logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 4

"H-hindi ko alam na ngayon na pala ang katapusan ko. Hindi man lang ako nakapaghiganti kay Choko, sana pala nilagyan ko na ng vetsin ang tumbler niya," nanghihinayang na kausap ni Prudence sa sarili habang bumabagal ang bawat pagtapak sa putikan.
Malayo-layo na rin ang tinakbo at mabigat na ang mga parehong binti sa paglalakad. Hindi na niya maramdaman ang buong katawan dahil sa pagod. Ang mga paa niya ay walang kasing hapdi, kasabay ng pahinang ulan ay ang unti-unti niyang pagbagsak sa putikan.
Ang huli na lang niyang nagawa ay ipikit ang mga mata.
"Saan niyo ba siya nakita?" tanong ni Ambrose sa apong si Antonio. Kasalukuyan silang nasa veranda ng guest room.
"Sa daan ho," sagot niya habang nakatanaw sa hanay ng mga tanim na bulaklak.
"Kawawa naman, maputla at napakarami niyang sugat," naawang saad ng matanda at umupo sa munti nilang pahingahan sa veranda.
"Buti na nga lang ho ay binalikan ni Sir Anton," sabat ni Marco habang nakatayo sa gilid.
Agad na binato niya ng nakamamatay na tingin ang tauhan. Nagyuko naman ito ng ulo.
"Kung ganoon ay nagdalawang-isip ka pa na tulungan ang kaawa-awang babae na iyon?" tanong ni Ambrose.
Umupo ang binata sa kaharap na silya ng matanda at sumandal. Diretso niyang sinalubong ang tingin ng kinalakihang magulang.
"I don't know her. Isa pa, basta na lang siya sumakay sa truck nang hindi namin alam."
"Baka may tinatakasan," singit na naman ni Marco.
Sandaling dumaan ang katahimikan sa kanila. Napahalukipkip naman siya at napakunotnoo. Inalala niya ang hitsura ng babae, maayos naman ang pananamit nito kaso nga lang walang sapin sa paa. Pwedeng inalis nito ang suot na sapatos o sandals para mabilis na makatakbo. Kung ganoon ay may tinatakasan nga ito.
Ano naman kaya?
"Hindi pamilyar ang mukha niya. Hindi siya taga-rito dahil masyado siyang maganda. At kung may ganoong kaganda ang nakatira rito sa lugar natin nang mahabang panahon nang hindi ko alam ay talagang napakamalas ko," pahayag ni Marco.
Muli na naman niya itong tiningnan. Ewan ba niya kung bakit mahilig ang kababata at matalik niyamg kaibigan na ito sa maganda.
"Anton, ikaw ba? Namumukhaan mo ba ang dalagang iyon?" tanong ni Ambrose.
"Hindi po, lola. Sigurado akong ngayon ko lang siya nakita," sigurado niyang sagot.
Marahang minulat ni Prudence ang mga mata. Saglit pa siyang napapikit nang magisnan ang maliwanag na ilaw.
"Nasa langit na ba ako?"
Mariin niya muling ipinikit ang mga mata at dahan-dahang minulat. Maliwanag pa rin kaso may ceeling na rumehistro sa kaniyang mga mata.
Napaigik ang dalaga nang marahang bumangon paupo. Mabigat at masakit ang kaniyang buong katawan. Simula ulo lalo na ang mga paa. Inilibot niya ang paningin, nasa isa siyang silid. Maganda at marangyang silid. Napasulyap siya sa kulay bughaw at makapal na kumot.
"Pang-mayaman," tanging na sambit ng dalaga at itinukod ang magkabilang palad para kapain ang malambot na kama.
"Sandali, nasaan ba ako?" nagtatakang tanong ni Prudence sa sarili. Bumaba na siya at nasipat ng tingin ang suot. Isang malaking t-shirt na puti hanggang sa ibabaw ng kaniyang tuhod.
Malinis na rin siya at mabango.
Teka, paanong nangyari ito nang wala siyang kaalam-alam.
Tinungo ni Prudence ang pinto, inikot ang door knob at nang magkaroon ng siwang ay isinilip niya bahagya ang ulo. Isang tanawin sa 'di kalayuan kasabay ng sariwang hangin. Mataas ang lugar na inuukupahan niya. Maingat siyang tumapak at nang tuluyang makalabas ay tuluyang gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi.
"Ang ganda," bulalas ng dalaga nang matanaw ang hanay ng mga tanim na bulakalak. Kahit madilim at tanging mga poste lamang ng ilaw ang nagsilsilbing liwanag.
"Buti gising ka na."
Natigilan si Prudence sa pag-ngiti at dahan-dahang bumaling sa nagsalita. Sa pangalawang pagkakataon ay para siyang sinabugan ng bomba matapos masilayan ang mukha ng binata na kanina ay kaniyang nakita.
"Parating na ang tuyo mong mga damit. Pwede mo na iyong isuot muli and you can leave," pormal na wika nito at kaswal na tinuloy ang ilang papel na inaasikaso nito sa mesa.
Humugot muna ng lakas ng loob si Prudence bago magdesisyon na lumapit dito. Hindi inaalisan ng tingin ng dalaga ang binatang nakayuko at busy sa pagbabasa ng mga papales.
"S-salamat."
Napahinto sa pagbabasa si Antonio at napakurap.
"Salamat at tinulungan mo ako."
Ibinaba nito ang mga hawak, prenteng sumandal at nag-angat ng paningin. Para na namang may nag-uunahang kabayo sa dibdib ni Prudence habang nakatitig sa tila ng aakit na mga mata ng binata.
"Magpasalamat ka sa kasama ko. Sa akin lang ay talagang hahayaan kitang uudin sa kalsada," seryoso nitong bitaw.
Hindi niya tuloy napigilan ang pag-ngisi at ibinaling ang tingin sa 'di kalayuan. Ibang klase talaga, iyong kakapalan ng mukha talagang sagad. Paano nito nasasabi mismo sa kaniyang harapan ang mga ganitong karuming salita?
"Talaga? Buti pa siya may konsensiya at hindi nahawa sa iyo," palaban niyang sagot.
Sumungaw ang mayabang na ngiti nito sa magandang labi at dumekwatro habang pinagmamasdan si Prudence.
"You're right," pagsang-ayon nito at agad na naglaho ang ngiti at napalitan ng matigas na anyo.
"Manang Dina!" malakas na tawag ni Antonio sa kasamabahay.
Napatingin si Prudence sa isang matandang babae na may katabaan, paakyat ito sa hagdan at awtomatikong lumapit sa gilid ng binata.
Kinuha nito ang nakatupi na niyang damit at inihagis sa baba at tapat ng paa niya. Nasundan na lamang niya ang bagay na iyon ng tingin.
"Get dressed and leave," matigas na wika ni Antonio.
Tama ang babaeng ito, wala siyang konsensiya. Bakit pa kasi nakinig siya kay Marco na balikan ang estranghera na ito? Sana pala hinayaan niya na lang itong daan-daanan ng kung anu-anong klase ng truck.
"Pwede mo namang iabot, bakit binato mo pa?!" asik ni Pridence at tinitigan ito ng nakasusuya.
"Magbihis ka na para makaalis ka na sa harapan ko."
"Ang yabang mo!" hindi na napigilan ng dalaga ang pagsagot dito. Tutal pinupuno naman siya ng lalakeng laging nakasibangot na ito.
"Anong sabi mo-" galit na tumindig si Antonio. Hindi niya palalagpasin ang bibig na babaeng walang utang na loob na ito.
"Antonio Jose Del Fiero!"

Book Comment (177)

  • avatar
    Nash Dump

    xxd

    3d

      0
  • avatar
    RelagoiDarvin

    darvin

    8d

      0
  • avatar
    AbordeJoemar

    😍😍

    18d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters