logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4 Enchanted Academy

Kabanata 04. Enchanted Academy
Third Person's Point of View
Nagising si Sam sa hindi pamilyar na lugar. Kaagad niyang inilibot ang paningin sa paligid.
A soft bed, white bed sheets, and a medium bedside table at hindi kalakihang chandelier sa gitna ng kwarto. On the left side ay isang walk-in closet at sa kabila naman ay may pintuan na may nakatatak na comfort room. It is just a simple room but for Sam, it is indeed beautiful.
Sam was stunned for a while, dahil sa ganda ng paligid but then panicked when she remembered what happened. Kaagad na siyang tumayo at tumungo sa may pintuan but stopped when she knew that it was locked from the outside.
"It won't budge! This f*cking door!"
She kicked the door dahil sa inis at napadaing din ng maramdaman ang sakit. Walang nagawa si Sam at napaupo na lang muli.
Hayy. Napaisip siya.
Ang huling natatandaan niya ay ang mukha ni Grey na hindi niya malimot-limutan. Napapitlag si Sam ng may maalala bukod doon.
"Ang libro!"
Agaran itong tumayo at hinalughog ang bawat sulok ng kwarto. Matapos ang tatlong minutong paghahanap niya ay tumigil na siya. Kahit saang sulok niya ito hanapin ay hindi niya ito makita.
Nanghihinang umupo ang dalaga sa sahig. Napaisip siya, kung hindi lang sana siya nagmatigas ay nakarating na saba siya sa kabilang bayan na sinasabi ng kanyang lola.
Paano nalang ang pangako niya sa lola niya. Ni isa nito ay wala siyang natupad. Nasapo niya ng paulit-ulit ang noo dahil sinisisi niya ang katigasan ng ulo niya dahil sa mga nangyari sa kaniya ngayon.
Lingid sa kaalaman ng dalaga, may nakapasok na pala sa kanyang silid na tinutuluyan. It was Scarlet habang nakasunod naman sa kanya si Sophia na nakabusangot.
"Cheer up girl! May pagsubok ka pang dadaanan." Said Scarlet.
Agad na na-alarma si Sam. She immediately stood up and grab the lamp on the bedside table. Bahagya namang natawa si Scarlet.
"Sa tingin mo matatakot kami sa ganiyan? Nagpapatawa ka ba?" Panunuya nito kay Sam na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin ng mahigpit sa lampara.
Sam knew na katangahan ang ginawa niya but wala siyang choice e, kundi ang gumawa ng action. Kaysa naman nakatunganga lang siya at makulong ng wala man lang kalaban-laban diba!
"Stop it, Scarlet! We're not here to scare her, remember?" May halong inis na sabi ni Sophia habang may hinahanap naman ito sa closet na damit.
Scarlet rolled her eyes, "Tch! Whatever!"
"Wanna die!" Sagot naman ni Sophia.
"Try me then?"
Napangiwi si Sam sa kung paano mag usap ang dalawa kaya naman sinamantala niya ang pagkakataon. Dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa pintuan. This is it! Makakatakas na siya sa lugar na'to! Mahahanap na niya ang libro at ang kanyang lola.
Busy sa pagbabangayan ang dalawang dalaga nang mapansin nilang wala na si Sam sa kinatatayuan nito. Kaagad na napamura si Sophia while Scarlet remains calm.
"Patay tayo kay Mr. President nito. Ikaw kasi e! Umaandar na naman ang pagiging maarte mong hayop ka!" galit na sabi ni Sophia kay Scarlet.
"Duh! Hayaan mo siya. Sigurado naman akong hindi siya makakaalis ng basta-basta e."
Sophia glared, "Will you stop being a b*tch? Hindi ka na nakakatulong e!"
Pagkatapos ay naglakad na si Sophia dala ang damit na ipapasuot niya sana kay Sam dahil kahapon pa ito madumi at hindi nabihisan.
Samantala, takbo-lakad ang ginawa ni Sam makalayo lang sa lugar. Kahit alam ng dalaga na hindi niya mapagtanto kung saan ang tamang daan ay sige lang siya sa paglakad. Tila kastilyo sa laki ang kaniyang nilalakaran at bahagya pa siyang nadulas dahil sa kinis ng inaapakan niyang sahig.
Hindi alam ni Sam kung anong uunahin niya pag nakalabas siya sa sa lugar. Ni hindi nga siya makabuo ng epektibong plano dahil hindi niya kabisado ang lugar na inaapakan niya ngayon. Tila ba nasa ibang mundo siya na puro mamahalin ang nasa paligid. Sa paglakad-takbo niya ay may nakita siyang isang shelter na malapit sa malaking puno.
Well, nalampasan lang naman niya ang kaninang tinutuluyan niya na masasabi niya na mukhang dorm dahil sa dami ng mga pinto na nakapalibot dito.
It is a big building na estimated niya na hanggang forty floors. Mabuti na lang talaga at wala masyadong estudyante dahil nasa Cafeteria ang lahat. Kung nagkataon man na makita si Sam ng mga ito ay siyang ikagugulo ng buong Enchanted Academy.
Wala pa kasing na papasok sa guest room kundi mga kamag-anak lamang ng Royal Family o di kaya'y importanteng bisita ng Headmaster ng paaralan.
Paano na lang kaya pag nalaman nilang nakapasok si Sam doon. Si Sam na kasalukuyang suspect sa pagnanakaw. Si Sam na walang kaalam-alam sa mundong inaapakan niya ngayon. Edi magiging magulo talaga diba?
Narating ni Sam ang isang shelter. Thankfully bukas ito. Nilibot muna ng dalaga ang paningin sa paligid at nang masiguradong walang tao ay kaagad itong pumasok sabay lock ng pintuan.
Mahirap na baka nasundan siya ng mga 'yun alam naman niya sa sarili na hindi mga ordinaryong tao ang tinakasan niya.
She then sits at the corner dahil sa pagod na nararamdaman niya. Gumagawa na rin ng hindi kaaya-ayang tunog ang tiyan niya dahil mula pa kahapon ay isang subo lang ang nakain niya.
But that's not the important thing for her right now.
Nag-isip ng paraan si Sam para makalabas ng buhay sa lugar. Hindi naman siya ganon ka bobo pero sa bilis ng pangyayari ay tila walang pumapasok sa kanyang utak na kahit isang epektibong paraan para makaalis sa nasabing lugar.
Kung sumunod lang sana siya kaagad sa Lola Meng niya ay hindi na sana siya napunta sa lugar na ito. Minsan pahamak talaga ang pagkamatigasin niya. Hindi naman niya masisisi ang sarili, dahil talagang ayaw lang niya na hindi nasusunod ang kanyang nais.
Hayy.
"Hindi ko alam kung anong lugar 'to at mas lalong hindi ko alam kung saan ang daan palabas. Ang bobo mo talaga Samantha. Dapat kasi nakinig ka na kay Lola e!" parang baliw siya na kinakausap ang sarili habang pinupukpok ang ulo sa mesa.
Samantala, tinawag ni Sophia sina Lucas at Marco para magpatulong sa paghahanap sa dalagang nakatakas. Nakapagtataka kasing hindi nila ma sense ang presence nito kaya nagpatulong na sila sa kasamahan nila. Sinisi naman ni Sophia si Scarlet sa mga nangyari.
In fact, kahit 'nong naghahanap sila kay Sam ay panay bangayan pa rin ang dalawa. Minsan nga kulang nalang magpalabas sila ng ability nila at magpatayan.
Kaagad namang kumilos ang dalawang binata sa paghahanap. Hindi kasi nila basta-basta magagamit ang kakayahan nila dahil araw ng pasukan nila at ayaw naman nilang mabigyan ng demerits. Mahirap na at baka matanggal sila sa pagiging prestigious class.
On the other side, Grey got the news from Marco. He immediately joins them to search for Samantha. Masyado kasing malaki ang academia na sa sobrang laki ay maikokomopara mo na siya sa isang maliit na bayan.
There are five different buildings. On the left side is the dorm of boys and girls. Dalawang building ito na magkaparehas lang ng disenyo ngunit magkaiba ang nakalagay na sulat.
On the right side naman ay isang malaking building din, dito kumakain ang mga estudyante sa paaralan at may kanya-kanyang floor para sa mga gustong kumain ng iba't ibang styles like Chinese foods, Korean foods at marami pang ibang pagpipilian.
On the middle naman is the headquarters of the teachers at dorm na din nila. Doon ginaganap ang mga meetings, etc.
On the back of it naman ay isang napakalaking building na may malawak na field. Ito yung paaralan nila kumbaga kasali na doon ang auditorium, gym at kung ano-ano pa.
Samantala, hindi pa rin tumigil si Sam sa pagpukpok ng ulo niya. Hindi na naman niya namalayan na may nakatayo na pala sa harapan niya at prenteng pinagmamasdan siya.
"Are you going to break your head into pieces?"
Napapitlag ang dalaga. Kaagad na nag-angat ng tingin. Then she saw the man in front of her na naka cross arm pa habang tinititigan siya ng seryoso.
It was the guy. The guy who she saw after she fell asleep last night.
Na-alarma ang dalaga. Napatayo siya ngunit napahinto rin ng maalala ang sitwasyon niya na kanina niya pa pinag-iisipan.
She had no other choice but to cooperate with them dahil wala naman siyang kawala e. Mapapagod lang siya kakatakbo papalayo sa kanila. It doesn't matter to her anymore. Buo na ang desisyon niyang magpadakip sa kanila. Well, she thought na mas mabuti na'to kaysa mamatay siya ng hindi nahahanap ang Lola niya.
Grey then got confused. When the girl in front of him suddenly stops escaping. Kunot-noo niya itong tintigan.
"Umm.. are you going to look at me all day?" Tanong ng dalaga. Wala itong halong takot at kaba.
Sa pagkakataong 'yun ay nasabi ni Grey sa sarili niya ang matagal na niyang edeni-deny tungkol sa pagkatao ng babae.
"You're a brave one, huh!"
"Huh?" sagot ng dalaga.
"I said come with me."
Walang pasabing hinawakan ni Grey ang dalawang kamay ng dalaga. Nagulat nalang ang dalaga sa nasaksihan niya dahil sa pagbitaw ng kamay ni Grey ay nagkaroon ng posas ang kamay niya na gawa sa kidlat.
"Let's go!" Sabi ni Grey sa dalaga na hindi naman nakinig at nakatingin pa rin sa posas na nasa kamay nito.
"What are you doing? I said let's go!" May halong inis sa tono nito. Inis namang tumingin ang dalaga sa kaniya.
"Papatayin mo ba ako?" Ask Sam out of nowhere na lalong ikina kunot ng noo ni Grey.
Sam thought na kapag gagalaw siya ay dadaloy ang kuryente sa kaniya at tuluyan siya nitong papatayin. Kaya hindi siya gumalaw.
"Tch. Stupid!" Asik ng binata at walang pasabing hinila si Sam papalabas ng shelter.
Kabadong pumikit si Sam habang hila-hila ni Grey. Nang walang maramdaman ang dalaga ay unti-unti niyang binuksan ang kanyang mga mata. Nakahinga siya ng maluwag.
"Umm, curious lang ako. Ano bang kasalanan ko at nilagyan mo ako ng posas? Sa pagkakaalam ko hindi---"
"Just shut up will you!"
Napatakom naman ng bibig si Sam dahil sa ma-awtoridad nitong boses. Sa isip ng dalaga ay minumura na niya ito at kung ano-ano ng scenario ang nasa isip niya para patayin ang binata. Gwapo nga suplado naman.
Sa paglalakad nila ay siya namang paglabas ng maraming estudyante galing sa isang building. Ang ibang nadadaanan nila ay pinagtitinginan sila habang ang iba ay nagbubulong-bulungan naman. Paano ba naman kasi, ang Supreme President ng paaralan nila ay may kahawak ng kamay.
Sino ba naman kasing mag aakala na may nakahawak ng kamay ng ganon-ganon lang sa Presidente nila diba? Knowing na suplado ito pag may nagtangkang manligaw sa kanya na babae.
Syempre, nakaposas nga si Sam but it's only visible on them but invisible to others kaya ganun na lamang ang reaksyon ng karamihan sa kanila.
"Tch!" he said.
A few minutes later ay narating na nga nila ang headquarter ng Councils kung saan ginagawa ni Grey ang mga paper works niya.
They then settled down. Kasama ang mga kasamahan ni Grey, principal Gil and the other one Aurora A.K.A the seer. Wala naman kaalam-alam si Sam kung bakit hindi siya sa kulungan dinala ng lalake na hanggang ngayon ay pinoposasan pa din siya.
"What's your name, hija?" Pagbasag ng katahimikan ni Aurora.
Sam looked at Aurora and answered her with a question too.
"Why? Can someone please explain why am I here and what's all of this for? Kahit anong isipin ko, hindi ko po maintindihan e."
Scarlet rolled her eyes again while Lucas and Marco ay tumingin lang sa dalaga habang si Sophia naman ay nakikinig lang.
"Okay. Grey, Sophia, and you." Turo niya kay Sam.
" Stay. The rest dismissed!" Ma-otoridad na sabi ni Gil.
Hindi naman makapaniwala si Aurora sa tinuran ni Gil. Para sa kanya kasi ay mas makabubuti kung siya ang kumausap sa dalaga para maintindihan nito ng mabuti ang mga nangyari.
Gil just stare at her na nagsasabing 'its okay I can handle her'. Just like that naiwan ang apat sa loob.
Kating-kati na si Sam sa na malaman ang mga pangyayari at hindi na ata siya makapaghihintay pa ng ilang minuto. Well natupad naman ang gusto niya nang magsimulang magsalita si Sophia na kanina ay nakatingin lang kay Gil na animo'y nag uusap gamit ang mga mata.
"Well as you can see. Pinosasan ka ni Grey dahil ikaw ang prime suspect namin."
"Suspect? Sa libro ba kamo?" Said Sam.
"Yes! And,"
Tumingin si Sophia kay Grey and gesture to free Sam. Kaagad naman na ginawa ni Grey na hanggang ngayon ay naka cold face pa rin.
Sam didn't mind her hands at nakatuon lang sa susunod na sasabihin ni Sophia.
"And?"
"Don't worry. Napatunayan na na hindi ikaw ang suspect so you're free now." dugtong ni Sophia.
Sam then got excited. Iniisip na ng dalaga na mahahanap na niya si Mang Egnacio, 'di bale ng wala ang libro. But hindi niya inasahan ang sunod niyang narinig.
"But unfortunately, we decided to punish you as you held the book of Enchanted One."
It was Gil who spoke.
He didn't mean to punish the woman but Aurora insisted na ang dalaga ay may parte sa lugar na'to at kailangan niya itong malaman. Well as Aurora said hindi punishment ang binibigay nila kay Sam kundi pagkakataon. Pagkakataon na malaman at mahasa ang kakayahan niya para magamit ng wasto sa tamang panahon.
Lingid kasi ng kaalaman ng iba ay nawawala kaagad ang sugat ni Sam. Kumbaga nag-he-heal lang ito bigla ng walang ginagawa o nilagay na kahit anong gamot.
Napaisip si Sam. Parusa? Anong klaseng parusa naman?
"And what is it?" curious na tanong ni Sam.
Ngumiti si Gil sa dalaga.
"You're now officially one of the students here in Enchanted Academy. Once you set your foot, you'll be forever enchanted, ikanga!" Sam widened her eyes na halos lumuwa na.
"What? Are you kidding? Wala akong time para-"
"Sophie, guide her so that she won't get lost again," Gil said.
"Yes, sir!"
Umakyat sa ulo ni Sam ang inis to the point na masama niyang tiningnan si Principal Gil na naglalakad na ngayon papunta sa isang upuan. Hindi alam ng dalaga ang gagawin niya. Gusto niyang sumigaw sa inis ngunit alam niyang magmumukha lang siyang walang respeto.
Nahipan na lang niya ang bangs dahil sa inis. Ganoon kasi ang ginagawa niya para maibsan ang inis niya. Tumingin si Sam kay Sophia na ngayon ay prente paring nakatingin sa kanya pero nakangiti na ng bahagya.
Naglalakad na sila ngayon sa hallway.
Si Grey naman ay nagpaiwan sa office dahil may sasabihin pa raw si Principal Gil sa kanya.
Nagsimula nang magpaliwanag si Sophia sa mga nadadaanan nila. Ipinaliwanag din nito ang mga pangalan nila. Wala man sa mood si Sam na magpakilala ay ginawa na lang niya. Ano pa ba? Wala siyang choice e.
Nasa harapan na niya ang matagal na niyang katanungan simula palang ng madiskobre niya na hindi siya ordinaryong tao. Like may mga tao kayang kagaya niya? O kung ano-ano pa.
"The one that handcuffed you is the Supreme President of this school. His name is Grey but he prefers to be called Mr. President or Supremo."
No wonder. Kaya pala suplado may pinanghahawakan palang responsibilidad.
Nakikinig lang si Sam. Sa mga sinasabi ni Sophia at parang nawalan na siya ng interest dito.
Narating na nila ang napakalaking building. Yung building na tinkasan niya kanina. Namangha siya ng mapagtuunan niya ito ng pansin. Maganda naman pala talaga siya. May pagka unique yung desinyo niya at hindi basta-basta.
Napabalik siya sa realidad ng magsalita ang katabi niya.
"Beautiful isn't it? But that's not the important thing right now Sam. Kailangan mo pang mag-ayos kasi medyo, alam mo na!" natatawa na sabi nito.
Napatingin naman si Sam sa sarili niya at nanlaki ang mata. What the… Ito ang sinusuot niya mula pa kaninang umaga? Ito ang nakikita ng ibang estudyante sa kaniya? Isang dugyot na babae na mukhang anghel!
Biglang natawa ang katabi niyang si Sophia sa naging reaction niya. She then glared at her.
"Ba't 'di mo kaagad sinabi. Ang sama mo naman." Reklamo ng dalaga sa katabi.
"For your information. Ikaw kaya 'tong umalis na lang bigla nang walang pahintulot no. Edi hindi tuloy kita nasabihan na mag bihis. So, hindi ko na kasalanan kung nakaganiyan ka buong magdamag." Sophia retorted.
Tumahimik nalang si Sam hindi dahil wala siyang maisasagot kundi dahil ayaw niyang makipag bangayan kay Sophia. Mahirap na baka mamatay na lang siya ng wala sa oras ng hindi nahahanap ang Lola niya.
All students na nadadaanan nila ay may kanya-kanyang komento. Si Sam naman ay wala lang pake sa kanila. Wala e, mas iniisip niya kung paano niya mahahanap ang lola niya habang nasa loob siya ng paaralan.
Ayaw din naman niyang tumanggi dahil alam niyang mas makabubuti ito sa kaniya para mahasa ang kakayahan niya at ng ma protektahan niya ang mga mahal niya sa buhay. Pagod na kasi siya na laging iniiwan.
Minutes later ay narating nila ang isang pinto. Hula ni Sam ito ang magiging kwarto niya. Pero binawi niya ang kanyang sinabi ng marinig ang dalagang katabi niya.
"This is the ordinary guest room. Dito nagpapalipas ng gabi ang mga hindi inaasahang tao na naligaw dito. Kagaya mo." Tatango-tango naman si Sam. Habang pumapasok sila sa loob.
"The one na tinakasan mo is the special guest room. Hindi pa yun gaanong naayos kaya medyo simple lang siya. Do'n naman tumutuloy ang mga maharlika or should I say Royal Family." Natigilan naman si Sam sa pag-upo.
"Eh? Ba't doon niyo ako pinatulog? Hindi naman ako parte ng Royal Family o kung ano pa man iyan?" Natawa naman si Sophia sa reaction ng dalaga halatang inaasahan niya na ito ang sasabihin.
Kunot-noo naman siyang tiningnan ni Sam habang tumuloy sa pag-upo. Hindi tuloy maiwasang isipin ni Sam na may lahing baliw ang kasama niya ngayon. Bigla-bigla na lang kasing tumatawa kahit wala namang nakakatawa.
"Well for the meantime kasi yun lang ang lugar na siguradong hindi ka makakatakas dahil walang kahit anong kapangyarihan ang gagana doon sa loob."
"Eh?"
"For security purposes yun. Kumbaga pag may bumisita sa mga maharlika doon ay masisigurado namin na hindi sila mapapahamak."
"Ni kahit isa man lang ay walang nakagamit ng kakayahan doon. Kahit ang mga maharlika ay hindi nagagawang paganahin ang ability o powers nila. Ganun ka powerful ang kwartong yun."
"Sabi pa nga nila binasbasan daw yun sa pinakamakapangyarihang tagapamuno ng buong Enchanted Village noon at tanging siya lang mismo ang may kakayahang makagamit ng kahit anong kapangyarihan sa loob nito." Mahabang paliwanag ng dalaga.
Napatango nalang si Sam sa mahabang paliwanag ni Sophia.
Biglang tumunog ang tiyan ni Sam na nagpatigil sa kanilang dalawa. She looked at Sophia with a beautiful eye as if saying na 'wala pa kasi akong kain e'.
"Hehehe!" Natawa na naman ang dalaga at hinagisan siya ng damit ni Sophia.
"Get dressed. After that, we'll eat, Lunch time na rin naman."
Napa-iling na tumayo si Sam dahil sa kahihiyan na idinulot ng kanyang tiyan. Habang si Sophia naman ay mahinang napa hagikhik.

Book Comment (72)

  • avatar
    Timkang Bayona Christian

    hagajsksbsjksbsisksbsjslnsbsoznxnzkslsnznkzbsbzkzjzbzizksbsjlsbzhzosjzhsojsbsjsjozjsnsj

    07/07

      0
  • avatar
    guetarica

    Season 2 please 🥹🥹

    24/06

      0
  • avatar
    halloww

    ang ganda sana may part 3 haha

    04/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters