logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5

Chapter 5
Third Person’s POV
Kahit pa sa labas ang mga ito nagtungo ay nakikita pa rin ng mga kaibigan nila ang kanilang ginagawa sapagkat salamin lang naman ang pagitan nito. Unang beses magtanong ni Crisha kay Caloy kung kaya’t may pagtatakang bumabalot rito. Isa pa at hindi naman sila masyadong magkasundo.
Knowing each other’s attitude, hindi na talaga talo. Parehong tahimik at tila ba nakakatakot lapitan o kausapin manlang.
“I just want to ask if how many items were given every round?” Caloy knows that she talked to him not because of that. He’s not dumb. But he’ll just ride with her trip.
“As far as I remember, 10 in easy and average. Then, 6 in difficult.” Umikot pa siya rito at tila nag-isip at binulungan siya, “Be straight to the point.” He smiled.
“Okay okay,” Crisha said.
“Do you like her?” she asked. “Why did you ask?” Caloy responded back with another question.
“I can help you with her! It’s not that I like you for her but you know, both of you are compatible with each other,” Crisha said. It seems that this line is the longest statement he heard from her, he said in his mind.
“Kanino ba?”
“You know who I am referring to! Of course, Angel! Alangan namang ako, hindi ba?! Wag kang magtanga-tangahan diyan!” she shouted in a low voice since she wants this conversation to be private.
“I don’t need help, but thank you for your offer. Tara na lang sa loob.” Caloy offered his hands to go back to their seats.
“I am not doing this for you, okay? Just admit that you like her,” she said, refusing to go back.
“Bakit mo ba ako gustong tulungan? And yes, I like her. But why? You don’t like me, right? So, you should not want me for your friend.” Hinarap niya si Crisha at tinitigan sa mata. Naghahanap ng kasagutan.
“Let’s just say that someone I treasure owes you one.”
“Okay, gawin mo kung ano ang gusto mo. Tara na, hinihintay na nila tayo.” Tinanggap n ani Crisha ang kamay nito nang ilahad ito ni Caloy.
Angel’s POV
Anong nangyayari?
Hindi naman sa may pakielam ako sa pag-uusapan nila pero nakakapanibago kasi na si Crisha hihingi ng pabor? Sa taonga yaw niya? Baka dahil sa nakain niya yun. O kaya baka naman na- consider niya na si Caloy and his friends as her friends!
“Awit naiwan tayong mga bobo rito,” sabi ni Jasper pagkalabas nina Caloy at Crisha. Nagulat na lang ako nang biglang tumayo si Paulo noong narinig niya iyon.
“Oh, bat ka umaalis?” tanong ni Dave rito.
“Iwan ko na muna kayo, CR lang ako, matalino kasi ako eh,” sabi ba naman nito na siyang nagpatawa sa’ming lahat.
“Gag00! Maiwan ka rito, diba muntik ka nang hindi magmoving up last school year?” biro nitong si Jasper.
“Payag ka ginaganyan ka, Paulo? Gantihan mo! Gusto mo ako na sasapak!” kantyaw naman nitong si Zoey.
“Hahaha sige una na talaga ako, hinihintay na ako ng cr! Tsaka hindi ako bobloks!” sabi nito at tumakbo na papuntang cr.
Nagkaroon na kami ng kani-kaniyang mundo pagkatapos umalis ni Paulo. Sina Aleah at Dave ay as usual, magkausap sa baagy-bagay. Samantalang si Jasper at Zoey naman nag-aaway na naman.
Habang kumakain ay napatingin ako sa dalawang mukhang tapos na ata mag-usap. Parang napakaseryoso ng pinag-usapan nila kasi hanggang ngayon ay walang emosyon sa mukha nila. Nang makita kong papasok na sila ay iniwas ko ang aking tingin. Hindi po ako marites huhu.
Pagkarating nila ay agaran silang umupo sa kani-kanilang upuan. “Saan si Paulo?” tanong ni Caloy nang maramdaman niyang wala si Paulo sa kaniyang pwesto.
“Sa CR, pabalik na rin yun.” Sumimsim ako ng cokefloat.
“Tungkol saan pinag-usapan niyo kanina?” Napansin ni Zoey ang presensya ng pagbalik ng dalawa.
“Chismosa ka?” tanong naman ni Jasper. “Hep hep! Nag-aaway pa rin kayo?” biglang sipot ni Paulo.
“Naghugas ka manlang ba ng kamay?” biro ni Caloy rito. “Tanga syempre! Amuyin mo pa kamay ko.” Inilapit naman ni Paulo kamay nito sa mukha ni Caloy kung kaya’t umiwas si Caloy. “Bwisit.”
Nailing na lang ako sa asaran nila at nagpatuloy na lang sa pagkain nang mapansin kong tahimik si Crisha at hindi pinapansin ang kaniyang pagkain. Nakatulala lang.
“Crisha, Okay ka lang ba?” siko ko sa kaniya.
“U-hm, yes yes, of course,” sagot nito sa akin at ngumiti nang kaunti.
“Sure? Ayaw mo ba sa pagkain mo? Order ka iba.”
“Hindi, I’m good with these, pagod lang ako.” Tumango na lang ako rito at hindi na siya kinulit kahit pa pakiramdam ko ay mayroong kakaiba sa kaniya.
Crisha’s POV
I know that I am not okay. I wasn’t feeling okay. Our conversation earlier brings back the feeling of disappointment, anger, and pity with her that until now, I regretted doing. If I know, If I only know, I should’ve understood her, I should have been with her… But now, she’s gone. The only thing I can do is to make this… ang tulungan ang taong nagawan niya ng isang “kasalanan.”
They are currently having fun with each other and here I am. Silently listening and observing how happy they are. Well, I am not. But I know that tomorrow this kind of feeling will disappear. It’s just that there’s something in him triggers my mind.
“Tara na ba? Anong oras na!” Nagulat ako sa sigaw ni Zoey kung kaya’t tila ba bumalik ako mula sa pagkakawala sa sarili. Nagkatinginan kami ni Caloy na tila ba nagtataka ngunit lumipat rin kay Angel ang tingin nito. I can see in his eyes the admiration. They suit each other, huh.
“Oo, Anong oras na rin, baka pagalitan na ako ni mama niyan,” Angel said.
I looked at my lockscreen and 10:51 P. M. na rin. For sure my dad’s looking at me na. He’s very strict unlike my mom who even wants me to go home late to enjoy my youth.
“Arat na! Kila Paulo na siguro ako sasabay, ha?” ani Jasper at lumapit sa dalawa.
“Buti naman naisip mo yan, noh? Ayaw ka naman kasi naming kasabay, sumasabay ka pa!” sabi ni Zoey at napailing na lang kaming lahat.
“‘Di mo sure… baka pati ikaw ayaw nilang isabay.” Ngumiti si Jasper dito nang may pang-iinis.
“Gag0! Iniinis mo gabi ko, alam mo yon? Nako tara na nga!” Nauna nang lumabas si Zoey at sumunod na lang kami rito.
Angel’s POV
Nagpaalam muna kami sa isa’t isa bago kami umalis. Kaslukuyan kami ngayong nasa byahe pauwi. Papunta muna kami sa Bahay ni Crisha upang unang ihatid ito. ‘Di tulad kanina ay maayos-ayos na ang mukha nito ngayon. Mas tahimik na rin ngayon kasi walang kainisan si Zoey na ngayon ay nakatulala sa labas.
“Naubos na ang luha at mga salita siguro'y 'di sapat aking pagmamahal
Ito na ba ang hinihintay ang pagwawakas ng paglalakbay
Lahat nama'y ibinigay ngunit balewala lang kaya paalam
Kailangan na yatang harapin na ito ay 'di para sa atin
Mahirap man na tanggapin hanggang dito lang tayo ito na ang dulo (ito na ang dulo)
Bibitawan at palalayain ka kasama ang pangako't alaala
Ngunit hindi kita pipilitin hahayaan ko na lang ito 'yong mapansin”
“Hindi naman kayo brokenhearted na dalawa, noh?” tanong ko kina Dave at Aleah. Pinatutugtog kasi nila ang DULO by THE JUANS.
“Ha? Hindi, maganda lang kasi yan”
“Hindi naman ako namili ng kanta”
Sabay na sabi ni Aleah at Dave at natawa pa ang mga ito. Ngunit ang napansin ko talaga ay ang paghahawak nila ng kamay. Parang nung nakaraan lang lq lq pa sila eh may ‘hindi ako gusto nun’ tas deny pa kanina tas ngayon, holding hands? Tss ayoko na talaga sa mother earth HAHAHAH joke.
Napansin ko ring nakatulog na pala yung dalawa at kami nalang nina Aleah at Dave ang gising. Nakakapagod nga rin naman talaga na nakaka-enjoy.
Mag-eenjoy pa rin kaya ako kapag sinermonan ako ni mama? May pasok pa naman bukas tas gagala kami ng linggo, gagabihin pa! Yari ako nito! Paalam ko hanggang 10 P. M. lang pero 11 P. M. na huhuhu.
Nakapasok na rin kami sa subdivision kung saan nakatira si Crisha kung kaya’t ginising ko na ito. Mabilis naman itong nagising at nagpaalam na rin.
Hindi naman kalayuan ang bahay naming kila Crisha kaya sunod na akong inihatid. Kitang-kita ko pang nakabukas ang ilaw sa sala. Hinihintay ako.
“Angel, ihahatid pa sana kita sa loob kaso baka konyatan ako ni tita, chat mo na lang kami kung sinermonan ka ba, ha? Bye!” sabi ni Dave na tila ba takot na takot kay mama. Sinong hindi? Sa tingin pa lang niyan parang sinusunog ka na.
“Bye! Abangan mo! Gagawa ako gc para sa’ting lahat kasama yung crush mo tsaka tropa nung tukmol na Jasper! Sa susunod kamo ulit sabihin mo kay tita! Hahahaha joke!” paalam sa akin ni Zoey.
“Bye! Ingat kayo!” sabi ko na lang sa mga ito.
---
Pagpasok ko sa bahay ay bumungad agad sa akin si mama. “Aba bata ka bakit umuwi ka pa? Anong oras na, ah? Sino yung naghatid sa’yo? Si Dave ba yon? Aba yung batang iyon isusumbong ko iyon sa tatay niya at anong oras na nasa galaan pa rin? Hindi niyo manlang naisip na may pasok bukas at may mga nag-aalala sa inyong mga bata kayo? Mga 16-18 years old pa lang kayo ay kung saan---”
“Ma! I’m sorry, ma!!”
Mukhang mahabang sermonan ito, ah??

Book Comment (12)

  • avatar
    Maria Salvador

    wow

    14d

      0
  • avatar
    lerivalawrence

    di ko pa nababasa ang buong kwento pero sa smmary palang ay kPanapanabik na... i think i enjoy this new story.. 😊😊😊♥️♥️♥️

    04/07

      0
  • avatar
    James Raises

    awesome ❤️

    30/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters