logo
logo-text

Download this book within the app

HTGT 7

(One day after the wedding)
Magdamag akong nasa bahay dahil sa sinabi ng mga magulang namin ni Harris. Ang sabi nila hindi daw pwedeng magkita kami ng ilang araw bago ang kasal dahil hindi raw matutuloy ang kasal kapag nagkita kami. Hindi ko sila maintindihan sapagkat wala naman silang dapat na ikatakot. Arrange Marriage lang naman ang kasal namin ni Harris at ayos lang kung hindi matuloy.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang nakatitig sa wall nitong kwarto ko. Halos lahat ay abala sa pag-aayos sa venue, tiyak na wala rin dito sila mama at si Annie. Gustuhin ko mang suwayin ang utos nila mama pero, hindi ko alam kung bakit may parte sa akin na bumabagabag.
Noong pumili kami ni Cindy ng wedding gown ko may natipuan naman ako at masisigurado kong magiging kumportable ako. Simple lamang ang wedding gown ko dahil hindi naman ako sanay sa mga sosyaling kasuotan.
Nag-iisip ako ngayon ng pwede kong gawim habang nandito ako sa kwarto ko. Nalinis ko na ang buong kwarto kong ito at naayos ko na rin ang mga kurtina. Ninanamnam ko ang bawat minuto na nandito ako sa kwarto ko dahil bukas ay bubukod na kami ni Harris. Ang sabi ng parent's ni Harris ay may bahay na kaming tutuluyan kapag kasal na kami. Regalo na daw nila sa amin ang bahay na 'yon, nahihiya man sa pamilya nila ay wala akong nagawa kung hindi magpasalamat sa regalo nila.
Kahit hindi ako swerter kay Harris swerte naman ako sa pamilya niya dahi tanggap nila ako. Ang tanging hinihiling ko lang ay kung hindi ako kayang mahalin niya ay sana maging mabuti ang pakikitungo niya sa akin. Kahit huwag niya akong ituring na asawa ay ayos lamang sa akin, hindi ko siya pipiliting mahalin ako.
May isang tao sana akong gustong makita at si Serah iyon. Gusto ko siyang makausap ng maayos, gusto ko lang linawin kung talagang mahal niya si Harris.
Napalingon ako sa ako sa aking kama ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag. Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Kanina lang ay pinapanalangin ko na sana ay magkita kami ni Serah at ngayon tinatawagan niya ako.
Sinagot ko ang tawag niya. Hinintay ko na siya ang unang mag-salita, hindi naman ako nabigo dahil siya ang unang nagsalita sa aming dalawa.
"Hello!" Mahinhin na sabi niya, si Serah ay isang magandang babae at wala ng kapintas pintas dahil nasa kaniya na ang lahat. Idolo ko siya dahil sa galing niyang mag- model, mapa-hanggang ngayon ay idolo ko pa rin siya.
"H-hello! Serah, " sabi ko. Napatawag ka? " Tanong ko mula sa kabilang linya.
"Free ka ba, ngayon? " Tanong niya, saglit akong natahimik. Nakuha ko na ang gusto niyang sabihin sa akin, gusto niyang makipag kita sa akin.
"Oo, naman. May kailangan ka ba? " Tanong kong muli.
"Actually, wala naman akong kailangan. Gusto ko lang na magka- usal tayo kahit ten minutes lang, kung papayag ka lang naman na makipag kita sa akin. " Sabi niya, napaisip ako. Ito na ang hinihintay kong pagkakataon gusto ko rin naman siyang makausal personally. Wala namang masama kung makipag kita ako sa kaniya.
"Sure! Saan tayo magkikita? " Tanong ko.
"I- text ko na lang sa'yo kung saan tayo magkikita, " sabi niya.
"Sige, ibababa ko na ito para makaalis na ako. " Sabi ko.
"Sige, thank you! "Sabi niya, nagpaalam naman ako na ibababa ko na ang tawag. Inilapag kong muli ang cellphone ko sa ibabaw ng kama ate napagpasyahan ko ng tumayo para makapag palit ng malinis na damit.
(***)
Pagkababa ko sa taxi kaagad akong nagtungo sa loob ng restaurant at naglakad sa gitna. Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at ng makita ko na ang hinahanap ko, huminga ako at malalim itong pinakawalan.
Naglakad ako sa direksyon ni Serah, kung hindi ko lang kilala si Serah ay mahihirapan akong tukuyin kung nasaan siya. Naka sun glasses siya at may hawak itong news paper. Tumigil ako sa harap niya at nagsalita.
"Napaghintay ba kita? " Nahihiyang tanong ko.
"Hindi naman, Elle. Kararating ko pa lang naman dito, take a seat first. " Mahinhin niyang sabi, hindi niya pa rin tinatanggal ang sun glasses na suot niya. Sabagay, isa siyang sikat na model at kunt hindi niya itatago ang kaniyang sarili tiyak na pagkaka-guluhan siya.
Sinunod ko ang sinabi niya at naupo ako sa bakanteng upuan na katapat niya.
"Akmang itataas niya ang kanang kamay para tawagin ang waiter, ngunit nagsalita ako na siyang ikinababa ng kamay niya.
"Huwag mo na akong I- order, busog pa naman ako. " Sabi ko.
"Are you sure, Elle? " Tanong niya, tumango naman ako.
"Siyanga pala, ano nga ba ang sasabihin mo sa akin?" Tanong ko.
"First of all, I'm sorry for everything. Sana mapatawad mo ako, " ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Bakit nawala ang galit ko sa kaniya ng makaharap ko siya? Bakit may parte sa akin na parang ngsasabing pakinggan ko ang lahat ng sasabihin niya?
"Huwag ka sa akin mag- sorry, Serah. Alam mo kung sino ang mag dapat mong hingian ng sorry, " sabi ko.
"Hindi ko siya kayang harapin, Elle. Masasaktan lang ako kung makikipag kita pa ako sa kaniya, " sabi niya. Yumuko ito, maya- maya lang ay saglit niyang inangat ang suot niyang sun glasses. Hindi nga ako nagkamali, may luhang tumulo mula sa mata niya. Bakit siya umiiyak? Nagsisisi ba siya dahil niloko niya si Harris?
"Bakit? Bakit hindi mo siya kayang harapin? Siya ang mas nasasaktan, Serah." Mahinahon kong sabi.
"Ayaw ko ng dagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya, Elle. At ayaw ko ng sayangin ang oras ko para sa kaniya," sabi niya. Hindi niya na ba mahal si Harris? Bakit ganoon ang inasta niya na para bang wala silang pinagsamahan.
"Kung ayaw mo siyang harapin, bakit ako ang gusto mong makausap?" Tanong ko.
"Kahit hindi tayo masyadong nagkakausap, Elle. Sa'yo lang palagay ang loob ko, sa'yo ko lang gustong sabihin na hindi ko intensyon na lokohin siya." Sabi niya, napaiwas ako ng tingin mula sa direksyon niya. Hindi ko makuha ang gusto niyang iparating sa akin.
"Bukas na ang kasal namin ni Darelle," sabi niya. Saglit natigil ang paghinga ko sa narinig ko mula sa kaniya. Bakit hindi sila nag announced about sa kasal nila kung kailan gaganapin? Bakit sabay pa gaganapin ang kasal namin? Pinaglalaruan ba kami ng tadhana at kung bakit ganito ang nangyayari?
" Bakit hindi kayo nag announced?"
"It's complicated, Elle." Sabi niya, napailing ako dahil hindi ko naman maintindihan ang gusto niyang sabihin.
"Gaano naman kakumplikado?"
"Arrange marriage lang ang mangyayari. Hindi ko mahal si Darrelle at pagpapanggap lang ang ginagawa namin sa tuwing nababalita kami sa media."
Hindi maproseso sa utak ko ang mga nalaman ko mula kay Serah. Arrange Marriage? Hindi niya talaga niloko si Harris, kaming lahat. Katulad namin ni Harris ay arrange marriage lang pala ang mangyayari. Pero, bakit ayaw niyang ipaalam kay Harris ang totoo?
" K-kung Arrange Marriage lang ang nasa pagitan ninyo... Mahal mo talaga si Harris...?" Pagkukumpirma ko, marahan siyang tumango. Para bang nahiya ako kay Serah, mahal niya si Harris pero, parehas na kaming ikakasal. Maaari kayang hindi matuloy ang kasal namin kapag nagbago ang isip ni Serah na pakasalan si Darrelle?
"Don't worry, Elle. Wala akong balak sabihi-n,"
Naputol ang sasabihin niya ng mag-salita ako.
"H-hindi sa ganoon, Elle. Kung mahal mo si Harris hindi na ako magpapakasal sa kaniya," pigil hiningang sabi ko at pilit na inaalis ang pagkadismaya ko. Narinig kong mahina itong natawa dahil sa sinabi ko.
"Buo na ang desisyon ko, Elle. Mas mabuti na rin ito, papakasalan ko si Darrelle at papakasalan mo si Harris. Pero, may hihilingin ako sa'yo, Elle."
"Ano ang hihilingin mo sa akin, Serah?" Tanong ko.
"Sana alagaan mo si Harris. Mahalin mo siya na higit pa sa pagmamahal ko sa kaniya. Hindi ko deserve ang pagmamahal niya," malungkot na sabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya at mahina itong pinisil. Gusto kong maiyak ngayon pero, nilalakasan ko ang loob ko. Madali lang naman ang hiling ni Serah, mahal ko si Harris matagal na. Pero, mahirap ipagsiksikan an sarili sa taong hindi ka naman kailan man mamahalin.
"Serah, para sa akin naging mabuti kang girlfriend sa kaniya. Kay'a nga ayaw ka niyang pakawalan pero, gusto kong humingi ng sorry sa'yo dahil ikakasal ako sa lalaking mahal mo. Sana mapatawad mo' ko," sabi ko.
"Wala akong dapat na ikagalit, Elle. Mabuti kang babae at para sa akin kayo ang bagay ni Harris. Sana noon pa ako nakipag hiwalay sa kaniya para hindi kami nahihirapan ng ganito," malungkot niyang sabi.
"May tanong pala ako, Elle."
"Ano 'yon, Serah?" Tanong ko.
"Do you love him?"
"Yes,"

Book Comment (334)

  • avatar
    Cheska Monique Ramos

    Beutiful💓💓

    13d

      0
  • avatar
    Eil Maurice Perez Dudass

    goods madami ako natutunan

    17d

      0
  • avatar
    Thea Labial

    good

    23d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters