logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 2

"Sir Anton, okay na po na-deliver ko na."
"Good, let's go!" Naunang maglakad si Antonio pabalik ng mini truck.
"Sa flower shop ba tayo ni Miss Lily susunod na magde-deliver?" tanong ni Marco, kababata at ang kaniyang kanang kamay sa pagmamay-aring flower farm.
Saglit na tumingala ang binata sa kalangitan. Makulimlim at tila nagbabadya ang ulan. Siguradong aabutan sila ng sama ng panahon kung magde-deliver pa sa 'Lily Flower shop'.
"Hindi na, umuwi na tayo."
Agad na sumakay si Antonio sa sasakyan at nagmaneho. Hindi naman ganoon karami ang mga natira pang bulaklak kaya't iuuwi niya na lamang ito at gagamitin sa sariling bahay.
"Sh*t," usal ni Prudence nang maramdaman ang tila paggalaw ng pinagkukubliang truck. Napahawak siya sa mga basket at marahang tumingkayad para makita kung ano ang nangyayari sa sasakyan.
"Naku po," bulalas niya nang mapagtantong umaandar na ito at paalis na ng palengke.
Agad siyang nagpalinga-linga, ano ba'ng dapat na gawin niya?
Bumaba rito?
O sumabay sa agos ng sinasakyan kasama ang mga bulakalak?
Paano kung makita siya ng may-ari ng truck na ito, kung masamang tao pala ang mga iyon at dalhin siya kung saan? Tumakas nga siya sa isang kapahamakan pero baka mas masahol pa ang maranasan niya ngayon?
"Ano ba'ng gagawin ko?" nayayamot na tanong ni Prudence sa sarili kasabay ng marahas na pagkamot sa sariling buhok.
"Prudence! Bumalik ka!"
Naalarmang natuon ang tingin ng dalaga sa kung saan. Nakita niya si Choko na tumatakbo at hinahabol ang sinasakyan niya.
"Matalino ka talaga, kaso huli ka na Choko!" Nakangising saad ni Prudence at maarteng kumaway sa baklang manager.
Bahala na, hindi na siya baba! Kung saan man siya dalhin ngayon ng pagkakataon ay sasabayan na lang niya kaysa bumalik siya taong ang tingin lang sa kaniya ay isang pagkakakitaan.
"Sir, parang may humahabol po sa atin," sambit ni Marco kasabay ng pagsilip sa rearview mirror at 'di pa nasiyahan ay lumingon pa ito.
Saglit din sinulyapan ni Antonio ang salamin. Napakunotnoo ang binata nang makita ang isang alangang lalake, alangang babae ang tila galit na galit at kumakampay.
"Kilala mo?" tanong niya kay Marco.
"Hindi Sir,"
Muli niyang pinagtuunan ng pansin ang pagmamaneho. Imposibleng sila ang pakay ng taong iyon dahil hindi nila pareho itong kilala.
Napasandal si Prudence at napabuntong hininga nang tuluyang makalayo ang sinasakyan sa palengke. Alam niyang malayo na siya sa taong inaabuso siya.
Pero ano ng mangyayari ngayon?
Hindi niya nga alam kung anong bayan ito ng Benguet?
Napalatak siya at napapikit. Paano niya sisimulan mabuhay ng walang kung anuman sa bulsa?
Marahang minulat ng dalaga ang isang mata nang tila may pumatak na tubig sa kaniyang mukha.
"Anak talaga ng malas," mahinang bulalas niya nang masilayan ang madilim na kalangitan.
"On cue masyado ang ulan ha,"
"Talagang ngayon pa?" hindi niya makapaniwalang saad. Nayayamot niyang pinunasan ang nagsisimulang mabasang mukha.
Marahang sinilip ni Antonio ang langit mula sa bintana. Hindi siya nagkamaling uulan. Buti na lang ay binabagtas na nila ang daan pabalik ng flower farm. Maputik pa naman doon dahil sa hindi sementadong kalsada.
"Aray, ang bobo naman ng nagmamaneho," reklamo ni Prudence matapos tumama ang ulo sa biglaang paglubog ng sinasakyan. Sa katunayan kanina pa itong pauga-uga para na siyang bolang paalog-alog sa likod.
Tumanaw siya sa dinaraanan, sadyang maputik at baku-bako ang daan. Nilibot niya ang mga mata sa paligid. Liblib na ito masyado dahil sa mayayabong at matataas na puno.
Saan ba nakatira ang mga ito?
"Ahhh!!!" tili ni Prudence.
Nagkatinginan sina Antonio at Marco nang ipreno ang sasakyan.
Parehong nag-aarko ang mga kilay ng dalawang binata.
"Sir, narinig niyo po ba iyon? Parang may tumiling babae?"
Natigilan saglit si Antonio at lumingon sa likod. Ibig sabihin hindi lang siya ang nakarinig? May babae rin itong narinig.
Agad siyang bumaba ng sasakyan kahit na patuloy ang pagbagsak ng mas lumalakas pang ulan. Nagtungo siya sa likod at napatigil siya sa nadatnan.
"A-aray," puno ng sakit na bigkas ni Prudence habang nakadapa at nakasubsob ang mukha sa putikan.
Nanlalaking mga mata na hinagod ng tingin ni Antonio ang babaeng nakadapa. Matangkad at maputi ang kutis nito kahit na may bahid ng ilang putik ang balat. Nakasuot ito ng isang fitted black dress, at nang mapadako sa paa ay wala itong anumang suot.
"A-aray," Naiiyak na usal ng dalaga.
"Sir-"
"Hay! Sino 'yan?! Anong nangyari sa kaniya?!" gulantang na sigaw ni Marco na natulos sa kinatatayuan.
Naalarmang tiningan ni Prudence ang kalagayan. Hindi niya alam kung paano haharapin ang mga ito habang naabutan siya sa ganitong nakahihiyang sitwasyon.
Marahan niyang inangat ang katawan at saglit na napangiwi nang maramdaman ang hapdi sa tiyan. Itinukod niya ang mga nanginginig na siko para makabangon.
Pinagmamasdan lamang ni Antonio ang babae. Sa tantiya niya ay talagang nasaktan ito dahil limitado lang ang bawat galaw. Sabagay sa hitsura ng pagakalaglag nito ay siguradong may pinsala sa katawan lalo na sa mukha ng estranghera.
"A-ayos ka lang?" tanong ni Marco.
Pasimpleng inayos ni Prudence ang nagpuputik na buhok. Dahan-dahan siyang humarap at ganoong na lang ang pagtigil ng tibok ng puso niya nang magtama ang mga mata nila ng isang binata.

Book Comment (177)

  • avatar
    Nash Dump

    xxd

    3d

      0
  • avatar
    RelagoiDarvin

    darvin

    8d

      0
  • avatar
    AbordeJoemar

    😍😍

    18d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters