logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 1

CHAPTER 1
"Maya... Maya... Maya!"
Mabilis pa sa kidlat na tinakbo ko ang hagdanan nang marinig ang sigaw ni Kuya. Baka magsumbong na naman kay Mama at ako na naman ang lumabas na masama. Ewan ko ba d'yan kay Kuya parang walang kamay o paa! Naiirita na ako pero wala akong choice kundi ang sundin sila.
I am now eighteen, gusto ko ng umalis sa pamamahay na 'to pero natatakot na baka anong gawing ni Mama o ng mga kapatid ko. Paano na lang ang mga pang-araw-araw nila. Baka hindi sila makakain ng tama kasi wala ako na mag-aasikaso sa kakainin nila. Pati na rin sa mga gawaing bahay, baka hindi na maging malinis ang bahay kapag wala ako.
"Bakit, Kuya?" May ngiti sa labi kong tanong.
Sa mga nagdaang taon, napagtanto ko na kung iiba ako sa agos ng Pamilya namin, ako lang ang masasaktan. Ako lang ang mahihirapan dahil wala silang pakialam. The more na umayaw at magmatigas ako, the more na masasaktan ako at ang pisikal na katawan ko. Buti nga at hindi na gaanong nananakit si Mama nitong mga nakaraang linggo. Payapa ang buhay ko, payapa ang bahay namin.
"Pupunta rito ang mga barkada ko, maghanda ka ng meryenda namin. Magpalit ka din ng damit. Iyong maayos at hindi ka mukhang nanay. Try mo magsuot ng short at sleeveless na damit."
Bigla namang nanlamig ang kamay ko. Nang marinig ko ang salitang barkada nagsitaasan ang balahibo ko.
"Ang ganda mo naman pala, Maya." Hindi ako lumingon pero alam kong si Paul ang nagsalita. Kanina pa kasi siya panay puri sa akin at sa gandang sinasabi niya.
"Mike, baka naman?" Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay alam kong nakangisi ito. Imbes na kay Paul ako tumingin eh sa Kuya ko ako tumingin at hindi na ako nagulat nang tumawa lang ito at tumango na para bang hindi niya naiintindihan ang pambabastos ng kaibigan niya.
"Ahm... Paano ba 'yan, Maya? Pumayag ang Kuya mo? Hahaha."
Hindi ko inaakalang imbes na maghahatid lang ako ng meryenda nila eh mababastos na ako ng ganito. Pilit inaabot ni Paul ang beywang ko pero agad akong tumayo at marahang lumayo sa magbabarkadang nakaupo.
"Sana po masarapan kayo sa ginawa ko pong meryenda, mauuna na po ako." Akmang maglalakad na ako palayo nang biglang tumayo si Paul at niyakap ako mula sa likod. Muntik na niyang makapa ang dibdib ko, buti na lang ay naharangan ko ito ng kamay ko.
Ramdam ko ang pagkiskis niya sa may likod ko dahil mas matangkad siya sa'kin. Mahigpit ang pagkakapikit ng mga mata ko, hinihintay ang susunod na mangyayari. Kung ito na ba ang huling araw ng pagiging malinis ko o hindi. Ilang ulit niya pang ginawa ang marahang pagbayo sa likod ko, ramdam na ramdam ko ang bukol niya sa bawat paglalapit ng likod ko at ng babang katawan niya.
"Paul, tigilan mo na. Pinapaiyak mo lang ang kapatid ko," pagpapatigil ni Kuya. Tila nagbago ang ihip ng hangin at nagkaroon ng concern ang Kuya niya sa kaniya.
"Tsk, akala ko ba okay lang. Arte mo naman, Maya. Ayaw mo ba sa tite? Tabi nga." Itinulak niya ako dahilan para mapaupo ako sa malamig na sahig.
Nanlalabo ang mata ko na umalis sa sala at duneretso sa kwarto. Hindi ko aakalaing berhin man ako pero during diri ako sa sarili ko.
"Hoy! Ano? Tutunganga ka na lang ba dyaan? Malapit na silang dumating, bilisan mo ang kilos mo."
"O-opo, Kuya." Tutungo na sana ako sa kusina nang lumingon ako para magtanong.
"Ahm, Kuya? May tanong po sana ako." Nakatingin ako sa sahig dahil na din sa hiya.
"Nagtatanong ka na, Maya. Pero sige, ano 'yun?"
"Si Paul po? Pupunta ba siya?" Kita kong napangisi si Kuya. Alam kong na-misunderstoon niya ang binitawan kong salita kaya agad ko itong binawi.
"I mean, hindi sa gano'n Kuya ha. Takot po ako sa kaniya. Ayaw ko po mangyari ang nangyari noong pumunta din siya dito."
"Wala. Ay hindi. Hindi siya pupunta, may asikasuhin daw. Sige na! Shoo! Alis! Gawin mo na ang inuutos ko." May ngiti sa labi akong tumango at agad na tumalikod para gumawa ng meryenda.
May ngiti ako sa labi habang hinahanda ang meryenda. Magaan din ang loob ko kasi alam kong wala si Paul at magiging payapa ang hapon ko. Pero how wrong I was.
Nang inutusan ako ni Kuya na buksan at papasukin ang barkada niya ay laking gulat ko nang unang bumulaga si Paul na may malalaking ngiti at may pagkamanyak na tingin sa akin.
Ilang segundo ako nakatayo lang doon. Nagsinungaling si Kuya.
"Hi, Maya. Miss me?"
-
"ARGH!!" Naiinis kong pinukpok ulo ko gamit ang palad ko. Panaginip! Inis kong inabot ang relong nabili ko sa halagang singkwenta pesos sa palengke. Ito ang tumutulong sa akin kapag may pasok sa trabaho. Ayaw kong ma late kasi baka tanggalin ako, nakapahirap pa naman ang maghanap ng trabaho lalo na't hindi ako nakapag tapos ng pag-aaral.
2:55??
Ang aga naman ata ako ginising. Sa sitwasyon ko, hindi ko na kailangan ang isang alarm clock. Managinip ka ba naman ng mga pangyayari sa nakaraan, sinong hindi gugustuhin na magising mula sa mga 'yun.
Ayaw ko Mang gumising ng maaga dahil pagod ako sa trabaho ay wala akong choice kundi ang bumangon para magsimulang maglakad. Wala akong pera pangbayad sa motorcycle. Kung kaya ko namang lakarin eh bakit hindi, mas makakatipid pa ako ng pera lalo na't may naghihintay din sa akin sa Parke.
Nag toothbrush muna ako at naghilamos. Hindi na muna ako maliligo, naligo naman na ako kahapon. Magpupunas na lang muna ako. Baka kasi kapag naligo ako araw araw e mas lalong lumaki ang bayarin ko sa tubig. Pinagkakasya ko na nga lang ang sahod na 150 araw-araw sa gastosin dito sa apartment na nirerentahan ko at sa pagkain ko.
Ni-bend ko ang tuhod ko para makita ko ang sarili ko salamin. Basag kasi ang kalahati nito at kung babaliktarin ko naman ay baka mahulog lang at maging sayang pa. Nakita ko lang 'to noong nakaraang araw habang naglalakad ako pauwi sa gilid ng kalsada. Natamaan ng ilaw ko na tig-sampo na lighter kaya binitbit ko na, kung sa iba ay hindi na mapapakinabangan, sa akin ay kering keri pa. O 'di ba hindi ko na need bumili ng salamin na mahal sa palengke, libre na iyong akin.
Inayos ko muna ang pagkaka-ponytail ng buhok ko bago kinuha ang bag at isinirado ang pinto. Napatingin ako sa relo ko.
3:20. Maaga nga talaga ako ngayon ah. May magandang dulot din naman pala iyong bangungot ko.
Ini-on ko na ang tig-sampo kong lighter para ilawan ang daan. Habang naglalakad ako sa tahimik at madilim na daan, muling sumagi sa isip ko ang panaginip ko.

Book Comment (129)

  • avatar
    DefinoKea

    500

    19d

      0
  • avatar
    CayasLeonardo

    nice

    19d

      0
  • avatar
    ValinoAkira

    500

    22d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters