logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 6

Huminga ng malalim si Antonio at tumindig dahilan para mapatingin ng sabay sa kaniya si Prudence at Ambrose.
"Hindi kami police station. Nasa isa kang pribadong flower farm kaya ang maganda ay sa mga awtoridad mo iyan i-report at hindi sa amin."
Naapamang siya, hindi pwedeng mangyari iyon! Sa oras na magreport sa pulis ay siguradong malalaman ni Choko kung nasaan siya at lalo na ang paggawa niya ng kwentong kutsero.
"Hindi pwede!" malakas na boses niyang bulalas.
Mabilis na tinapunan siya ng tingin ng mga ito na kusa niyang ikinatigil dahil sa bayolente niyang reaksyon.
"Antonio," Tumayo na rin si Ambrose at kumapit sa braso ng binata.
"Hindi ba't napag-usapan na natin ito? Bukas mo na lamang siya ihatid at isa pa pwede naman siyang manatili pansamantala rito sa flower farm."
"Diyan ako hindi makapapayag. Tahimik ng halos ilang taon ang lugar na ito at ayokong sumugal para sa babaeng napulot ko lang sa daan," depensa agad nito.
Napayuko naman ng ulo si Prudence. Ganito ba ito ka-straight to the point? Para sabihin ang mga salitang nakasasakit sa harapan niya?
Mukha wala siya talagang maasahan na tulong mula sa lalakeng pinaglihi yata sa sama ng loob.
Napasulyap naman si Antonio sa dalagang nakayuko. Napakagat siya sa ibabang bahagi ng labi. Mukhang naapektuhan ito sa mga sinabi niya. Aaminin niya may pagkaprangka talaga ang ugali niya.
Sasabihin niya kung anong gusto niyang sabihin lalo na't kung totoo. Ayaw niya sa mga sinungaling kaya't hindi siya magiging taong lubos niyang inaayawan. Makasakit man siya, naging totoo naman siya sa nararamdaman.
"Alright, ihatid niyo siya sa isa sa mga silid sa ibaba. Bukas na bukas ako mismo ang maghahatid sa kaniya sa bayan para makapag-report sa pulisya," pinal na desisyon ni Antonio.
"Salamat apo, napakagwapo at bait mo talaga!" Hinalikan pa ni Ambrose ang apo sa pisngi sa sobrang galak.
Nag-angat naman ng mukha si Prudence at kahit papaano ay napangiti. Ayos na rin na hahayaan na siya nitong magpalipas ng gabi rito. May magdamag pa siya para makaisip ng paraan para hindi na matuloy ang pagdala nito sa kaniya sa police station.
"Halika na, iha!" tuwang-tuwa siyang nilapitan ng matanda, hinawakan sa kamay at hinatak palakad.
Nagawa pa ng dalaga lumingon kay Antonio at matipid na ngumiti rito bago tuluyang bumaba ng hagdan. Ang binata naman ay nasundan na lamang ng tingin ang dalawa.
"Sir!"
Awtomatikong sumeryoso siya at ibinaling ang tingin sa tanawin mula sa kaniyang tagiliran.
"Naku, nahiya pa kayo. Huwag kayong mag-alala, hindi ko naman nakita kung paano niyo habulin ng tingin ang bisita niyong iyon!" kaswal na biro ni Marco habang nakangisi at tumabi sa kaniya.
"Si lola ang tiningnan ko, hindi siya. Huwag mo akong itulad sa iyo," pormal pa rin niyang pagtatanggol sa sarili.
Tumawa ng pagak ang tauhan dahilan para balingan niya ito ng tingin.
"Si Sir Anton naman, ako pa ba ang pagsisinungalingan niyo? Simula ng maputol ang mga pusod natin sa sari-sarili nating ina ay magkasama na tayo kaya't hindi kayo makapagsisinungaling sa akin."
"W-walang ibig sabihin ang tingin na iyon," katwiran ni Antonio at humarap muli sa tanawin.
'"Talaga?" Natatawang panunukso pa rin ni Marco.
"Gusto mo bang sumahod bukas o hindi?" seryosong panakot niya at matalim na tinitigan ang tauhan.
"O! Relax lang naman. Huwag mo namang idamay ang sahod ko pang-date ko pa 'yan sa bagong chiks ko ay!" bayolenteng agap nito.
"Tumigil ka na," galit-galitan pa rin sambit ni Antonio.
Minsan talaga ay nagagamit niya ang pagiging amo sa kababata sa tuwing binibiro at napipikon siya rito. Buti naman ay gumagana at tinitigilan siya.
"Seryoso, Sir? Ano raw ang nangyari sa kaniya? Anong pangalan niya?"
Saglit na natigilan si Antonio. Hindi nga pala niya natanong man lang ang pangalan nito. Ngunit agad niyang sinaway ang sarili. Mahalaga pa ba iyon? Ngayon lang naman ito magpapalipas ng gabi at aalis na rin bukas.
"Single pa ba siya o-"
"Ihahatid na siya bukas sa police station," pormal niyang agap sa sunod-sunod na tanong ni Marco.
"Sa police station? Bakit? Ano ba siya?" gulantang na wika nito.
"Biktima siya ng human trafficking kaya mas maganda kung sa mga pulis siya dadalhin para mas matulungan siya."
"At pagkatapos no'n ay uuwi na siya sa kanila?"
Napakurap si Antonio sa tanong ni Marco. Kung hindi taga-Benguet ang babae na iyon ay siguradong galing sa malayo rin na probinsiya. Mga inosenteng dalaga talaga ang nabibiktima ng mga masasamang tao.
"Kawawa naman," saad ni Marco.
"Tama ka," usal niya kasabay nang patanaw sa mga bulakalak.
Paikot-ikot si Prudence sa loob ng isang maliit na silid kung saan siya nagpalipas ng gabi. Sumapit na ang umagang kinatatakutan niya. Nakaligo at nakabihis na rin siya kaso ay hindi niya kayang lumabas.
"Anong gagawin ko?" naalarma niyang tanong sa sarili habang sapo ang ulo.
"Hindi pa ako pwedeng magpakita kay Choko hanggat wala pa akong perang pang-bayad sa pagkansela ng kontrata ko. Para tuluyan na akong tumigil sa letseng pag-aartista na 'yan!" inis na inis niyang kausap sa sarili at sinubutan ang buhok.
"Tulog pa ba siya?" Dire-diretsong pumasok si Antonio sa kusina kung nasaan ang kaniyang lola na naghahanda ng almusal sa lamesa.
"Kumain muna kaya kayo bago bumiyahe!" alok ni Ambrose.
Nagtungo ang binata sa isa sa mga guest room ng bahay at kaswal na kumatok. Halos mapalundag naman si Prudence nang marinig ang isang katok. Agad niyang tinakpan ang bibig na muntik ng mapahiyaw.
"Gising ka na ba?" baritonong tanong ng nasa likod ng pinto.
Napanguso siya, siguradong siya kung kaninong boses iyon. Lumalim ang gitla sa noo niya nang mas malalakas na katok pa ang narinig mula roon.
"Tulog ka pa ba? Hindi ka bakasyonista rito, Miss!" bakas sa boses nito ang pagka-irita.
Itinaas ni Prudence ang isang paa at sumipa sa hangin. Ang lakas talagang magsira ng mood ang lalakeng iyon.
"Ano?! Kailangan pa ba kitang pasukin sa loob?!"
"Hay, naku! Hindi na! Palabas na ako riyan!" nagkakandautal niyang sagot at matulin na naglakad palabas ng pinto.
Natigilan si Prudence nang tuluyang masilayan ang binata. Fresh na fresh ang hitsura nito sa suot na maong na pantalon, longsleeved white polo na may paloob na t-shirt na itim at bagsak din ang itim na itim nitong buhok na parang kaalis lang sa blower.

Book Comment (177)

  • avatar
    Nash Dump

    xxd

    3d

      0
  • avatar
    RelagoiDarvin

    darvin

    8d

      0
  • avatar
    AbordeJoemar

    😍😍

    18d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters