logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 4

Tahimik akong nabili sa canteen ng tubig nung may nangalabit sakin. Dahil magugulatin ako, halos malaglag ko yung tubig na hawak ko.
“Ginabi ka ah?” sabi ni Cassandra na syang nangalabit sakin.
“Grabe ka jusme, may balak ka bang patayin ako Cassandra?” hinampas ko ito ng mahina sa braso. Natawa naman sya ng kaunti.
“Tinawag kita, di mo lang narinig.” Pagsasabi nya.
“Tigilan mo ko, di mo ko tinawag.” Pagsusungit ko.
“Edi hindi.” Natatawa nyang sabi.
“Bat andito ka pa? Mag-aalas syete na te.”
“Training. Maaga nga kami ngayon dinismissed eh.” Pagpapaliwanag nya. Saka ko lang din napansin na naka-shirt and shorts lang sya, hindi na nya suot yung uniform namin.
“Ikaw? Bat ikaw nalang? Wala sila Jenny?” pagbabalik nya ng tanong sakin.
“Nauna na. May practice sa club.”
“Ngayon lang kita nakitang nagpractice ah? Member ka ng anong club?”
“Filipino. Natakas lang ako kasi why not.” Natatawa kong sabi.
“Ay ang galing naman Ashley. Napakasipag mo talaga.” May papalakpak palakpak pa sya na parang namamangha.
“Di ka pa uuwi?” tanong ko dito. Kasi parang walang balak umuwi tong babaeng to, nagyaya pang umupo sa bench.
“Uuwi na rin, magpapahinga lang saglit.” Sabi nya at hinilot hilot ng bahagya yung binti nya.
“Sige sabaya nalang tayo para di ka lonely.” Biro ko. Naiiling naman syang lumingon sa harapan namin.
“Kala ko tumigil ka na tumakbo?” tanong ko rito dahil pinatigil na sya ng mama nya last year.
“Bumalik ako, nakakamiss din kasi.”
“Pumayag mama mo?” tumango naman sya kaya di na ko nagtanong pa.
“Naalala mo nung nadapa ka nung grade 8?” natatawa kong sabi nung maalala kung bat sya pinatigil sa pagtakbo ng mama nya.
“Oo gago, ilang linggo ako nong iika ika maglakad hayop.” Sabi nya tapos tinanaw nya yung peklat nya sa tuhod dahil sa sugat na natamo nya last year.
“Naalala ko naubos yung gauze natin sa room non pati yung bulak.”
“Oo ng--- oh shoot,” dali dali naming dinampot yung mga gamit namin dahil biglang bumuhos yung malakas na ulan.
Nang makasilong na kami sa may clinic, nagkalkal si Cassandra sa bag nya kung may payong ba syang dala.
“May payong ka?” tanong nya sakin nung wala syang makuhang payong sa bag nya.
“Wala?” napakamot ako sa batok ko kasi wala talaga kong dinadalang payong.
“Pano tayo uuwi gagi. Alas-syete na baka hinahanap ka na sa inyo.” Sabi nito at tumingin sa wrsit watch nya.
“Oo nga gago, nasa bahay na si mama baka pagalitan ako non jusko.” Nag-umpisa na kong kabahan sa isipin na nasa bahay na si mama.
“Ligo tayo? Hatid nalang kita sa terminal para may kasama ka.” Suggestion nya.
“Kakagaling mo lang sa training, baka trangkasuhin ka.” Pagtanggi ko.
“Ok lang, ang importante makauwi ka na. Baka mapagalitan ka ni tita.” Sabi nya at sumulong na sa ulan. “Let’s go.” Yaya nya sakin kaya nagpaulan nalang din ako.
“Gago ang lamig.” Reklamo ko. Tinawanan nya lang ako at tinaya kunwari.
“Taya-tayaan.” Sabi nya at tumakbo na palayo sakin.
“Ang daya mooo.” Saka ko sya hinabol.
Imbis na bilisan namin umuwi, naglaro muna kami sa ilalim ng ulan.
Habang naghahabulan kami sa daan bigla syang tumigil kaya naabutan ko sya.
“Taya ka na Cass.” Tatawa tawa kong sabi.
“Alam mo yung kantang nagpplay, Ash?” sabi nya. Hinanap ko naman yung kantang sinasabi nya kung saan nanggagaling.
May nagpapatugtog pala ng di ko alam na kanta pero ang ganda ng lyrics.
“Hindi eh.”
“Tara sayaw?” sabi nya sa seryosong boses.
“Di ako marunong sumayaw pero sige.” Sabi ko at tinanggap ang kamay nyang nakalahad.
Tahimik kaming sumasayaw sa gitna ng ulan na parang walang ibang tao. Na parang kaming dalawa lang ang gumagalaw sa gitna ng daan, sa ilalim ng street light na nagsisilbing ilaw sa kalsada.
Nang maglapit ang mga katawan naming dalawa, saka ko lang napagtanto na sinasabayan nya pala yung lyrics ng kanta.
Seryoso syang tumingin sa mga mata ko na parang sinasabi nya sakin yung mga lyrics ng kanta.
Bulong nya ng mga lyrics.
Nang iikot nya ko, feeling ko tumigil ang pag-ikot ng mundo. Parang tumigil ang oras at huminto ang pagpatak ng ulan. Siya lang ang nakikita ko at parang nag-slowmo ang paligid.
Nang muli kaming maglapit sakto nyang sinabi ang mga katagang nagpabilis ng tibok ng puso ko at kasabay din non ang pagbalik ko sa reyalidad.
Pagsabay nya sa lyrics at hinapit ang aking bewang papalapit sa kanya.
Sa takot kong marinig nya yung naghuhurumintado kong puso, kumalas agad ako sa pagkakahawak nya.
“A-ano, dito nalang ako Cass.” Sabi ko at kinuha ko yung nilapag kong bag sa gilid ng kalsada.
“Sure ka? Madilim na dyan sa daan.” Concerned nyang sabi.
“Yeah, malapit na rin naman. Ikaw babalik ka pa sa school, baka anong oras ka na makauwi.” Sabi ko dito.
Nag-umpisa na kong umatras para di na sya sumunod sakin.
“Sige, bukas nalang. Ingat ka.” Sabi nya at pinulot na rin yung bag nya.
“S-sige. Ingat ka rin pabalik.” Sabi ko at tumakbo na paalis.
“Hindi pwede, Ash. Tigilan mo yang kahibangan mo puso. May gusto yun sa kaibigan mo.” Patuloy kong paalala sa sarili ko habang naglalakad papunta ng terminal.

Book Comment (42)

  • avatar
    vloggiemerenz

    ganda thankyou

    5d

      0
  • avatar
    DigamonKyle

    good

    16d

      0
  • avatar
    JañolaJaqueline

    wow . the story is very interesting.. i really really like the story i really enjoy it

    24d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters