logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 6

Nilayuan ko si Cassandra simula ng araw na yon. Hangga’t maaari, di ako dumadaan sa tapat ng room nila para di ko sya makita at di nya rin ako makita.
Nakikita ko namang nagiging close na sila ni Jenny kaya ok na rin, kaso paglalapit na sya samin umaalis ako. Ayoko na ng interactions sa kanya, hangga’t maaga pa kailangan ko tong pigilan kasi ako rin naman yung masasaktan sa dulo.
Napapalayo na rin ako sa mga kaibigan ko kasi mas pinipili kong mag-isa kesa makipag-usap sa kanila. Hindi ko na rin nakikilala yung sarili ko kasi hindi ako to eh, hindi ako nagpapaapekto sa simpleng nararamdaman ko. Hays, letseng pag-ibig.
Another day of pag-iisa na naman sa tambayan naming magkakaibigan ng may makita akong babaeng naglalakad papunta sa direksyon ko. Tumayo na ko at handa na sanang bumaba dahil wala na rin naman akong gagawin dito, kaso may humawak sa palapulsuhan ko.
“Aalis ka na naman?” walang emosyon nitong sabi.
“Ha? Malamang? Anong gagawin ko dito? May klase pa ko.” Sabi ko dito habang tinatanggal yung kamay nya sa braso ko.
“Ah talaga?”
“Oo nga, ano ba! Ang sakit Cassandra ah.” Tukoy ko sa pagkakahawak nya.
“Pagbinitawan kita, aalis ka na naman.” May lungkot na dumaan sa mata nya pero bigla na namang nawalan ng expression yung mata nya sa isang kisapmata.
“Aalis talaga ko, may pasok pa nga kami.” Irita kong sabi.
“Ano bang problema Ash? Bat mo ko iniiwasan?” tuluyan ng binalot ng lungkot yung mata nya kaya umiwas ako ng tingin.
“Di naman kita iniiwasan ah?” pagmamaang-maangan ko.
“Sige oo nalang. Kaya pala simula pa last month, di mo na ko kinakausap?” may bahid ng hinanakit yung boses nya habang sinasabi ang mga salitang yun.
“Bakit? Tapos na naman trabaho ko ah? Close na kayo ni Jenny. Ano pang dahilan ko para lapitan ka diba?” sabi ko at tuluyan ko ng nabawi yung hawak nyang braso ko.
“So wala lang sayo yung lahat ng yung Ash? Dahil close na kami ni Jenny? Dahil lang lahat kay Jenny—“
“Bakit para san ba kung bakit tayo nag-uusap dati? Diba para kay Jenny? Wag ka ngang magfeeling jan. Kinausap mo lang naman talaga ko dati diba dahil gusto mong makipagkaibigan kay Jenny? Oh magkaibigan na kayo, ano pang silbi ko?” galit kong sabi.
“Ano ba, Ash. Ganyan ba tingin mo sakin? Na gagamit ako ng tao para mapalapit sa gusto ko?”
“Ano ba rin! Kung hindi ka ganon. Anong gusto mong isipin ko? Ano ka ba talaga? Ano ko sayo?” may halong panghahamon kong sabi.
“Magkaibigan tayo Ash.” Natawa ko ng mapakla.
“Ay magkaibigan pala tayo? Kailan pa?” nakangisi kong sabi.
“Ash.” Sinubukan nyang abuting muli yung braso ko pero inilayo ko ito.
“Sige na, una na ko. Bat ba ko magpapaliwanag sayo kung bat ako lumalayo sayo? Di naman kita kaibigan at ayaw ko ring maging kaibigan ka.” Walang emosyon kong sabi saka ko sya tinalikuran at nag-umpisa na kong maglakad papuntang hagdanan.
Tuloy tuloy na bumagsak ang luha ko ng marating ko yung upuan ko. Nataranta si Maui sa tabi ko kasi bigla nalang akong humagulgol nung yumakap ako sa kanya.
Buti nalang talaga may meeting yung teacher namin ngayon kaya wala kaming klase.
“Ash ano nangyare?” nag-aalalang tanong ni Jenny nung kumalas ako sa pagkakayakap ko kay Maui.
Huminga lang ako ng malalim at pinunasan yung luha ko. Ngumiti ako sa kanilang apat at umiling.
“Ha? Wala gagi. Bawal magdrama drama?” biro ko na ako lang yung natawa.
“Ashley anong nangyare?” seryosong sabi ni Chloe.
“Wala talaga promise. Muntikan lang ako malaglag sa hagdan kanina pagbaba ko, kala ko mahuhulog na ko.” Pagdadahilan ko.
“Fine. Bahala ka sa buhay mo.” Iritang sabi ni Chloe at umalis na sa harap ko. Nagulat naman kaming apat sa kinilos nya. Hindi naman ganon yon.
Sinundan sya nila Jenny at Tanya kaya natahimik yung paligid ko.
“Ok ka lang? Gusto mo ng tubig?” mahinahong tanong ni Maui na naiwan sa tabi ko. Nakangiti naman akong tumango at tinanggihan yung inaalok nyang tubig.
Ang tahimik naming lima nung pauwi na kami. Galit parin sakin si Chloe. Di na rin ako kinulit nila Jenny kasi wala talaga ko sa mood.
Hanggang sa dumating ang recognition, hindi kami maayos ni Chloe. Wala na rin akong masyadong balita kay Cassandra. Nagkakasalubong kami sa corridor pero di na kami nagpapansinan.
Buong bakasyon, pinutol ko yung connection ko sa mga kaibigan ko at sa mga tao sa paligid ko. Naghanap nalang ako ng ibang pagkakaabalahan.
Gabi gabi rin akong umiiyak at patuloy kong pinagsisisihan yung mga sinabi ko kay Cassandra.
Napapansin na rin nila mama yung pamamamayat ko kasi palagi na kong nalilipasan ng gutom. Palagi rin kasi akong matamlay kaya palagi akong tinatanong ni mama kung may problema ba ko, ang palagi kong sagot “ok lang ako ma, gusto kong pumunta ng probinsya.”
Ngayong gabi, as usual naiyak na naman ako habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Wala na namang humpay ang pagbagsak ng luha ko. Gusto ko ng tumigil sa kakaiyak pero kusa silang tumutulo.
“Ayokong maging kaibigan mo kasi ayoko maging kaibigan lang.” Huli kong sinabi bago ako lamunin ng antok.

Book Comment (42)

  • avatar
    vloggiemerenz

    ganda thankyou

    5d

      0
  • avatar
    DigamonKyle

    good

    16d

      0
  • avatar
    JañolaJaqueline

    wow . the story is very interesting.. i really really like the story i really enjoy it

    24d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters