Ngayon na ang araw nang kasal namin. Madaling araw pa lang ay napagpasyahan ko nang manghuli na nang usa kasama si Manuel. Ang hirap nga eh, ang bilis tumakbo. Patience is a virtue talaga. Nakahuli naman ako ng isa sa awa ng diyos pero syempre sa tulong ni Manuel. Inilagay naman namin ito sa malaking sako. "Manuel ang hirap naman ng mga tradisyon niyo?" "Ganyan talaga. May paniniwala kasi kami na ang usa ang hari ng kagubatan dahil malimit lang itong nakikita. Makikita mo lang ito sa kinaibuturan ng kagubatan." "Wee? Rare ka diyan, parati nga kayong may dalang usa eh!" "Kasi biniyayaan kami Bella. Sinusunod kasi namin ang mga tradisyon at batas ng mga Evans," Anong konek? Hmm...Sabagay may kanya-kanya tayong mga beliefs. Pero tama ba iyong narinig ko, EVANS? Evans ang apelyido niya? Sosyal naman pang Hollywood. "Ano bang ginagawa ninyo sa nahuhuli niyo?" "Kinakatay at ibinibenta sa karatig bayan ni papa." Napatango na lang ako. "I see. Ang papa mo lang ba ang pumupunta sa bayan?" "Oo, siya kasi ang nakikipagtransaksyon sa mga kustomer." "So, hindi ka pa nakakapunta sa bayan?" Nakita kong natigilan siya sa tanong ko. "Nakapunta na noong bata pa lang ako. Isinama kasi kaming dalawa ni Miguel nina mama at papa sa palengke." Nakita kong pilit siyang ngumiti. "Sa naaalala ko ang ingay ng paligid, masikip, nagbabanggaan ang mga balikat ng mga tao ngunit hindi sila nag-aaway sa katunayan parang ang sisigla pa ng mga mukha nila. Masaya silang nagtatawaran sa kanilang mga suki k-kaya lang.." Nakita kong napalunok siya. "S-simula din no'n, ayaw ko nang pumunta sa palengke." "Ha? Dahil maingay? Masikip?" "D-dahil doon kami iniwan ni mama. Magkahawak-kamay lang kami no'n ngunit b-bumitaw ako kasi gusto kong pagmasdan iyong mga tao kung bakit ang saya-saya nila." Nakita kong napalunok ulit siya, parang pinipigilan niyang umiyak. "Nang biglang tinawag ako ni papa at tinanong kung nasaan na daw si mama. W-wala akong maisagot Bella kaya nagalit si papa sa akin." Kawawa naman si Manuel pero hindi ko masisisi ang mama niya. "H-Hindi ako makapagsalita no'n, umiyak lang ako ng umiyak habang hinahanap si mama pero hindi na namin siya nakita. Hinalughog na namin ang palengke." Kung bakit naman kasi iba kayo. "T-Tumakas siya, Bella! Tinakasan niya ang responsibilidad niya bilang isang ina at bilang isang asawa. Nakaya niyang iwan kami. Kami na mga anak niya! Kaya ikaw, huwag kang aalis sa tabi ko, hinding-hindi ko kakayanin." Kusa akong napatango. Hinaplos ni Manuel ang mukha ko at dahan-dahang inilapit ang mukha niya kaya napapikit na lang ako. Naramdaman ko na lang ang mainit na halik ni Manuel. Hindi ko alam kung ilang segundo basta no'ng matapos ang halik ay nagkatitigan lang kami. "Welcome Home Mrs. Evans." Pakshiit! Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng tunay. Ang gwapo naman ng asawa ko kaya nginitian ko lang din sya. "Halika na Mrs. Evans lutuin mo na itong usa dahil darating na maya-maya ang mga kamag-anak ko," sabi ni Manuel at inakbayan ako habang buhat-buhat sa kaliwang balikat ang usa na nasa sako. Nagpatianod na lang ako. "Manuel ako lang ba dapat ang susunod sa tradisyon, bakit ikaw wala?" pagmamaktol ko habang naglalakad kami. "May tradisyon din kaming mga lalaki pero sa akin na lang iyon." "Hala ang daya, sabihin mo na!" "Hindi pwede." "Sige na, please!" pa-cute kong sabi. Sana tumalab! "Tsk! Gusto mo talagang malaman?" "Yup! Diba ang mag-asawa dapat walang sekreto?" "Sige na! Sige na!" pagsuko ni Manuel. "Spill it!" nakangiting sabi ko saka tumigil sa paglalakad at hinintay siyang magsalita. "Hmm...Una, kailangan kong pumatay nang isang babaeng birhen. Pangalawa, ialay ang kanyang puso sa sa'yo sa araw nang seremonya. At ang huli ay bigyan ang angkan ng maraming anak na lalaki." A-Ano daw? Nanginig ako sa mga pinagsasabi niya, papatay siya ng isang babae? Gusto kong sampalin ang saliri ko para magising na isang Psycho ang asawa ko. At mga anak na lalaki? MGA talaga? Big word ang dami. "Makakaya mo bang patayin ang isang babaeng walang kasalanan?" wala sa sariling tanong ko. Putek! What a question Bella? Syempre naman Oo ang isasagot niyan. Muntik na nga kayong patayin eh! "Oo! Kaya ko, basta para sa tradisyon!" matapang na sagot ni Manuel. Putek na talaga dapat hindi kami makasal ni Manuel, kawawa si ate girl. "Nasaan na siya ngayon?" "Nasa basement. Wala ka ng magagawa. Mamamatay at mamamatay din naman siya mamaya kaya huwag ka ng mag-isip ng kung ano-ano!" Bwisit ka! Gusto ko siyang sigawan pero baka sampalin niya na naman ako kaya kumalma muna ako. "Gusto ko siyang makita," sabi ko saka umunang naglakad. Bakit hindi namin napansin na may dinalang babae sa basement? Kainis! Lakad-takbo ang ginagawa ko papuntang bahay. Nakita sa peripheral vision ko ang dalawa kong mga kaibigan na nagde-dekorasyon sa mga puno sa labas ng bahay, isang forest wedding kasi ang theme ng kasal namin mamayang gabi. "Bella, kumusta ang.." Hindi na natuloy ni Bea ang kanyang sasabihin dahil pumasok na agad ako sa bahay. Dali-dali akong pumunta sa basement ngunit sa kasamaang palad nakalock ito. "Bwisit!" inis na sabi ko saka tinadyakan ang pintuan. Tumakbo agad ako sa labas. Nakita kong nagbubuhat ng mga bangko si Miguel. "Miguel, nasaan ang susi ng basement?" Nakita kong natigilan siya sa tanong ko. "Wala sa akin, Bella. Na kay kuya Manuel ang susi." Putek naman oh! Parang gusto kong maiyak. Tumakbo na lang ako papuntang kwarto at doon umiyak nang umiyak saka nakatulog. Nagising akong may umaalog sa akin. "Bella gising na! Nandiyan na ang mga kamag-anak ni Manuel. Lutuin mo na daw iyong usa," pukaw ni Bea sa akin. Bumangon na lang ako. "Girl, ang daming pogi! Iba din pala itong mga lahi ng mga baliw. Ang yu-yummy!" kinikilig na sabi ni Ashley. "Bakit parang namumugto iyang mata mo?" tanong ni Bea. Parang maiiyak na naman ako. "K-kasi hindi lang ako ang dapat sumunod sa tradisyon." "Ano naman ngayon? Wait! Sayo ba iyong dalang usa ni Manuel?" tanong ni Bea. Tumango naman ako. "Eh anong iniiyak-iyak mo diyan? Nakahuli ka naman pala!" "Iba kasi ang tradisyon ng babae at ng lalaki. Ang tradisyon kasi na dapat sundin ni Manuel ay ang pumatay ng babaeng birhen at ialay ang puso nito sa akin mamaya sa seremonya, saka bigyan daw ang angkan ng maraming anak na lalaki." Natuod naman ang mga kaibigan ko saka umiyak. "Girl! Isa ba sa amin ang papatayin?" naluluhang tanong ni Bea ngunit bago pa ako makasagot ngumawa ng ngumawa na si Ashley. "Oh no! Bakit? Bakit? Girl, ito na ba talaga ang katapusan ko? Paano na ang boyfriend kong si Cha Eun Woo at ang ex kung si V? Mga oppa, patawarin niyo ako pero ito na talaga ang katapusan ko!" "Mga Baliw! Hindi kayo ang iaalay!" "Ha? Edi sino? Tayo-tayo lang naman dito ah?" tanong ni Bea. "Iyon na nga eh! Akala lang natin 'yon, pero may iba pang tao tayong kasama dito at nasa basement siya ngayon!" Nagimbal naman ang mga kaibigan ko. "Hala! Naalala niyo pa ba iyong araw na may nakapasok sa teritoryo at ang dala nila ay ang dalawang koneho?" tanong ni Bea. "Oo, bakit?" "Kasi noong matutulog na sana ako. Napatingin ako sa bintana at nakita ko sa labas ang magkapatid na may dalang itak at papunta sila sa gubat." "Ang creepy talaga nila! Umalis na tayo dito, I wanna go home. I miss my mom and dad," nanginginig na sabi ni Ashley. "Shh...tahan na makakatakas din tayo," sabi ko para gumaan ang loob niya. "Pero sa ngayon go with the flow muna tayo dahil hindi pa natin alam ang pasikot-sikot sa gubat at ang sekreto nila," seryosong sabi ni Bea na ikinatango namin ni Ashley. "Girl, bumaba ka na. Hinihintay ka na ng buong angkan ng mapapangasawa mo," sabi ni Ashley. Tumalima na lang ako at naglakad pababa. Hahay! Makakaya ko bang makisalamuha sa kanila? Makakaya ko bang sundin ang baluktot na mga paniniwala nila? "This is it! I'm Athena Bella Medalla soon to be Athena Bella M. Evans and I'm going to meet his family... THE EVANS."
Highly recommend!
03/04/2025
0laksndjdhfifjfofjfofjdodjdidjdodjiffjfofjdkdjjdodjdjdodjdkdjrnfjfjfkdjdhdjdkfhhshsksbsidgdjfbfjdhdjdhfjdjdjdkdjdrirjhrjrjrhrrjfjhfkddjjd9wuwueyerryrjrjrhrejsjdbdjdjdhdjhbvvvifjdjdjdhdhhdhdhdhdhdhdhdhdhd
03/10/2024
0thank you
18/08/2024
0View All