logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 3

CHAPTER 3
LAUREN'S POV
    "Ako po! Willing na maging partner niya!"
    WTF? May boses ng lalaki akong narinig sa likod. Hindi ko siya tiningnan kase alam kong nagbibiro lang iyong gagong iyon!
    "Are you sure Mr. Montano?" tanong ni Mrs. Cruz. Teka! Montano? Si... si Nerd? Humarap ako sa tinatanong ni Mrs. Cruz.
    "Yes Ma'am!" sagot naman ni Nerd. WTH? Alam niya ba sinasabi niya?
    "Okay, you will be—" Naputol iyong sinasabi ni Mrs. Cruz nang biglang may nagsalitang babae.
    "Wait lang po Ma'am. Nathaniel, are you sure? Eh baka saktan ka niyan! Brutal yan eh!"
Wow.
    "Hindi siya ganoon... Mabait siya," sagot ni Nerd. HAHAHA! Ako? Mabait? Wow ulit.
    "Tsk! Tsaka walang alam iyan!" May isang babae na naman na sumabat.
    "May tiwala ako sa kakayahan niya," sabi ni Nerd pagkatapos ay ngumiti pa sa akin. Psh! Kaasar 'to!
    "Hoy! Ano bang pumasok diyan sa utak mo at willing kang maging partner ako? Hindi mo ba naiintindihan iyong gusto ko ha? Ayaw kong mag-activity! Bad trip naman oh!" sigaw ko sa kanya.
    "Ang arte mo! Buti nga may pumayag sa 'yo eh!" sabat naman ng isa pang babae. This time, hindi na ako nakapagtimpi. Binato ko ng bag iyong tatlong magkakatabing babae, then pinagmumura ko sila.
    "Stop! All of you! Miss Revilla, you will be doing the activity with Mr. Montano," sabi ni Mrs. Cruz.
    "No way!" sabi ko.
    "You have no choice," saad naman ni Mrs. Cruz.
    Tinignan ko nang masama iyong Nerd pero ngumiti lang siya sa akin nang pagkalapad-lapad! Psh!
    Nag-discuss lang si Mrs. Cruz about sa putchang activity na iyon! Well, of course I'm not interested so hindi ako nakinig! Why would I? Psh! Bahala sila! Natulog na lang ako.
DISMISSAL
    After ng class, pinuntahan ako nina Shiela at Ericka.
    "Ah... Lauren, sorry ha? Hindi matutuloy iyong gimmick natin. May practice kase kami eh. May practice din kayo ni Cutie, 'di ba?" sabi ni Shiela. Practice? Cutie? Ano raw?
     Tumalikod na sila.
    "Wait, pero 'di ba—" Hindi nila ako pinatapos sa pagsasalita.
    "Bye!" biglang sabi ni Ericka pagkatapos ay tumakbo sila palabas ng room. Psh! Iyong dalawa na iyon!
    "Ahhh... Lauren, tara na?" biglang sabi sa akin ni Nerd. I mean... Nathaniel.
    "Anong tara?" clueless kong tanong.
    "Practice na tayo," tugon naman niya. Ahhhh, hahaha yeah, about that activity! Psh!
    "Psh! Hindi ako magsasayang ng oras para lang diyan sa walang kwentang activity na 'yan." Pagkasabi ko non, tumalikod na ako.
    "Ehhh iyong cellphone mo? Hindi ba importante sa 'yo?" sabi ni Nathaniel.
    "Ha?" bulalas ko.
     Tiningnan ko iyong bag and pocket ko. Wala iyong cellphone ko! Putik! Walang kwenta iyong cellphone eh! Iyong picture na nakaipit doon iyong mahalaga!
    Bumalik ako sa harapan niya, hinawakan iyong kwelyo ng uniform niya at hinila siya papalapit sa akin. Tiningnan ko iyong mata niya nang diretso at tinimgnan nang masama.
    "Nasaan iyong cell phone ko? Ha?" tanong ko sa kanya.
    "Na kay Mrs. Cruz. Naiwan mo sa canteen, at hindi daw niya ibibigay iyon hanggat hindi nagagawa iyong activity at hindi maganda iyong pinakita natin sa performance," sagot niya.
    "Kaasar!" sigaw ko pagkatulak ko sa kanya.
    Muntik na siyang ma-out-of-balance pagkatulak ko sa kanya pero ngumiti lang siya.
    "So... Practice na tayo?" sabi niya habang nakangiti.
    "Psh! Ano bang choice ko?" sabi ko sa kanya then rolled my eyes.
     Tumawa lang siya.
    "Ano ba iyang activity na iyan?" tanong ko.
    "Music teacher natin si Mrs. Cruz, kailangan nating pumili ng isang OPM song then pag-aaralan natin iyong piyesa. Iyong kanta natin is... Maging Sino Ka Man," paliwanag niya. Hayy.
    "Tangina! Hindi ako marunong kumanta! And I don't know how to use that fucking instrument!" iritadong sabi ko sa kanya.
    "HAHAHAHA, hindi 'to fucking instrument, gitara 'to," sabi nong Nerd.
    "Psh! I know! Hindi ako ganoon katanga para hindi malaman na guitar 'yan!" sagot ko. Kairita!
    "Sorry... Hindi naman iyon iyong ibig kong sabihin—"
     "Whatever!" sabi ko na lang.
     "Practice na tayo!" sabi niya at ngumiti sa akin.
Shiela's POV
    Hi, ako si Shiela Baltazar. Kaibigan ako ni Lauren. Well, kaming dalawa lang naman ni Ericka iyong kaibigan niya pero kahit ilang years na kaming magkakaibigan,alam kong hindi pa rin niya kami pinagkakatiwalaan. Siguro, konti lang. Pero I understand her, mahirap para sa kanya iyong magtiwala. Kung madali man, alam kong natatakot na siya. Natatakot na siyang magtiwala ulit, dahil baka iwanan na naman siya at masaktan bandang huli.
    "Uy! Shiela!" biglang tawag sa akin ni Ericka.
    "Bakit?" tanong ko.
    "Tingnan mo si Nathaniel tsaka si Lauren. Ang sweeet!" May tinuro siya.
    "Ha?" nagtataka kong tanong sa kanya.
    Hinila ako ni Ericka sa may likod ng room kung saan nagpa-practice sina Lauren at Cutie.
    "Pakinggan natin sila!" sabi sa akin ni Ericka.
    "Alam mo ba iyong song?" tanong ni Nathaniel kay Lauren.
    "Hindi!" sagot ni Lauren. Halatang bored siya.
    "Ahhh... pakinggan mo ha?" sabi ni Nathaniel. Bilib din naman ako rito kay Cutie, hindi napipikon kay Lauren. HAHAHA.
    Tinugtog ni Cutie iyong song na... Ano nga kase iyon?
    "Maging Sino Ka Man!" biglang sabi ni Ericka.
    Tsk! Paano niya nalaman na tinatanong ko? Ang galing! Magic HAHAHA.
    "Ang pag-ibig ay sadyang ganyan, tiwala sa isat-isa'y kailangan..."
     Kinanta ni Cutie 'yon habang nakatingin kay Lauren. Ayieee!
    "Ayieee! Ganda talaga ng boses niya! Bagay sila, 'di ba? 'Di ba? 'Di ba?" sabi ni Ericka.
   "Shhhh... Ang ingay mo!" bulong ko pero waaah! Kilig much!
    Well, bagay talaga sila! Kakilig! Ang cute nilang tignan. Basta! Iba iyong chemistry nila!
    "Oo nga..." sabi ko.
    "Sabi ko sa'yo eh!"
    "Mahal kita pagkat mahal kita, iniisip nila ay hindi mahalaga. Mahal kita maging sino ka man."
    Ayieee! Hindi nawawala iyong titig niya kay Lauren! Well, hindi naman malayo na magkagusto siya sa kaibigan ko. Maliiit iyong mukha, mahabang pilik-mata, then iyong eyes niya medyo blue, kaya nga minsan napagkakamalan namin siyang naka-contact lens.
     Halatang naiilang si Lauren.
    "Okay! Stop! I will try how to use it para mabawi ko na iyong cell phone ko doon sa teacher na iyon!" biglang sabi ni Lauren. Ano ba 'to? Hindi man lang kinilig! Bitter talaga! High blood na naman!
    Kinuha ni Lauren iyong guitar at pinagana nang... baliktad?
    "Tangina! Paano ba 'to?" inis na sabi ni Lauren.
    "Hindi kase ganyan... " malumanay na sabi ni Cutie.
     Lumapit si Cutie kay Lauren at kinuha iyong gitara. Then... pumunta siya sa likod ni Lauren at niyakap si Lauren para malagay iyong gitara. OMG! They are so close! Nagulat si Lauren sa ginawa ni Nathaniel kaya napatingin siya sa kanya. OMG! Nagtititigan sila!
    "OMG! Magki-kiss na sila!" excited na sabi ni Ericka.
    "Huwag kang maingay!" saway ko sabkanya.
    "Oo na! Alam ko na! Lumayo ka nga!" sigaw ni Lauren nang matauhan siya. Nakakaramdam na siguro ng matinding ilang.
    "Ahhh, sorry. Heto oh. Sundan mo lang 'to." sabi ni Nathaniel. Chill pa rin si Cutie ah? Pero ramdam ko, nailang din siya.
    "Gago ka ba? Sa tingin mo ba naiintindihan ko 'to?!" sigaw ni Lauren.
    "Aish! Ang high blood naman ni Lauren!" biglang sabi ni Ericka.
    "Sundan mo iyong gagawin ko. Repeat after me. Ganito iyong A - minor," sabi ni Nathaniel then strummed the guitar.
    Tinuro ni Nathaniel kay Lauren.
    "Madali lang matuto ng gitara. Basta tiyaga lang," sabi pa ni Nathaniel.
    "Psh! What? For you, it's easy. But not for me!" naiiritang sabi ni Lauren.
    "Matututo ka rin." Ngumiti si Nathaniel sa kanya.
    "Bakit ba nagtiya-tiyaga kang turuan ako?" biglang tanong ni Lauren.
    "Dahil alam kong kaya mo," mabilis na sagot ni Nathaniel.
    "Ang sweet ni Nathaniel kay Lauren!" bulalas ni Ericka.
    Sabagay, tama nga si Ericka. Si Cutie pa lang iyong lalaking nakausap ni Lauren na hindi nabugbog. Tapos ang tiyaga talaga niya.
    Mahaba iyong katahimikan sa pagitan nila.
    "Game na?" Basag Nathaniel sa katahimikan.
     Nag-smile si Nathaniel kay Lauren. Si Lauren naman umiral na naman iyong pagka-moodswinger.
    "Sa tingin mo ba magpapakahirap ako para matuto ng gitara para lang doon sa putanginang activity na iyon at para hindi masira iyong grades mo?" biglang sabi ni Lauren. Haaay!
    "Hindi. Magpapakahirap ka, para makuha mo iyong cell phone mo," sagot naman ni Nathaniel.
    "Psh! Stop! You're Nerd kaya ang dami mong sagot! Aalis na ako! 'Di ako makakatagal dito, kasama itong gitara at ang nerd na katulad mo!" pagalit na sabi ni Lauren.
    Grabe talaga magsalita si Lauren, buti na lang deadma lang si Cutie.
    "Sige, dalhin mo na itong gitara, pati na rin iyong mga dapat mong pag-aralan. Pati itong lyrics ng song. Kaya mo 'yan. Ingat ka. See you tomorrow," nakangiting sabi ni Nathaniel.
    Halata sa mukha ni Lauren iyong pagtataka. Siguro nagtataka siya kung bakit ganon pa rin si Cutie sa kanya sa kabila ng mga sinasabi niya. Dinala naman ni Lauren iyong lyrics, chords at guitar kagaya ng sinabi ni Nathaniel.
    "Whoa! For my cell phone!" sabi ni Lauren kasabay ng isang mahabang buntong hininga..
    Umalis na si Lauren. Dapat pala laging nakukuha iyong cell phone niya para nag-aaral siya. Pero paano naiwan iyong cell phone niya? Ang alam ko dala-dala pa niya iyon eh.
    Umalis na rin si Nathaniel.
    "Whoa! Ako number one fan ng LaurNiel Love Team!" sabi ni Ericka.
    "Laur...Niel?" tanong ko.
    "Oo, Lauren-Nathaniel!" sabi ni Ericka. Oo nga 'no! Ayieee!
    Well, paano nga kaya kung ma-inlove si Lauren kay Nathaniel? Grabe kakaibang love story!
     Pero para mangyari iyon, may naisip ako HAHAHA.
LAUREN'S POV
    Nakakabwisit 'tong araw na 'to! May dala-dala pa akong gitara! Kung hindi lang talaga importante iyong picture na iyon!
    "Oh, Prin— Lauren, nandit—" bungad na naman ni Cassandra.
    "Wala ako sa mood makipaglokohan. Don't talk to me," sabi ko at pumasok na ako sa room ko.
     Wala akong pakialam sa kung ano mang sasabihin niya kaya dumiretso na ako sa kwarto ko.
    "Mahal kita, pagkat mahal kita."
    Hindi ko ine-expect na mag-aaral akong gumamit ng gitara at kumanta!
     Iyong picture! Iyon na lang iyong natitirang alaala ko sa... Aish!
    I played the guitar. To be honest, alam ko iyong song. Kumakanta talaga ako, pero walang ibang may alam no'n. Madali lang naman pala eh!
KINABUKASAN
    Dumaan ako ulit sa lugar na pinaggalingan ko. Sa lugar kung saan naging masaya ako.
    "Sino po kayo?"
    "Fuck!" Nagulat ako. "I mean, wala! Napadaan lang."
    "Ahhh... kilala niyo po ba sila?" tanong ng isang batang babae.
    "Ahm... Oo. Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya.
    "Ella po. Kayo po?" tanong niya naman.
     Ngumiti lang ako sa kanya tapos naglakad na palayo.
     Umalis na ako. Hindi ko pwedeng sabihin iyong pangalan ko. Iyong batang iyon... parang ako. Sana manatili na lang siya roon. Sana huwag niyang pagdaanan iyong mga pinagdaanan ko.
    Sana manatili nalang siya roon, kung saan siya masaya, at kung saan siya may pamilya...

Book Comment (1357)

  • avatar
    SanPedroJhonpeter

    thanks

    11d

      0
  • avatar
    JulaoPrecious

    so good and I relate to its story

    16d

      0
  • avatar
    Noel Colarde

    ganda

    19d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters