logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 1

Nakatayo si Ashley sa labas ng kanilang bahay, bihis na bihis. Hinihintay ang pagdating ni Kanor. Hinatid nito ang kaniyang ama sa hospital na pinagtatrabahuan nito. Dinukot niya mula sa kaniyang sling bag ang kaniyang cellphone at kinunan ng litrato ang kahel na kalangitan.
Tumigil sa tabi niya ang isang puting taxi at iniluwa si Lenon. Hindi siya naka-imik ng bigla siyang yakapin ng binata.
"Lenon, anong problema?" puno ng pag-aalala niyang tanong nang siya'y makabawi.
Trumiple ang kaniyang pag-aalala ng maramdaman niya ang pagkabasa ng kaniyang balikat.
"Hey! What's wrong?"
Sa ikalawang pagkakataon, wala siyang nakuhang sagot. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa kaniya ni Lenon. Marahan na lamang niyang hinagod ang likod ng binata.
Pagkaraan ng ilang minuto, kusang humiwalay si Lenon. Inabot niya ang dalawang palad ni Ashley at hinawakan ito nang mahigpit. Tinitigan niya si Ashley nang nangungusap, nagsusumamo, at nagmamakaawa.
"Ash, mahalin mo naman ako oh."
"Huh?" alanganin siyang tumawa. "Mahal kita, Lenon."
Umiling siya. "Not as a friend, Ash, but as a guy, as a man. Please."
Natigilan si Ashley.
"I'm sorry, Lenon. Pero, kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo," saad ni Ashley sa mababang tono.
Dahan-dahang binitawan ni Lenon ang mga palad ni Ashley na tila ba nawalan ng lakas ang kaniyang mga kamay. Kasabay nito ang muling pagpatak ng mga luha sa kaniyang mga mata. Napahakbang siya paatras at umiwas ng tingin. Pilit nilalabanan ang kaniyang mga luha, subalit ayaw ng mga itong tumigil.
"Bakit? Bakit hindi mo ako kayang mahalin?" wika niya sa basag na boses. "Bakit hindi niyo ako kayang mahalin?" malakas niyang sigaw dahilan para mapunta sa kanila ang atensiyon ng mga taong dumaraan.
May mali. Ramdam iyon ni Ashley. "Lenon—" bago pa man niya matapos ang kaniyang gustong sabihin, nakatalikod na ang binata at mabilis na naglakad paalis. "Lenon, sandali!"
"Lenon!"
"Lenon!" Hinuli niya ang palapulsuhan ng kaibigan at sapilitan siyang pinaharap sa kaniya. "Aminin mo nga sa akin, may problema ka ba?"
"Itong buhay ko."
Natigilan si Ashley. Sandali siyang hindi naka-imik. Marahas na binawi ni Lenon ang kaniyang kamay dahilan para matauhan ang dalaga.
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"Wala," buntong-hiningang wika ni Lenon at pinunasan ang kaniyang mga luha. Ngumiti siya ng pilit. "Una na ako. May trabaho pa akong kailangang tapusin," malamig niyang turan. "Kalimutan mo na lang ang mga sinabi ko." Mabilis siyang humakbang papaalis.
"Magkaibigan pa din naman tayo, 'di ba?"
Natigil sa paglalakad si Lenon ngunit hindi siya humarap sa dalaga. Dahan-dahan siyang tumango. Tila nagdadalawang-isip.
"Oo naman. Ma-Magkaibigan pa rin tayo," nahihirapan niyang wika.
"Kung ganoon, kung kailangan mo ng kausap, nang makakaramay, kahit na ano. Isang tawag mo lang darating ako. Pangako iyan."
Isang tango lang ang isinagot ni Lenon at tuluyan ng lumisan. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Ashley nang tuluyang maglaho sa kaniyang paningin ang imahe ng kaibigan.
"Ash!"
Agad niyang binura ang pag-aalala sa kaniyang mukha at ngumiti ng matamis bago humarap sa taong tumawag sa kaniya.
"John," sambit niya sa pangalan ng kaniyang kasintahan. "Anong ginagawa mo dito? We're supposed to meet at the park, right?" tanong niya habang naglalakad palapit sa binata.
Ikinulong ni John sa kaniyang dalawang palad ang magkabilang-pisngi ni Ashley at diniinan ito hanggang sa mapanguso ang dalaga.
"What are you doing?" wika ni Ashley na halos hindi maunawaan.
Siniil ni John nang nakalulunod na halik ang nakangusong labi ni Ashley na ikinagulat ng huli. Sandali siyang natuliro, ilang minuto pa'y nagpatianod siya sa sitwasyon. Ipinikit niya ang mga mata at hinayaan ang sariling malunod sa nakakalulong na mga labi ng kasintahan.
"That's your punishment," bulong ni John nang maghiwalay ang kanilang ang mga labi.
Kumunot ang noo ni Ashley.
"For what?"
"For letting other man hug you." Pinakawalan niya ang pisngi ni Ashley at pinagpagan ang harapang bahagi ng kasintahan.
"Alam mo, John, ang awkward nito," wika niya habang inililibot ang kaniyang mga mata sa paligid.
Agad na tumigil si John. Nag-angat siya ng tingin at tinitigan siya ng masama ang kasintahan. Alanganin ngumiti si Ashley at napakamot sa kaniyang sentido.
"Ako na ang gagawa." Agad niyang pinagpagan ang sarili na hindi inaalis ang mga mata kay John. "Okay na?"
Tumango si John at yinakap si Ashley.
"Hey, baka makita tayo ni Nanay Irme."
"Bakit si Lenon, hinayaan mo lang siyang yakapin ka? Ang tagal pa no'n, siguro thirty minutes," parang bata niyang wika dahilan para mapatawa si Ashley.
"Nakita mo lahat." Hindi iyon tanong kun'di isang kompirmasyon.
Tumango ang binata.
"Galit ka?"
"No! Ba't naman ako magagalit?"
"Okay. Okay. Hindi ka na galit. Let me rephrase that. Nagseselos ka?"
Agad na humiwalay si John habang nakahawak sa magkabilang balikat ni Ashley.
"Kaunti?"
"Kaunti lang?"
"Oo na. Nagseselos na ako. Sino ba naman kasi ang hindi. Lalaki pa din si Lenon. Buti nga napigilan ko ang sarili ko. Dahil kung hindi, baka nasapak ko siya."
Ginaya ni Ashley ang ginawa ni John sa kaniya. Ikinulong niya sa kaniyang mga palad ang magkabilang pisngi ng kasintahan at maingat itong diniinan hanggang sa mapanguso si John. Mabilis niyang hinalikan ang naka-ngusong labi ng binata.
"That's your reward."
"Pahra shaan?"
"Sa pagpigil mo sa sarili mo."
"Isha pha."
Mas lalo lumawak ang ngiti sa labi ni Ashley. Muli na sana niyang ilalapat ang kaniyang mga labi sa labi ng binata, nang mamataan niya ang pamilyar na sasakyan na palapit sa kanilang tahanan. Walang pasabi niyang itinulak si John na ikinabigla ng binata. Nabalot ng pagtataka ang kaniyang mukha.
"Nandito na si 'tay Kanor."
Agad na lumingon si John sa kaniyang likuran at nakita ang sasakyan na pagmamay-ari nina Ashley. Napabuntong-hininga siya.
"Wrong timing naman," puno nang panghihinayang niyang wika na tinawanan lamang ng dalaga. "Sisingilin kita mamaya."
Tumigil ang sasakyan sa gilid ng daan, sa mismong harap ni Ashley. Bubuksan na sana niya ang pinto ng shotgun seat ng nagmamadaling bumaba si Kanor.
"Pasensiya ka na, iha. Ang sama ng tiyan ko. Pwede bang mag-taxi ka na lang muna? Ay! Mauna na ako." Dali-dali siyang tumakbo papasok ng bahay habang nakahawak sa kaniyang pwetan tila pinipigilan ang pagsabog ng kaniyang sama ng loob. Napatingin si Ashley kay John. Nakangising itinaas ng huli ang kaniyang mga balikat.
"Let's go?"
"Ipasok na muna natin itong sasakyan. Baka mamaya-maya pa makalabas ng c.r si 'tay Kanor."
"May point ka."
Sumakay sa driver seat si John at imenaneho papasok ang sasakyan.
"Let's go."
Inabot niya ang palad ni Ashley at magkahawak-kamay silang lumabas ng bahay. Tahimik silang naglakad papunta sa
Honda NC700X ni John na nakaparada hindi kalayuan sa bahay nina Ashley.
Inabot ni John ang pink na helmet na nakasabit sa handlebar.
"Hindi halatang hindi ka handa. Kung hindi ko lang alam na walang alam si 'tay Kanor sa relasyon natin, iisipin kong planado mo 'to," wika niya habang isinusuot sa kaniya ni John ang helmet.
Ngumisi lamang si John at mabilis na ninakawan ng halik sa labi ang dalaga dahilan para mahampas siya ng huli sa balikat.
"Aray! Ba't ba? Sinisisingil ko lang naman ang utang mo sa akin," tumatawang wika ni John.
Muli siyang hinampas ni Ashley.
"Pilyo mo!" wika niya na abot hanggang tainga ang ngiti.
"Sa'yo lang."
Umupo si John sa motor at isinuot ang kaniyang helmet.
"Bakit, may iba pa ba?" Makahulugang tanong ni Ashley.
Natigilan si John.
"Just kidding. Alam mo, feeling ko mas better kung susundin natin si 'tay Kanor. Taxi na lang tayo?"
"Wala ka bang tiwala sa akin?" seryosong saad ni John.
Tinitigan siya ni Ashley sa kaniyang mga mata.
"Meron. Malaki. Sa pagmamaneho mo wala. Kaskasero ka kaya!"
Kumurba ang mga labi ng binata. Inabot niya ang kamay ni Ashley at hinila palapit sa kaniya ang dalaga.
"Don't worry. Walang mangyayaring masama sa atin. Akong bahala."
"Fine," buntong-hiningang wika ni Ashley. Umupo siya sa likod ni John at kumapit sa laylayan ng kaniyang damit sa magkabilang tagiliran. "Nah, it's safer this way." Mahigpit niyang ipinulupot ang kaniyang mga braso sa tiyan ni John.
"Let's go!" masiglang sigaw ni John.
Napapikit nang mariin si Ashley kasabay ng paghigpit ng kaniyang pagkakayakap sa binata.
...
"Kanor, tingnan mo ito. Dali," masayang wika ni Irme.
"Ano ba kasi iyan? Nakaalis na ba sina Ashley?"
Tumayo siya sa tabi ng kaniyang asawa at tiningnan ang nais nitong ipakita. Iyon ay mga larawan nina Ashley at John na palihim niyang kinunan kanina.
"Kailan kaya sila aamin, ano? Bagay talaga sila." Nakangiting wika ni Irme.
"Oo nga. Sandali. Aray." Muli siyang tumakbo papasok sa banyo.
Naguluhan si Irme.
"Totoo ba iyan, Kanor? Akala ko parte iyan ng usapan ninyo ni John? Ano ba kasing kinain mo?"
...
Umupo si Ashley sa malapit na sementadong bench sa gilid ng maliit na pathway. Nasa parke sila at tinatahak ang daan patungo sa kanilang "secret place".
"Pakiramdam ko may mali kay Lenon," bigla niyang wika.
"Anong ibig mong sabihin?" Tumabi siya kay Ashley, umakbay at isinandal ang ulo ng dalaga sa kaniyang dibdib. Marahan niyang sinuklay gamit ang kaniyang mga daliri ang mahaba at itim na itim na buhok ng kasintahan.
Napangiti si Ashley dahil dito. Dama niya ang init ng katawan ni John at dinig na dinig ang tibok ng puso niya.
Naglalaglab ang kalangitan, nilalabanan ng araw ang marahang pagyapos ng kadiliman sa buong paligid.
Napabuntong-hininga si Ashley at ibinaling ang mga mata sa obra maestra ng kalikasan.
"Alam mo iyon, parang may pinagdadaanan siya."
"Lahat tayo may pinagdaraanan." He chuckled.
Umayos ng upo si Ashley at tinitigan ng masama ang kasintahan.
"Ano?" tumatawang saad ni John habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko.
Pinalo ni Ashley ang braso ng binata.
"Tsk. I know! What I mean is—"
Ngumiti siya at pinilig pabalik sa kaniyang dibdib ang ulo ng kasintahan.
"You mean, may problema siyang hindi niya sinasabi sayo. Naninibago ka kasi nasanay kang wala siyang inililihim sa'yo kahit na pati ang tungkol sa nararamdaman niya. Akala ko ba napag-usapan niyo na iyan dati?"
Umayos ng upo si Ashley at humalukipkip. Kumurba ang sulok ng kaniyang mga labi.
"Alam ko na 'to, John. Alam na alam k—"
Bago pa man niya matapos ang kaniyang nais sabihin, nasiil na ng halik ni John ang kaniyang mga labi.
"Happy third anniversary," wika niya sa pagitan ng kanilang halikan.
"Happy thi—"
Hindi siya hinayaan ni John na makasagot, muling kumilos ang mga labi ng binata at inangkin ang kay Ashley. Napasinghap ang dalaga ng marahang kinagat ng kasintahan ang ibaba niyang labi. Naitulak niya si John dahil sa labis na gulat. Napahawak si Ashley sa kaniyang labi, hindi makapaniwala.
"John!"
"Ano?" wika niya nang nakangisi ng malapad.
Mabilis na tumakbo ang binata, agad naman siyang hinabol ni Ashley. Sa ilalim ng kalangitan na resulta ng pagtatagpo ng umaga at gabi, maririnig ang kanilang mga halakhak, mga tawanan na punong-puno ng saya.
Hapo silang humiga sa damuhan, nakaunan sa balikat ng isa't-isa, parehong nakatingin sa madilim nang kalangitan na pinapalamutian ng libo-libong mga bituin at buwang maliwanag at bilog na bilog. Naka-pinta sa kanilang mga labi ang isang matamis na ngiti dahil sa makapigil-hiningang tanawin, na sinasabayan ng musikang nililikha ng mga dahon sa tuwing iihip ang malamyos na simoy ng hangin at awitan ng mga insekto.
"John," basag niya sa katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa. Bumangon si Ashley at dumapa, nilalaro ang buhok ng kasintahan.
"Hmm?"
"Can I ask you something?" seryosong wika ni Ashley na hindi binabali ang kanilang titigan.
"Oo naman."
"Huwag kang magagalit ha?"
"Bakit? Tungkol saan ba iyang itatanong mo?" natatawang saad ni John.
Umupo si Ashley at kinuha mula sa kaniyang sling bag ang cellphone niya. Binuksan ang mensaheng natanggap niya kagabi. Iaabot na sana niya ang telepono sa kasintahan upang ipabasa ito nang mag-ring ang sarili nitong cellphone.
Hindi niya sinasadyang makita ang numero ng tumatawag. Mapait siyang ngumiti. Kilala niya ang numerong iyon.
"Sasagutin ko lang ito."
Nakamasid siya sa papalayong likod ni John kasabay ng pagtakas ng luha sa kaniyang mata.
Peter ang naka-save na pangalan ng number pero hindi siya maaaring magkamali, kay Maia iyon.
"Mukhang totoo nga," wika niyang nakatingin sa mensahe.
'May relasyon si Maia at John. Niloloko ka nila.'
...
Memory Box: Same school year kung kailan nagkakilala ang apat.
Last day ng Intramurals; 10:00 AM
Finals ng Basketball Game.
Halos magiba ang gymnasium sa lakas ng sigawan ng mga manonood. Kasama na doon si Maia, na kulang na lang iluwa ang vocal cords niya. Nakikipagkompetensiya sa 'sangkababaihan at 'sangkabaklaan na nagche-cheer din para kay John at Lenon.
"Go, John!"
"Go, Lenon!"
Nasa tabi ni Maia si Ashley, pilit na isinisiksik ang sarili sa kaibigan niya, gaya niya, may hawak din siyang placard na iwinawagayway ni Ashley nang mababa habang ang isa niyang kamay ay nakatakip sa kaniyang tainga.
Napairap si Ashley ng maunahan siya ng babae sa likuran niya na sumigaw matapos maka-shoot si John. Nilingon niya ito at sinamaan ng tingin. Nginisihan siya ng babae at tinarayan.
Muling yumanig ang gymnasium ng maka-score ng three points si Lenon. Rinding-rindi na si Maia sa babaeng kanina pa nakikipagkompetensiya sa kaniya.
Nang muling maka-shoot si John, agad siyang humarap sa babae at sumigaw ng malakas sa harap nito. Ngumiti siya ng malapad at iwinaklit ang buhok sa direksyon ng babae.
Nagtama ang mga mata nina Maia at ng isang grupo ng mga bakla sa kabilang upuan, naghahamon. Sabay-sabay ang mga itong isinigaw ang pangalan ni John.
"Psch. Ashley, mag-cheer ka, kun'di iiwan kita dito."
Nawalan ng kulay ang mukha ni Ashley dahil sa sinabi ni Maia.
"Go, John! Go, Lenon!" pabulong niyang wika.
"Haist!"
Pinong kinurot ni Maia ang tagiliran ni Ashley dahilan para mapasigaw siya ng sobrang lakas, na ikinatahimik ng buong paligid.
"Go, John!"
"Go, Lenon!"
Hiyaw ni Ashley na nakapagpangiti nang malapad kay Maia.
Natigilan ang mga players at napatingin sa direksyon ng dalawa. Ganoon din ang mga manonood.
Nang maramdaman ni Ashley ang tingin ng mga ito, napayakap siya kay Maia at ibinaon ang kaniyang mukha sa likod ng kaibigan.
Nagkatinginan sina John at Lenon at sabay na tumawa.
"Kailangan nating manalo! Nakakahiya kay Ashley!" wika ni John na hindi nabubura ang malawak na ngiti sa labi.
Tumango si Lenon bilang pagsang-ayon.
...
To be continued...

Book Comment (1)

  • avatar
    Johara Eve Villaverde

    nice

    21/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters