logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

KABANATA 6

KABANATA 6
“Nathan dalhin mo muna si Tasia sa opisina mo, kami na lang bahala ni Ferry sa mga lalaking bumastos sa kaniya.”
“Sir Nathan, please kahit ngayon lang paki-alagaan at samahan niyo po muna ang kaibigan ko.” Rinig ko ang seryoso at nag-aalalang sabi nila Ferry. May ekspresyong pinapakita si Nate na hindi ko alam kung saan nanggagaling.
Imbes na tingnan silang papaalis kasama ng mga pulis na nanghuli sa mga lalaking nambastos sa akin ay nanatili pa rin akong nakayuko at nakaupo sa sofa. Nasa tabi ko pa rin si Nathan at hanggang ngayon ay nakayakap pa rin siya sa akin na para bang mawawala ako kapag binitiwan niya ako kahit saglit.
Kanina, nakita ko siyang binubugbog ang mga lalaking nambastos sa akin pagkatapos ay muli akong niyakap at tinatahan. Takot na takot ako habang nakatingin sa kaniya na nag-iiba ang pagkatao.
“Hindi niyo ako kailangan utusan pa, gagawin ko kung anong mas nakakabuti sa kaniya.” Malamig na sabi ni Nathan sa aking tabi. “Mabuti pa, ikulong niyo na lang 'yang mga lalake kung hindi ako mismo babasag sa mga pagmumukha nila.” Hinawakan ko siya sa kamay bago tiningnan sa mga mata. Umiling ako ng dalawang beses na ikinabuga niya nang marahas na hininga.
“Sige, aalis na kami.”
“Tash, pagbalik ko uuwi tayo agad ha—"
“No need, Ihahatid ko na lang siya.” Pagpuputol ni Nathan sa sinasabi nang kaibigan ko.
“Nakakahiya boss, sabay na lang po kami uuwi nang kaibigan ko. Kapitbahay lang naman po kami.” Pagtanggi agad ni Ferry sa kausap.
“No, I insist.”
Nilingon ko si Ferry para sana sabihing sasabay na lang ako sa kaniya umuwi, kaya ko pa naman sigurong makapagtrabaho ngayon. Pero nakita kong pinipilit na siyang hilahin ni Nate palayo sa amin.
“Hihintayin kita!” sinigaw ko na lang ang dapat kong sasabihin. Hindi ko alam kung narinig niya ba iyon dahil seryoso na silang nag-uusap ni Nate at hindi na ako nilingon pa.
Nang makalayo na sila’y doon lang ako naglakas loob upang lingunin ang katabi kong kanina pa tahimik. Sinalubong niya ako ng isang nakakamatay na tingin. Inirapan ko na lang siya at tumayo mula sa pagkaka-upo bago dumeretso na papuntang locker room namig mga bbae. Habang papunta ako roon ay ramdam ko ang tinginan ng mga tao dahil iyon kay Nathan na padabog na sinusundan ako.
“Ihahatid na kita,” Ani niya.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa lababo ng locker room at naghilamos. Gusto ko sanang maligo para sana matanggal lahat ng duming idinulot ng mga haplos ng mga lalake kanina pero naalala ko wala pala akong ekstrang damit pangbihis. Lahat kasi ng mga pang-alis ko'y nailagay ko na sa bag para dadalhin bukas sa mansyon nila Nathan.
“Hindi na, ipagpapatuloy ko pa ang trabaho ko hangga't hindi pa dumadating sila Ferry.” Sabi ko nang matapos ko nang punasan ang basang mukha ko.
“Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?! Magtatrabaho ka pa rin, kahit na nabastos ka na nang mga lalaki?! Pagpahingahin mo muna ang sarili mo!” sigaw niya sa akin.
“So, kasalanan ko pang nabastos ako?!” sigaw ko din pabalik.
Sa pagkakataong ito'y hinarap ko na siya. Nagsisituluan pa ang tubig mula sa aking mukha at napupunta iyon sa aking damit dahilan upang mabasa ito.
“Oo, dahil kung hindi ka nagsuot nang maiksing damit, hindi ka sana mababastos!” pagak akong tumawa dahil sa sinabi niya.
“Wow, coming from you Sir Nathan! Sino bang may-ari nang lintek na bar na ito at ganito ang pinapasuot sa mga waitress?! Anong klaseng nga ba ang damit na ito at bakit ganito ka-iksi!?”
“Ako ang may-ari pero hindi ako ang nagdesenyo nang damit na 'yan!” gigil niyang sabi.
“Pero ginusto mo naman! Gustong-gusto mong nakikita 'yong mga legs ng mga trabahante mo, kaya kaysa tumanggi kang ganito ang susuotin namin ay pumayag ka pa rin!”
“Hindi ako ganiyang klaseng tao, Anastasia Nicole!” mas lumakas pa ang boses niya dahil sa galit niya. Siguro'y nauubusan na siya nang pasensya sa akin.
“We? Hindi ako naniniwala. Sa pagpapalit mo pa nga lang ng mga babae akala mo naman pagmamay-ari mo sila eh!” sinubukan kong dumaan sa gilid niya pero hinarangan niya ako at kinulong gamit ang kaniyang mga braso.
“Hindi ako nagpapalit, sila mismo ang lumalapit sa akin, Anastasia Nicole Alvarez.” Humakbang siya nang isang beses dahilan upang mas lalo lang akong mapasanding sa sink nang Cr at hindi makawala sa kaniya.
“Bakit ka ba sumunod pa dito?! Pumunta ka na nga sa labas baka hinihintay ka na nang girlfriend mo!” sigaw ko kahit naiilang na dahil sa sobrang lapit nya sa akin.
“Wala akong Girlfriend.” Nanindig ang balahibo ko nang maramdaman ko ang kaniyang hininga sa pagitan ng aking leeg at tenga.
“K-kung wala kang girlfriend, sino ‘yong kahalikan mo?”
Hindi ko alam na imbes pagalit ang sinabi ko ay napatanong na lang ako dahil sa sobrang panghihina at sama nang loob. Para na akong nalalasing sa sobrang lapit niya sa akin. Ni hindi ko na nga siya matingnan ng deretso dahil sa inaantok kong mata.
“Hindi ako ang humalik sa kaniya. Bigla na lang siyang pumunta sa akin at hinalikan ako.” Pagrarason niya pa.
“Ganun pa rin iyon. Tumugon ka pa rin, ibig sabihin nagustuhan mo ‘yong halik.”
“Hindi masarap,” Sinabi niya iyon na para bang nalasahan niya talaga ang halik nang babaeng kahalikan niya kanina. Na par bang nilasap niya lahat nang maaaring lasapin doon.
Aba’y gago!
Pinilit kong bumalik sa dating katinuan. Hindi dapat ako nagpapadala sa mga nakakalusaw niyang tinig. At lalong hindi dapat ako nagiging ganito dahil sa kaniya!
“Lumayo ka, please.” pilit ko siyang tinutulak palayo sa kaniya pero hindi ko magawa dahil pa rin sa panghihina.
Bumaba siya ng ilang dangkal kaya ngayon ay pantay na ang aming mga mata at ilong. Halos maduling na ako sa sobrang lapit niya sa akin at ang kaniyang hininga ay dumadampi na sa aking bibig. Nakita ko kung paanong bumaba ang kaniyang mga mata mula sa aking mga mata papunta sa aking labi. Paulit-ulit niyang kinagat ang kaniyang labi pagkatapos ay bibitawan. Mas pumula pa iyon.
Wala sa sarili kong nakagat rin sa aking labi. Napalunok siya ng ilang beses habang papalit-palit ang kaniyang paningin sa aking mata at labi. Maya-maya pa'y hindi na siya nakapagpigil kaya't sinuong na niya ang pagitan ng aming mga labi pero bago pa man iyon maidikit nang tuluyan ay may biglang sumigaw mula sa labas.
“Nathan!” narinig namin sigaw mula sa labas ng locker room na ikinabigla naming dalawa.
Ang aking kamay na nasa dibdib niya'y natulak ko sa pagkabigla dahilan upang mapalayo siya sa akin ng tuluyan. Namumula kong iniwas ang sarili sa kaniya at tuluyan ng lumabas ng Cr at deretso ang lakad papuntang pintuan ng locker room.
Paglabas na paglabas ko'y nakaabang na doon ang mga nakita kong kasama niya kanina. Umawang ang mga bibig ng mga ito at walang nakaimik sa kanila habang nakatingin pa rin sa akin. Lumampas ang tingin nila sa likod ko kaya alam kong naroon na si Nathan.
“Excuse me. . .” halos hindi ko na marinig ang boses ko dahil sa lakas ng tugtog ng buong bar.
Dumeretso na ako sa harapan at kinuha ang isang tray. Akmang maglalakad na sana ako para sana i-serve ito sa mga nagsasayawan na mga tao ng biglang agawin ito ni Nathan sa akin.
“Nathan!” sigaw ko sa pagkabigla.
“Ang tigas talaga ng ulo mo!” sigaw niya sa akin. Pagkatapos niyang ilapag ang mga inumin pabalik sa cart ay hinigit na niya ako papuntang exit ng bar.
“Nathan, kailangan ko pang magtrabaho!” pilit kong inaagaw ang braso ko sa kaniya pero mahigpit pa rin siyang nakakapit dito.
“Iuuwi na kita sa ayaw at sa gusto mo.” Matigas niyang sabi bago padabog na binuksan ang mamahaling kotse na kanina pa nakaabang. Binigay nang valet sa kaniya ang kaniyang susi.
“Hihintayin ko nga si Ferry. Bakit ba ang kulit-kulit mo?! Diba hinahanap ka nang mga kaibigan mo? Bakit hindi ka sumama sa kanila?!” wala na akong nagawa nang pilit na niya akong pinapapasok sa kaniyang kotse. Nang tuluyan na niya akong naipasok ay dali-dali na siyang umikot at pumasok sa driver seat.
“Gagawin ko ano ang gusto ko at iyon ay ang ihatid ka!” pinaandar niya ang kaniyang sasakyan at pina
“Nath—"
“Shut up, Tasia.” Pagalit niya iyong sinabi. Natahimik ako.
Pakiramdam ko'y pinipiga ang puso ko dahil sa simpleng salita na iyon. Hindi ko dapat iyon sineseryoso pero talagang meron sa salita nun na nagpapatigil sa akin.
Kanina, gusto niya ba talaga akong halikan dahil may nararamdaman na siya sa akin o gusto niya lang gawin ito kasi nakikita niya ako bilang isa niyang babae? Kaya niya ba ito ginagawa dahil hindi niya ako makuha-kuha tulad ng ibang babae na sila mismo ang lalapit sa kaniya?
Nakakalito siya! Hindi ko na alam kung anong klaseng pagkatao niya ang pinapakita niya sa akin!
Buong byahe kaming tahimik. Panay lang ang tingin ko sa aming dinadaanan. Nararamdaman ko naman ang maya't maya niyang tingin sa akin pero kahit kailan hindi ko iyon sinalubong. Hindi ko siya kayang titigan dahil sa kahihiyan. Ayokong dagdagan pa iyon, sinisira ko lang ang imahe ko. Ilang sandali pa'y nakarating na kami sa wakas sa boarding house. Pagkaparada pa lang niya'y agad na akong bumaba sa sasakyan.
“Tasia. . ." rinig ko pang tawag niya pero hindi ko na ito pinansin at padabog na sinarado ang pintuan at tumakbo na papasok sa aming boarding house.
“Oh, Tasia bakit ikaw lang nasaan si Ferry?” bungad sa akin ng Ate Shol na naabutan ko pang nagtatapon ng basura sa labas.
“Magandang gabi Ate, nasa trabaho pa po nauna lang akong umuwi, sumama po kasi pakiramdam ko e. Sige po una na ako sa loob!” hindi ko na hinintay ang sagot niya at dali-dali nang tumakbo sa boarding house na aking tinutuluyan. Hindi na ako nag-abalang buksan pa ang ilaw pagkapasok ko. Dumeretso lang ako sa aking kuwarto at diretsong humiga sa aking matigas na kama.
Hindi ko na nakayanan pa, tuluyan nang bumuhos ang kanina ko pang pinipigilang luha. Pagod na pagod ako ngayon, mula sa katawan ko hanggang sa puso. Pakiramdam ko'y pinagpipiraso ang dibdib ko dahil sa mga nangyari ngayon araw. Mas malala pa siguro ang ginawang pambabara, pagpapaasa at pagpapahiya ni Nathan sa akin kaysa ‘yong pambabastos ng mga lalake.
Nagpapasalamat ako dahil hindi na bumaba si Nathan kanina dahil kung hindi, siguradong sa harap niya na mismo ako iiyak ulit. Hindi na dahil sa mga lalake, kundi dahil na sa kaniya.

Book Comment (103)

  • avatar
    John Villariaz Villegas

    Ang Ganda❤️🥺

    2d

      0
  • avatar
    RolonaCatherine

    nakaka excite Ang kwento

    16d

      0
  • avatar
    VenturaClarise marbaja

    500

    17d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters