logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

ENCHANTED ACADEMY:The Crown Princess

ENCHANTED ACADEMY:The Crown Princess

yOur_mysteriOuslady


Chapter 1 The Beginning

THE BOOK
Aurora's POV
“The Book of Enchanted Ones” sabi ni principal Gil na katabi ko ng upo.
Biglang umingay ang paligid at nagkaroon ng samo't saring opinyon at yung iba ay nakatingin sa'kin na para bang may kung ano akong ginawa sa kanila.
Lumakas ang kaba na nararamdaman ko mula pa kanina at hindi na ako mapakali pa. Maraming katanungan ang tumatakbo sa aking isipan.
"Quiet!" Ma-otoridad na sabi ni principal Gil.
Hindi ito mukhang galit at lalong hindi ito kalmado. Katamtaman lamang pero matitinag ka talaga dahil sa boses nito.
Bigla naman natahimik ang lahat. Ang iba pa nga ay nagulat pero hindi ko na alintana 'yun dahil busy ako kakahintay sa lalaking inutusan kanina nong isang eleganteng matanda na hindi naman gaano katanda sa tingin ko, medyo kulubot lang 'yung balat niya ng kaunti.
Biglang bumukas ang pinto at napalingon kaming lahat doon. Pumasok ang kanina ko pa hinihintay na lalaki na hinihingal pa at naghahabol ng hininga bago magsalita.
"The Book," huminga muna siya bago nagpatuloy.
"It's gone."
Dahil sa sinabi niya ay napatayo ang lahat maliban sa'kin na hindi ma proseso sa utak ang mga nangyari.
---
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This story and characters are fictitious. Certain long-standing institutions, agencies, and public offices are mentioned, but the characters involved are wholly imaginary.
PLAGIARISM IS A CRIME!
~~~~~~~~~~~
Kabanata 01.
Samantha's POV
*𝙺𝚁𝙸𝙸𝙸𝙸𝙽𝙶!*
Tunog ng alarm clock.
The sound of my alarm clock made me wobble. I immediately reached for it with one eye still closed to off it. I was still clinging as I sat on my bed.
I was completely blinded by the smell of something fragrant. My eyes widened as I figured out what smell It is. I realized that it smelled like fried chicken.
Lumingon ako sa kaliwa. Nakita ko ang repleksiyon ko sa salamin.
Messy brownish hair that is slightly longer than the shoulder, perfect shape face with porcelain skin, eyes that are slightly dark blue, nose that is pointed and lips reddened with a streak of pampering on the side.
"Tch!" singhal ko sa sarili kong repleksiyon.
Kaagad akong bumangon at nagligpit ng hinihigaan. Matapos kong magligpit ay dumeretso na ako sa banyo para maligo at makapagbihis. Sa kalagitnaan ng aking pagbibihis ay may biglang kumatok sa aking silid.
Si Lola Meng.
"Aba Samantha! Ano't hindi ka pa lumalabas d'yaan. Male-late ka na naman niyan sige ka!" rinig 'kong sigaw ni Lola Meng sa harap ng pinto ko.
Kaagad na namang nangunot ang noo ko dahil sa inis. Aba't sinong hindi maiinis ehh ala sais emedya pa lamang ng umaga sinsasabihan ka na na malelate kahit na alas otso pa naman talaga ang pasok.
Advance talaga mag isip so lola. Tanging iling na lamang ang nagawa ko sa sinabi ni Lola Meng.
Muli akong humarap sa salamin ko na pang whole body ang laki. Sinipat ko ang sarili ko sa salamin at tiningnan ang isang maliit na ancient word na tattoo sa may bandang dibdiban ko.
I may not know the meaning of it but I know that one day I'll be able to understand why I had this. Matapos 'kong pagsawaan ang mukha ko sa salamin ay lumabas na ako ng kwarto.
Napangiti ako ng makita ko si lola Meng na nakaupo sa kusina. Kaagad ko siyang nilapitan at niyakap.
Nabigla naman siya sa biglaang pagyakap ko mula sa likod niya. Nakatalikod kasi siya sa'kin habang nakaupo at pinaghahanda ang baon ko.
"Oh andiyan ka na pala. Pinaghanda na kita ng paborito mo kaya kumain kana dito." sabi niya.
Kumalas naman ako sa pagkakayakap at umupo sa upuan na kaharap niya.
I looked at her bago magsalita.
"La." Panimula ko.
Hindi naman siya tumigil sa kaniyang ginagawa at nagpatuloy lamang at sumagot lamang siya ng 'hmm'.
"Can I just stop studying and practice---"
Hindi ko naituloy ito nang kaagad siyang sumagot, pero malayo ito sa pinupunto ko.
"Tapos ko nang ihanda ang baon mo. Nandiyan lahat ng paborito mo kaya kainin mo lahat yan huh!" salita niya.
I sighed. I knew it, I knew that it will not gonna be easy on taking lola Meng's approval.
Napabuntong hininga nalang ako. Pinagmasdan ko nalang siya habang inaayos niya ang baon sa lalagyan nito na bag at marahang hinawakan ang kamay ko.
"Magiingat ka palagi. Alam mo naman ang panahon ngayon marami ng nagkalat na masasama." Bilin niya sa'kin na ikinairita ko.
Bago pa masundan ng kung ano-anong mga bilin na palagi niyang sinsabi halos araw-araw ay kaagad na akong lumabas sa bahay.
"Alis na po ako." tipid 'kong paalam bago nag martsa papalabas ng bahay.
Narinig ko pang napabuntong hininga si Lola bago ako tuluyang nakaalis. Naglalakad na ako ngayon mag-isa sa daan. Hindi naman kasi ako mayaman na may magagarang sasakyan na sumisigaw sa kagandahan.
Imbis na sa paaralan ang punta ko ay minabuti ko na pumunta na lamang sa bahay ampunan.
Sa paaralan kasi wala akong masiyadong kaibigan. Si Mica at James lang naman ang ka close ko at puro mayayaman pa kaya ang tingin ng lahat sa'kin sa paaralan ay sipsip, nagmamaganda at kung ano-ano pang panglalait para lang ipahiya ako.
But even the friends I consider to be the ones who will destroy the meager hope I have.
Life is really full of surprises and ironically funny. Mapakla akong tumawa. Napapikit ako ng maalala ang masakit na pangyayaring 'yon.
---
'Paaakk'
A crisp slap I got from Mica who was now raging in anger.
"Ang kapal naman ng mukha mo. Don't you see? Walang may gusto sa'yo kasi masiyado kang pabida. Akala mo kung sino. Mukha ka lang anghel but the truth you're evil!" singhal niya sa'kin na nakapagpabigla sa sistema ko.
Tiningnan ko siya ng may pagsusumamo.
"Mica! Let me expla---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng isang sampal na naman ang dumapo sa kabilang pisngi ko.
Masakit. Mahapdi. Ngunit hindi ko na ito alintana pa.
Nagsusumamo ko siyang tiningnan.
Hindi ko magawang magalit sa kaniya dahil alam ko na biktima lang din siya katulad ko.
But when I see James. An anger arises inside of me.
It's James. That f*cking as*hole James.
Sinet-up niya ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Ang pagnanakaw.
Hindi porket mahirap ako ay kaya ko ng magnakaw. Hindi naman ako bobo na nanakawan lang ang kaibigan ko para lang sirain ang pinagsamahan namin. At kung ako man ang magnanakaw ba't ilalantad ko pa sa lahat ang ninakaw ko.
Ano 'to bobohan ba to James?
Ang alam ko hindi ako gaanong nagustuhan ni James dahil para sa kaniya bad influence ako sa katulad ni Mica na mayaman at girlfriend pa niya. Ayaw na ayaw kasi ni James na bumibili ng kung ano-anong mamahalin si Mica para sak'in. Na never 'kong hiningi kay Mica.
It's all her decision after all 'cause it's her money and not mine.
"I don't need your explanation! We're done!" Matigas na pagkakabigkas niya sa bawat salitang binitawan niya bago umalis at iniwan akong luhaan.
Nakita ko pa si James na naka smirk na tumitingin sa'kin.
'Fuck you asshole!' I cussed within my mind. Na medyo ikinagulat ko dahil parang narinig niya ito at masamang tumingin sa'kin.
---
Mabilis 'kong iwinaksi sa aking isipan ang mga ala-alang 'yun at muling napadilat. Sa saktong pagdilat ko ay siyang pagtama ng mga mata ko sa isang matandang lalaki na sa di kalayuan ay pinagmamasdan ang mga bata na masayang naglalaro sa loob ng bahay ampunan.
Biglang lumingon ang matanda sa'kin na dahilan kung bakit nabitawan ko ang aking dalang baon. There's something about him that made me uncomfortable and at the same time curiosity filled up my whole body.
Recognition. I saw recognition in his eyes.
Hindi man siya gaanong kalapit sa'kin but I'm sure that he recognize me. Mga sampong hakbang lang ang layo niya sa'kin to be exact. Nagsimula ng dumami ang katanungan sa'king utak.
Biglang bumaba ang tingin niya sa nahulog 'kong baon kaya naman ay napatingin din ako. Kaagad ko itong pinulot. Nang pag balik ko nang tayo ay wala na ang matanda. Isang malakas na ihip ng hangin ang nagpakilabot sa'kin.
Curiosity hit me again.
Kaagad kong tinakbo ang kinatatayuan kanina ng matanda at nagpalinga-linga, nagbabakasakali na muli siyang mahagilap ng aking mga mata.
---
*At 'Empower orphanage'*
"Once upon a time there was a woman with dignity. She's brave, confident, and very powerful to the point that she can easily role their world." kwento ko sa mga bata.
I am here inside at the orphanage now and reading to the children a book I saw earlier at the gate. It's not damage yet so I wondered who threw the book anyway. To the point that it can still be sold again at a very high price because of its beauty and thick cover page that I just saw.
Para siyang libro na masasabi mo talagang may pagkaluma na, na animoy galing sa sinaunang panahon. May naka embroid dito na isang ancient word o ewan ko kung ano ito. 'Di ko maintindihan e kaya skip nalang natin ang part na iyan.
Ano naman kaya ang ibig sabihin nito? Napaka unique naman ng librong 'to para itapon sa lugar na 'to.Pati ba libro pinapa-ampon na rin?
Natawa ako sa sarili 'kong pag-iisip.
"Hoi ate Sam! Ituloy mo na po ang binabasa niyo. Kanina pa po nababagot ang mga kasama kong kaibigan." Sabi ni Emy na nagpabalik sa'kin sa realidad.
Isa siya sa mga bata na palagi kong binibisita dito. Napangiti ako dahil sa kaniyang tinuran.
"Ah, pasensya na po mahal kong Emy. I'm just a little amazed about the beauty of this book." wika ko na kaniya namang inirapan.
"Whatever ate!" sagot niya.
Napanganga ako sa itinuran sa'kin ni Emy. Whoah! the nerve of this lovely child. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
Si Emy kasi ay sponsor ng bahay ampunan na ito kaya kahit sa mababang edad ay marunong na siyang mag-ingles, pero hindi ibig sabihin noon na sponsor siya ay may karapatan na siyang bastusin ang nakakatanda sa kaniya.
That's a very wrong attitude Emerald.
"Emy. The last time you visited here, what did I told you?" panimula ko sa kaniya.
She frown in disbelief at muli na namang umirap. Aba't kay bata-bata mas mahusay pang umirap kaysa sa'kin.
Pero kahit na ganito siya ay hindi parin mawawala sa kaniya na matulungin siya kahit sa mura pa lamang ng edad niya. She's currently 8 years old as of this moment pero madami na siyang natutulungan na mga tao.
"Are you going to continue or not Ate Sammy?" naka taas kilay niyang sabi habang naka cross arm.
Aba't sinismulan na naman ako ng batang to ah! This ungrateful brat! Naisara ko ang libro dahil sa inis. Nahipan ko ng wala sa oras ang bangs ko sa noo.
"Emely I told you before that that's not the proper attitude in front of people older than you. Did you forgot what I've said?" may halong inis ang tono ng aking boses.
"Ate Sammy of course I didn't forgot. It's you whom I talking to, so why bother? You're my sister, sisters tend to be casual than to be formal. It is the sister's bond after all."
Paliwanag niya habang yung ibang mga bata naman ay umalis na at nakipag laro na sa iba kaya kaming dalawa na lang ni Emy ang nandito.
I was stunned for a moment when I heard from her the word 'sister'.
I never thought in my whole life that there is someone that thinks that way of me. I am touched and a smile form on my lips. Hearing the word 'sister' from this lovely brat took my anger away.
"And please ate. Would you stop smiling. It irritates me, nasasapawan yung kagandahan ko." Masungit niyang sabi habang nakatingala sa'kin.
I didn't listen to her. Again, I smile at ginulo ang buhok niyang napakatuwid na animoy produkto sa ganda nito. Muli ay tininingnan niya ako ng masama na ikinatawa ko ng mahina.
Aside from lola whom I cherished the most ay pangalawa doon si Emy. Lola Meng is not my true lola after all. Hindi ko alam kong sinong pamilya ko at kung nasaan sila ngayon basta ang alam ko lang is Lola Meng took me in this orphanage at pinalaki niya ako sa bubong niya kaya laking pasasalamat ko sa kaniya.
Kaya hindi ko siya kayang tanggihan sa gusto niya para sa kinabukasan ko. But sometimes nagmamatigas ako. Matigas to uy kaya laging napapahamak minsan.
I'm an adult now. A 19 years old girl na gustong huminto sa pag-aaral para magkaroon ng sariling pinagkakakitaan. Funny right? I know.
Tinabig naman ni Emy ang kamay ko at patakbong pumasok sa loob dahil nagtakbuhan din doon ang mga bata. Hula ko'y dumating na ang mga regalo na ipinadala ng mga magulang ni Emy.
Biglang nag iba ang ihip ng hangin at ramdam ko ang lamig nito. The feeling of uneasiness arises in me. Hindi ko alam pero parang may panganib akong nararamdaman sa bawat ihip ng hangin. Para bang kinikilabutan ako.
I turn around ng may mapansin akong naka tingin sa'kin sa likod. And then again I saw the old man standing beside a big tree. Naka sumbrero na siya ngayon pero alam 'kong siya parin yung matanda kaninang umaga.
Biglang lumakas ang ihip ng hangin kasabay doon ang isang boses na narinig ko pero nakatingin pa din ako sa matanda.
"Run! They're here!"
Mas lalong lumakas ang ihip ng hangin. Nalilito man ay hindi ko parin inalis ang tingin sa matanda.
'Who are you'
I uttered the words in my mouth habang naglalakad ng paunti-unti papunta sa deriksiyon niya. As if naman na madidinig no'ng matanda e ang layo-layo niya. But I'm wrong.
Narinig niya ata ang sinabi ko dahil bigla na naman akong nakarinig nang boses. But this time mas malinaw at malakas na kumpara kanina.
"Goodluck! The journey of your life will start." I felt a pain in my ears na animoy nakakabinging tunog na ikinawingi ko dahil sa sakit.
Napapikit pa ako.
And when I opened my eyes, he's gone. Again? Leaving me a big question marks in my head.
Who the hell are you old man?
Nagulat ako bigla ng may kumalabog sa may bandang kanan ko.
"What the f*ck!"
Halos atakihin ako sa puso pero nakahinga rin nang maluwag ng makitang yung libro lang pala ang nahulog dahil sa lakas ng ihip ng hangin.
A confused face form on me when I remember the weird voice that I heard kanina. Hindi na bago sa'kin ang mga ganoon dahil alam ko sa sarili ko na may kakaiba akong kakayahan na hindi ko alam 'kong ako lang ba ang meron o may iba pa. Kagaya nalang ng matanda kanina. I bet he used telepathy to communicate with me.
But what bothered me the most are those words that he uttered.
"Run?They're here? Why would I run? And who's going to be here? And what journey? Pinagsasabi ng matandang iyon?"
Dahil sa kalituhan ay iniling ko nalang ang ulo ko. Wala lang siguro yun. Baka imahinasyon ko lang yun.
I sighed.
Papasok nalang ako sa loob. Medyo masama na kasi ang langit.
"Tang*na!" I uttered ng magulat ako kay sister Lily.
Paano ba naman kasi sinamahan pa kasi ng kulog at kidlat eh. Halos malagutan ako ng hininga dahil sa pagkagulat.
"Sister Lily naman eh!" bulyaw ko ng makabawi ng hininga.
"Kanina ka pa hinihintay ng mga bata sa loob. Ano bang tinitingnan mo diyaan at hindi ka man lang lumingon ng makailang beses kitang tinawag?" nagtatakang tanong ni Sister Lily habang sinisipat ang malaking kahoy sa 'di kalayuan.
Ngumiti ako, " Wala po yun Sister. May iniisip lang po."
Tumingin naman siya sa'kin na may pag aalinlangan. Ano naman kaya ang nasa isip nito? Lately napapansin ko na parang may gusto siyang sabihin sa'kin pero hindi niya masabi-sabi. Wala lang ramdam ko lang. Ang weird kasi ng tingin niya eh. Parang kinikilabutan ako.
"O siya pumasok na tayo at baka umulan na."
Naglakad na siya papuntang pintuan ng madaanan niya ang nahulog na libro na binabasa ko kanina lang sa mga bata. Pinulot niya ito pero medyo natawa ako ng kaagad niya ding ibinaba. May kakapalan kasi ang libro kaya medyo mabigat ito.
Bigla siyang lumingon sa'kin kaya naman kaagad akong nagpigil ng tawa. May kaliitan kasi si Sister Lily at medyo maliit din ang pangangatawan niya kaya ganoon na lamang ang reaksiyon ko sa kaniya. Tumayo muna siya ng tuwid bago ako hinarap.
"Bago ko makalimutan. Wag na wag kang papasok dito kung maririnig pa kitang nag mumura. Alam mo na maraming mga bata dito." Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay tuluyan na siyang pumasok.
Napakagat ako ng labi ng maalala 'kong madre pala ang kaharap ko at minura ko siya ng malutong kanina. Kasi naman si Sister kala ko multo na ang kaharap ko.
Isinantabi ko na lamang ang mga bumabagabag sa'king isipan at pinulot ang libro tsaka pinagpagan ito. Muli 'kong nilingon ang lugar kung saan ko nakita ang matanda kanina at umiling.
Pumasok na ako dahil lumakas na naman ang hangin to the point na nagliparan na ang mga dahon sa paligid na sinamahan pa ng kulog at kidlat.

Book Comment (72)

  • avatar
    Timkang Bayona Christian

    hagajsksbsjksbsisksbsjslnsbsoznxnzkslsnznkzbsbzkzjzbzizksbsjlsbzhzosjzhsojsbsjsjozjsnsj

    07/07

      0
  • avatar
    guetarica

    Season 2 please 🥹🥹

    24/06

      0
  • avatar
    halloww

    ang ganda sana may part 3 haha

    04/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters