logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 02

Kabaata 02
Practice Match
NAG-LILIPAT na ako ng mga gamit ko papunta sa kuwarto ko nang lumabas si Autumn sa kwarto niya. Napahinto ako sa paglalakad at tinitigan siya.
I scan him when his whole body fully went out in his room. With his black crew neck sweater shirt and chino white shorts and cachupoy hair cut round off his goddamn handsome face. He look perfect rathet than earlier I saw him half naked.
Napalunok ako ng mariin. S-shit... bakit ako nauuhaw?
"Kailangan mo ba ng tulong sa pag-aayos ng mga gamit mo?" Sa tanong niyang iyon gamit ang malalim niyang boses. Naalimpungatan ako at doon ko lang na-realized na ang tagal ko na pa lang nakatitig sa katawan niya.
Tinaas ko ang tingin sa mukha niyang malamig na nakatitig sa akin. Inilingan ko agad siya at nginitian ng pilit. "H-Hindi na, kaya ko naman na 'to- tapos ka naba sa pag-aayos ng mga gamit mo?"
Tinunguan niya ako bago dumeretso siya sa kitchen at nilabas ang mga karneng nasa ref.
"Ahhh," Iyon na lang ang nasabi ko dahil hindi niya na ako nilingon pa at nag-umpisa nang maghiwa ng rekado na gagamitin niya para sa pagluluto niya.
Lumakad na ako papunta sa kuwarto ko dala ang huling gamit na aayusin ko.
Nasa pinto na ako ng marinig kong nagsalita si Autumn. "Pagkatapos mo mag-ayos, labas ka na dito. Sabay tayong mag-hapunan."
Napalingon ako sa kanya sa pagkabigla. Hindi ko kasi inasahan na yayain niya ako pero maganda na rin ito dahil hindi naman ako marunong magluto ng sarili kong ulam.
Tinunguan ko na lang ang likod niyang nakatalikod sa akin. "S-Sige,"
Pag-pasok ko sa kuwarto ko. Mabilis kong sinara ang pintuan at nag-ayos na ng mga natitirang gamit.
May kalakihan ang kuwarto ko kaya sakto lang ang marami kong dinala na gamit galing sa bahay para ma-fill-up-pan ang maluwag na bakeng espasyo. Such as, pc set, books, lamps, and other things I thought essential.
"Tapos na," tumingin ako sa orasan na nasa taas ng king size bed na kama ko. Nagulat pa ako ng bahagya ng makitang pasado alas-otso na pala ng gabi.
Dalawang oras na pala ako nag-aayos ng kuwarto. Pasado Alasais kasi ako nag-umpisa. Ang bilis talaga ng oras.
Umupo ako sa gilid ng kama ko at kinuha ko ang phone sa bulsa para tawagan si Mama.
"Hello Nak? Ano? Nakita mo na ang condo mo?"
Humiga ako sa kama at pumikit. "Opo Ma, ang ganda ng condo at ang luwag ng kuwarto ko. Salamat ulit sa pag-payag na mag-condo na 'ko Ma, love you!" masiya kong batid.
"Asus, maliit na bagay. Ikaw pa ba?! Siyempre, susuportahan ka namin ni Daddy Vic mo sa mga gusto mo hanggat makakabuti naman sa 'yo! Ito namang batang 'to, kung ano-ano pa ang sinasabi..." kinikilig ni Mamang sagot sa akin na mas lalo kong ikinangiti.
Bigla kong naisip. Paano kaya kung hindi nakipaghiwalay si Mama kay Papa? Ganito ba kasagana ang buhay namin? Ganito ba kami kasaya?
Sa palagay ko hindi. Kaya siguro, tama lang na iniwan namin si Papa. Deserve niyang maiwanan dahil wala siyang kuwenta at masama siya.
Nagkwentuhan pa kami ni Mama ng ilang minuto pa. Kinuwento ko sa kanya ang mga nangyari sa akin sa Unibersidad at sinabi ko rin sa kanya na nakilala ko na ang kahati ko sa condo.
Bigla siyang tumili ng sinabi ko iyon. Nilayo ko sa tainga ko ang phone at kunot noong tinignan ang cellphone. "Ma? Bakit ka tumili?! May nangyari ba?"
Hindi niya ako pinansin. Pinagpatuloy niya lang ang pagtili niya na parang kinikilig na teenager. Napa-irap na lang ako at napa-iling.
"Nakuu, nak! Buti pina-aalala mo sa 'kin ang binatang iyon! Sobrang guwapo no'n, no nak? Nakuu, kung babae ka lang? Nilakad na kita doon sa binatang iyon!" usal niya na ikina-init ng pisnge ko sa hiya.
"Ma naman! Ano bang sinasabi mo d'yan!" Bulyaw ko sa kanya, dahil naii-imagine ko na ang sinabi niyang ilalakad niya ako doon kay Autumn!
"Ito naman, nagbibiro lang naman ako. Oh sige na nga, ba-bye na ba-bye na! Maghuhugas na ako ng pinagkainan. Kumain ka na d'yan, ok?"
Umupo na ulit ako sa kama at ngumuso. "Opo Ma! Advance goodnight sa inyo d'yan!"
"Sige! Love you!"
"Love you too rin po," Malambing kong tugon at tuluyan nang pinatay ang linya.
Bumuntong hininga ako ng maalala ang reaksyon ni Mama doon kay Autumn. Kung ang katulad ni Mama na may edad na't may asawa pero nagwa-gwapuhan pa rin kay Autumn, paano pa kaya ang mga kaedaran ko? Hindi kaya kapag may nakakasalubong iyon ng babae sa daan nababali na ang leeg ng babae sa kanya?
Umiling ako sa naisip at tumayo na.
Nagpalit muna ako ng damit bago lumabas. Nagsoot lang ako ng royal blue v-neck t-shirt at white plain boxer. Abot naman sa legs ko ang t-shirt na suot ko kaya ang binti ko lang na medyo payat ang kita.
Pagkalabas ko ng kuwarto. Bumungad agad sa akin ang mata ni Autumn na madilim nakatuon sa akin. He scan me head to toe like a product. Tumigil ang mga mata niya sa bandang legs ko na tinatabunan ng sout kong t-shirt.
Umiwas siya ng tingin at napalunok. Tumuwid siya sa pagkaka-upo at nagsimula nang kumain. "Kain na tayo," paanyaya niya na tinanggap ko agad dahil nakaramdam na rin naman ako ng gutom.
Umupo ako sa gilid niya. Nginitian ko siya ng tipid. "Salamat sa pagkain,"
Tinunguan niya lang ako habang ngumunguya. Nagsimula na rin akong kumain kagaya niya. Ang ulam na niluto niya pala ay menudong baka. Unang tikim ko pa lang dito ay talagang masarap! Parang lasa lang ng mga luto ni Mama.
Grabe, hindi ako makapaniwala na ang katulad niyang kaedaran ko lang ay ganito na kasarap magluto. Nakakapang-insulta lang para sa panig ko dahil sa tanda kong ito, itlog, hatdog, at pancit canton lang ang kaya kong lutuin.
Katahimikan ang siyang bumalot sa amin habang nasa hapag. Hindi siya nagsasalita at patuloy lang siya sa pagkain kaya gano'n na lang rin ang ginawa ko.
Minsan sinusulyapan ko siya kapag bubuka ang labi niya dahil akala ko gagawa siya ng usapan sa pagitan namin pero hindi niya naman tinutuloy ang pagsasalita.
Napapa-iling na lang ako sa isip-isip ko at hinayaan na lang ang katahimikan ang siyang mamutangi sa aming dalawa.
After we finish eating, I stand and stare at him. "Amin na yung plato mo Autumn, ako na ang mag-huhugas." Hingi ko sa kanya ng pinagkainan niya.
Tinaasan niya ako ng tingin. "Hindi na ako na ang mag-huhugas-" hindi niya na natapos ang sinasabi niya ng mabilis ko nang inagaw ang pinagkainan niya at inibabaw ito sa plato ko.
Inilingan ko siya. "Sige na Autumn, ako na 'to. Pangbayad lang sa hapunan ko."
Nagsimula na akong maglipit ng iba pang ginamit sa long table kagaya ng mga babasaging baso, mangkok, at mga kutchara.
Hindi ko na lang pinansin ang titig niya at nagpatuloy na lang ako sa pagliligpit. Inisa isa ko ang mga iyon pinunta sa lababo at nagsimula na akong maghugas nang nakuha ko na ang lahat.
Sinama ko na rin sa hinugasan ang pinaglutuang kawali. Ako na rin ang nag-ayos ng tira naming ulam at nilagay ito sa transparent na container, sunod ay nilagay ko iyon sa ref para hindi mapanis.
Si Autumn naman, nanonood lang sa sala ng NBA. Nakabukaka at seryoso ang titig sa TV. Minsan nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin ng tingin sa kusina. Minsan naman, ako ang tumutingin sa ginagawa niya sa sala kaya most of the times, nagkakatitigan kami. At kapag nangyayari iyon, pareho kaming umiiwas na dalawa ng tingin.
Pumasok na ako sa kwarto pagkatapos maghugas. Mabilis na lang rin ako nakatulog dahil sa pagod sa buong araw.
Pasado alasyate-imedya na ako ng umaga nagising kinaumagahan. Buti na lang, 8:30 AM pa ang simula nang klase ko kaya sakto lang rin ang gising ko.
Kumain ako mag-isa sa long table nang tira namin kagabi ni Autumn na ulam at kanin. Hindi ko na rin hinanap pa siya dahil mukhang pumasok na ang isang iyon kanina pa.
Inasikaso ko na lang ang sarili at nag-gayak na. Hindi required sa mga freshmen ang mag-uniform sa unang linggo kaya nagsuot na lang ako ng white printed T-shirt na may tatak sa may bandang dibdib na NOT AVAILABLE at black jeans na pinartner-ran ko ng sapatos na comfy black sneaks na may malaking check na white sa magkabilang gilid.
Nakarating ako sa A university on-time at paparating pa lang ang prof ko sa classroom namin. Mabilis dumaan ang oras at tapos na agad ang klase ko nang pang-umaga.
Papunta na akong canteen ng makita ko si Leo sa hallway na naglalakad mag-isa. Umaliwas ang mukha nito ng makita ako. Agad ako nitong nilapitan at inakbayan.
"Kakain ka sa canteen?" tanong niya.
"Oo, ikaw? Tara na. Sabay na tayo kumain." sagot ko. Pinaunlakan niya naman ang paanyaya ko kaya sabay kaming pumunta sa canteen at kumain.
"Teka, may gagawin ka ba mamayang hapon Zain?" usisa niya habang nginunguya ang pagkain sa bibig. Muntik ko pa siyang hindi maintindihan dahil punong-puno ang bibig niya habang nagsasalita.
Nilunok ko muna ang pagkain sa bibig ko bago siya sagutin. "Wala naman, bakit? Anong meron?" sabay subo ko ulit ng panibago.
Ngumiti siya. "Yayain lang sana kita manood ng laban mamaya ng basketball team sa ibang university. Practice match lang, pero mabigat yung kalaban, eh. Mukhang maganda ang laban. Ano? Sasama ka ba?"
"Saan ba gaganapin 'yang sinasabi mo?"
"Sa gym natin dito." agap niya bago isubo ang panghuling butil ng kanin at ulam sa plato niya.
Simple ko siyang tinunguan. "Sige, sasamahan kita manood."
"Saka Leo, Maglalaro rin ba mamaya yung sinasabi mong Taglagas?" Usisa ko nang sumagi bigla sa isip ko ang taong iyon na may kakaibang pangalan.
Hindi niya muna ako sinagot. Bagkos, mapanuya niya akong nginitian. Napakunot ang noo ko ng mabatid na may iba siyang iniisip sa tanong ko.
Nilunok niya muna ang pagkain at uminom ng tubig. Nginisian niya ako ng malapad. "At bakit mo naman tinantanong si Taglagas aber, aber, aber... malditang ambher? Hmm?"
Napa-inom ako ng tubig. "W-Wala lang, sumagi lang kasi sa isip ko yung tinutukoy mong Taglagas. Saka, bakit? Masama bang mag-tanong!?" Iritado ko biglang sumbat.
Humagalpak siya ng tawa. "Zain, ikaw...! hindi ka mabiro! Siyempre inaasar lang kita! Ano ba!" tawa niya ulit.
Inilingan ko na lang siya at hindi pinatulan.
Huminto siya sa pagtawa. "Pero para sagutin ang tanong mo ng maayos. Oo, sigurado ako na nando'n 'yon mamaya si Taglagas! Sus, iyon pa, adik na adik 'yon sa basketball."
Tinunguan ko na lang siya bilang tugon. Nanahimik na lang ako sa kinauupuan ko at hindi na tinangka pang buksan ulit ang topic tungkol sa Taglagas na iyon dahil kung ano-ano ang iniisip nitong si Leo sa akin!
"OH BASTA, mamaya boy, ah! Pupuntahan kita sa room niyo. Kita na lang tayo mamayang uwian!" ani Leo sa hallway ng engineer building dahil doon na kami maghihiwalay ng daan.
Sa third year buidling kasi siya samantang ako, sa first year building ang tungo.
Tinunguan ko siya at tipid na nginitian. "Sige, abangan na lang kita mamaya kapag nauna kaming pinalabas,"
"Geh, geh. accept mo rin ako sa facebook Zain, para ma chat kita anytime." tapik niya sa balikat bago ako talikuran.
Lumakad na rin ako papunta sa building namin. Ginawa ko ang sinabi niyang gawin ko, in-accept ko siya sa facebook na kahapon pa pala nasa friend request ko.
Dalawa lang ang subject namin tuwing hapon. Pero, parehong dalawang oras ang tapos ng bawat isa kasi major subs'.
Na-enjoy ko rin kahit papaano ang mahabang lecture at nakapag-recite pa ako sa dalawang subject. Kontento akong lumabas ng classroom at katulad nga ng sinabi ni Leo. Sinundo niya nga ako sa classroom namin katulad kahapon.
Nauna siyang naglakad kaya sinabayan ko siya. Nang makalabas na kami ng building namin, may nakita kaming mangilan-ngilan na tumatakbo papunta sa direksyon na pupuntahan namin.
Napakunot ang noo ko.
"Bakit sila tumatakbo Leo?" Taka kong ani sa kaibigan na simple lang napapabuntong hininga habang pinapanood ang mga babaeng nagtatakbuhan papunta sa malaking gym na tanaw na namin.
"Siyempre Zain, para mapanood si Taglagas maglaro! Ganyan naman lagi ang mga patay na patay sa kanya kapag nalalaman nilang may laro 'yon. Nagtatakbuhan at nag-uunahan sa babang puwesto ng bench malapit sa court para doon panoorin si Taglagas! Tss." boring niyang sagot sa akin.
Pinilit ko na lang hindi na ulit mag-tanong kahit gusto ko pang dagdagan. Pinilit ko ang sarili makontento na lang sa impormasyon na iyon sa takot na baka asarin ulit ako ni Leo katulad ng ginawa niya sa akin sa canteen kanina.
Baka iba na naman kasi isipin ng kumag na katabi ko pag-nagtanong pa ako bukod do'n kaya wag na lang! Mananahimik na lang ako.
Pagpasok namin sa gym. Tama nga si Leo, punuan na ang mahabang front bench ng mga babaeng excited na nakatingin sa court at nagbubulong bulungan pa. Gano'n rin ang 2nd and 3rd benches kaya wala kaming nagawa ni Leo kung hindi ang pumwesto na lang sa dulong bench.
Ayos na rin para sa akin ang puwesto na natira dahil kita ko ang kabuuan ng court.
Tinuro ni Leo ang isang side ng court kung nasaan ang mga naka red varsity na players na naka-upo sa mahabang bleach. Sinundan ko ng tingin ang turo niya.
"Anong meron sa kanila?" nilingon ko si Leo nang nagtataka bago tignan ulit at inisa-isa ang mga mukha ng naka-upong mga players na nakikipag-kuwentuhan sa isa't-isa.
May itsura lahat sila. Kaso may dalawang mukha ang nag-stand out sa lahat at iyon yung dalawang naka-upong lalaki sa dulo na nakabukaka pa habang parehong seryosong nagse-cellphone.
Hindi ko kilala ang pangalawa sa dulo kaya nilagpasan ko siya agad. Nanlaki naman ang mga mata ko ng matitigan ang pamilyar na guwapo at perpektong mukha ng lalaking nasa pinaka dulo ng bleach naka-upo.
Tinuro ni Leo ang puwesto ni Autumn bago magsalita. "Siya, Zain. Siya si Taglagas. Ang team captain ng basketball club na kinababaliwan ng lahat dito sa Unibersidad."
Nalaglag ang panga ko.
Itutuloy...

Book Comment (53)

  • avatar
    NatocEmily

    kkhsjsksjsjsjssjsjdjdjsusiwihssiusbsowjsnsksjkfkkykyjyfiyffikykyggkysgksfkuosjykdkfecdnvkjnbnjivfvnbjnjnonughuvfodouguoobebgtbthnthmymyjyjymytntjjtthjytnthjttjtjtmtjmtmthhttjmhhn kmk k. k vnj vnmvf kvfvfvfmkovmkmkfff rrgfrirgr ekgrniewnotnrenfbebfhgngmmjtmjmhmhrnngbgbgohvfnivfnjvfhjfenjbfnjbfohbfohebhubenjbghjbgvfgebnjbnjjjnjjihuvduovfjovfnjfvnjvfnjvfnjfejovnjvfovfnjfevvvfuieoowowisliiosiaaaaaaaakkakakakkakakskskskkskskskskkskkskskakakakakfenknjvwvwvnjdofdhjjijijijojijkjjjijiiojiiofdjjsalamat sa

    22/07

      0
  • avatar
    MendozaJoelito

    1000

    25/06

      0
  • avatar
    RH EA PE RO

    very nice story

    21/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters