logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter Five: At the mall

                   
Inis na napaupo si Zei sa kama ng kanyang kwarto, puno ng pahihimutok ang kanyang dibdib,
"TSS!! Di man lang natuloy lakad namin epal talaga yang chaperone na yan ni Norien nakakaramdam na ko ng inis sa kanya sa totoo lang." Galit na kanyang turan. "Sana di matuloy yang party na yan para makaganti sa pag epal n’ya ng makalayas kami mamaya.
A couple of hour her phone ring.
Its her mom.
"Di ko pa pala napapalitan sim ko siguro naman di pa nila alam na tumakas ako para matrack nila ang kinalalagyan ko." Mahinang usal ni Zei bago sagutin ang tawag.
"What?" Bungad agad ni Zei sa kabilang linya. 'Bastos ko ba eh sa galit ako eh.., di man lang kasi nya ako tulungan na tanggihan ang basta na lang ideneklara ni lolo , umayon nalang sila sa plano ng matandang yun.' Salitang naglalaro sa utak ni Zei,
"(Umuwi kana iha., alam kong umalis ka ng bahay , at natatago kung san man, malalagay ka sa panganib sa ginagawa mo pati kami ng pamilya mo.,)"her mom say.
"TSS! Kaya ko ang sarili ko kaya wag ka ng mag alala , sige bye bye na. Lagi kayong mag-iingat" matapos n'yang sabihin ’yon, tinapos n'ya na agad ang tawag.
Pagkapatay ng linya, ini-off nya ang kanyang phone, tinanggal n'ya agad ang sim at tinago kasama ng kanyang mahahalagang gamit.
Kinakailangan n’yang bumili ng bagong phone. At ilipat d'on ang number ni Norien. Dali dali s’yang lumabas ng kanyang condo at pumunta sa bahay ni Norien.
Ilang minuto na ang nakalipas at gaya ng nais ni Zei nagdilang anghel nga s'ya dahil bukas pa ang gaganaping pagtitipon.
Kasalukuyang kausap ni zei si norien ng mga oras na 'to at nagbabalak lumabas para magshopping at bumili ng damit para sa gaganaping pagtitipon.
Tinawagan na din n’ya ang mga kaibigan ng kanyang kapatid para sama sama sila.
Samantala nababagot namang pinagmamasdan ng isang pares ng mga mata ang dalaga.
Masyado pang maaga kaya may oras pang makapaglakwatsa ang bantay n’ya.
                                       ***
Chaperone pov.'
Tigas talaga ng ulo ng impaktang to napaka init pa oh! 3 palang ng hapon gagala talaga.
At dahil sa wala akong magagawa nagbihis na rin ako, simpleng t-shirt lang na pinatungan ko ng jacket na may hood saka jeans, ilang dagger ang isisuksul ko sa bulsa ng jacket ko sabay labas ng kwarto.
"Saan ang lamay mo?" Tanong ng impaktang ’to.
Naka all black lang naman kasi ako , so paki nyo?
Kung ikaw kaya ang patayin ko ng may mapaglamayan ako, nilampasan ko nalang s’ya at derestso sa garahe ng matingnan ang motor ko , Malay n’yo may tumaydor sakin at mawalan ng preno ang sasakyan ko.
Alam kong sinusundan nila ako ng tingin lahat , speaking of lahat andito lang naman yung mga asungot na mga lalaki kanina sa school.
---
Nauna silang umalis at nakasunod lang ako , kahit na ng nakarating na sila sa mall ay dumistansya lang ako sa kanila , ayaw kong mapagdiskitahan na naman ng impaktang yun, baka di na ako mapagpigil.
Pumasok sila sa isang boutique at namili ng dress, ganun din ang ginawa ko, tumingin tingin.
Napansin kong kausap ng impakta ang guard ng naturang boutique.
Hmm!!! I smell something trouble here.
May nakita at nagustuhan na akong dress at ipinadelever ko na agad ito dapat mauna yun kaysa samin baka sirain lang ni impakta.
Naglibot libot pa rin ako at pasulyap sulyap sa grupo nila impakta.
Nakita ko narin na idedelever na yung dress na binili ko, at kasabay nun ang paglapit sakin ng guard , tatlo pa sila ha.
Buti nalang at iniwan ko yung mga dagger sa bike ko.
"Excuse me Ma’am, Maari ka po bang sumama sa’min sa private office po, may reklamo po kasi sa inyo, salita ng isa habang sinusuri naman ako sa katawan ng isa." turan ng guard
Kapkapan ba talaga ako, eh kung sampalin ko kaya ng 10billion ang pagmumukha ng mga to.
Pinagtitinginan na tuloy ako ng mga tao.
Grabe shop lifter lang ang peg ko.
Hayop sa damo!
Ngingisi ngisi naman ang impakta ng lingunin ko.
Sige, mag saya ka tang ina! May araw ka rin.
Di naman siguro mapapahamak ang impaktang yun diba!? May kasama naman at alam kong di nila pababayaan ang babaeng yun.
Kinakailangan ko pang tawagan si Tita Mom dahil ayaw akong paniwalaan ng head ng mall.
At sa wakas nakaalis na rin sa punyetang office na yun.
Deretso na kong umuwi at binaliwala ko muna ang pagiging alalay ko.
Inabutan kong nakaabang ang isang maid na para bang ako ang inaantay.
"Young miss meron pong sulat para sainyo, at ipagpatawad n’yo po na pumasok ako sa inyong silid para mailagay yun, kasabay po ng isang karton na nakapangalan po sainyo.
Gaya po ng ipinaguutos nyo na kung meron mang dumating na para po sa inyo ilagay ko po sa inyong silid." Nakayukong turan ng maid.
"Salamat" maikling salita na nagpangiti sa kanya.
Tss! Minsan lang kasi ako magsalita kahit na kasama ko sila.
Agad akong tumuloy sa kwarto ko at binasa ang sulat.
Nagbihis lang ako at umalis ulit .
Tutal wala pa naman yung impaktang babaeng yun , 5 palang at maaga pa para makarating sa kanya.
                                           ***
Samantala sa loob ng Mall, Matapos ang kaganapang ginawa ni Norien sa kanyang alalay, isang matagumpay na ngiti ang nangibabaw sa kanyang labi.
Alas nuebe na ng gabi nakauwi ang grupo nila Norie dito sa bahay nila, kakatapos lang din nilang kumain ng dinner , nag kukwentuhan habang nagpapabababa ng kinain, balak din dito matulog ng kanyang mga kaibigan, wala namang kasing problema sa Mommy ni Norien, dahil may tiwala naman sila sa pamilya ng mga binata at itinuturing na rin naman nila itong mga anak, mas mabuti nga daw na andito ang mga binata para may kasama si Norien dahil wala at umalis kanina yung chaperone nya.
Movie Marathon ang peg ng grupo, pasado alas dose na nang madaling araw pero di pa rin umuuwi yung alalay ni Norien, at mukhang balewala naman iyon sa dalaga ’di man lang mahihimigan ng konting pag aalala.
Nakatulugan ng grupo ang panonood. Maaga pa rin nagising ang grupo sa kabila niyon.
"Hindi umuwi ang chaperone mo kagabi Norien?" Tanong ni Crane.
"’Di kaya nasa kulungan na nang magsinungaling ka kahapon?" Sabat ni Rox.
"Akala ko nga din, pero sabi nung isang maid namin nakauwi daw ng bandang alas singko, pero umalis agad, Mabuti nang wala yun dito nasakit lang ang mata ko." Sagot ni Norien.
"Grabe ka naman Norien, wala naman ginagawang mali ’yong tao, ’di ka pa rin nagbabago." Turan ni Felix.
"Tapos?" Sagot ni Norein.
Dahil sa walang habas na sagot ni Norein, hindi nalang sila kumibo lahat.
---
Kanya-kanya silang paghahanda para sa pagtitipon na gaganapin mamayang gabi.
At gaya ng sabi ng mommy ni Norein sabay sabay silang lahat pupuntang party para safe, lalo kung magkakasama sila.
Oras na ng pagtitipon, Matapos masigurong ok na ang lahat. Lumabas na nang kanyang silid si Norien at Zei.
"Siguro naman ’di makakapunta dito ang chaperone ko , dahil pang mayaman lang ang party nato." Isang ngiting puno ng tagumpay ang namutawi sa kanyang labi ng hamakin n’ya ang kanyang alalay.
Walang isa man ang sumagot sa kanyang tinuran.
"Wow! Ang ganda mo talaga norien!" Humahangang turan ni Crane. Dahil sa kay Crane biglang nagbago ang simoy ng hangin.
"Oy! Crane wag ako, iba nalang ang gamitan mo ng pagkaplayboy mo, tatalunin mo pa ako, saka matagal na akong maganda diba zei?"
Crane lang talaga ang kanyang tawag sa kabila ng agwat ng kanilang edad, dahil sa grupo nila si Raven at kuya Nick lang ang tinatawag ni Norien ng kuya.
"Naman ikaw yan eh! May makakatalo pa ba?" Sagot ni Zei.
Kasama rin si Zei. Maganda rin naman si Zei at di magpapatalbog ang porma.
Hindi masukat ang paghanga ng mga tao nang makarating ang grupo sa naturang pagtitipon.
Ang hot naman kasi ng mga ito, lalo na si Raven mas nangingibabaw ang kagwapuhan nya.
Kung inaakala ng lahat na sila na ang grand entrance ay malaking hindi.
Dahil naagaw ng babaeng papasok ang atensyon ng lahat.
"What the hell?"
___

Book Comment (73)

  • avatar
    Marc C Taguinod

    hello

    26d

      0
  • avatar
    Maricor M. Barbolino

    Maganda ang story mo, more action novels pa 😊

    02/08

      0
  • avatar
    Claress Mabaet Hinnag

    thx din po😊

    19/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters