logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5

Halos mamilog ang mata ko sa sinabi niya. Ha? Bakit daw? For what? Hindi ko siya maintindihan. Anong gusto niyang sabihin?
Bago pa siya makalayo ay nagsalita ako, “Ingat po kayo.”
Tiningnan ko naman si manang Azul, malawak ang kaniyang ngiti. “Ikaw na bata ka, napapalapit na ang loob mo kay Kiyan”
“Po? Sadyang magaan lang talaga po ang pakiramdam ko sa kaniya. Hindi naman po gano'n kasama ang ugali niya.” Tinapik niya naman ang balikat ko.
“Tara na sa pahingahan at wala naman nang masiyadong gagawin dito,” yaya niya kaya kumapit ako sa braso niya at sabay kaming naglakad papunta sa likod ng mansiyon.
Nagpahinga muna ako saglit. Natutulog din si mama, kaya umakyat ako sa upper side ng double deck at natulog na rin. Paggising ko ay maliwanag ang ilaw. Kinusot ko naman ang mata ako at bumangon. Anong oras na ba? Halah alas-otso na. Pa'no pa ako makakatulog mamaya? Hindi man lang ako ginising ni mama.
Tumayo ako at kaagad na lumabas. Dumiretso ako sa kusina at naabutan ko naman silang kumakain. “Oh, nak mabuti naman gising ka na. Kanina pa kita ginigising ayaw mong bumangon. Hindi ka na makakatulog mamaya,” sermon ni mama.
*Kasalanan ko pala, tulog mantika.*
“Okay lang po.”
“Kain ka na,” yaya pa ni manang. Kaya kumain na rin ako. Nagke-kwentuhan naman sila sa kani-kanilang buhay. Nalaman ko na si manang Azul ay more than 20 years nang nagtatrabaho rito. Sina ate Zoey at ate Lea naman ay wala pang isang taon.
Naiwan naman kaming tatlo nina ate Zoey at ate Lea para maghugas at magligpit nang pinagkainan. “Criza, nag-aaral ka sa kolehiyo?” tanong ni ate Zoe.
“Opo, te. Graduating na ako next year. Isang taon na lang po...” Ipinagpatuloy ko naman ang paghuhugas. “Zoey na lang itawag mo sa'kin. 2 years lang naman tanda namin sa'yo,” aniya.
“Oo nga, kahit Lea na lang din akin. Maka-ate ka naman pinapatanda mo 'ko lalo, e.” Nagtawanan naman kami.
“Ano pa lang inaaral mo ngayon?” dagdag na tanong ni Lea.
“BS in meeting and event management.”
“Ano nga 'yon? 'Yong ba 'yong mga nag-aayos ng events, plano tapos 'yong nagde-design, gano'n?”
“Opo, maayos naman 'tsaka na-e-enjoy ko naman po.”
“Mabuti ka pa. Kung maka-dalawang taon na ako rito. Mag-aaral din ako kahit 2 years course lang,” sabi ni Lea. Hindi kasi nakapagsimula sa kolehiyo at tanging highschool lang daw.
Matapos naming mag-kwentuhan ay isinara na rin namin ang mga pintuan. Lalo na 'yong mga small doors para walang makapasok na masasamang loob. Kami na rin ang nagpatay ng mga ilaw sa baba. Iniwan lang naming bukas ang chandelier sa may main living room. Dahil uuwi rin naman sina sir.
“Naiihi na ako,” sabi ni Lea. “Mag-cr ka muna, kami muna ang mag-aabang kina sir,” sabi ni Zoey. Umalis na si Lea at dumiretso sa banyo.
Nandito kami ngayon sa tapat ng mansiyon. May round table ito at nakatapat sa pool. Naupo lang kami habang nakatingala sa ulap. Ang ganda ng view rito kapag gabi. Lalo na do'n sa may entrance para siyang Japan dahil may mga lights pa.
“May boyfriend ka na, Criza?” napatingin naman ako sa tanong ni Zoey. Ngumiti naman ako. “Wala po, no boyfriend since birth, ikaw ba?”
“Meron, nasa probinsya nga lang 3 years na kami. Nagkakausap naman kami sa cellphone kaya ayos lang sa'kin.”
Hindi ko pa naranasang magkaroon ng boyfriend. Ano bang feeling? Gusto kong itanong 'yon pero iniiwasan ko na lang dahil hindi rin naman ako handa.
“Bakit hindi ka pa maghanap?” tanong niya. “Hindi rin naman ako handa, e. 'Tsaka baka maging sagabal lang 'yon sa'kin. And one more thing hindi ko pa po nararanasan ang love na 'yan.”
“Asus! Magugulat ka na lang one day inlove ka na,” pang-aasar niya pa, hinayaan ko na lang siya at tumawa.
Dumating na rin sina ma'am Eunice kaya sinalubong namin sila. “Good evening po,” bati namin ni Zoey. Hindi pa rin bumabalik si Lea baka na-stuck na sa cr. Natatawa ako sa sarili kong iniisip.
Ngumiti sa'min ang mag-asawa. Karga-karga ni sir August si Ice habang natutulog ito sa kaniyang balikat. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makapasok sila ng mansiyon.
“Pasok muna ako, Criza. Ikaw muna rito. Sundan ko lang sila para mabuksan ko mga ilaw.”
Kaagad na sumunod si Zoey do'n. Hindi pa ako makaalis dahil nag-park pa si sir Kiyan ng sasakyan do'n sa may garage. Naupo muna ako sa stairs dito sa labas habang hinihintay siya.
Seryoso namang naglalakad si sir Kiyan papunta sa direksyon ko. “Bakit hindi ka pa natutulog?” tanong nito nang makita ako kaya napatayo ako kaagad.
“Alas-otso na po ako nagising kaya hindi rin po ako inaantok,” sabi ko. Tumango muna siya bago pumasok sa loob ng mansiyon. Hindi pa naman ako inaantok kaya naglibot muna ako sa garden may mga ilang bench rin pala ang nandito. P'wede namang maglibot dahil nagtatrabaho kami rito at gabi na rin.
Naupo muna ako sa bench. Grabe parang ang sarap tumira rito habang buhay, kung ganito kaganda ang bahay ko hindi na ako aalis ng bahay.
Napatingin ako sa relo ko. Mag-aalas diyes na pala. Ang bilis ng oras pero parang ang daming naganap ngayong araw.
“You're here,” nagulat naman ako sa nagsalita. Bakit ba bigla-bigla na lang siyang sumusulpot? “Sir, para kayong kabute,” sabi ko. Umupo naman siya sa tabi ko. Nakabihis ito ng white shirt at sweat pants.
“What?”
“Bigla-bigla po kayo sumusulpot. Kinakabahan ako sa inyo, e.” Natawa naman siya sa sinabi ko.
“Can you stop using po and opo? Also, you can just call me Kiyan not sir...” Mabilis akong umiling.
“You're my boss, sir. So—”
“I said so.”
“Hindi po ako sanay since you're my boss, sir,” sagot ko sa kaniya. Bumuntong-hininga na lang siya. “Bakit hindi pa po kayo natutulog?” tanong ko sa kaniya.
“I'm not sleepy,” maikli niyang sagot. Taka naman akong tumingin sa kaniya. “Mukha namang party 'yong pinuntahan niyo, sir. Bakit hindi ka ba napagod do'n? Siyempre magsasaya ka.”
“It's just a dinner. But, meron ding mini bar kung saan kami nag-party and I can't enjoy there.” Kung ako siguro galing sa mga ganiyan ay mapapagod na kaagad ako at bagsak kapag umuwi na.
“You're so boring po. Hindi mo po alam ano magpapasaya sa'yo e, 'no?”
Nakatingin lang siya sa malayo at biglang humarap sa'kin. “Alam ko kaya,” reklamo niya. Pinanliitan ko naman siya ng mata. “Ano nga po? Kahit isa magbigay ka. Minsan kasi kailangan mong tumawa para humaba ang buhay!” masigla kong sabi.
Pangiti-ngiti siya sa mga sinasabi ko. “You're joking right?” tanong niya pa. “Yie, ngumiti. Hindi ako nagbibiro. Kapag puro ka kasi kalungkutan mabilis kang tatanda,” kwento ko pa.
'Yon kasi ang laging sinasabi ni mama sa'kin. Kaya ito ako, araw-araw maganda.
"Silly."
Nagulat ako nang isandal niya ang ulo niya sa balikat ko. “Let me rest for few minutes, please?”
“Ayoko, baka makatulog ka po d'yan. Hindi po kita bubuhatin papunta sa kwarto mo. Ang bigat mo kaya.”
Hindi na siya nagsalita kaya nanahimik na lang din ako. Baka nga napagod siya at ayaw niya lang matulog sa kwarto niya. Kaya mas pinili niyang matulog sa garden. Eh kung iwan ko na lang kaya siya rito? Joke lang baka bukas wala na akong trabaho.
Napatingala naman ako nang kaunti sa ulap. Halah! May shooting star! 'I wish, my love ones have happy life'
“Criza, do you have a boyfriend?” biglang tanong ni sir Kiyan. “Me? Bakit po? Interesado kayo?” biro kong tanong.
Bigla naman niyang iniangat ang ulo niya at umayos ng upo. “I'm just asking.”
“Wala po akong boyfriend. Wala naman akong interes sa mga ganiyan.”
“Bakit naman?”
“Secret, sir.” Nakita ko naman ang pag-ngiti niya.
Bigla naman siyang nagsalita upang magtambol ang mga puso ko, “I don't have a girlfriend.”
Napaismid ako. Hindi ko naman tinatanong

Book Comment (40)

  • avatar
    GajeRichard

    nice story

    08/08

      0
  • avatar
    Hajj Jameel Acob Dimaampao

    good

    22/07

      0
  • avatar
    Shein Jamar

    beautiful

    21/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters