logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 7

"Aalis na tayo," pormal na wika ni Antonio nang lumabas siya.
Isang alangang ngiti ang gumuhit sa labi ni Prudence. Kung pwede lang sana niyang diretsuhing hilingin sa lalakeng ito na gusto niya na lang manatili sa lugar na ito ay ginawa na niya.
Kaso talagang kinakain na siya ng kahihiyan para humiling pa rito ng ganoong bagay.
"Maaga pa naman. Halika muna kayo at mag-breakfast!" paanyaya ni Ambrose at lumapit sa dalawa.
"Sorry, kailangan ko na siyang maihatid. Kung pwede nga lang sana si Marco na lang kaso ay nag-deliever na siya kanina bagong magbukang liwayway sa shop ni Lily," mahabang paliwanag ng binata at humarap sa matanda.
Binalingan niya ang dalaga at diretsong tinitigan sa mga mata.
"Sumunod ka na, hihintayin kita sa labas."
Napahawak sa batok si Prudence habang nakapako ang tingin sa binatang palabas ng bahay. Mukhang hindi na ito makapaghintay na mapalayas nito. Kulang na lang ipagtulakan siya paalis.
"Iha, ayos ka na?"
Napatingin siya sa matandang buong luwag na nakangiti sa kaniya. Agad niyang ginantihan ito ng ngiti.
"Opo, maraming salamat sa pagpapatuloy ninyo sa akin."
Hinawakan siya nito sa kamay habang pinagmamasdan lamang siya. Nakaramdam tuloy siya ng kakaibang ilang.
"Mag-ingat ka. Huwag kang basta magtitiwala kung kani-kanino para hindi na maulit ang nangyari sa iyo. Sa totoo lang ay ayaw na talaga kitang paalisin, kung pumayag nga lang si Anton na rito ka muna pansamantala," malungkot na litanya nito.
Lumunok muna si Prudence dahil pakiramdam niya ay may kung anong nakabara roon. Hinawakan niya ang kamay ni Ambrose at ngumiting hindi aabot sa mga mata.
"Salamat po. Mag-ingat din kayo rito."
Pinigilan niya ang mga luhang nakabitin na sa sulok ng mga mata. Masyadong malakas ang epekto ng pagmamalasakit nito sa kaniya. Sabagay, minsan niya lang naman maramdaman ang ganitong katotoong pagmamalasakit.
Sa uri kasi ng trabaho niya bilang isang artista ay hindi mo alam kung sino talagang totoong gusto kang mapabuti o ang mga taong gusto kang mapasama. Hindi mo rin alam kung kailan sila totoo at hindi.
Pero ngayon ay iba, ang kahawak kamay niya ngayon ay talagang may pakeelam sa kaniya at hangad ang kabutihan niya.
Isang busina ang pumutol sa pagda-drama nila.
"Hay, naku! Sige na at naiinip na 'yong apo ko na iyon!" sambit ni Ambrose.
"S-sige po, maraming salamat muli!" pilit niyang pinasaya ang boses.
"Ang tagal, nasabihan ba siyang hindi niya ako service," bulong ni Antonio sa sarili habang nakasandal sa sariling pick-up truck.
Nakakunotnoong napatanaw ang binata sa palabas ng kanilang bahay. Nagtatagpo ang mga kilay niyang umalis sa pagkakasandala at tumayo ng diretso.
"P-pasensya na-" hindi pa na itutuloy ni Prudence ang pagsasalita ay agad na tumalikod ang binata at naglakad patungo sa tapat ng driverseat.
"Tara na. Marami pa akong gagawin," saad nito na para bang napipilitan lang talaga siyang ihatid.
Napapikit tuloy siya sa inis, mas matatamisin pa niya kung hinayaan na lang siya nitong umalis mag-isa kaysa iparadam nito ang ganitong klase ng pakikitungo.
"Ano? Get in," irita pa rin na tono ni Antonio nang ibaba ang salamin ng bintana sa tapat ng passengerseat at bahagyang inihilig ang ulo.
Walang nagawa si Prudence kung 'di ang sumakay. Nang maikabit niya ang seatbelt ay doon lamang pinaandar nito ang sasakyan. Habang bahagyang napalayo sa bahay ay natanaw niya ang maraming hanay ng iba't-ibang bulaklak sa 'di kalayuan.
"Wow," dahan-dahan at buong manghang na bigkas niya at bahagya pang inilapit ang katawan sa bintana para mas matanaw ng maayos ang tanawin.
Unang beses niyang makakita ng ganoong tanawin na kahit malayo ay alam niyang walang kasing ganda. Ipinanganak at laki siya sa Maynila kaya imposibleng makakita siya ng ganoon. Malinis, maaliwalas at kaayayang mga hanay ng mga bulakalak.
"Sa inyo ba iyon?" wala sa loob na tanong niya nang bumaling sa binata nang tuluyan na silang makalabas ng gate.
"Obvious ba?"
Napaismid siya, kung 'di suplado ay ubod naman ito ng pilosopo. Sasagot lang ng oo o hindi ay kung anu-ano pa ang sinasatsat.
"Kay Mrs. Ambrose?"
"Sa akin," seryoso ng sagot nito.
Napatango ang dalaga ng sunod-sunod habang pinagmamasdan ang seryosong-seryosong mukha ni Antonio. Diretso lang ang tingin nito sa daan pero kahit sideview lang ay talagang mahirap i-describe.
Sa ilang metrong layo niya lang ay kitang-kita niya ang kakinisan ng balat nito sa mukha. Mukhang alaga sa derma. Konkreto ang panga, matangos ang ilong, gwapo na may lupain pa. Alam niyang magiging swerte ang magiging asawa ng lalakeng ito.
"Ibaba kita sa mismong police station."
Napaigtad pa si Prudence dahil sa pagkabigla nang magbaling ito sa kaniya dahilan para magtama ang mga mata nila.
"S-si-sige,'" nagkakandabulol niyang tugon at agad na umiwas ng tingin.
Pinili niyang mas pagtuunan na lamang ng pansin ang mga nadadaanan nila mula sa labas ng bintana. Tutal, may mas saysay naman iyon kaysa sa mukha nitong perpekto, wala namang pakikisama sa kaniya.
Habang ilang minutong na biyahe ay naging tahimik sila. Para ngang wala siyang kasama sa loob ng sasakyan dahil sobrang tahimik ng katabi niya, ni paghinga nito ay hindi niya marinig.
"Shit," mura ni Antonio nang bigla na lang huminto ang sinasakyan.
Tinapunan ng tingin ni Prudence ang binata. Tila pinakikiramdaman nito ang sasakyan. Hindi na siya nakatiis at nagtanong.
"Anong nangyari?"
Imbis na sumagot ito ay muling sinindihan nito ang makina. Naka-ilang subok na ay hindi pa rin nagtutuloy-tuloy ang pag-andar.
"Sira ba itong sasakyan?" nag-alalang tanong ni Prudence.
Inalis na ni Antonio ang seatbelt at bumaba. Sinigurado pa niyang kagabi ay maayos na ito para nga walang maging problema sa paghahatid sa babaeng ito. Kaya't bakit ayaw naman nitong umandar?
Agad na nagpunta siya sa harap ng sasakyan at binuksan ang unahan. Usok ang sumalubong sa kaniya. Saglit siyang napaubo dahil doon at naiinis na pumameywang.
"Bakit ngayon pa?" tanong niya sa sasakyan.
"Ang yabang-yabang, bulok naman ang sasakyan," mahinang sambit ni Prudence nang lumapit kay Antonio at kunyaring nilibot ang mga mata sa paligid.
"May sinasabi ka?" iritang tanong nito.
"Ako? Wala! Ang sabi ko, ang laki-laki ng lupain mo, bakit hindi ka mamili ng bagong sasakyan mo!" Nakangiting pasaring ng dalaga.

Book Comment (177)

  • avatar
    Nash Dump

    xxd

    3d

      0
  • avatar
    RelagoiDarvin

    darvin

    7d

      0
  • avatar
    AbordeJoemar

    😍😍

    18d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters