logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter five

Aurora's point of view
Nagsimula na akong ayusin ang mga gamit na dadalhin ko sa Helene Academy. Napatigil ako sa ginagawa ko dahil bigla na lamang may kumatok sa pinto ko.
"Come in!" Sigaw ko. Itinuloy ko na ang pag aayos ko ng gamit. Hindi ko na nilingon kung sino ang pumasok sa pinto ko dahil alam ko naman na kung hindi si Xavier ay malamang isa ito sa mga kasambahay namin.
"Sasabihin ko lang sana sa iyo na ako ang maghahatid sa iyo bukas papunta sa Helene Academy." Tuluyan akong napahinto sa ginagawa ko dahil narinig ko ang boses ng isang taong hindi ko inaasahang pupuntahan ako. Dahan-dahan pa akong lumingon sa direksyon niya para kumpirmahin kung totoo ba na siya talaga ang narinig ko at hindi ako nagkamali ng dinig.
I freeze when I saw him.
Madiin kong ikinuyom ang mga kamao ko para pigilan ang panginginig ng mga kamay ko. "O-okay, River." nauutal kong tugon.
Ayaw kong makarinig ng kahit ano pang salita mula sa kanya dahil kumpara kay Celestine, mas masakit ang binibitawang mga salita ni River. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang talikuran niya na ako. Ngunit muli siyang humarap sa akin.
"Mas mabuti pa nga talaga na hindi ka namin makikita rito. Wala ka talagang ibang alam gawin kung hindi ang magdala ng kamalasan o kahihiyan sa pamilya natin. Kung ako lang ang magdedesisyon, mas pipiliin kong sabihin sa media na hindi kita kapatid, na hindi ka isang Strauss. Hindi ba magandang tignan sa media, perpekto ang mga Strauss?" napahinto siya sandali. "Pero kahit gaano pa kami ka-perpekto tignan sa media, may kulang, kulang si mom." Marahas niya akong kinaladkad at sapilitan niyang iniharap ang mukha ko sa salamin. "Nakikita mo ang sarili mo? Ipinapaalala ng mukhang yan sa aming lahat na kahit kailan hindi na namin makakapiling muli si mom!" Marahas niya akong binitawan kaya naman natumba ako sa sahig.
Mas lalo akong nanlamig dahil sa mga narinig ko. Kung kanina ay mga kamay ko lang ang nangangatal, ngayon ay nararamdaman ko na ang panginginig ng mga kalamnan ko. Sa isang iglap, hinayaan kong kumawala ang kapangyarihan ko. Nabasag lahat ng salamin sa kwarto ko. Inaasahan kong umalis si River ngunit nanatili pa rin ito sa kinatatayuan niya. "Gusto mo akong saktan? Bakit hindi mo gamitin ang telekinesis mo para saktan ako?" ngumisi ito na para bang nanghahamon. Nang dahil sa sinabi niya ay hindi ko na nakontrol ang sarili ko. Tuluyan nang nagdilim ang paningin ko at tangin bulto niya na lang ang nakikita ko. Itinuon ko lahat ng enerhiya ko sa leeg ni River at dahan-dahan ko siya inangat mula sa kinatatayuan niya.
"AURORA!" gulat na sigaw ni Xavier nang makita niya ang ginagawa ko. Agad akong nagbalik sa pag-iisip ko. Dali dali kong binawi ang enerhiyang inilalabas ko at tuluyan nang bumagsak si River sa sahig.
"River! What the hell are you doing here?! Get out! Kung pumunta ka lang dito para insultuhin si Aurora, mas mabuti kung mananahimik ka na lang."
Matalim na tumingin sa akin si River at muli itong ngumisi. "I knew it. Wala kang lakas ng loob saktan ang kahit sino man sa amin. Meron kang pagkakataon kitilin ang buhay ko sa isang iglap pero hindi mo ginawa, ni hindi mo nga magawang idiin ang enerhiya mo sa leeg ko," napansin ko ang biglang pagbabago ng ekspresyon niya, para bang lumungkot ang mga mata niya. "Your faint-heartedness is the very reason why we lost mom." Padabog na lumabas si River at tanging kaming dalawa nalang ni Xavier ang natira.
"Your faint-heartedness is the very reason why we lost mom."
"Your faint-heartedness is the very reason why we lost mom."
"Your faint-heartedness is the very reason why we lost mom."
Niyakap ko ang sarili ko at hinayaan ko na naman ang tuloy tuloy na pagbagsak ng mga luha ko. Hindi ko pa mamamalayan na nandito pa rin si Xavier kung hindi siya lumapit sa akin at tinapik nang marahan ang ulo ko.
"Always control your emotion. Don't let it control you."
Pagkaalis niya ay lumapit ako sa basag na salamin na nagkalat sa kwarto ko. Dinampot ko ang isang malaking tipak ng nabasag na salamin at muli kong pinagmasdan ang repleksyon ko. Saka ko lamang napagtanto na nagliliwanag ang mga mata ko ngunit nag iba na ang kulay ng mga ito. My golden amber eyes became pale icy blue.
"Maraming naiinggit sa akin dahil isa akong Strauss ngunit hindi nila alam kung gaano talaga kabigat ang pinagdadaanan ko. Halos araw-araw ipinapamukha sa akin ng sarili kong pamilya kung gaano nila kagusto na maglaho na lang ako na parang bula. They treated me like I'm a piece of bullshit."
Npadiin ang hawak ko sa tipak ng salaming nasa kamay ko kaya naman bumaon ito nang bahagya sa palad ko. Masakit ang sugat na dulot nito sa kamay ko ngunit mas masakit ang sugat na dinulot ng pamilya ko sa puso ko.
"I'm beautiful but it doesn't mean I was loved. Maganda lang ang mukha ko pero ang puso ko, sobrang durog na."
Itinutok ko ang hawak kong bubog sa pulsohan ko ngunit hindi ko naituloy ang balak kong gawin. Nabitawan ko ang hawak kong bubog nang makaramdam ako ng bahagyang pag ihip ng hangin mula sa terrace ng aking kwarto. May nakita akong kumislap mula rito, ang picture frame na nawian ko doon.
"M-mom?" Pabulong na pagtawag ko. Hindi ko na naman namalayan ang pagtulo ng mga luha ko.
Pinunasan ko nang marahas ang mga luha ko. Huminga ako nang malalim at pinakalma ko ang sarili ko. Pagkatapos ay kumuha ako ng puting pinta sa cabinet ko at ginamit ko iyon para gumuhit ng iba't ibang simbolo sa sahig ng kwarto ko. Nang matapos ko ang pag guhit ay umupo ako sa gitna ng mga ito at ipinatong ko ang palad ko sa sahig.
Unti-unting lumiwanag ang mga simbolo kasabay ng pagliwanag ng mga mata ko. Isa-isang nabuo ang mga nabasag na salamin at sa isang iglap at tila walang nangyari rito. They are as good as they were before. Alchemy is a fascinating thing indeed.
"Sana ganito rin kadali ibalik sa dati ang relasyon ng pamilya namin."
Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa sikat ng araw na nanggagaling mula sa terrace ng kwarto ko. Nakalimutan ko palang isara ang kurtina kagabi. Naligo na agad ako at nagbihis. Imbis na manamit ng pormal ay isinuot ko ang isang itim na band shirt at ipinares ko ito sa ripped jeans. Isinuot ko rin ang paborito kong leather ankle boots. I wore some accesories to match. Tulad ng suot ko ngayon, ganito din ang inimpake kong mga damit kagabi.
Hindi na ako nag abala pang mag make up at hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko.
Pumunta ako sa dining area para mag agahan. Nandoon si Celestine at Xavier ngunit wala si dad at River.
"Ayaw talaga nila akong makita." sambit ko sa isip ko.
Napansin kong napatigil sila sa ginagawa nila at tumingin sila sa direksyon ko. Nagulat silang lahat dahil sa suot ko. Ngayon lang nila ako nakitang nakasuot ng ganito.
"Anong nangyari sa mga mata mo?" Gulat na tanong ni Xavier. Imbis na sumagot, umupo na lamang ako sa tabi ni Celest. Nakatitig pa rin ito sa akin.
"What are you wearing? Is that even considered as clothes? Ang cheap ng suot mo ha." Puno ng pandidiring komento niya.
"Walang nagtanong ng opinyon mo, Celestine." Mataray na sambit ko sa kanya. Inirapan niya lang ako.
"Aurora, sigurado ka bang papasok ka sa Helene Academy nang ganyan ang suot mo? No offense sa fashion statement mo. I get the street style vibes. Don't you think it's a, uhm, too casual?" Di makapaniwalang tanong ni Xavier.
"Yes, Xavier. Hindi ba may uniform naman ang Helene Academy? Siguro doon nalang ako magpapalit ng damit." nakangiting sagot ko kay Xavier.
"Your eyes? Why are they bluish-gray? Kaparehas ng kulay ng buhok mo. Bakit ka nagpakulay ng buhok?" Tanong niya pa. Napahawak ako sa buhok ko. Kinuha ko ang pocket mirror ko at totoo nga na bluish-gray ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan na hindi ito babalik sa dati nitong kulay. Ang mas nakakagulat ay ang pagbabago ng kulay ng buhok ko. I take a closer look in my eyes. Nakakapanibago, my amber eyes became bluish-gray almost white. Napakalamig ng kulay ng mga ito. Bumagay lang sa fierce almond shape ng aking mga mata.
"Ice queen." Natatawang tawag sa akin ni Xavier. Napatawa din ako dahil sa binigay niyang palayaw sa akin. "Ice queen, binilhan kita ng sarili mong kotse."
"Really?" Nanlalaking matang tanong ko sa kanya.
"The Lamborghini Veneno Roadster in the parking area, it is yours. Hindi ba iyon ang gusto mong kotse?"
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Veneno? Really? One of the most luxurious cars in the world?
"Can I drive myself going to the academy?" Excited na tanong ko kay Xavier.
"Pwede tayo mag convoy if it is alright with you? Pupunta ako sa Strauss University madadaanan ang Helene Academy on the way."
"Sure."
Bakas ang inggit sa mukha ni Celestine. Bukod sa hindi siya pinayagang kumuha ng driver's license, inggit siya dahil makakapagmaneho ako ng kotse para sa sarili ko.
Pagkatapos mag almusal ay patakbo akong pumunta sa parking lot at agad kong hinanap ang kotse na tinutukoy ni Xavier. Nang makita ko ang isang dark blue na veneno ay agad ko itong niyakap. "I LOVE YOU, BABY!" tili ko
"Yung kotse niyayakap, ako hindi?" Nakasimangot na sabi ni Xavier.
Agad akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap ko siya. "Thank you, Xavier. I will miss you."
"Do you like it?" Inabot niya sa akin ang susi ng kotse.
Kinuha ko agad ito sa kanya. "Hindi pa ba halata?" natatawang sagot ko.
Nang matapos ikarga ng mga kasambahay ang mga maleta ko sa compartment. Sumakay ako sa driver's seat at hinaplos ko ang makinis na leather ng stirring wheel nito. Pagkatapos ay ipinasok ko ang susi ko para buhayin ang makina nito. Halos umabot sa tainga ang ngiti ko nang marinig ko ang ugong ng makina.
Kumatok si Xavier sa bintana ng kotse ko. Kaya naman ibinaba ko ito ng bahagya.
"Ready?" tanong niya. Tumango tango ako bilang sagot.
Muli kong isinara ang bintana ng kotse ko. Sumakay na si Xavier sa kotse niya na isang navy blue na Bentley Mulliner Bacalar. My brother is a luxury car collector, by the way.
Nang umandar ang kotse ni Xavier ay sinundan ko ito. Habang mabagal pa ang takbo namin, sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang mansyon, "I will be back," I cried silently. Nag ring ang cellphone ko kaya naman sinagot ko ito.
Xavier:
Huwag mong ibababa hangga't hindi tayo nakakarating sa Helene Academy.
Me:
Okay.
Xavier:
Ingat sa pagmamaneho.
Mahigit isang oras palang kaming nagmamaneho ay natanaw ko na ang Helene Academy.
Me:
Ang ganda pala ng Helene Academy.
Xavier:
Of course. It is a prestigious academy only exclusive for important ladies.
Me:
I love the place.
Xavier:
I hope you find good friends there.
Napatingin ako sa side mirror ko dahil nakarinig ako ng busina mula sa likuran ko at nakita ko ang isang kotse. Since were downhill, napakabilis ng pagbulusok nito. Mukhang nawalan ito ng preno kaya dire diretso ang pag busina nito.
Dahil medyo nag panic ako, mabilis kong naitabi ang kotse ko. Nakaiwas ako ngunit bumangga ang kotseng iyon sa likurang bahagi ng kotse ni Xavier.
Me:
Oh my God! Xavier?! Are you alright?!
Xavier:
Huwag ka na bumaba sa kotse mo. I'm alright.
Me:
Are you sure?
Xavier:
I already checked myself. Wala akong natamong injury. Mauna ka na sa Helene Academy. Sorry hindi kita maihahatid.
Me:
Thank goodness you're okay!
Nagmaneho akong muli at inihinto ko muna pansamatala sa tabi ng kotse ni Xavier. Ibinaba ko ang bintana ko at sinilip ko siya. Ibinaba niya rin ang bintana niya.
"Do your best, Aurora. Sige na, hinihintay ka na ng head mistress."
Tumango lang ako. Nang masiguro kong okay lang siya ay muli ko nang pinaandar ang kotse ko. Pagkadating ko sa gate ng Helene Academy, may sumalubong sa akin na guwardiya. Dahil nakababa lang ang bintana ko sumilip ako dito.
"Excuse me, madam, name please?"
"Aurora Strauss."
Ngumiti siya sa akin at bumati. "Welcome to Helene Academy, Ms. Strauss."
For the first time in a while, I smiled genuinely. Somehow, my heart felt a little bit lighter. On the brighter side, maybe it is not a bad idea after all.

Book Comment (17)

  • avatar
    Ling Oquiño

    nice

    19d

      0
  • avatar
    JAy-m Dizon

    good for the pipol

    07/08

      0
  • avatar
    Cheche Miranda

    nonbeh

    02/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters