logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 2

CHAPTER 2
"Hi, Maya. Miss me?" Napaawang ang bibig ko at gulat ang mga mata ko. Akala ko ba hindi siya pupunta? Bakit nandito ang manyak na 'to?
Nagsitawanan muna silang apat bago tuluyang pumasok kahit na hindi ko pa naman sinasabi na pumasok sila. Nakatayo lang ako doon ng ilang segundo bago ma-recover ang katawan ko at isinarado pabalik ang pinto.
Nagsimula akong mamawis at manlamig dahil natatakot ako na baka gawin na naman niya ulit ang ginawa niya noong dunalaw din sila dito. Paulit-ulit akong humihinga ng malalim bago ko nilakasan ang loob ko na bumalik sa kusina.
Nakaupo lang ako roon sa upuan ng mesa nang pumasok si Mama. Agad kong isinuot ang ngiti ko at nagtanong sa kaniya.
"Ano pong gusto niyo Mama? Gawan po ba kita ng meryenda?" nakangiti kong tanong pero iningusan niya lang ako at sa halip na sumagot ay dumeretso sa may mineral despenser at uminom ng tubig. Iniyoko ko na lang ang ulo ko at tumingin sa hita ko. May mga marka pa rin doon pero hindi na gaanong blue. Naghihilom na sila ng paunti-unti kahit papaano. Ilang latay pa naman ng sinturon ang tumama roon. Pasalamat nga ako at nakakalakad pa ako ng maayos.
"Nandito ang barkada ng Kuya mo. Umayos ka kung ayaw mong malatayan ng sinturon iyang mga hita mo." Tumango na lamang ako pero hindi ko alam na hindi pala nakatingin si Mama kaya hindi niya nakita ang pagsang-ayon ko sa kaniya. Ang resulta ay hinablot ni Mama ang buhok ko dahilan para matingin ako sa kaniya. Masakit ang pagkakasabunot niya at para bang ano mang oras ay matatanggal ang buhok ko sa anit ko.
"M-Mama, masakit po."
"Masasaktan ka talaga sakin na bata ka. Anong karapatan mo para hindi ako pansinin ha? Gumagaya ka na sa Tatay mong manloloko? Minana mo ba lahat ng ugali ng Tatay mo at hindi mo na ako sinusunod? Baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita." Kusang tumulo ang luha ko dahil sa sakit at higpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko at sa pisngi ko.
Kahit naman mag-explain ako hindi pa din ako papakinggan. Mas hahaba lang ang usapan at pagtitiis ko. Hahayaan ko na lang na maniwala si Mama sa gusto niyang paniwalaan. Pasalamat nga ako ngayon e nandito ang barkada ni Kuya dahil kung wala, kanina pa ako nilalatayan ng sinturon habang nakatali sa doorknob ng kwarto.
"Sorry po." Ayun lang ang kaya kong sabihin kung gusto kong matapos na ang pagpapahirap ni Mama.
"Pasalamat ka at ayaw kong mapahiya sa barkada ng Kuya mo dahil kung hindi kanina ka pa nagsisigaw sa sakit." Marahas ng binitawan ni mama ang buhok at pisngi ko. Napahawak ako sa pisngi ko. Sumakit ang panga ko doon ah. Ramdam ko pa din ang kuko ni Mama. Ang tutulis ba naman ng mga 'yun.
Agad si Mama na naglakad palabas sa kusina at rinig ko ang pagwe-welcome niya sa tinatawag niyang bisita.
Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa kawalan. Napapaisip kung karapat-dapat ba ang mga nangyayari sa'kin. Deserve ko ba talaga ito? Ako ba ang nagbabayad sa pagloloko ni Papa? Kasalanan ko ba na nabuhay ako sa mundo? Laging pinapasok ni Mama sa utak ko na hindi nila ako ginusto. Gusto lang nila magpasarap pero hindi nila gusto pang magkaanak. Kaya lagi niya aking sinasabihan ng malas sa pamilya.
Kasalanan ko ba?
Hindi ko hiniling na maging ganito ang buhay ko. Daig pa ako ng Anak ng Mayordoma sa palabas. Nakakapag-aral, tinatrato ng maayos. Eh ako? Bata pa ako pero ganito na ang buhay na kinakaharap ko. Naiingit ako sa ibang mga kaklase ko. Dati kasi sa school may Family Day silang sini-celebrate. Habang nagsusuot sila ng pares na mga damit, naglalaro sa mga palaro ng school, naroon ako sa gilid. Nakatingin sa kanila habang sila'y nagtatawanan. Kita ang saya sa kanilang mga mata sa tuwing nagkakatinginan silang magpamilya. I'm happy for them though. Masaya ako na hindi nila mararanasan ang nararanasan ko sa pamilyang meron ako. At hindi ko hihilingin na maranasan ng iba ang napagdadaanan ko. Mahirap, oo-sobra. Pero hindi pumasok sa kukuti ko na mandamay o humiling ng ganoon.
"Maya! Dalhin mo nandito iyong meryenda namin!" Pinunasan ko ang luha na kumawala sa mga mata ko bago tumayo at inihanda sa making tray ang kakainin nila.
Dahan-dahan akong naglalakad patungo sa sala dahil ayaw kong magkamali at maparusahan. Nang marating ko ay nakita kong sobrang kalat ng sala. Ang mga unan sa sofa ay nasa sahig na. Ang telang nakalapat sa center table ay hindi na maayos ang pagkakapwesto. Agad naman silang tumahimik nang pumasok ako ng tuluyan sa sala at marahang yumuko para mailagay ang tray nang marinig ko ang bulong ng isang kaibigan ni Kuya.
"Wow, cleavage." Bulong iyon pero parang rinig na rinig naman ng lahat. Agad ko namang tinakpan ang parteng dibdib ko at pumikit bago tuluyang tumayo at tunalikod.
Nang makaramdam ako ng kamay sa beywang ko ay hindi ko na nakontrol ang sarili ko. Nasuntok ko ang kaibigan ni Kuya. Si Paul!
"Argh! Potangina ang sakit!" Nanginginig ang kamay ko habang nakatingin sa nakapaupong Paul. Nagawi ang tingin ko sa kamao kung nanginginig. Ang paghinga ko rin ay hindi pantay, bumibilis, bumabagal.
"S-Sorry."
Mabilis pa sa alas kwatro ang pagtakbo ko paalis ngunit ang hindi ko napansin ay si Lance na nakaharang na pala sa likuran ko kaya ang nangyari ay siya ang nabunggo ko dahilan ng pagkaupo ko sa sahig. Patawa-tawa siyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero sa mga oras na iyon ay wala akong ibang magawa kundi ang umiyak.
"Pota! Hawakan mo 'yan, Lance! Sasampalin ko 'yan! Ang kapal ng mukha na sintukin ako!" galit na saad ng papatayong Paul. Hinanap ko ang mga mata ni Kuya.
"Kuya..."
"Ang sexy mo talaga, Maya. Baka gusto mong bawasan ang kaseksehan mo? Willing ako mag-donate ng sperm."
No... No... Ayoko... Ayoko... Papa!
"Papa..." Kahit nanlalabo ang paningin ko ay tumingala ako para tingnan si Lance. Sa klase ng tingin niya ay para na niya akong hinuhubaran. Na para bang ang nasa isip niya ay puro na kabastosan.
"Tumayo ka, Maya!" Napaigik ako nang hilain ang pulsuhan ko patayo ni Paul.
Nang tingnan ko si Kuya ay parang walang-hindi parang. Talagang wala siyang pakialam. Hindi niya ba nakukuha na gusto siyang gawan ng kabastosan ng mga kaibigan niya? Bakit kung umakto si Kuya ay parang hindi niya ako Kapatid?
Nakatingin lang si Kuya na para bang joke lang ang ginagawa at mga pinagsasabi ng mga kaibigan niya.
"Wag po..."
Nanginginig ang katawan ko dahil sa paraan ng paghaplos ng kamay ni Paul sa braso ko. Para bang pinaparating niyang "Wag kang mag-alala, magiging malumanay ako." na siyang nakakasuka kung iisipin. Mas mabuting mamatay na lang ako kesa magamit ng mga lalaking 'to na puro kalibugan ang pinapairal.
"Hmm. Ano nangyari dito sa kamay mo? Pina-practice mo ba ang sarili mo na matali sa kama? I like that." Yuck.
Kung alam mo lang Paul kung anong pinagdaanan ko sa kamay ng Pamilya ko. Paniguradong iiwan mo iyang si Kuya. Pero parang malabo din dahil sa pare-parehas naman kayong mga walang magawa sa buhay.
"Bitawan mo'ko, Paul," buong lakas kong sabi kahit na nanginginig ang kamay ko na hinahawakan niya. Ang tinutukoy niyang 'paghahanda na matali sa kama' ay ang mga marka na galing sa pagkakatali sa doorknob.
Ngayon ay nakatingin naman siya sa hita ko. Sinunod ko kasi ang utos ni Kuya kanina. Na magpalit. Kampante naman ako kasi sabi niya hindi pupunta si Paul. Pero isang malaking scam. Nandito ako sa harapan ni Paul nanginginig at lahat lahat, wala pa din siyang ginagawa o sinasabi para pigilan ang mga barkada niya.
Gusto ko man sabihin na abot na sa langit at empyerno ang galit ko sa pamilya ko, pamilya ko pa din sila at hindi magbabago iyon.
"MIKE! ANONG KAGAGOHAN 'TO?!"

Book Comment (129)

  • avatar
    DefinoKea

    500

    19d

      0
  • avatar
    CayasLeonardo

    nice

    19d

      0
  • avatar
    ValinoAkira

    500

    22d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters