logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 3

"Ang ganda ng view dito, Thalia! Ang presko rin pala tumambay dito." Masayang saad ni Liandre habang naka-upo kami rito sa kahoy na upuan sa ilalim ng puno at tinatanaw ang araw na unti-unting lumulubog. Maganda talaga here, syempre, parang ako. Char!
"Oo.. kaya paborito ko rito." Mahinang tugon ko sa kaniya at nag-iwas ng tingin dahil nakatitig siya sa akin.. Sinusuri ako.. Para naman akong krimimal niyan.
"Ano nga palang nangyari sa 'yo kanina? Sabihin mo na.. Please?" Umakto siyang nalulungkot habang nakatingin sa akin at nag puppy eyes.. Kaya naman napahagalpak ako ng tawa. LT beh! Parang shunga lungs, eh!
"Huwag mo akong tawanan.. Ano ba talagang nangyari?" Umaakto pa ring malungkot niyang tanong. Aw sad, sorry kasi ito lang ako.
"Crush ka ni Zaniyah.." Halos naiiyak kong saad sa kaniya kaya naman nag-iwas ako ng tingin. Sumulyap ako nang saglit sa kaniya at nakitang tila aliw na aliw siya na ganoon ako. Bakit ba ako naiiyak?! Pesteng 'yan! Kakahiya ka, Vian! Shux. 'Yong astig mo!
"Eh, ano namang nakakalungkot doon? Hindi ko naman siya crush.. At never ko siya magiging crush.. Bakit, Thalia crush mo ba ako?" Nagtatakang tanong niya na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.. Shet! Crush ko nga ba siya kaya umaakto akong ganito? Hindi naman siguro masamang magkaroon ng crush 'no! At saka, malaki ang tiwala ko kay Liandre. Bukod sa nararamdaman kong lagi akong ligtas at payapa sa piling niya, gusto ko lagi siyang nandiyan sa tabi ko.. Gusto ko na lagi kaming nagtatawanan.. At masaya.. Crush ko nga siguro siya.. Pero, 'di ba, bakla siya? Edi hindi na lang ako aamin. Basic! Laro na lang kami ng hide and seek ng feelings. Bongga!
"Hindi, ah! At saka, 'di ba bakla ka, Liandre? Pero... Tanggap kita, ah! Best friends nga tayo, 'di ba? Huwag ka nang mag-alala, ayos na ako.." Nangungumbinsing sagot ko sa kaniya. Totoo naman, ayos na ako. Marami pa naman sa college. Basic na lang 'yan! Amerikano nga ang aasawahin ko para magaganda't gwapo ang mga magiging anak ko, eh. Pak pak!
"Hahahaha! Chrue! Basta ah, hindi ko talaga crush 'yang best friend mo.. Kahit pa crush niya ako!" Naniniguradong tugon niya habang nakangiti. Hinawi niya ang buhok niya papunta sa likod. Ang gwapo naman niya pag gumaganon siya! Hindi ata pumapanget 'to kahit haggard.
Nagtawanan kaming dalawa habang patuloy na nanonood ng araw na papalubog. Hindi pa ito gaano lumulubog kaya matagal pa kami siguro.. Pero okay lang. Alam naman din ni Mama na lagi muna akong tumatambay bago umuwi. Baka Vivlan 'yan. Chariz lang, Ma. Huwag mo sanang babasahin ang utak ko.
"Thalia.. Ilan kayo magkakapatid? At saka, nasaan ang parents mo? Malapit lang ba kayo rito nakatira?" Tanong ni Liandre habang nakatitig sa akin. Problema nito? Nakatitig na naman? Mukha ba akong salamin?
"Ah.. Only child ako.. Sabi ni mama, noon daw ay may kapatid ako pero nawala raw.. Tinanong ko naman siya kung anong nangyari at kung buhay pa ba ang kapatid ko.. Sabi niya buhay pa raw ito.. Hindi niya sinabi ang dahilan.." Nalulungkot kong saad sa kaniya habang siya ay nakatitig pa rin sa akin.. Nakikinig. Gusto ko nga makita ang kapatid ko, eh. Boring kasi mag-isa! Buti na lang lagi kami nagmamarites ni Mama. Nanay slash kapatid ko na siya. Love it!
"Si mama naman ay nasa palengke, nagtitinda siya ng gulay doon. Si papa naman, nasa manila.. Ang alam kong trabaho niya roon ay Engineer. Umuuwi naman siya rito kada sabado at linggo ngunit nung mga nakaraan ay nagsabi siyang isang beses sa isang buwan na lang siya makakauwi.. Kaya nalungkot ako." Taimtim na nakikinig sa akin si Liandre at patuloy pa rin sa pagtitig. Hindi ko na alam ang kalalagyan nitong puso kong kanina pa ang pagtibok nang mabilis. Parang tanga! Tibok nang tibok, desisyon?!
"At ang bahay naman namin ay diyan sa Gumamela St. sa bungad lang.. Yung gate na itim at maraming bulaklak sa magkabilang gilid. Ang bahay naman namin ay kulay cream.. Apartment 'yon." Saad ko sa kaniya. Siya ay patuloy pa rin sa pagtitig sa akin at tila wala nang balak huminto kaya tinawag ko siya at siya nama'y natauhan. Dami kasing tanong! Nalula siguro siya sa dami kong sagot. Napapala mo, beh.
"Hmm.. Ganoon pala. Siguro'y nalulungkot ka rin sa bahay n'yo kapag wala pa ang mama mo.. Gusto mo ba lagi na kitang puntahan dito para lagi kang may kasama? At saka.. promise ko sa 'yo.. Paglaki nating dalawa, pupunta tayo ng Manila.. Hahanapin natin ang kapatid mo.. Okay ba 'yon?" Saad ni Liandre. Aaminin ko na, ah? Natuwa ako roon. Sana lang tanggap ako ng kapatid ko, 'no. Baka mamaya hindi niya matanggap na maganda ako, eh.
"Okay na okay! At saka, totoo? Pupunta ka na rito lagi? Thank you, Liandre! Dabest ka talaga." Nakangiting tugon ko sa kaniya. Bait ko ba? Huwag siyang mabigla, ako lang talaga 'to.
"Oo naman.. Araw-araw tayong magbobonding dito.. Dapat lagi kang happy, ha?" Saad ni Liandre habang nakangiti. Lagi naman akong happy. Sabi ni Papa, panget ko raw pag malungkot. Edi nag make up ako habang nalulungkot.
Charot!
"Yes! Masaya ako dahil sa 'yo." Sagot ko na nagpangiti naman sa kaniya nang todo. Siguro may lahi 'to si Liandre. Half human, half doggo. Char!
"Ikaw naman.. Ilan kayong magkakapatid? At saka, nasaan ang mama at papa mo? Malapit lang din ba kayo rito nakatira?" Pagtatanong ko sa kaniya. Hindi naman pwedeng talambuhay ko lang ang sinasalaysay natin dito, mars! Buhay mo rin dapat!
"Dalawa lang kaming magkapatid, eh.. Mas bata sa akin ang kapatid ko nang dalawang taon. Babae 'yon.. Tiyak magkakasundo kayo.. Ang mama ko naman ay teacher sa public school doon sa Manila.. Habang ang tatay ko naman ay family driver ng mga Miller." Sagot niya sa akin.. Ako naman ay nakikinig lang sa kaniya habang patuloy sa pagtibok nang mabilis ang aking puso. Peste talaga, eh! Ihagis ko kaya 'tong puso ko sa dagat? Doon na lang siya tumibok walang hiya siya.
"Kung gano'n, edi dalawa lang kayo ng kapatid mo lagi nasa bahay n'yo? Pwede ba tayo pumunta doon para makilala ko ang kapatid mo? Baka kasi wala siyang kasama roon." Gusto kong maka-close 'yong kapatid niya. Naaamoy ko mabait naman, eh. Pag bitchesa, edi go. Bonding namin mag-away.
"Oo naman! Ipagpapaalam muna kita sa mama mo para alam niya kung saan ka sumusuot, liit mo pa naman. Hahaha!" Pang-aasar niya habang patuloy sa pagtawa. Inirapan ko naman siya at tumingin sa paligid.. Magdidilim na pala.. Kailangan na namin umuwi. Malilintikan na ko sa Nanay kong marites. Ano kayang ulam naming chismis tonight?
"Uwi na tayo, Liandre. Magdidilim na." Bulong ko sa kaniya. Excited ako sa chismis ni Mama! Kailangan ko na umuwi, 'no. Chismis over everything!
"Hatid muna kita, Thalia. Para sigurado akong safe ka." Sagot niya. Binitbit niya ang mga gamit ko. Ang bag ko ay nakasabit sa dalawa niyang balikat. Ang cute tignan! Pink pa naman ang bag ko. Ang ilan naman sa mga libro ko ay hawak niya sa kaliwang braso niya.. Ang pulso ko naman ay hawak ng kanang kamay niya.. Hindi na ako mapakali.. Habang tumatagal ay pabilis nang pabilis ang pintig ng puso ko.. Crush ko nga talaga si Liandre.. Sana hindi siya magkagusto sa iba.. Maganda naman ako, funny pa. Aba! Eh hindi naman na siya lugi sa akin. Ako na lang  beh! I can be a clown. Corny ampota, ayaw ko na nga!
-<3♡

Book Comment (103)

  • avatar
    Jahziel Salvador

    sweet

    16d

      0
  • avatar
    AcebedoJessiett

    join

    17d

      0
  • avatar
    Jhay Ar Almano

    salaman

    20d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters