logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Traces of Yesterday

Traces of Yesterday

VirginFlower


Prologue

"Ashley, iha, bangon na riyan! Mahuhuli ka na! Unang araw pa man din ng pasukan ngayon! Ashley!" Buong lakas na sigaw ni Irme mula sa kusina ng bahay.
"Kanor, ihanda mo na ang sasakyan. Dali na!" utos niya sa asawang tahimik na nagkakape sa sulok. Dali-dali naman itong tumayo at isinubo ang isang buong pandesal.
Limampu't limang taong gulang na si Irme samantalang nasa aputnapu't siyam na taong gulang naman si Kanor. Dati silang naninilbihan sa mansyon ng mga Herrera, subalit noong mag-asawa si Sophie, ang nag-iisang anak na babae, ipinasama sila upang maging bantay at alalay sa pagsisimula niya ng bagong buhay.
Hindi nabiyayaan ng anak ang dalawa. Subalit, hindi iyon naging dagok sa kanilang pagsasama. Kuntento na sila sa buhay na meron sila.
"Ashle-"
Napatigil si Irme sa tangka niyang pagsigaw ng makita niya ang alaga na naka-upo na sa kaniyang pwesto. Nakapikit pa ang mga mata nito, halatang inaantok pa.
"Ikaw bata ka kasi, sabi ng matulog ng maaga kasi may pasok na kinabukasan, mas pinili mong pagpuyatan, iyong ano ba iyon, iyong ko-korean. Naku, kapag nalaman ito ni Papa mo, itatago na naman niya iyong mga cd mo." Inilapag niya ang nilutong hotdog sa mesa. Tumayo siya sa tabi ng alaga at inilagay sa kamay niya ang baso ng mainit na tsokolate. "Iyan para magising ka!"
Paalis na sana siya upang kunin ang itlog, nang hawakan ni Ashley ang kaniyang palapulsuhan at hinila siya pabalik. Ikinuskos ni Ashley ang kaniyang ulo sa balikat ni Irme na tila asong naglalambing.
"Nay, huwag niyo po akong isumbong. Please." Tumingala siya at tumitig sa mata ni Irme.
"Pag-iisipan ko." Nakangiting turan ni Irme.
"Nanay naman eh."
"Oh, siya, siya, dalian mo na. Kumain ka na riyan. Huli ka na."
"Pangako iyon, nay ha?"
"Oo na. Oo na. Bitawan mo na ako."
"The best po talaga kayo."
"Aysus, nambola ka pa."
...
"John! Babangon ka diyan o babangon ka!" Bulyaw ni Kathleen. Marahas niyang inalis ang kumot na nakabalot kay John dahilan para mahulog ito sa kama.
"Aray," inaantok niyang reklamo. Dahan-dahan siyang tumayo at nagkakamot ng ulo na lumakad palabas ng kaniyang silid.
"Anong oras ka ba natulog kagabi?"
Isinara ni Kathleen ang pinto at sumabay kay John sa paglalakad.
"Hindi ko alam. Ano nga palang ginagawa mo dito, Tita?" Humihikab niyang tanong habang kinakamot ang kaniyang dibdib.
"As usual, 'asa business trip na naman ang Papa mo."
Tumigil sa paglalakad si John at humarap sa kaniyang Tita. Nagising ang kaniyang natutulog na diwa.
"Magkano ang bayad niya sa'yo ngayon?"
"50K."
Ngumisi si John at agad na intindihan ni Kathleen ang ibig sabihin no'n.
"Hindi ako papayag," matigas niyang wika.
Mas lalong lumawak ang kurba ng kaniyang labi.
"Bahala ka, I will make sure na gagawin kong living hell ang buong linggo na nandito ka."
Ang ibig niyang sabihin sa "living hell", walang humpay at sunod-sunod na pranks. Alam na alam iyon ni Kathleen sapagkat naranasan na niya iyon minsan.
"Fine!" pagsuko niya. "Magkano?"
"Fifteen," mabilis na wika ni John.
"Ten." Agad namang suhestiyon ni Kathleen.
"Fifteen."
"Thirteen. Final na. Thirteen. Take it or leave it?" inis niyang wika.
"Thirteen then." Nagbubunying saad ni John.
"Tsk. Action figures na naman? Diyos ko ka John! Hindi pa ba sapat iyong mga action figures sa kwarto mo? Bibili ka na naman ng bago?"
Tinakpan ni John ang tainga niya at kumanta.
"Wala akong naririnig," sabi niya at mabilis na naglakad pababa ng hagdan.
"John!"
Dinilaan lamang siya nito at nagpatuloy.
"Grade ten ka na hoy! Stop acting like a child!"
"Sixteen lang ako, just so you know, Tita!"
"Then act like how a sixteen years old should act."
"Sixteen is still a child, so there's nothing wrong with the way I act!"
"Yeah, you're right! You're still a child so there is nothing wrong with wearing an underwear with Spiderman print!"
"Shut up!"
"Or, with Superman?"
"Tita!"
Kathleen Faith Jimenez. Nakababatang kapatid ng ama ni John. Siya ang palaging pinag-iiwanan ng kapatid niya sa unico ijo nito sa tuwing may business trip ito, loob o labas man ng bansa. May mga katulong naman sila subalit si Kathleen lang ang may kakayahang pabangonin si John sa higaan.
...
Kanina pa naka-upo si Maia sa dining table. Simula noong magka-isip siya, palagi ng ganito ang eksena sa bahay nila tuwing umaga. Maghihintay siya na bumaba ang magulang para sana makasalo sila pero sasabihin ng mga katulong na umalis na sila. Araw-araw ganoon kahit pa gaano siya ka-agang gumising.
Pinasadahan niya ng tingin ang mga pagkaing nakahain sa mahaba at malapad na mesa. Mapait siyang napangiti at nagsimulang kumain habang pinipigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Nakakaawa siya. Alam niya iyon, araw-araw niya iyong nararamdaman subalit, hindi niya maintindihan kung bakit patuloy pa rin siyang umaasa dahilan para paulit-ulit din siyang madismaya.
Maraming naiiingit sa buhay na meron siya. Ang hindi nila alam, pinapangarap niya ang buhay nila.
Tumigil siya sa tangkang pagpasok sa loob ng sasakyan at pinasadahan ng tingin ang kanilang malaking tahanan. Sobrang gara, sobrang laki, napakamakulay, ngunit napakalungkot.
"What is happiness, really?" tanong niya sa hangin.
...
"Hoy-hoy-hoy! Saan ka pupunta? Ba't nagmamadali ka?" tanong ni Samantha kay Lenon na halos hindi maunawaan sapagkat puno ng pagkain ang kaniyang bibig, idagdag pang may kinikitkit itong buto ng manok.
"Maliligo na po," mahinang sagot ni Lenon.
"Ano-ano?"
"Maliligo na po," ulit niya subalit sa pagkakataong iyon ay mas malakas na.
"Bakit? Ba't ka maliligo? May lakad ka po, senyorito?"
"Sam, unang araw ngayon ng pasukan," kalmadong wika ni Arnold habang inaayos ang sarili sa harap ng salamin.
"Oh? Ngayon? Hoy! Ikaw bata ka, hindi porke't may pasok na, kakalimutan mo na ang responsibilidad mo dito sa bahay! Hindi ako pumayag na tumira ka dito para lang magdagdag ng palamunin. Palamunin na nga ako, sasali ka pa! Hugasan mo itong mga pinggan! Aral-aral pa, para namang may maabot. Pagdating ng araw mag-aasawa lang din naman! Tabi diyan!" Marahas niyang hinawi si Lenon at dumiretso sa gripo. Naghugas siya ng kamay at uminom ng tubig mula dito. Padabog niyang inilapag ang baso sa lababo.
"Ang hindi ko lang maintindihan sa iyo, kuya, ang dami-daming public school sa private mo pa pinag-aral iyang walang silbi na iyan! Nag-aaksaya ka lang ng pera."
Huminga nang malalim si Arnold at humarap sa kapatid.
"Hinga ka muna Ms. Sam, aga-aga, taas-taas ng dugo mo! Una po sa lahat, hindi ko pera ang ginagamit ko pang-paaral kay Lenon, pera ng hotel, scholar po kasi siya ng may-ari. 'Ni pisong duling, wala akong inilabas para sa edukasyon niya. Pangalawa po, sa inyong dalawa, mas may silbi pa iyong bata. Hanggang kailan ka hihilata, Sam? Pinapabalik kita sa pag-aaral, ayaw mo? Inaalok kita ng trabaho, ayaw mo din. Ano bang gusto mong gawin sa buhay mo?"
"Sa edad kong 'to? Aral? Hindi na 'no! Trabaho? Tsk. Nandiyan ka naman, ba't pa ako magpapakahirap? Isa pa, kung magtatrabaho ako, sino ang tatao sa tindahan."
Napabuntong-hininga si Arnold.
"Para namang may kinikita ang tindahan, inuubos mo lang naman sa pagsusugal. Isa pa, hindi habang buhay nandito ako. Hindi ako imortal. Mamatay ako balang araw. Sa oras na dumating ang panahon na 'yon, paano ka?"
Natahimik si Samantha at napayuko.
"Kuya, huwag ka ngang mag-"
"Ako po!" Biglaang sabat ni Lenon. "Ako po ang bubuhay kay Tita. Ako po ang bahala sa kaniya. Makakaasa po kayo sa akin, Tito."
Natawa si Arnold at ginulo ang buhok ni Lenon.
"Ikaw talagang bata ka. Sasabay ka ba sa akin? Hihintayin kita?"
Umiling si Lenon.
"Hindi na po. Mauna na po kayo?"
"Paano ka pupunta sa school? Sira pa iyong bike, hindi ko pa napaayos."
"Magko-commute na lang po ako."
"Ganoon ba? Oh, ito," kinuha ni Arnold sa kaniyang bag ang kaniyang pitaka at kumuha ng limangdaan. Inaabot niya ito kay Lenon, "pamasahe mo."
Nakangiti itong tinanggap ni Lenon.
"Salamat po, Tito."
"Aysus!" Muli niyang ginulo ang buhok ni Lenon.
"Wala ka ngang ginastos 'ni pisong duling sa pagpapa-aral sa kutong lupa na iyan, limangdaang buo meron. Sinasabi ko sa iyo kuya, nagsasayang ka lang ng pera."
"Saka na ako makikinig sa iyo kapag may pumapasok ng pera sa bahay na ito na mula sa iyo," wika niya habang inaabot mula sa tuktok ng ref ang susi ng kaniyang motor. Hinalikan niya ang noo ng kapatid.
"Una na ako. Lenon, good luck sa first day mo!"
"Ingat ka, kuya," nakasimangot na wika ni Samantha.
"Ingat po kayo, Tito."
Nginitian niya ang dalawa at naglakad palabas ng bahay.
Nakangiting naglalakad palapit sa lababo si Lenon upang ilagay ang mga hugasin. Subalit, bago pa man niya mailapag ang dala, nabitawan niya ito na lumikha nang malakas na ingay.
Mas lalong hinigpitan ni Samantha ang pagkakasabunot niya kay Lenon dahilan para mapaatras ang kawawang bata at mapatingala. Gumuhit ang sakit sa kaniyang buong mukha at lumuluhang sinalubong ang nagbabagang mata ng kaniyang Tita.
"Ba't ka ba sumasabat sa usapan ng matatanda? Ha?"
Buong lakas niyang pinisil ang magkabilang pisngi ni Lenon.
"At anong sabi mo? Ikaw ang bahala sa akin? Ikaw ang bubuhay sa akin?" Nangungutya siyang tumawa at tinulak si Lenon dahilan para sumalampak siya sa malamig na tiles.
"Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa umasa sa walang kwentang katulad mo?" Inilahad niya ang kamay at nanlilisik ang kaniyang mga mata.
"Amina iyong limangdaan. Amina! Isa!"
Nanginginig na inabot ni Lenon ang perang ibinigay ni Arnold.
Mabilis itong hinablot ni Samantha at ngumiti abot hanggang tainga.
"Tabi diyan!" Sinipa niya si Lenon at naglakad patungo sa kaniyang silid. "Gamitin mo iyang mga paa mo! Maglakad ka papunta doon sa school mo! Exercise!" sigaw niya mula rito. "Bilisan mo diyan! Ayaw kong makitang nandito ka paggising ko!" dagdag niya pa.
Walang nagawa si Lenon kun'di ang umiyak dahil iyon lang naman ang kaniyang magagawa. Mali, iyon lang ang nais niyang gawin.
...
"Dito na lang po ako, Tatay Kanor."
Kumunot ang noo ni Kanor sapagkat medyo may kalayuan pa ang kanilang kinalalagyan sa mismong gate ng paaralan.
"Sigurado ka ba, iha?"
"Opo! Opo! Dito na lang po."
Nang huminto ang sasakyan sa tabi ng daan, agad siyang bumaba.
"Ingat po kayo pauwi!" mabilis niyang sabi at isinara ang pinto. Tumakbo siya patungo sa likod ng paaralan. Pagliko niya, sumalubong ang dalawang kaedad niya. Isang babae at isang lalaki. Napatingin sila sa isa't isa at alanganing tumawa. Sa hindi mawaring dahilan, sabay-sabay silang napakamot sa batok at sabay ding tinungo ang likod ng paaralan. Doon, nakita nila si John na patalon na sana upang maakyat ang pader. Subalit, hindi niya nagawa dahil sa presensiya ng tatlo. Dahan-dahan siyang lumingon sa kanila at agad na umayos ng tayo. Alangan siyang tumawa, ganoon din ang tatlo.
"Late din kayo?"
"Hindi! Dito lang talaga namin gustong dumaan. Siyempre late kami!" pagsusungit ni Maia at nakahalukipkip na naglakad palapit sa pader. Maingat niyang hinubad ang kaniyang backpack at buong lakas itong binato patungo sa kabila.
"Ano? Panonoorin niyo na lang ako? Parang wala kayong hinahabol na oras ah?"
Agad na kumilos ang tatlo. Ginaya ni Lenon at Ashley ang ginawa ni Maia. Paakyat na sana sila ng bigla silang matigilan at nanigas sa kanilang kinatatayuan. Muling umalingawngaw ang nakabibinging tahol ng isang aso, kasabay nito ang pagtriple ng bilis ng kanilang mga puso. Nahintatakutan nilang inikot ang kanilang mga ulo. Kitang-kita nila ang matutulis na ngipin ng asong ang nagliliyab na mga mata'y nakatutok sa kanila. Hindi rin nakatakas sa kanilang paningin ang paisa-isang pagtulo ng laway sa bibig nito. Naglakad ito palapit sa kanila at sunod-sunod na tumahol dahilan para mapasigaw sila nang malakas. Namalayan na lamang nila na ibinubuhos na nila ang kanilang buong lakas sa pagtakbo matakasan lamang ang asong humahabol sa kanila.
"Dog go away! Stop chasing me!"
"Huwag ka ng madaldal, tumakbo ka na lang!" tarantang sagot ni Ashley kay Maia.
Nang mapadaan sila sa harap ng paaralan, nagliwanag ang mukha ni John.
"Sa school!" Malakas niyang sigaw.
Agad na sumunod ang tatlo. Nakita nilang bukas ang mas maliit na gate, walang pag-aatubili silang dumaan dito at sinara ito. Walang tigil silang tinatahulan ng aso hanggang sa ito'y magsawa at umalis. Napahinga sila ng maluwag at sabay-sabay na napasalampak sa lupa, sumandal sa gate at pilit na hinahabol ang kanilang mga hininga. Ilan sandali pa ang kanilang pagkahapo ay naging hagikhik at naging halakhak. Mas lumakas ang kanilang tawanan ng mapatingin sila sa isa't isa.
Subalit, agad iyong naglaho ng matakpan ng anino ang kanilang mga mukha at nakita ang principal. Alanganin silang tumawa at sabay-sabay na napakamot sa ulo.
...
Gumuhit ang malawak na ngiti sa labi ni Ashley ng maalala niya iyon. Hindi niya Alam kung bakit bigla iyong naglaro sa kaniyang isip, subalit masaya siya.
Nag-ring ang kaniyang cellphone. May tumatawag. Si Maia. Agad niya itong sinagot.
"Oh-"
"Thank you."
"Huh?"
Kunot-noo siyang napatingin sa kaniyang cellphone matapos agad na ibaba ni Maia ang tawag.
Muli itong nag-ring at ngayon si Lenon naman ang tumatawag.
"Hel-"
"Thank you!"
"Par-" Bago pa man niya matapos ang kaniyang nais na sabihin, ibinaba na ni Lenon ang tawag.
"Ano bang trip ng mga tao ngayon?"
Sa ikatlong pagkakataon, muling may tumawag. Si John.
"Your welcome," mabilis niyang sabi ng sagutin niya ang tawag.
"Huh? Thank you?"
"Huh?"
"Huh?"
"Ewan ko sa'yo, Ashley! Hithit pa."
"Kanina kasi tumawag si Maia tapos si John, pareho silang nag-thank you. Hindi ko alam kung bakit so I assume na kaya ka tumawag for the same reason, inunahan na kita."
Tumawa si John sa kabilang linya.
"Magkasama kaming tatlo ngayon dito sa bahay. Bigla daw nilang naalala iyong time na hinabol tayo ng aso. Gusto daw nilang mag-thank you para sa friendship. Nagpasalamat na sila sa akin, ganoon din ako sa kanila. Ash, thank you. Thank you for being my best friend and the best girlfriend."
"No, thank you, John. Oppa!" saad niya sa pinakapabebe niyang boses.
"Ash! I told you, don't ever call me that!"
"Oppa!"
"Oppa!"
"Oppa!"
"I love you."
Natahimik si Ashley at namula ang kaniyang mga pisngi.
"I love you, too."
Nahihiya niyang wika.
To be continued...

Book Comment (1)

  • avatar
    Johara Eve Villaverde

    nice

    21/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters