logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 3

"Saan ka galing?" tanong ng isang binata na mas maliit ang pangangatawan at medyo bata ang edad.
""A-a, sa, sa," hindi maintindihan ni Prudence ang isasagot habang pakiramdam niya ang namamanhid na labi.
"Tara na," wika ni Antonio sa kasama at kaswal na inayos ang mga basket ng bulaklak sa likod ng truck.
"Paano po siya?" takang tanong ni Marco.
Binalingan ng tingin ng binata ang babae. Agad namang inayos ni Prudence ang sarili kahit alam niyang huli na para roon.
Nadatnan na siya ng gwapo at makisig na lalake na ito sa pinakanakahihiyang sitwasyon.
"Hindi natin siya kilala."
Awtomatikong napataas ang sulok ng labi ng dalaga at tinitigan ang binatang seryosong-seryoso ang hitsura.
"Ibig sabihin niyo, iiwan natin siya rito?" hindi makapaniwalang tanong ni Marco.
"Gusto mo siyang samahan? Maiwan ka na rin," pormal na tugon ni Antonio at naglakad na pabalik ng driver seat.
"S-sorry miss, mauna na kami!" nahihiyang saad ng isa pang estranghero at lumakad na rin.
"S-sandali!" lakas loob na humarang ang dalaga kay Antonio habang nakatuwid ng pahalang ang magkabilang braso.
Awtomatikong nagtagpo ang mga kilay ni Antonio at sinalubong ang tingin ng babae. Napalunok naman si Prudence ng wala sa oras. Hindi rin niya maumpisahan ang sasabihin dahil napakalapit ng mukha ng binata.
At isa lang ang kaniyang masasabi.
Sa dinami-dami ng mga artistang lalake ang nakita at naka-eksena niya ay walang sinabi sa mukha nito. Mag-umipsa tayo sa makakapal at itim na itim nitong mga kilay, sa kulay brown nitong mga mata kasama ng mahabang mga pilik, ilong na pinapangarap niyang tangos. Nanunuyo ang lalamunan niya nang mapababa ang tingin niya sa labi.
Para siya nitong tinatawag, manipis, mapula at parang masarap halika-
"Get out of my way," sambit ni Antonio at sinipat ng tingin mula ulo hanggang paa si Prudence.
Para naman siyang nagising sa baritono nitong boses. Napakurap siya ng sunod-sunod at hindi alam kung saan itutuon ang mga mata.
"Tabi," galit na saad ni Antonio habang hindi na maipinta ang hitsura sa pagka-irita.
"Sa-sandali lang, huwag niyo naman akong iwan dito. Makakaya mo ba naiwan ang isang katulad ko rito, sa gitna ng-"
"Oo naman. In the first place, I don't know you and I don't care about you," walang prenong litanya ni Antonio at muling naglakad.
"Aba! Hoy! Anong klaseng tao ka?! Anong klaseng lalake ka na basta mo na lang ako iiwan!" nilakasan niya ang pagsagot para marinig nito.
"Libre ka ng nakasakay, nagde-demand ka pa!"
Napangiti si Prudence dahil sa bwisit at naiinis na pinunasan ang mukha. May lalake pa lang ganito ka-walang konsensiya. At paano nalaman nitong nakisakay siya?
Sasagot pa sana ang dalaga pero nakasakay na ito sa loob ng driver seat. At nang marinig niya ang tunog ng pag-start ng makina ay nalukot ang mukha niya.
"Paano na? Hindi ako pwedeng maiwan dito? Dalawa lang pwedeng mangyari sa akin dito sa gitna ng daan. Mamatay na ngayong gabi o bukas na ng umaga. Uod lang ang makikinabang sa akin."
"Sir, seryoso? Iiwan natin siya?"
Hinawakan ni Antonio ang manibela at hinawakan ang silinyador. Pasimple niyang sinulyapan ang sideview mirror. Kitang-kita niya ang pagkabalisa ng babae. At para na rin itong basang sisiw habang nakatanaw sa kanila.
Kawawa nga, kaso hindi naman nila ito kilala para basta na lang dalhin sa flower farm o sa sariling bahay.
"Sir, ano?" untag ni Marco sa amo.
"Tara na," determinado niyang sagot at marahang inikot ang manibela.
"Talagang?! Anak ng-"
Napasabunot si Prudence sa sariling buhok at hindi makapaniwalang sinusundan ng tingin ang umaabante ng truck.
"Hindi nga?! Iiwan talaga nila ako?"
Napalingon siya sa likod, baka sakaling may kasunod o parating na sasakyan. Pero bukod sa bugso ng ulan ay wala na siyang makita. Binalikan niya ng tingin ang papalayong-papalayong truck.
Bumaha ang kalungkutan sa maputla ng mukha ng dalaga. Wala na talaga siyang pag-asa na tulungan ng lalake na iyon. Napadyak siya sa inis, gwapo nga impakto naman ang pag-uugali.
Paano naatim nitong iwan ang katulad niyang babaeng walang kalaban-laban?
Wala rin sa hitsura niya ang mukhang miyembro ng martilyo o budol gang. Masyado siyang pretty para sa mga ganoon. Kaya't bakit ayaw siya nitong tulungan?
"Bwisit ka! Maaksidente sana kayo!" sigaw ni Prudence kasabay ng pagbuhos pa ng mas malakas na ulan.
Wala siyang nagawa kung 'di tumakbo. Kahit walang sapin sa mga paa, ipinagsapalaran pa rin niya ang mga ito sa maputik at mabatong daan. Saan man siya mapahintong lugar nito ay bahala na! Saan man siya maabutan ng pagod atleast may ginawa siya para sarili, para makaalis.
Napahawak ng mahigpit sa manibela si Antonio. Abnormal din ang pagtahip ng kaniyang malalapad na dibdib, hindi niya rin alam kung bakit. Kahit focus sa pagmamaneho ay hindi pa rin maiwasan ang pagsulyap niya sa sidemirror.
Pinilig niya ang ulo at binasa ang ibabang bahagi ng labi. Wala siyang pakeealam sa babaeng iyon. Tama, hindi niya iyon kilala at wala siyang responsibilidad na tulungan ito.
"Sir Anton, balikan na po ba natin? Hindi pa po tayo ganoong kalayo?" alangang wika ni Marco nang mapansin siguro ang kinikilos niya.
"A-ano ba'ng sinasabi mo?" maang-maangan ng binata at saglit na bumaling sa katabi.
"Iyong babae, magandang babae na iniwan natin. Kawawa naman kasi, kung maiiwan siya roon ay sigurong panganib ang naghihintay sa kaniya."
Nalunok ni Antonio ang laway at bigla na lang dinapuan ng kaba. Tama ang sinabi nito, baka kung anong mangyari sa dalaga. Babae pa naman ito at hindi sapat ang lakas para lumaban.
"Ano, sir?!" naiinip na bulalas ni Marco.
Tiningan niya ito ng masama. Kung ano man ang mangyari sa babaeng iyon ay wala na sa kaniya. Hindi niya ito kilala at wala siya ritong tiwala para dalhin sa flower farm na iniingatan, pinoprotektahan at inaalagaan niya.
"Sige nga Marco, bigyan mo ako ng dahilan bakit ko siya tutulungan?" seryosong tanong ni Antonio sa tauhan.
Sandali itong natahimik at nag-isip.
"K-kasi, maganda siya," nahihiyang tugo nito.
"Dahil lang doon? Marco, madali kang maloloko kung pagbabasehan mo lagi ang hitsura."
"Sorry sir, nagbibiro lang po ako.Ang totoo niyan ay nasa sa inyo iyon. Kung tutulungan at pagkakatiwalaan niyo siya o hindi."
Awtomatikong nagpreno si Antonio at mariing napahawak sa manibela.

Book Comment (177)

  • avatar
    Nash Dump

    xxd

    3d

      0
  • avatar
    RelagoiDarvin

    darvin

    8d

      0
  • avatar
    AbordeJoemar

    😍😍

    18d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters