logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2 Being Chase

Kabanata 02. Being Chase
Samantha's Point of View
Tumatakbo ako ngayong kasama si Lola Meng. Hindi ko alam basta may humahabol na lang sa'min. Kanina kasi habang kumakain kami ng hapunan ay bigla nalang nag panic si Lola.
"Samantha! Pumunta ka muna sa kwarto mo!" Natatarantang wika ni Lola Meng sa'kin. Nagtaka naman ako sa ikinikilos niya.
"Bakit po Lola, hindi ko pa po tap---" 
"Bilisan mo na!" 
I was shocked when my grandmother shouted at me. Confused, I just followed my grandmother. I quickly stood up while my grandmother locked the doors and windows.
Grandma suddenly looked at me with angry eyes. Because of that, I ran into the room. Ngayon ko lang nakitang magalit ng husto si Lola Meng kaya sinunod ko ang utos niya. Bago ko maisara ang kwarto ay narinig ko ang sinabi ni lola.
She uttered the words that made me confused. Like, I'm filled with confusion right now.
"They're here!" 
Mula sa loob ay hindi ako umalis malapit sa pinto. Nanatili akong nakatayo doon at nakikinig sa mga galaw ni lola.
"Pano sila napunta dito? Alam na ba nila?" Rinig 'kong sabi ni lola mula rito sa pintuan.
Dahil sa curiosity ay lumapit ako sa bintana ng aking kwarto. Madilim na sa labas kasi mag aalas nuwebe na ng gabi. Malakas ang ihip ng hangin na pumapasok mula sa aking bintana kasi hindi pala ito nakasarado. Lumilipad doon ang kurtina at pumasok din ang kakarampot na ilaw mula sa labas ng bahay.
Nang malapit na akong makarating sa bintana ay siyang paghila naman sa'kin ni lola na ikinabigla ko. Mahigpit ang hawak niya sa'kin na animo'y ayaw na niya akong bitawan. 
"Lola." Ang tanging nasabi ko.
"Kailangan na nating umalis dito. Delikado." 
"Bakit po lola? Ano po ba ang nangyayari?" Tanong ko habang may hinahalukay naman siya sa kwarto ko pero hindi niya parin ako binibitawan.
Nang mahanap na niya ang hinahanap niya ay pinahawak niya ito sa'kin. Isa itong box na hindi kalakihan pero medyo mabigat siya. Ni hindi ko nga alam na meron pala ako nito sa loob ng aking kwarto.
Bumitaw si lola sa'kin kaya hindi ko na mapigilang mainis. Wala akong kaalam-alam kung anong nangyayari. Kinakabahan ako na ewan.
"La, can you please tell me what's happening?" inis na tono ang binigay ko kay lola.
Hindi siya sumagot, lumapit lang siya sa'kin pero bakas pa din sa mukha niya ang pagka seryoso tsaka sinuotan ako ng napakakapal kong hoodie jacket na minsan ko lang sinusuot kapag may importanteng lakad kami o kapag naman taglamig.
"La!" tawag ko na medyo malakas na.
 Pero tanging 'shh' lang ang sagot ni lola sa'kin at mahigpit uli na hinawakan ang aking pulsuhan. 
"Let's go!" Ma-otoridad na sabi ni lola.
Iwinaksi ko ang kamay ni lola Meng na nakahawak sa'kin at sabay na masamang tumingin sa kanya. 
Napatigil siya.
Pero hindi sa'kin ang tingin niya kundi sa bintana ng aking kwarto. Paglingon ko ay may nakita akong mga anino ng tao kaya bigla akong kinabahan. 
Iyon ba? Iyon ba ang dahilan kung bakit ganito ang mga kilos ni Lola Meng?
"We really need to go Samantha. Please makinig ka kay Lola." Mahinang wika ni lola na may halong pagpapa-awa.
Gulong-gulo man ay wala na akong sinayang na oras. Ako na ang humawak kay lola at hinila siya palabas ng kwarto ngunit napahinto ako ng may maalala. 
"Ang libro!" mahinang bulalas ko.
Patakbo ko itong kinuha sa ilalim ng aking kama at dali daling isinuksok sa jacket ko na may malaking bulsa sa loob na sakto lamang sa libro. 
Feeling ko kasi napaka importante nito kaya dadalhin ko na lang. Sabi kasi sa'kin ni Sister Lily ang libro daw na ito ay orihinal at hindi basta-basta.
Pagtayo ko ay kaagad akong hinila ni lola at naramdaman ko ang paligid na may kakaibang pwersa na hindi ko mawari kung ano.
At heto na nga kami tumatakbo habang may nakasunod sa'min na mga anino. I don't know kung anino ba sila o kung tao kasi wala akong maramdaman o narinig man lang na mga yapak ng paa. Hindi rin naman ako makalingon dahil sa bilis ng takbo namin ni lola. 
Hindi pa din mawala ang kabang nararamdaman ko at ang hindi maipaliwanag na ihip ng hangin. Parang sinusubaybayan kami sa bawat galaw namin.
Habang tumatakbo ay hindi ko mapigilang magtanong kay lola.
"La sa'n po tayo patungo?"
Para kasing walang pinapatunguhan ang pagtakbo namin ni lola at nahalata ko na rin ang pagkapagod niya dahil sa mabibigat niyang paghinga.
Muli ay hindi ako sinagot ni lola. Pero maya-maya huminto kami sa may eskinita at nagtago sa madilim na parte. Hinawakan ako ni lola sa magkabilang balikat. Hinihingal man ay pinilit niya paring magsalita.
"Please, Samantha. All you need to do is run and stay away from this place as much as possible. Kahit anong mangyari wag na wag kang lilingon, okay?" 
"O-okay!" tatango-tango 'kong sagot at mas lalo pang kinabahan.
Doon pumasok sa isipan ko ang sinabi ng matanda kahapon lang. Maaaring ito ang tinutukoy niya.
"The Book?" bulalas ni lola na ikinalingon ko sa kaniya at nakita ko na nakatingin siya sa bulsa ng aking jacket.
Nakadungaw kasi doon ang libro. 
"Bakit lola? Alam niyo po ba kung anong libro 'to?" Sabi ko kay lola habang nilalabas ang libro galing sa bulsa.
Tahimik parin kaming nakatago habang bulong lang ang aming mga boses. Nanlaki ang mga mata ni Lola. Mabilis na ibinilaik ni lola ang libro sa aking bulsa na halos ipagsiksikan na niya para walang dumungaw na parte. 
May kinalaman ata ang libro na 'to.
Kaagad na nag palinga-linga si lola sa likuran at muling tumingin sa'kin ng masinsinan.
Marami akong katanungan ngunit ni isa ay walang lumalabas sa bibig ko dahil sa lakas ng pintig ng puso ko dulot ng kaba. Mamatay na ba kami? Ako? Wag naman sana, ang bata-bata ko pa kaya para mamatay.
Iniling ko ang aking ulo para mawala ang walang kwentang katanungan na 'yun sa aking isipan.
"Makinig kang mabuti Samantha," 
Pero hindi ko matingnan si lola dahil hindi na mawala-wala sa isip ko ang mga tanong.
"Samantha Astrea!" 
Napapitlag ako ng marinig ko mula sa kanya ang buo 'kong pangalan. 
"May hihilingin ako sa'yong pabor. At ipangako mo na tutuparin mo ito. Naiintindihan mo ba ako?" tanging tango lang ang aking naisagot. 
Hindi na ako makapagsalita dahil sa kalituhan. Gusto ko na ring umiyak pero parang na dehydrate 'yung katawan ko kaya walang lumalabas na luha dito. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni lola.
"Pumunta ka sa kabilang bayan. Hanapin mo ang pangalang Mang Egnacio at wag na wag mong iwawala ang libro na nasa iyo. Pinapangako ko, kapag nahanap mo siya ay malalaman mo ang buo mong pagkatao." Doon na tuluyang bumuhos ang aking mga luha.
Magpapaiwan siya para makatakas ako ng ligtas? Ganoon? 
"At sa tingin mo papayagan kita?"
"Kaya mo! Alam kong kaya mo kaya sige na. Umalis ka na dahil malapit na sila. Please Samantha! Wag ng matigas ang ulo." pagmamakaawa ni lola sa'kin.
May narinig kaming kalabog, tanda na nandyan na sila. Mas lalong bumuhos ang aking mga luha hindi dahil sa kaba kundi sa kadahilanang magpapa-iwan siya sa mga humahabol sa'min.
Dahan-dahang tinanggal ni lola ang kamay ko na mahigpit na nakahawak sa damit niya. 
Ayoko siyang iwan. I can't afford to lose someone again.
Wala akong nagawa, para akong istatwa na nakatayo habang nakatingin kay lola na unti-unting lumalayo sa'kin, paatras, dahan-dahan. Unti-unti niyang ini-expose ang sarili niya sa kakarampot na mga ilaw sa kalsada. Nakita ko pa si Lola na sininyasan ako na umalis na.
"Run! Faster Samantha! Lumayo ka na sa lugar na'to!" 
A sudden voice came out of nowhere. Doon ko napagtanto na boses pala 'yun ni lola. Nabigla man ay kaagad ko siyang sinagot gamit din ang isip ko.
"No! I won't leave you!" matigas 'kong sagot.
Tiningnan niya ako. Hindi ko alam pero ibang Lola Meng ang nakita ko. Itinaas niya ng bahagya ang kamay niya. May sinabi siya na hindi ko narinig. 
At bigla nalang akong tumilapon papalayo kay Lola. Sa bilis ng pangyayari ay hindi na ako nagulat sa ginawa niya sa'kin. Mabilis akong tumayo pero napadaing ako ng makitang duguan ang kaliwang braso ko na ginawa 'kong suporta kanina para hindi mauntog ang ulo ko sa lupa.
Lola Meng on the other hand ay biglang nawala. Nilibot ko pa ang paningin ko sa buong kalsada pero ni anino niya ay hindi ko na talaga makita. Wala akong nagawa kundi ang tumakbo na lamang. Paulit-ulit 'kong inalala ang sinabi sa'kin ni lola para hindi ko ito makalimutan.
Napahinto ako ng maalala na hindi ko pala kabisado ang daan papuntang kabilang bayan. Nag ba-bus lang kasi kami noon ni lola ta's natutulog pa ako sa byahe.
"Saan ako magtatanong nito?" Bulalas ko sa aking sarili. 
Natampal ko ang noo ko ng wala sa oras. Lumingon ako sa Kaliwa. Kanan. Likod. Harapan.
Ngunit wala akong makitang ni kahit isang tao o hayop man lamang na gumagala. Tumingin ako sa kalangitan. May mga bituin at malaking buwan pero hindi doon naka-focus ang aking paningin doon. 
Alitaptap?
Isang alitaptap ang lumilipad sa'king ulo. Pumunta ito sa harapan ko. Pakiramdam ko ay kinakausap niya ako.
"Gusto mo na sundan kita?" tanong ko rito.
Baliw mang pakinggan ay wala akong nagawa. Sinundan ko ito. Lakad takbo ang ginawa ko. Hindi nag iba ng direksyon ang alitaptap. Diretso lamang ito.
Nabuhayan ako bigla ng makitang huminto ang alitaptap sa 'di kalayuan na may nakatayong mga tao. Madilim sa parteng 'yun kaya hindi ko mawari kung ilan sila. Basta ramdam ko lang ang presensya nila.
Nang makalapit ako ay huminto na ako na bahagya pang hinihingal. Hawak ko pa din ang kahon na binigay sa'kin ni lola. Hindi ko ito binitawan kahit na tumilapon ako kanina. Pagod ang una 'kong nararamdaman ng huminto ako. 
Tinawag ko sila. Nagbabakasakali na matulungan nila ako.
"Excuse me?" 
Dalawang babae at tatlong lalaki ang Nakatayo sa harapan ko ngayon. Pero ni isa sa kanila ay walang sumagot na animoy hindi ako naririnig. Kumunot ang noo ko ng may ma-realize.
Napa-atras ako. 
Baka sila yung humahabol sa'min. Nang pangatlong hakbang ko na, ay siya namang paglabas ng kakarampot na ilaw ng buwan na naging daan ko para makita sila ng tuluyan.
Napahinto ako.
Doon ko napagtantong kakaiba ang mga suot nila.
The two girls dressed elegantly na parang mga diwata. The one on the right side has long blonde silky hair with a perfect ratio face na may mataas na hikaw sa tenga. A not-so-perfect nose but suited on her face and hazelnut eyes.
The other one has 'a-not-so-curly' hair na lagpas hanggang balikat na sinamahan ng two way bangs at sinamahan pa ng deep green eye niya na umiilaw dahil sa sinag ng buwan. They both wearing long fitted dressed na may nakasulat sa bandang kanang dibdib na 'EA'. May hiwa din ito sa gilid na kitang-kita ang maganda nilang hita. In short, they're like a Goddess.
Yung tatlo namang lalaki ay nakasuot ng mamahaling tuxedo.
The one in the middle had ash-gray hair. A perfect nose. A red lips. Smiley eyes with a color of deep brown eyes and wearing a black tuxedo with a gray necktie on it. 
The second one on the left side had blue navy eyes with perfect black hair na medyo magulo that suited him. He had brown eyes with a bit of chinito and red lips with a big nose that suited only his face. He's wearing a brown tuxedo with a maroon necktie na hindi ako sigurado dahil medyo madilim. 
And lastly the guy on the left side of the girl with curly hair. He also has ash gray hair but a beautiful light green eye. An intimidating face and red kissable lips. And he's wearing a maroon tuxedo matching with a maroon necktie.
They all look great. But fear is what I feel right now.
Kung sa unang tingin mo ay para silang normal but when you pay attention sa mga kamay nila ay may bitbit silang mga gamit na hindi ko mawari kung ano. Mukha itong mga sandata sa tingin ko.
The two girls and one guy ay may hinahawakan na parang tungkod na parang hawakanan ng payong. Then yung dalawa namang natitirang lalaki ay may bilog na hawak na para siyang maliit na bomba na hindi ko alam kung bomba ba talaga yun o kung ano man. 
Dahan-dahan akong umatras para hindi nila mapansin. Biglang nagsalita ang babaeng may mahabang buhok dahilan ng paghinto ko.
"Guys! I think my friend found the thing." masigla niyang sabi sa kanyang mga kasamahan na tila nabuhayan naman.
"Where?" masiglang wika noong isang lalaki na medyo chinito.
Irritado namang tumingin ang babaeng kulot ang buhok sa direksyon ko. Napapitlag ako. Nagulat din 'yung babae.
Tatakbo na ba ako? Parang hindi naman sila mukhang masasama eh. Pero malay ko ba, baka nagmamaganda lang siguro sila, alam niyo na yung mga witch ganoon. No one knows diba? Ako nga may kakaiba sa'kin eh!
Dahil sa naging reaksyon niya ay napalingon silang lahat sa direksyon ko. Nagtama ang mata namin nong lalaking naka kulay maroon na tuxedo. Hindi ko alam pero nakipag titigan siya sa'kin. 'Yung mga tingin niya ay nakakabahala, 'yun bang tipong hindi mo kayang sabayan sa titigan dahil uncomfortable sa feeling. In short intimidating yung mga titig niya.
Kaagad akong nag-iwas ng tingin.
"Nakikita niya tayo?"
"I don't know. Maybe?" 
"Shut up will 'ya!"
Rinig 'kong mga bulungan nila. 
Of course nakikita ko kayo. Ano tingin niyo sa'kin, bulag? Weird din ng mga taong 'to. Mukha naman silang normal. Wait...! Wag niyong sabihin na multo sila. Whaahhh! Kung multo man sila I swear tatakbo na talaga ako, wala akong pake kung bumalik man ako sa bahay.
Dahil sa takot ko na baka sila nga yung mga taong humahabol kay lola ay mabilis ko silang tinalikuran. Hindi pa nga ako nakahakbang ay isang boses ang nakapag pigil sa'kin.
"Stop!" boses lalaki ang narinig ko at mababakas doon ang ma-otoridad niyang boses. 
Lumingon ako.
"Ako?" turo ko sa sarili ko.
Hindi ko pinahalata ang kabang nararamdaman ko. Sinubukan kong maging natural at sa tingin ko ay nadala naman sila.
"Oww! So you did see us?" Tanong ng lalakeng naka-brown tuxedo
Napairap naman ang babaeng kulot ang buhok habang may ibinulong na hindi ko narinig. Kunot-noo ko naman silang sinagot na medyo pabalang.
"Of course? I'm not that blind though. Is there a reason why I shouldn't? Or are you a ghost? Please say no!" Kabadong tanong ko.
Pumalakpak naman ang lalaki and stated the word 'wow' pero naputol ang susunod niyang sasabihin ng tinigilan siya nong babaeng mahaba ang buhok.
"A mere human huh!" naka smirk na sabi nong babaeng mahaba ang buhok.
"Is it her?" tanong niya sa…alitaptap? 
What the heck! I knew it!
Natawa siya ng bahagya. Sinaway naman siya ng lalaki na kung makapagsalita ay mapapasunod ka talaga. Yung naka Color maroon tuxedo.
"Cut the nonsense Sophia and make it fast. It's getting late." ma-otoridad niyang wika.
Mas lalong kumunot ang noo ko. May namumuong ideya sa aking isipan kung ano sila at makokompirma ko lang ito sa isang bagay.
I tried to communicate through telepathy. I may not know the procedure but I will try my best to do it.
Hindi pa nga ako nakakapagsalita through telepathy ng may nagsalita na and it confirmed my suspicion.
"Telepathy? Who the hell are you?" sabi nong lalaking naka color gray na tuxedo.
Umapela naman ang mga kasamahan niya.
"Telepathy?" said the chinito guy.
"Really?" said the girl with long hair.
"Oh c'mon isn't it obvious?" said the girl who always rolled her eyes.
"Tch!" said the guy with an intimidating look.
So they're like me. An extraordinary human? Sounds interesting, pero kung tutuusin delikado sa isang katulad 'kong walang kaalam-alam sa kakayahan ko.
"Give me the book!" said the guy who was wearing a maroon tuxedo full of authority.
Napaisip ako. 
Siya siguro 'yung leader nila at asa silang ibibigay ko ang libro sa kanila. Hindi ako bastang nauuto noh! Ibibigay ko lang 'to pag binalik nila si lola sa'kin.
Patay malisya ko siyang sinagot.
"Huh? What are you trying to say, mister? I don't have any books. Now if you'll excuse me."
Balak ko na sanang umalis. Papatalikod na sana ako ng hindi na ako makahakbang. Kahit anong galaw ko ay tila na estatwa ako sa aking kinatatayuan.
"Not so fast girl." said the girl who always rolled her eyes. 
Kahit hindi ako nakatingin ay alam ko na siya iyon.
"Let me go!" asik ko.
"Parang hindi ka ata nabigla? What are you? I mean what's your power, your specialty?" said the chinito guy habang nagpaikot-ikot sa'kin na para bang ini-inspeksiyon ang buong katawan ko.
Ako naman ay pinipilit na makawala. This fucking amateurs! I don't have time to stand still. Hahanapin ko pa si mang Egnacio para mabawi ko si Lola. 
Nakakainis naman!
"What the fuck are you sayin' mister? I have no idea what you're talking about!" asik ko.
Bigla namang sumabat ang lalaki na naka gray tuxedo.
"Liar! Stop pretending. No ordinary people can see us. Nakikita mo kami ngayon ibig sabihin hindi ka ordinaryo. I can read your thoughts woman. So stop pretending and hand us the book that you stole from us!" 
Natigilan naman ako sa'king ginagawa.
'Stole? Me? Stole the book? Really?' 
For the second time, I was accused of being a thief. Kung magiging criminal man lang din ako ay hinding-hindi ko pipiliin ang maging magnanakaw. Syempre doon ako sa mas exciting, like a killer ganoon.
"Yes. You. So give me the book!"
I stopped when I remembered that he could read my thoughts. I was about to talk back to him when I saw them all shocked looking at my back and they slowly stepped backward. I can't move so I can't see what they saw on my back.
What could it be?....

Book Comment (72)

  • avatar
    Timkang Bayona Christian

    hagajsksbsjksbsisksbsjslnsbsoznxnzkslsnznkzbsbzkzjzbzizksbsjlsbzhzosjzhsojsbsjsjozjsnsj

    07/07

      0
  • avatar
    guetarica

    Season 2 please 🥹🥹

    24/06

      0
  • avatar
    halloww

    ang ganda sana may part 3 haha

    04/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters