logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6: You did a great job!

PAUL ANDHRIUS’ POV:
“Khashirra, mine relax! Bakit ba kung maka buntong hininga ka d’yan parang pasan mo lahat ng problema sa mundo? HAHAHAHA!” pang-aasar ko sa kaniya since kanina pa iyan ganyan.
Imbis na sagutin ako e irap lang ang ginawa niya sabay simangot na animo ay pinagkaitan siyang kumain ng mga paborito niya HAHAHA!
Makareact naman ‘to akala mo ‘di pa sanay, Monday kase ngayon and magpeperform sila later to show into the whole campus kung pa’no sila kaseryoso lalo na on air. Actually they’re doing this for almost 4 years pero ewan ko dito kung bakit gan’yan pa rin kabahan ‘yan e di naman sila makikita since nasa backstage sila pupwesto ‘kala mo naman ‘di pa nagperform sa stage na kita siya, kasali rin naman siya ng speech choir.
Maybe it’s because of stage fright na medyo nacoconquer na naman niya minsan lang kasi talaga, wala siyang tiwala sa sarili niya na kaya niyang gawin ang isang bagay. And I’m so sad sa mga pagkakataong gan’yan, minsan nga gusto ko na lang siyang bulyawan dahil sa galit tuwing sinasabi niya na ''di ko kaya yan" "ang hirap naman e" "hindi naman yata ako bagay dito'' "I think I don’t deserve it" tsk! lagi na lang niyang dinadown ang sarili niya tuwing may susubukan siyang bago at iyon ang nakakainis sa pagkatao niya.
“Paul tingin mo kaya ko? Baka mag stutter ako mamaya o kaya bigla akong mahinto sa pagsasalita nakakahiya ‘yon, mataas pa naman expectations nila sa team namin,” sa sobrang kaba niya at pag iisip sa kung ano ang magiging reaction ng marami, ito na naman siya at nawawalan ng tiwala sa sarili niya.
“Ano ka ba, syempre kaya mo. Ikaw pa ba ‘tsaka tigilan mo nga pag-iisip ng gan’yan pinapahirapan mo sarili mo e, okay? Kaya niyo ‘yan maayos naman mga practice niyo ‘di ba? For sure matatapos niyo iyan nang maayos!  O ngiti ka na, nagmumukha kang gurang sa kakasimangot e,” pampalubag loob ko na lang para umayos na siya.
At kita mo naman, sa dami kong sinabi pero iyong pang aasar ko sa dulo ang napansin nabatukan tuloy ako nang wala sa oras.
Brutal talaga ‘yan minsan e pero I know na ngayon okay na siya na wala na ‘yong Khashirra kanina na animo parang batang walang kamuwang-m’wang, she’s back for being a btch slay'n on the stage where she belongs.
Mas masaya talaga makita iyong Khashirra na nakilala ko noong una, iyong babaeng kapag dating sa stage at hawak ang mikropono biglang nagtatransform from mahiyain na halos ‘di na marinig tuwing nagsasalita sa sobrang hina ng boses to a monster I mean someone who will let you feel a unique aura na sa kaniya mo lang mararamdaman at makikita, iyong tipong mapapahinto ka talaga at mapapatutok sa nagsasalita na akala mo sakanya nakadepende ang hangin na hihingain mo HAHAHAHA I know I’m a bit exaggerated pero basta gan’yan talaga, she has that aura na hihikayatin ka makinig.
“Aray naman!” bigla ako napabalik sa reyalidad nang makaramdam ako ng malakas na sampal.
Like the heck! Ano na naman problema nito?
“Mukha kang retard d’yan woi, kanina ka pa nakangiti na parang ewan at kanina pa rin ako nagpapaalam na pupunta na ako do’n tapos ‘di mo ako pinapansin! ‘Yan bagay sayo pasalamat ka hindi pa malakas,” sigaw niya sa akin habang nakairap then bigla na lang ako iniwan.
Wow! Just wow! Iba talaga itong babaeng ‘to, tsk! ‘Di pa raw malakas if I know bakat na ‘yonv palad niya sa pisnge ko. Grabe masakit din kaya iyon.
“Woah? Anong nangyari sa pisnge mo ba’t namumula? HAHAHA ano ‘yan nasampal ka? Sabi naman kasi sayo ‘pag nagloko ka ‘wag mo ipapakita sa iba! Dami pa namang sasampal sayo kahit hindi makita ni Khash” pang-aasar ni Nhick kaibigan ko. Itong g*go na ‘to kung ano-ano pinagsasabi.
“Ul*l! Ikaw sampalin ko gusto mo huh? Ano ako kagaya mo‽” bulyaw ko pabalik kasi naasar talaga ako dito sa pagmumukha nito.
“HAHAHAHA pikon! O ano nga nangyari d’yan? Nasa’n si Khash?” pagtatanong niya ulit habang tumatawa, bwis*t na ‘to mabulunan sana.
“Try natin sayo para malaman mo! Ba’t mo hinahanap huh? Epal nitk do’n ka, baka ikaw masuntok ko.” sigaw ko pabalik sabay tulak ng kaunti sa balikat niya.
“Chill! Para nagtanong lang galit ka agad! HAHAHAH”  tatawa-tawa pa ring pang-aasar niya.
Handa na ako suntukin sa mukha ‘yan e bago ko bulyawan ulit kaso may isa na namang panira ng araw.
“Nasan si Khashirra?” pagsigaw ni Bonn na akala mo naman nawawala iyong GIRLFRIEND KO! Tsk! Makahanap talaga ‘tong mga to eh ‘no.. Bwis*t may dala pang pagkain kala mo naman maibibigay niya.
“Oh ano ba’t ka nandito? Tsk!” sagot ko agad bago pa siya makalapit habang nakataas ang kilay.
“Ayan, ayan ang pagalitan mo! ‘Di pa rin tinitigilan si Khash eh ‘no? Woah! tol payag ka may dala pang pagkain o HAHAHAHA" gatong pa nitong si Nhick, isa pa ‘to eh sarap nila pag umpugin.
“Ul*l! Asa naman makakarating ‘yan sa GIRLFRIEND KO baka gusto niyo mabugbog muna,” paghahamon ko pa.
“Huy! Ba’t ka na naman nakasigaw diyan? ‘Di ka pa nakinig sa performance namin, tapos na kami mag-on air hmmft!” may pagtatampong saad ni Khash, sh*t ‘di ko manlang namalayang tapos na pala tapos nahuli pa niya akong hindi nakikinig. Ta* kasalanan ‘to ng dalawang ito e, mahirap na naman suyuin to mamaya jusq naman.
“Khashirra! Love, sandaliiiiii!!! Woi hintay naman!” sigaw ko habang hinahabol siya kasi bigla akong iniwan, naman jusq!
Patuloy lang ako sa pagtawag sa kanya pero ‘di pa rin niya ako pinapansin, pinagtitinginan na nga kami ng mga tao dito sa gymn eh pero paki ko mga chismosa lang naman sila and if I know ‘yong iba tuwang-tuwa habang ‘di kami okay. Tsk! Sarap lang mambugbog eh kala mo naman papansinin sila ng GIRLFRIEND KO luh asa! ‘Tong babaeng ito naman kasi tinotopak na naman at kasalanan  ‘to no’ng dalawang ug*k na iyon kung ‘di kasi nanggulo, edi sana hindi masisira araw ko.
“Bitaw nga kase! ‘Wag mo ‘ko kausapin.” Saad niya sa tonong parang iritang-irita siya dahil yakap ko siya mula sa likod, oo likod di naman halata kung nasan harap at likod niya e HAHAHA de joke lang baka mas lalong magalit ‘to.
Pilit niya pa ring inaalis ang mga braso ko sa pagkakayapos sa kanya pero ayaw ko bumitaw kasi for sure ‘pag ito hindi ko yakap, baka nasampal na naman ako brutal nito talaga kahit kailan minsan nga feeling ko ‘di talaga ako mahal nito, pero syempre joke! Akin lang kaya ‘yan kahit mabugbog pa niya ako. Cringeeee HAHAHA
“Sorry na, nakinig naman ako e ‘tsaka you did a great job kaya. Promise! Iyong dalawang ug*k kase na ‘yon e bigla dumating, tapos hinahanap ka tsk makahanap naman sila akala mo sila iyong boyfriend mo, tapos may pa pagkain pang nalalaman ‘yong Bonn na iyon! Kaya please ‘wag mo na ako iwasan. Sampalin mo na lang ako okay lang bas—” nahinto ako sa mga sasabihin ko pa dapat dahil sobrang sakit nang pisngi ko!
The h*ll grabe talagang tinotoo naman niya ang pagsampal sa’kin. Kung ‘di ko lang talaga mahal itong gurang na ‘to.. kainis sobrang sakit kaya!
“Anong problema mong gura—” again isang sabunot naman ang natamo ko ngayon bago ko pa matapos ang pagsasalita.
“Ansabi mo? Huh! Sinong gurang? Hinay*p*k ka! Gwapo ka ba huh? Kapal mukha kang tukm*l,” Grabe naman ito, sobrang panlalait na halos nabanggit na yata niya ang lahat ng salitang nagsasabing pangit ka tapos ‘di pa tapos jusq naman, isa nga lang iyong nasabi ko na ‘di ko naman natapos tapos siya! Hayst!
Kapag gan’to na hindi mo matantya kung ano ugali niya isa na lang naiisip kong paraan, PAGKAIN—oo sa pagkain titiklop ‘yan lalo kapag lemon square cheese cake ibigay mo diyan kahit isang supot pa yan ubos niya agad. Sobrang takaw niyan to the point na minuminuto ata kumakain siya pero di man lang nataba.
“Waaaaaaaaaah! Cheesecake!” kita niyo na bigla binitawan ang buhok ko na sabu-sabunot lang niya kanina. tsk!
“Oh easy, tinatakot mo naman si ate sa itsura mo e! Mukha kang mangagain HAHAHA!” pagpapakalma ko sa kaniya dahil halos yakapin niya na ‘yong stall kung nasaan ang mga paborito niyang pagkain. Oo alam kong ‘di ko pa siya nasusuyo ng maayos pero wala nakasanayan ko na ‘yan HAHAHA!
“Epal nito, panget mo! Doon ka nga alis! Ate lima pong lemon square, dalawang cheese waffer, apple juice, yakult then co—”bago niya pa matapos sabihin ‘yong coke na iyan inunahan ko na.
“Ate don’t give her coke, Chuckie na lang po,” dagdag ko sa bibilhin niya dahil ipipilit lang na naman niya iyong coke ‘pag ‘di ko pa inunahan, so better nang ako talaga dapat namimili ng pagkain nitl pasaway ‘yan e, tsk! lagi pa nga siyang nag i-ice cream kahit bawala dapat sa kanila, rason niya ‘di naman daw kasi siya mapapaos kahit maghapon siya kumain at uminom ng malamig.
I remember one time ilang minuto na lang contest proper na tapos pinaalalahanan sila nung coach nila na bawal sa malamig at matamis masyado pero nandun siya sa canteen umiinom ng shake, oh ‘di ba sira*lo talaga niya, pero ‘wag niyo na lang sasabihin baka magtampo ulit.
“Uy! Khash penge gutom na ako eh!” bakit ba nandito na naman itong Nhick na ito, tapos manghihingi pa pwede namang bumili na lang ng sarili niyang pagkain e tsk! Galawang panget talaga.
“Woi! Ano na na—” ngunit bago ko pa matapos ang kung ano namang sasabihin ko ay inunahan na ako ng ating dakilang reyna ng mga brutal
“Asa ka namang bibigyan kita! Kita mong canteen ito ‘di ba‽ Edi ayun oh madami dun, do’n ka kumuha tas bayaran mo.. Hindi 'yong mambuburaot ka dito! Tch alis na naalibadbaran ako sa pagmumukha mo!” ang harsh talaga nito magsalita kahit kailan pwede namang sabihing ayaw niyang mamigay e pero okay lang buti nga sa ug*k na iyan HAHAHAHA!
“Grabe naman Rheixielle Khashirra Krish! Nakakita ka na nga ng gwapo tapos badtrip ka pa rin? Alam ko namang pangit ‘yang boyfriend mo eh, kaya nga nagpakita ako para ‘di ka na maasar pero ginaganyan mo lang ako, ouch! Nakakasakit ka na huh,” pagdadrama niya na akala mo totoo at aba dinamay pa ako bwes*t na ‘to! Pasalamat talaga siya at ‘di ako pwedeng sumingit dahil mas lalo lang maiinis itong babaeng ‘to kun’di kanina ko pa siya nasapak.
“Apakaarte mo! Bading ka ba huh, huh? Epal mukha kang tvkm*l. Doon ka manghingi ng pagkain sa mga babaeng ‘yon oh, willing naman silang pagtiyagaan ang iyong odious face,” pambabara naman ni Khash na kala mo e nakikipagdebate tsk! talaga namang kahit kailan ayaw magpatalo nito.
“Odious! Odious ka diyan, eh iyang jowa mo nga napaka ghastly ng pagmumukha e!” sigaw naman ni Nhick woah talaga naman kanina pa ako ang tinitira nitong insultuhin palibhasa takot lang niya na si Khash ang insultuhin e.
“Hoy! Ang kapal naman ng pagmumukha mo na isali ako sa pang iinsulto mo, purke hindi mo magawa kay Khash ano huh, takot ka ‘no? HAHAHAHA  tsk frail!” pang aasar ko pabalik
If I know kinakabahan na talaga ‘tong ug*k na ‘to kasi ‘di na maipinta ang mukha ni Khashirra, masulsulan nga na magalit BWHAHAHAHAHAHA!
“Oh Khassiee baby di mo pa ubos? Bakit parang ‘di mo pa nababawasan iyang food mo? Awwww! Okay ka lang?” kunware ay inosente kong pagtatanong Nyahahahaha but honestly maya-maya lang magagalit na iyan dahil nga naistorbo ang pagkain niya.
Kung nakakamatay lang siguro ang tingin kanina pa nakabulagta  iyang si Nhick sa sobrang talim ng mga titig na binibigay sa kaniya ni Khash at gustong-gusto ko nang humagalpak sa tawa dahil hindi na mawari kung anong itsura mayro’n ‘tong ug*k na ito sa sobrang nerbiyos niya, pero pinigilan ko lang dahil baka pati ako madamay sa galit niyang bruha kong mahal..iba pa naman kad*money*h*n niyan ‘pag tinopak na talaga.
“NHICK! ALAM MO BANG GUTOM NA GUTOM NA AKO PERO DAHIL DIYAN SA KADALDALAN AT KAEPALAN MO SA BUHAY ‘DI PA AKO NAKAKAKAIN NG MAAYOS HA‽ GUSTONG-GUSTO NA KITANG SAKALIN NGAYON SA TOTOO LANG NAINTINDIHAN MO HUH‽ NAKAKAINIS NA IYANG PAGMUMUKHA MO TA’S DINADAGDAGAN MO PA NG KAEPALAN. ANO PAPANSIN LANG TRIP MO NGAYON? ‘WAG KANG MAGPAPAKITA SA’KIN LAYAS!!!”sigaw niya na ‘di pa rin binibitawan ang matatalim na titig niya rito.
Sa totoo lang ang hirap na ngang paniwalaan na mahiyain talaga si Khash eh, kasi ‘yan gan’yan siya kaharsh at kabrutal ‘pag nakilala mo na talaga, gone the silent and shy type na halos ‘di mo marinig iyong mga sinasabi.
“Khash s-sorry, sorry ‘di ko naman sinasadya na hindi ka na makakain e. Sorry talaga akala ko okay lang na makipagbiruan, pero mukhang wala ka yata sa mood kaya pasensya na talaga,” nakayuko habang halos nanginginig na bulong nito na ‘di makatingin kay Khash sa sobrang kaba yata niya.
Kanina pa siya nasa harap ng table namin at mukhang tsngs na nakayuko lang dahil ‘di pa yata siya nakakaget over sa kaba na naramdaman nito kanina, at gustong-gusto ko na talagang humagalpak sa tawa kasi kanina pa kalmado si Khash at nakangiting nagpipigil ng tawa.
“Weh, takot!NYAHAHAHAHA!”
—End of Chapter 6: to be continued..

Book Comment (10)

  • avatar
    Marc Lui Ramil

    thankyou

    09/08

      0
  • avatar
    Cris Sha

    I really like it 😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝❤️😍😍😍😍😍😍💗❤️❤️💗😍😍💗❤️❤️😍💗😍❤️❤️❤️💗😍😍❤️❤️💗💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝❤️❤️❤️💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤

    18/01

      0
  • avatar
    Jay Ar Butac

    sobra nakakaiyak

    13/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters