logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 6

Mausok na lugar, malakas na tugtog ng kanta sa dulo ng stage, iba't ibang mga kulay ng disco lights at ang maiingay na hiyawan ng mga kalalakihan habang tinutungga ang inumin na hindi niya mapangalanan.
Iyon ang sumalubong kay Margaux sa unang tapak niya pa lang sa lugar na kung hindi siya maaaring magkamali, ay isa itong makasalanang disco bar.
Napakapit si Margaux sa suot na jacket habang pilit na nakikiayon sa mga katawan na wala nang pakialam kung may masagi man.
Pilit niyang iniiwasan ang mga iyon ngunit sa ikalawang pagkakataon, nabundol na nang hindi niya kilalang personalidad ang katawan niya, napaurong si Margaux ngunit napatigil din siya sa ginagawa nang bumunggo ang kanyang likuran sa isang matipunong katawan na animo'y sementadong bagay na hindi natitibag.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, tiningala niya kung sino ang lalaking iyon, only to find herself that Declan was looking down at her and his brows are frowning.
"Why do you keep on taking a back?"
Tanong nito, at noon niya rin lang na-realized na nakahawak na pala ang lalaki sa magkabila niyang balikat, holding for a support upang hindi siya mabuwal sa pagkakatayo.
Kapagkuwan ay iginiya siya ni Declan upang mapaharap sa lalaki.
"..ugh! I-I..." How is she going to say that she's not comfortable in the place? Ni hindi nga niya magawang tingnan si Declan sa mga mata at nakapokus lang ang atensyon niya sa kanyang mga paa.
Unti-unti na siyang binitawan nito ngunit hindi pa rin inalis ang tingin sa kanya. Bumaba ang tingin ni Declan sa suot niyang mini skirt at nakita niyang nanliit ang mga mata nito bigla.
"Why are you...w-wearing a..." Declan placed his clenching left fist in the mouth before he fakely coughed, "-skirt that is able to see your legs. Men here are dangerous. They are wild when it comes to releasing body heat."
Bigla ay naalarma si Margaux. Iginala niya ang kanyang paningin sa kabuuan at nakita niya ang iilang kalalakihan na kung hagurin siya nang tingin ay parang hinuhubaran na siya.
Napaurong si Margaux dahil sa kanyang nararamdamang kilabot sa katawan, kung hindi niya lang ulit naramdaman ang mahigpit na paghawak ni Declan paibaba sa tagiliran niya at walang pagdadalawang-isip na kinabig siya upang mapalapit ang katawan sa lalaki, hindi niya na sana maialis pa ang tingin sa mga lalaki na hayok sa laman.
Tiningala niya si Declan na ngayon ay nakatingin rin lang pala sa kanya.
"Don't worry, don't be scared. You are with me. Once those assholes sees that I'm holding you, they will eventually left their eyes away."
"H-how did you say that?" Kabado pa rin niyang naisatinig. Then Declan offered her a reassuring smile.
Muli, ay hindi mapigilan ni Margaux ang magtaka. This is her very second time Declan gaving her such a sincere smile.
"Why don't you look around and see for yourself Margaux?" Sa sinabi ng binata ay kaagad niya na muling iginala ang paningin at tama nga si Declan.
Parang isang kalabit ng baril ang mga kalalakihan na bigla na lamang nag-iwas nang tingin at ngayon ay may pinagkakaabalahan na nga.
"Now go."
Bumaling muli siya sa binata na may halong pagtataka, "huh?"
"Go. Mauuna kang maglalakad, susunod lang ako."
"B-but why-"
"Just do it okay?" Bigla ay narinig niya sa tono nito ang iritasyon. "Bakit ba napakarami mo pang tanong?"
At dahil ayaw na nga niya namang makipagtalo ay tumalikod na rin lang si Margaux. Hindi na siya nakaramdam ng pagkailang hindi katulad kanina na parang kakatayin na siya sa mga tingin na ipinupukol ng mga kalalakihan sa kanya.
Ngunit kapansin-pansin na naman ang nakakamatay na tingin ng mga kababaehan na nakatingin lang sa kanya sa malayo. Hindi niya na lang pinansin iyon dahil hindi na rin naman siya interesado.
"Declan!" Sigaw ng isang lalaki sa unahan at hirap si Margaux na kilalanin kung sino iyon. Ngunit nang tuluyan nang makalapit ay doon niya lang nakilala kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
It was Lucifer Bennington and his twin Tanner na matatalik na kaibigan nitong si Declan.
Bigla ay nanliit siya sa sarili, lalo na nang hagurin siya ng mga lalaki ng tingin mula ulo hanggang paa.
Declan, Lucifer and Tanner do the man hug bago nag-fist bump, at muling binalingan si Margaux nang tingin ng dalawang kaibigan ni Declan.
Kilala niya ang mga ito dahil saksi rin ang dalawa sa kung paano siya ni-reject ni Declan sa proposal niya noon.
Pakiramdam ni Margaux ay parang pinaglalaruan lang talaga siya ni Declan. Pinapakita nito sa mga kaibigan na napapasunod siya nito ng walang kahirap-hirap at pupwede ring insultuhin kung anong oras.
"Isinama mo talaga si Margaux, bud. Hahaha why is that?" Ngumiti lang si Declan bago bumaling sa kanya.
"Sit Margaux." Pagkatapos na sabibin iyon ng binata, isang mapang-uyam na tingin ang ibinigay ni Lucifer at Tanner sa kanya bago ito malakas na napapahiyaw.
Nanayo ang mga balahibo niya dahil sa ginawa ng mga ito. Parang pinagpupustahan siya at nakikinita niya pa ang mga ito na palihim na nagbibigayan ng pera kapag wala na siya sa harapan ng mga ito.
Maya-maya pa ay naisip ni Margaux ang umuwi na lang. Ibinaling niya ang tingin sa kaninang dinadaanan nila ni Declan. Hindi naman siguro siya mawawala kung mag-isa niya lang babaybayin iyon diba?
Napabaling siya sa binata at kausap na ni Declan sina Lucifer at Tanner na ngayon ay tinutungga na ang bagong labas na pinakamaasim na inumin na nakapatong na sa lamesa nang mga ito.
Then Margaux coughed to get Declan's attention at hindi naman siya natagalan ng ilang segundo upang balingan nito.
"May kailangan ka Margaux?" Humarap pa ito sa kanya at inilapit ng bahagya ang kamay sa harapan niya at ipinatong kalaunan dahilan na nagkanda-buhol buhol na ang hininga niya.
"C-can I-I go to the comfort room?" Pagbabaka sakali niyang tanong nito dahil ang totoo ay uuwi nga naman talaga siya.
Nabigla siya nang tumayo si Declan at nakapamulsang tiningnan ang napakadilim na silid nang napakalawak na cubicle.
"L-let's go then. I will accompany you-"
"Hindi. Ako na!" Tumabingi ang ulo nang binata na binalingan siya.
"Hindi mo pa alam ang bawat sulok nang lugar na ito Margaux. Men are now in the-"
"Kaya ko ang sarili ko okay?"
"No you are not-"
"Kaya ko nga ano ba!" Ang ayaw pa naman talaga ni Margaux sa lahat ay iyong pinapakialaman ang desisyon niya.
Napansin niya ang pagtatagis ng bagang ni Declan bago iniwas ang tingin sa kanya, bumalik sa pagkakaupo at hindi na pinansin siya.
Kagat ni Margaux ang labi na hindi mapakali gayong hindi pa siya tuluyang pinayagan nito na umalis.
Then all of a sudden, ang isa sa mga kambal ang bumaling sa kanya. She only define who it was dahil sa suot na t-shirt ng mga ito na may naka-print pang pangalan sa harapan nito.
At ang isa sa kambal na bumaling sa kanya ay si Lucifer. Ngumiti ito sa kanya.
"Go Margaux, Declan was just...uhmm..mad!" Tumango si Margaux at tumalikod na. Hindi niya na inalam pa ang magiging reaksyon ni Declan dahil ihinakbang niya na ang mga paa.
Sa bawat paghakbang niya, parang pakiramdam ni Margaux ay may mga mata ang nakamasid lamang sa kanya ngunit isinawalang-bahala niya lang iyon at nagpatuloy pa rin sa paglalakad.
Natatabunan na siya nang mga tao na nagsasayawan dahil sa tugtog na nakakaindayog ng balakang. Nilingon niya ang table nina Declan ngunit hindi niya na talaga nakikita ang mga ito.
Napangiti siya dahil sa puntong iyon ay alam niyang makakauwi na ngang talaga siya.
Ngunit ang saya na naramdaman ni Margaux ay bigla na lang naglaho sa mga labi niya. Nakaharang sa kanyang daraanan ang tatlong lalaki na parang asong ulol na nakatingin lang sa kanya.
Nakalabas pa ang mga dila nito at nakapaskil sa mga mukha ang ngisi na siyang nagpakilabot sa buo niyang katawan.
Aatras na sana siya upang titipas ng daan ngunit mabilis siyang nahuli ng mga ito. She was shouting for help pero walang sinuman ang lumapit upang tulungan siya sa kamay ng tatlong kalalakihan na parang may masama pang binabalak sa kanya.
Kasabay ng napakalakas na tugtog ay malakas rin na paghiyaw ni Margaux. Ngunit ang mga tao roon ay patuloy pa rin sa pagsasayaw at mukhang walang nakakapansin sa kanyang pagsigaw.
Kinaladkad si Margaux ng mga kalalakihan sa isang lugar na kung saan ay hindi niya na alam kung saang parte na ng disco bar.
Madilim, at hindi alam ni Margaux kung bakit napaluha nalang siya.
"D-Declan! Bitawan niyo ako, Declan help!" She shouted his name, but no one came.
Narinig niya pa ang nakakabinging halakhak ng mga kalalakihan na parang aliw na aliw sa pag-iyak niya.
Isang lalaki ang binitawan siya sa kamay upang ibaba ang mga daliri nito para haplusin ang binti niya.
"N-no! N-no! Please, huwag. M-maawa kayo, please! Pakawalan niyo na ako."
Nakahawak ang dalawa pang lalaki sa magkabilang braso niya at doon niya lang nalaman na nasa loob ng makasalanang kwarto pala siya.
She was yelling and sobbing for help. Margaux then felt a hand lowering down on her womanhood."
"Nooooooooo!"
Isang malakas na kalabog nang pagbukas ng pintuan ang nagpabaling sa atensyon ni Margaux roon.
Only to find Declan standing in the door jamb, fist was clenched habang nakatingin sa kanya na nakahiga sa kama at minomolestiya ng mga lalaking hayok na hayok sa laman.
"D-Declan...." She became rigid. Her heart was beating fast. Napahinto na rin ang mga lalaki sa pangmomolestiya sa kanya at nakatingin na rin ngayon sa binata na hindi na maimprinta ang mukha.
"M-Margaux..." Tawag nito sa pangalan niya sabay baling nang tingin ni Declan sa mga lalaki na nangmolestiya sa kanya.
Sa sobrang bilis nang pangyayari, umiigkas nalang bigla ang mga kamao ng binata sa mga kriminal na hahalayin pa sana siya. Napahiyaw si Margaux dahil roon sapagkat hindi siya sanay sa mga sinsetibong komosyon.
Nakabulagta na ang dalawang lalaki sa sahig at ang isa nalang ang nanatiling nakatayo, Declan's face was dimmed habang nakatingin sa lalaki na bigla na lamang nagkukumahog makalabas sa silid at bumangga pa ang ulo nito sa may dingding.
Declan's gaze turned to her, dahan-dahan itong lumapit sa kanya, yumukod pagkatapos ay lumuhod upang matingnan kung okay lang ba siya.
Samantalang si Margaux ay hindi na napigilan ang sarili na mapayakap sa binata. Sobbing.
Sa sobrang higpit niyon ay hindi na alam ni Margaux kung naiipit niya na na ang hininga nito ngunit wala man lang siyang narinig ng kahit na anong reklamo mula sa binata.
"T-Thank you, D-Declan. H-hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa akin ngayon k-kung hindi ka dumating."
Hindi ito sumagot. Bagkus ay hinahayaan lang siya nitong yakapin ang binata nang sobrang higpit.
"Sinabihan na kita, delikado para sa isang babae ang pa-gala-gala ng walang kahit na anong panlaban sa mga lalaki na hayok sa laman and you..." He stopped talking at the moment. Nababanayad rin ni Margaux sa boses ni Declan na galit ito.
"Napakatigas ng ulo mo, Margaux...sa sobrang tigas ay gusto ko na lang iumpog ang sarili kong ulo sa pader. Paano kung hindi ako dumating? Ano na ang nangyayari sa'yo ngayon-"
In between her sob, Margaux manage to speak up.
"I'm s-sorry....sa s-sobrang kagustuhan ko na makauwi-"
"Bullshit! Why you didn't told me first hand?"
Margaux just closed her eyes dahil sa pagsigaw ni Declan. Mas lalo pa siyang napayakap ng mahigpit sa matitipuno nitong katawan. "I...I just thought of-"
"-going home alone? Tama ba ako roon?" Hindi siya sumagot.
Sandaling tumahimik ang paligid. Bago hinawakan ni Declan ang mga braso niya na nakayakap sa katawan nito at tumayo kaya ay biglang naalarma siya.
Takot na maiwan sa kwarto na alam niya na hindi siya nararapat na maparito.
Then she saw Declan immediately took his coat away and he covered the coat in her thighs.
Napatingin lang siya sa binata habang ginagawa nito iyon and for some reason, and for the first time. Nakaramdam siya nang kaligtasan kasama si Declan.
Hindi ang Declan na palaging inaasar siya, kundi ang Declan na talagang po-protektahan siya.
Maya-maya pa ay namalayan na lang ni Margaux na umangat na lang ang pwetan niya palayo sa kama dahil kinarga na pala siya ng binata.
"Let's go home." Anunsyo nito ngunit siya ay natameme na lang at hindi niya na magawang makasagot.
Iyon ay naroon pa rin sa sistema ni Margaux ang sobrang takot at kaba lalong-lalo na sa tuwing naririnig niya sa tainga ang nakakakilabot na boses ng mga lalaking iyon na gustong galawin pa siya.
Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinagpasalamat niya na dumating si Declan upang sagipin siya.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nararamdaman ni Margaux na ligtas siya sa mga kamay nito.
Hindi man sila magkasundo sa napakaraming bagay ngunit sa puntong iyon, gusto niyang purihin si Declan dahil sa pagsagip nito sa kanya sa kamay ng mga lalaking iyon.

Book Comment (40)

  • avatar
    Mauee Bernardo

    ganda po ng story niyooo waiting sa update kay scarlet

    15/07/2023

      0
  • avatar
    AserdanoArchie

    archie aserdano

    10/07/2023

      0
  • avatar
    Tavsson Tavssonn

    500

    20/02/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters