok ok

    20d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters