logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

KABANATA 5

KABANATA 5
 
Saktong alas-otso na ng gabi kami nakarating ni Ferry sa bar nila Nathan. Pagpasok namin ay nakita naming kaunti pa lang ang mga tao dahil hindi pa naman oras nang pagbubukas ng totoong bar. Hindi pa wild ang mga taong narito pero baka mamaya kapag dumami na'y todo sayaw na sila sa gitna nang dancefloor. Mas nabubuhayan sila kapag marami nang nakakasalamuhang mga tao. Doon lang kasi nila nailalabas ang tunay na anyo nila.
Dumeretso na agad ako sa locker room naming mga babae para makapagbihis na nang uniporme. Bago ako lumabas ay sinipat ko muna ang aking sarili sa salamin. Sobrang ikli ng aming uniporme at halos makita na ang pangupo ko dahil sa suot na maikling mini skirt. Hapit na hapit ang aking pang-upo sa aking suot kaya mas lalo lang akong hindi naging komportable.
Kakasimula pa lang nang trabaho ko dito, ito na agad ag nireklamo ko pero wala pa rin akong nagawa dahil ito'y utos ni Nathan. Mabuti na lang talaga'y naka'cycling ako palagi kaya natatabunan. Nag'lip gloss ako para naman hindi ako maputla habang nagseserve sa mga bibigating tao. Kung sakaling palabasin ulit ako mamaya dahil kukulangin na naman kami.
“Tasia, tapos kana?!” rinig kong sigaw ng isang waitress sa akin mula sa labas ng locker room. Nilingon ko ito.
“Oo!” dali-dali na akong lumabas at dumeretso na sa kitchen.
Lumapit ako sa mga nagdi-dishwashing at agad humingi ng pasensya sa kanila. “Pasensya na.”
“Okay lang ba, ikaw na dito?” tanong sa akin ni Edi na kasing edad ko lang. Isa siya sa mga lalaking full time dito. Napapansin ko rin kapag nagkaka-usap kaming dalawa ay parang naiilang siya't namumula.
“Oo ako na. Kapag tinawag ako ni Sir Nate pwede ikaw na din dito mamaya?” tugon ko sa kaniya at matamis siyang nginitian.
“Oo naman basta ikaw Tasia!” namula na naman siya, na ikinatawa ko na lang.
Akmang guguluhin niya ang buhok ko ng biglang sumulpot si Ferry at hinawakan ang mga kamay nito. Pinipigilan ito sa paggulo sa buhok ko.
Seloso talaga!
“Aba. . .Aba! hindi na lang magtrabaho. Papayag na nga lang kailangan pang may pahawak sa ulo!” maangas na sabi ni Ferry kay Edi na ikinatawa ko.
Tiningnan ko si Edi at nakitang mas namula lang ito sa hiya. Bakas naman sa kaniyang ekspresyon ang takot dahil sa pagsusulplado ni Ferry.
“S-sige, Alis na ko Ferry. . .Tasia.” nanginginig niyang sabi. Bago tumalikod na at tumakbo palabas nang kusina.
“Sige!” Nasabi ko na lang.
Pinagpatuloy ko ang hugasang naiwan nila. Nabigla pa ako ng tinulungan ako ni Ferry kaya napahinto ako ng bahagya.
“Bakit ka nandito? Doon ka sa labas!” pagtataboy ko sa kaniya.
“Ayoko,” Sagot naman niya.
“Bakit naman?” inilagay ko sa lalagyan ang mga natapos nang banlawan na mga pinggan at baso. Agad naman itong kinuha ng isa pang katulong sa kitchen at pinatuyo ito.
“Pumipili si Boss Nate ng taong pwedeng ilagay sa harapan para maging isang bartender, nagkasakit kasi yung isa. Hindi naman pwedeng isa lang ang nandoon.” Sabi niya. Halata sa boses niya na kinakabahan siya.
Napansin kong wala nang sabon sa planggana. “O? eh diba pangarap mong maging ganun, bakit hindi mo subukan?” umalis ako sa pwesto ko at pumunta sa may stock room upang kumuha nang sabon. Sumunod siya sa akin.
“First time ko kasi!” Nakasunod pa rin siya hanggang sa bumalik ulit ako sa sink at nagsimula ulit maghuggas. Binanlawan ko muna ang mga platong may mga buto nang manok.
Tinigil ko ang pagbabanlaw at hinarap siya. “Magaling ka pagdating sa mga hard drinks, pwedeng-pwede kang maging isang bartender dahil tinuruan ka naman ng mga kaibigan mo kung paanong ipaghalo-halo ang mga inumin. Naniniwala akong kaya mo 'yan!” itinaas ko ang aking kamay na nakakumo.
“Paano kung makabasag ako?" nandoon pa din ang pagdududa sa kaniyang mga mata at ang kaba.
“Paano kung hindi?” balik kong tanong.
"Paano kung pangit ang lasa nang inumin na hinalo ko?" sabi niya ulit na ikinabuntong-hininga ko na lang.
"Look, Ferry. . . kaibigan kita at naniniwala ako sa kakayahan mo." nginitian ko siya nang malapad, halos mawala na ang mga mata ko sa sobrang lapad nito. Tinapik ko rin ang kaniyang balikat nang tatlong beses.
“Walang mawawala sayo kung susubukan mo. Magkamali ka man, masugatan, makabasag. Okay lang 'yan. . . atlis, sa susunod na mga araw ay alam mo na sa sarili mong natuto ka sa kamaliang nagawa mo.” sabi ko pa. Ginantihan niya nang isang nakakamatay na ngiti ang mga ngiti ko.
“Alam mo, hindi ko talaga alam kung anong mangyayari sa akin kapag wala ka sa tabi ko.” Nakangiti pa rin niyang sabi at hinawakan ang aking ulo na para bang inaayos ito.
“Sige na, pumunta kana doon. Magtatrabaho pa ako!" tinulak ko siya palabas ng kusina.
“Salamat!” tanging nasabi na lang niya.
Napailing na lang ako bago nagpatuloy sa aking paghuhugas. Ilang baldeng hugasin pa ang aking hinugasan bago ako tuluyang pinalabas ni Sir Nate. Agad naman akong pinalitan ni Edi sa aking trabaho.
Inayos ko muna ang aking mukha at damit bago ako kumuha nang tray at nagsimula nang mag-serve ng mga drinks sa mga taong nagsisimula nang malasing. May pagkakataong nababangga ako ng mga ito pero ako na lang mismo ang umiwas para wala nang gulo.
“Tasia, sa kabilang lamesa may nabasag pwede paklinis?” sabi ni Sir Nate nang makalapit siya sa akin. Todo monitor siya sa mga kilos naming lahat dahil may dumating na bibigating tao.
“Sige, ako na bahala!” ibinaba ko ang tray na hawak ko. Wala na itong laman na mga baso. Pagkatapos ay dali-daling tumakbo papuntang storage room upang kunin ang mga panlinis. Hinila ko ito palabas hanggang sa makarating na ako sa mga sofa kung saan may nabasag.
“Ako na bahala, Miss!” sabi ko nang akmang magtatawag na sila ng mga lalakeng kasama upang linisin ito.
“Okay, please make it fast. Dadating na ang iba naming mga kasama!” sinigaw na lang niya sa akin ang mga sasabihin niya pa dapat dahil hinila na siya ng isa niyang kasamang babae patungong entrance ng bar. Halos matapilok pa siya dahil sa lakas nitong makahila. Napailing-iling na lang ako, ano kayang pakiramdam nang ganung buhay?
Nagsimula na akong mag dustpan ng mga bubog galing doon sa nabasag na baso. Pagkatapos nun ay kinuha ko naman ang mga basahan at pinunas ito sa baba at lamesa. Natapos ko iyon agad.
Akmang aalis na ako nang biglang mag-ingayan ang mga babae at bakla. Nagtitilian ang mga ito. Halos malamangan na nila ang tugtog ng bar dahil sa sobrang lakas ng kanilang mga tili. Sunod-sunod din ang tunog ng kanilang mga camera at lahat nang iyon ay nakatutok sa isang lalakeng papasok ngayon ng bar. Abo't hanggang langit ang kaniyang nakakamatay na mga ngiti at ang maangas na ekspresyon niya'y hindi nawawala. Mas kuminang pa siya sa paningin namin ng masinagan ng ilaw mula sa flash nang kamera ang kaniyang hikaw sa kaliwang tenga.
“Nathan!” tili ulit nila.
Napapanganga pa ang ibang babae at halos tumulo pa ang mga laway sa sobrang mangha sa bagong dating.
Napakagat ako sa aking ibabang labi at nagpatuloy na sa pagtutulak nang cart para ibalik ito sa pinaglalagyan. Ilang saglit pa'y napasok ko na ito sa storage room. Naisipan kong magpahinga saglit sa may bar kung nasaan sila Ferry at ang ibang bartender. Kanina pa ako nakatayo kaya ngayon ay pakiramdam ko'y sobrang sakit na nang aking katawan. Alas-onse na nang gabi, ibig sabihin mahigit apat na oras na akong nagtatrabaho ng deretso at walang pahinga man lang. Ngayon lang umepekto sa akin ang matinding pagod at antok.
Habang tinitingnan ang mga taong nagsasayawan ay nahagip ng aking mga mata si Nathan na ngayon ay may kahalikan na babae. Nagulat ako at napanganga na lang nang makitang nakaupo ito sa kaniyang hita. Pinagtitinginan na sila ng mga tao pero parang walang pakialam si Nathan at ang babaeng kahalikan niya. Naiinggit pa ang ibang kababaihan sa dalawang naghahalikan at gustong makuha ang atensyon ng isa. Pakiramdam ko'y nanlamig ako nang biglang mag-angat nang mukha si Nathan at nagtagpo ang aming mga mata.
'Shit!
Naibulong ko na lang sa sarili. Napalunok ako at dali-daling iniiwas ang aking mga mata sa kaniya. Natataranta kong kinuha ang isang
tray na puno nang mga basong may lamang alak. Ramdam ko ang matatalim na tingin niya sa akin na mas lalong nagpanginig sa aking mga paa. Nararamdaman ko ang intensidad nitong dumapo mula sa aking mga patungo sa aking leeg. Mabuti na lang at nakarating ako agad sa grupong pagdadalhan ko ng alak kaya bago pa man ito mahulog at mabasag ko ay naibaba ko na ang tray.
“H-here's your drinks.” Nanginginig man ay sinubukan ko pa ring ngumiti sa kanila.
“Thank you.” Sabi ng isang ka-edaran ko lang. Tumango na ako at akmang tatalikod na upang umalis na pero tinawag ulit ako nito.
"Miss," Nailang ako ng bigla niyang kunin ang aking kamay.
“S-sir!” taranta kong sabi ng pilit niya akong pinapaupo sa tabi niya. Nawala ang buong atensyon ko kay Nathan dahil sa paulit-ulit na paghila sa akin ng lalaki.
“Miss, free ka ba ngayon?” nakangising sabi ng isa.
“Oo nga miss, Baka naman pwede kang mahiram saglit.” Kinilabutan ako ng kumindat ang lalaking may katandaan na kasama din nila. Naiiyak na ako, sa buong buhay ko ngayon lang ako nabastos nang ganito.
“Ano ba, bitawan mo 'ko!” sigaw ko at pilit binabawi sa lalaki ang kamay ko pero mas lalo lang niya itong hinigpitan. Napaigik na lang ako sa sakit at takot.
“One hour lang miss, alam ko naman na gusto mo rin ito e. Huwag ka nang pakipot!” nagsitawanan sila.
“Bitawan niyo 'ko ano ba!” sigaw ko ulit.
Naramdaman kong may humawak sa aking hita na mas lalong nagpakaba sa akin. Tumutulo na ang aking mga luha pero talagang walang balak tumigil ang mga lalaki. Alam ko rin naman na walang makakapansin sa ginagawa nila dahil nasa pinakasulok na kami ng bar pero sa pagkakataong ito ay ilang santo na ang dinasalan ko para lang makaalis ako sa mga lalaking ito.
Pinikit ko nang mariin ang aking mga mata nang maramdaman ang hininga ng isang lalaki sa leeg ko pero bago pa niya ito maipagpatuloy ay naramdaman ko na lang may humigit na sa akin.
Sumalampak ako sa isang matigas na bagay. Rinig ko ang ingayan ng mga tao. Naging mabilis ang mga pangyayari at halos hindi ko na masabayan. Namalayan ko na lang ang paulit-ulit na tapik sa aking pisngi. Pagdilat ko nang aking mga mata ay nakita ko si Nathan.
Nasa bisig niya ako. Alam kong wala na ako sa mga lalaki pero hindi ko pa rin maiwasang mapaiyak dahil sa nangyari. Niyakap niya ako nang mahigpit. Ang aking tenga ay nasa kaniyang dibdib kaya't rinig na rinig ko ang marahas niyang paghinga kaya alam kong galit na galit na siya. Ganitong-ganito rin siya nung nasapak ko siya. Hindi ko alam kung sa akin siya galit dahil naging mahina ako o kung doon sa mga lalaking binastos ako.
“Please stop crying, I'm here now. . .” halos pabulong niya iyong sinabi.
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak pero naramdaman ko pa rin ang paulit-ulit niyang paghalik sa aking ulo at ang yakap niyang mahigpit sa akin.
Hindi ko alam paano nangyari iyon pero nang dahil sa yakap niyang iyon ay naging payapa ang kalooban ko. Naging mahinahon ako at dahil iyon sa isang Nathan Keir Montecarlos.
Pakiramdam ko, ligtas ako.

Book Comment (103)

  • avatar
    John Villariaz Villegas

    Ang Ganda❤️🥺

    2d

      0
  • avatar
    RolonaCatherine

    nakaka excite Ang kwento

    16d

      0
  • avatar
    VenturaClarise marbaja

    500

    16d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters