logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

KABANATA 2- BONDING

Nagsilbing wake up call ang pagtunog ng ringtone ng aking cellphone.
Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata habang inaabot sa mesa ang aparato ko. Medyo blurred pa ang paningin ko dahil kakagising ko pa lang. Isinuot sa tenga ang isang earphones na isiniksik ko kagabi pa, nakasanayan ko na ito para tuluyang makatulog sa gabi habang nakikinig ng musika. Pagsilip ko sa cellphone, alas-otso na ng umaga. Lumaki ang mga mata ko nang mabasa kung sino ang tumatawag.
"Peter?!" mahina ko na sambit, I clear my throat and I answer the call.
"Hello?!" nakapikit ang mga mata ko na sagot.
"Hi, Sandra!" masiglang bati ng nasa kabilang linya.
"Good morning, Peter" bati ko.
"Ooops, sorry nagising ba kita?" pag-aalangang tanong ng binata na nasa kabilang linya.
"Medyo, pero okay lang, babangon na din naman ako maya-maya" paliwanag ko naman.
"Kumusta ka na, Sandra?" masiglang tanong nito sa akin.
"Okay lang ako, Peter" matipid ko na sagot.
"So, nasaan ka ngayon?" he asked with a happy tone.
"Nandito pa ako sa bahay ng pinsan ko" sagot ko naman.
"Oh! I see, kailan mo pala balak na umuwi?" pag-uusosyong tanong ni Peter sa akin.
"Maybe, some other day, matagal din kasi kami na hindi nagkita at nagkasama ng mga pinsan ko, kaya magbo-bonding daw
muna kami" paliwanag ko.
"Ah! Ganoon ba? Gusto ko sana kasi yayain kita na mag date, kailan ka ba pwede?" walang atubili na pag-aaya nito sa akin.
Tila nabingi ako sa narinig at tuluyan ng nagising sa naaantok ko pa na diwa.
"Hello, Sandra?! Hello? Are you still on the line?!" sunod-sunod na tanong ni Peter sa kabilang linya.
"Ah! He...Hello...Yes!...Oo?!" pautal-utal ko na sagot.
"Are you okay, Sandra? What's wrong?" nag-aalala na tanong niya sa tawag.
"Ahm, oo, okay lang ako, pasensya na, Peter, ginulat mo naman ako sa tanong mo hehe" tila namumula ko na sagot kahit na ito ay sa tawag lang.
"Hahaha...mukha yata nabigla kita! Hahaha" natatawa na sagot niya.
"Ang saya mo yata ngayon ah!" puna ko naman sa kanya.
"Siyempre naman! Kausap kita eh!" masaya na tugon nito sa akin.
"Hahaha...palabiro ka talaga, Peter hehe" nahahawa ko na tawa. 
"Teka! Hindi mo pa ako sinasagot ah!" tampo na sambit nito.
"Ha?! Anong sagot?!" nalilito ko na tanong.
"Sagot sa tanong ko kung kailan ka ba pwedeng yayain na mag date tayo?!" tila nakangiti na tanong ng binata sa kabilang linya. 
"Ah! Hmm...I still don't have any idea about it, Peter eh kung kailan ako pwede, uuwi kasi ako sa bahay namin dahil sobra ko ng nami-miss ang aso ko" may lungkot sa tinig na wika ko.
"Miss mo na ang aso mo?Aso talaga?! Hindi ba pwede na ang mga tao sa bahay ninyo ang namiss mo?" he asked with curiousity.
"Alam mo kasi, Peter, kahit saan man ako makarating na lugar, uuwi at uuwi talaga ako dahil sobrang mami-miss ko yung aso ko" nalulungkot na wika ko.
"Talaga?! Nakaka-inggit naman yung aso mo, napaka-sweet mo naman na Dog Lover" may halong selos sa tono ng pananalita ni Peter.
"Siyempre, baby ko kaya yun! Ako mismo ang nag-alaga sa kanya noong one month old pa lang siya na dumating sa bahay, ngayon? Two years old na siya" kinikilig ko na wika.
"Wow! Pwede mo din naman akong maging Baby ah!" tila naglalambing siya sa akin sa kabilang linya.
"Hahaha, ikaw talaga, Peter! Niyayakap ko kasi ang aso ko sa tuwing malungkot ako, nararamdaman kasi nila kung malungkot ang amo nila" emosyonal ko na tugon.
"I have an open arms to hug you, Sandra at siyempre, you can always lean on my shoulder whenever you feel sad" bakas ang concern sa boses niya.
"Salamat, Peter sa concern, talk to you later muna ha, I have to prepare my things pa kasi, pupunta daw kasi kami ng mga pinsan ko sa dalampasigan ngayon para doon mag picnic" pagpapaliwanag ko naman.
"Ah! Ganoon ba? How I wish I am by your side right now Sandra" nagsusumamo na sagot niya sa akin.
"Peter naman, hmm" tipid ko na sagot sa binata.
"Okay, take your time, enjoy your day, Sandra, salamat sa oras, mag-iingat ka" malungkot na wika ng binata.
    Hindi ko na nagawang sumagot dahil pinutol na ni Peter ang tawag.
"Nagtatampo ba iyon?!" bulong ko sa sarili.
    Napatitig na lamang ako sa screen ng aking cellphone, wala na sa kabilang linya ang binata na kinukulit ako na mamasyal.
Ipinatong ko na lang ito sa aparador paglabas ko ng kuwarto, at naging abala na sa preparasyon sa picnic namin ng aking mga pinsan.
     Maya-maya pa ay tuluyan na namin na tinahak ang daan patungo sa dalampasigan. Malamig ang hangin na dumadampi sa balat ko ng marating namin ang dagat, pero hindi iyon dahilan upang makaramdam ako ng ginaw. Masaya namin na pinagsaluhan na mag-pinsan ang mga pagkain na sama-sama namin na inihain sa mesa. Isda at kinilaw na may pipino, pinya at may sinugba na karne ang almusal namin. Kahit kapwa na kami gutom na gutom ay isa-isa pa din kami na ngumiti at nag groufie. Alas diyes na ng umaga ng nagkakamay lamang kami na kumain ng almusal.
"Halika, Sandra! Maganda ang view doon sa taas oh! Kukuhanan kita ng picture" tawag sa akin ni Charlotte, ang pinsan ko na mahiyain at astig kung kumilos.
"Sasama ka ba, Natasha?" excited ko na pag-aaya sa pinsan namin ni Charlotte.
"Kayo na lang muna ni Charlotte ang mag pictorial, Sandra! Naliligo kasi ang mga anak ko eh, walang magbabantay" paliwanag naman ni Natasha, ang kwela ko na first cousin na sabay kami na lumaki at laging magkasama tuwing may Reunion.
"Let's go, Sandra!?" pag-aaya sa akin ni Charlotte.
Inakyat na namin ang makikipot na daan sa taas. Nauna siyang naglakad sa akin dahil siya ang mas pamilyar sa lugar.
"Mag-iingat ka, Sandra sa bawat tatapakan mo, may mga damo na makati sa balat" paalala ni Charlotte.
"Oo nga pinsan! Ang lakas pa naman ng hangin dito, yung dinadaanan pa naman natin kasya lang dumaan ang isang tao!" tila kabado ko na hakbang.
Maya-maya pa, sinimulan na niya akong kuhanan ng picture.
"Sige, umabante ka sa dulo ng konti, Sandra! Tapos mag side view ka kunwari stolen shot" utos niya sa akin.
Nagpalipat-lipat din kami ng puwesto ng aking pinsan.
"Dito, Sandra oh! Tumagilid ka ng kaunti dahil mas maganda ang background diyan dahil nakikita ang dagat" sambit ni Charlotte.
"Sandali, eto, eto! Ganito ba? Ayos na ba ito?" tumagilid ako ng puwesto gaya ng sabi niya at inayos ang suot ko na sumbrero.
"Ou, sige, sandali, one, two, three, click!" tugon ni Charlotte.
   Hindi na kami nagtagal sa taas dahil medyo masama ang panahon. Lumipas ang ilang minuto, sabay na kami na bumaba at bumalik sa dalampasigan kung saan naroroon si Natasha naka-pwesto at ang mga anak niya.
Iniabot sa akin ni Charlotte ang aking cellphone.
"Salamat Pinsan ha?!" nakangiti ko na wika habang tinitingnan ang mga picture na kuha niya kanina.
"You're Welcome, Sandra! Ngayon lang tayo ulit nagkita at nagkasama, kaya lubusin na natin ang ating bonding" malambing na sagot ni Charlotte sa akin.
Mag-aalas-dos na ng hapon nang aming mapagpasyahan na umuwi na, mataas na din kasi ang level ng dagat. Mabilis ang takbo ng oras, hindi ko namalayan na isang linggo na pala ako sa bahay ng mga pinsan ko.
    Kinabukasan, napagdesisyonan ko na tuluyan na umuwi na. Nagpasalamat ako at nagpaalam sa kanila, hinatid naman ako ni Charlotte sa paradahan ng bus. Isang oras din ang biyahe bago ako tuluyan na nakauwi sa bahay, medyo maulan pa naman noong oras na iyon.
"Home Sweet home!" bulong ko sa sarili ng nasa tapat na ako ng bahay.
"Uy! Sandra!" nakangiti na bati ng nag-iisang kapatid ko na si Beatrice, kikay siya at maarte, gusto niya lagi siyang nakaayos.
"Nandito na si, Sandra? Nakauwi na siya?" tanong ni Mama Amelia, ang aking chubby at butihing ina.
    Samantala sa likod ng bahay, panay naman ang tahol ng aking aso, pinangalanan ko siya na Jolly, sobrang liksi niya kasi at malikot. Narinig niya siguro ang aking boses. Pagsilip ko sa pintuan ng kusina kung saan doon ang daan patungo sa likod-bahay. Kitang-kita sa ekspresyon ni Jolly ang saya nang makita ako, tumatayo, umuupo at umiikot, ang buntot niya ay tila kumakaway.
Nilapitan ko si Jolly at niyakap ng mahigpit, hinahaplos-haplos ang malambot niya na balahibo at kinakausap na parang bata. Panay naman ang sulyap niya sa akin at ang ulo niya ay inilalapit sa aking tagiliran na wari ay naglalambing.
"Hapunan na!" agaw atensyon na sigaw ni Papa Steven, ang Master Chef kung tawagin namin magkapatid dahil sa angkin nito na galing sa pagluto ng masasarap na pagkain.
   Naghugas muna ako ng aking mga kamay sa lababo at dumiretso sa mesa ng aming kusina. Tulad ng nakagawian, sabay-sabay kami na kumain na pamilya ng hapunan. Matapos ang masayang kuwentuhan sa hapag-kainan, dumiretso na muna ako sa aking kuwarto at inayos ang mga dala ko na gamit. Nasulyapan ko ang lumang kwaderno na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Binasa ko ang nakasulat sa cover ng kwaderno "Poems of Love" malalim ang aking buntong-hininga habang tinitingnan ang kabuuan ng aking kuwarto na may mga tula na nakadikit sa dingding na nilagyan ko ng mga art at design.

Book Comment (96)

  • avatar
    Ďïvïnë Fĺöwëř

    nakaka inspire basahin..para sa mga hopeless maganda po syang basahin, this novel will remind me na love do exist.. galing mag compose ng tula ng writer..can't wait for the next chapter..

    17/08/2022

      2
  • avatar
    amanodos

    Nice

    23d

      0
  • avatar
    Princess Mary Melca

    very nice stort

    24d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters