logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2 Two

KAPAG MAY KATWIRAN, IPAGLABAN MO!
"Ysidra wake up, Drake is already here." Napa-stretch naman ang buong katawan ko.
"Anong oras na ba? Ang aga pa eh" Inaantok kong tanong kay kuya. Feeling ko nga hindi pa sumisikat ang araw.
"Look, I have to go. Your kuya Drake will take care of you kaya mahiya ka naman" Hindi ko siya sinagot, instead tumayo na lamang ako at naglakad palabas ng kwarto.
"Hey prof." bati ko kay kuya Drake habang umiinom ng tubig sa kusina. Nakapikit ang mga mata ko dahil gusto ko pa matulog.
"Tris, why'd you wake Ysa? It's still 6 in the morning" Narinig kong sabi ni kuya Drake.
"Yeah right prof. Talk to my kuya about that" pag-sang ayon ko sa kanya. Akala ko sa isipan ko lang sinabi eh.
"Anong sabi mo Ysidra? I have to go, mag-usap tayo mamaya. Take care of her Drake" At bumukas ang front door dahilan para pumasok ang sinag ng araw.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtago. Feeling ko tuloy isa akong bampira na natatakot masunog dahil nagtatago ako sa dilim.
"Hey baby girl, why are hiding?" napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
A-ano daw? B-baby girl? A-ako? Baby niya? Ni kuya Drake? Totoo ba to?
"I-ikaw kuya ah, ang aga pa para mangtrip..." bakit ako nauutal? Ugh. Ano ba nangyayari sakin?
Lumapit naman si kuya Drake sa akin. Nasa may ilalim ako ng hagdan nakatago. Parang baliw.
"Shh. I know you're still sleepy baby girl, come rest" Hinila niya ako papuntang couch.
Alam niyo yung feeling na para kang puppet, sumusunod ka lang sa pinapagawa ng puppeteer. Di ko talaga alam pero nakasandal na ako ngayon sa chest ni kuya Drake.
"I'll wake you up at 7, dont worry." Dahil sa sinabi niya ay pumikit na ako ng tuluyan.
"Im sorry Ysa, we cant let you ruin our son's future" wika ni tita
"But mom she is not ruining my future. She is my future" pagsagot ni Kenneth sa kanya.
"No son, she is a bad influence. She does not deserve you and you dont deserve someone like her" Saad ni tito.
Gusto ko sanang magsalita pero hindi mabuksan ang bibig ko. Bakit ba hindi ako makapagsalita?
"No mom, no dad. Ipaglalaban ko si Ysa kahit anong mangyari, kahit pa patayin niyo ako" Pagsuway ni Kenneth sa kanila. Naramdaman ko ang kamay niya na humahawak sa akin kanina pa.
Hinila niya ako palabas ng bahay nila pero may humarang sa amin sa labas.
"Son please, dont do this" pagmamakaawa ni tita kay Kenneth
Nasa tabi lang ako ng pinto habang si Kenneth ay nakikipagsuntukan sa mga lalaking mas malaki pa ang katawan sa kanya.
Wala akong magawa. Hindi ako makagalaw. Hindi ko siya mapigilan.
"Kita mo na ginawa mo sa anak ko? Wala ka talagang maidudulot na maganda. Hindi naman siya ganyan dati noong hindi pa naging kayo. Hindi niya kami sinuway kahit minsan." galit na sabi ni tito sa akin. Hinawakan ako ni tito sa braso at hinila papuntang gate.
"Dad! No!!!!" napalingon ako kay Kenneth.
Tumutulo ang mga luha ko. Parang waterfalls, hindi tumitigil sa pag-agos.
Nasa may gate na kami ng hawakan ni Kenneth ang kabilang kamay ko. Kapit na kapit kaming dalawa sa isa't isa.
"Let go Kenneth, wag mo akong kakalabanin." sabi ng papa niya. Pero hindi pa rin kami bumibitaw sa isa't isa.
"No. I wont let Ysa go. I wont ever let you go Ysa, I love you with all of my heart and soul" Napansin ko na may kinuhang patalim ang isang lalaki na nasa may likuran lang ni Kenneth.
Mas lalo akong kinabahan kaya unti unti kong binibitaw ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"L-let me g-go Kenny. Please. J-just let me go..." Panay pa rin ang tulo ng luha sa mga mata ko. Hindi ko ito mapigilan.
"Y-Ysa no. Wag kang sumuko please, ipaglalaban natin to. Please" pagmamakaawa niya sa akin.
Hindi ko na siya tiningnan dahil baka di ko mapigilan ang sarili ko na ipaglaban siya.
"Tama na Kenneth. Pagod na ako. Tama sila, hindi ako nakakabuti para sayo. Wag na natin patagalin to..." basag ang boses ko habang sinasabi yun. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas para sabihin sa kanya yun.
Bumitaw na nga ako sa kanya pati na rin sa papa niya at lumabas ng gate.
Masakit man tong ginawa ko, alam ko naman na naligtas ko siya. Hindi ko kayang makita siyang sugatan at duguan dahil lang sa akin kaya mas mabuti na rin siguro to.
"Paalam Kenneth. Mahal na mahal kita" bulong ko sa sarili ko habang naglalakad palayo.
"Baby wake up." Naramdaman kong may humahawak sa cheek ko kaya napadilat agad ako.
Malalim ang hininga ko habang nakasandal pa din sa chest ni kuya Drake.
"Now, now im right here. Everything's gonna be alright" paghimas niya sa likuran ko.
"K-Kuya..." Hikbi ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang araw na yun. Ang araw na naghiwalay kami ng taong minahal ko ng sobra.
"Is it that guy Kenneth? Your ex?" tanong niya sa akin. Ramdam ko ang mga hininga ni kuya.
Napatango nalang ako bilang sagot. Hindi ko kayang magsalita. Masakit pa rin ang mga nangyari kahit dalawang taon na ang nakakalipas.
"Are you sure kaya mong imeet yung client mo ngayon?" tanong niya sa akin.
Humiwalay na ako sa pagkakayakap niya at umupo ng diretso. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinahiran ang mga luha ko.
"Dont worry too much. Im here for you baby, I've always been here." pinilit kong ngumiti sa harap niya at tumayo para makapag-ayos ng sarili ko sa kwarto.
"I'll meet him kuya. Dont worry, i'll be fine. Akyat na muna ako" tumango naman siya at tiningnan ang relo niya.
Bakit ba hindi ko pa rin makalimutan si Kenneth? Bakit hanggang ngayon nasa puso't isipan ko pa rin siya?
Hanap ka na kasi ng boylet te.
Bwisit. Hindi ka nakakatulong ha!
Sus, yan lang ang tanging solusyon. Ayan na si fafa Drake oh. Alam kong alam mo na mahal ka nun kaya go!!
Ano ba tiny voice?!! Tatahimik ka ba o patatahimikin kita? Talagang idadamay mo pa si kuya Drake.
Chee. Bahala ka, ayaw mong maniwala.
Ugh. Makaligo na nga lang muna. Nakakadrain makipag-usap sa utak mo.
"Kuya Drake, sorry natagalan. Hinanap ko pa kasi ang mga libro ko" paghingi ko ng pasensya.
"It's okay. Let's go?" ngumiti siya sa akin at inalalayan akong maglakad pababa ng hagdan.
Feel na feel ko ang moment, parang nung debut ko lang. Si Cal ang escort ko noon. Ayaw niya kasi na si kuya, oa masyado.
"Get in." Pinagbuksan niya ako at sumukay naman ako kaagad. Baka bawiin niya eh, isarado niya pa. Joke. Tawa po kayo.
"Kuya kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya. Baka kasi di pa to kumain, nakakaguilty.
"How can I when you were sleeping on my chest..." natatawa niyang sabi. Hinampas ko ng slight ang arm niya.
Syempre nagmamaneho kaya mahina lang dapat. Baka madisgrasya pa kami kung lakasan ko.
"You hungry baby?" napatingin naman ako sa kanya.
"Kuya bakit ba baby ang tawag mo sa akin? Di naman ako bata eh" pagn-nag ko.
"But you are my baby..." napalunok ako sa sinabi niya.
"A-ako baby mo? Wag ka nga kuya, lakas ng trip mo ah." plastic kong tawa sa kanya.
Nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko. Tumayo lahat ng balahibo ko.
"I like you Ms.Ysidra Sabrina Avria Luna. No, I really really like you. For a long time now" sabi niya habang seryosong nagmamaneho.
Hindi ako makapagsalita. Totoo ba talaga to? Si kuya Drake may gusto sa akin? Si Drake na isang heartthrob? Na pinagkakaguluhan ng mga kapwa student at pati na rin guro? Ang Drake na kakampi ko at palaging nasa tabi may gusto sa akin?
"Ha. Ikaw kuya ah, gutom lang yan" Aish. Nakakahiya, yan lang talaga nasabi ko.
Ang hirap kaya. Prof ko may gusto sa akin? Parang napakahirap isink in.
"You think im joking around Ms.Luna? I dont joke around things like that" nakakatakot yung boses ni kuya. Ito yung boses na ginagamit niya sa tuwing nagk-klase kami.
"S-sorry..." napayuko ako. Hawak niya pa rin ang nanlalamig kong kamay.
"Im serious Ysa. I really like you, I think mahal na nga kita" that american accent melts away everything. Hindi pala nasasabi sa inyo na fil-am tong si kuya Drake.
Kahit matagal na silang nakatira dito nandyan pa rin ang accent niya.
"P-pero kuya..." hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil may bumangga sa likod namin.
Pagsinuswerte ka nga naman. Bumaba kaming dalawa ni kuya para kausapin ang nakabangga sa amin.
"S-Sir pasensya na. Nakaidlip ako, kanina ka pa kasi kami bumabyahe ng asawa ko. Naghahanap kami ng ospital na tatanggap sa amin" Alam kong mahal na mahal ni kuya ang sasakyan niya kaya hinawakan ko ang kamay niya para kumalma siya.
Napatingin naman si kuya sa akin habang nakakunot ang noo. Kinausap ko siya gamit ang mata ko at mukhang naintindihan niya yun kaya napabuntong hininga siya.
"It's okay. You dont have to pay for the damages, just be careful because your wife's life depends on your driving skills" Hinigpitan ko lalo ang pagkakahawak ng kamay ni kuya.
Sign yun na okay ang ginawa niya at nagpapasalamat ako dahil hindi uminit ang ulo niya.
"Sir maraming salamat po, pati na rin po sa inyo maam. Ang swerte niyo sa isa't isa." Di ko naman maiwasan mamula dahil sa sinabi ng driver.
Aish. Ano ba? Hindi ako kinikilig nuh!
8:50 AM
Shit. 10 minutes nalang at late na ako.
"Kuya we have to go. Late na po ako" sumakay na kami pareho sa kotse at nagsimula na siyang magmaneho.
"I saw you blushing kanina, you're so cute" Aish. Bakit ba umaakyat na naman ang lahat ng dugo ko papuntang pisngi ko.
"Ha? Di kaya! Assuming ka kuya!!" pasigaw kong sabi.
Waaaah! Bakit ba ako nagkakaganito? Ano ba nangyayari sa akin?
"Can you please just call me Drake or baby? If you like" Humarap siya sa akin at nag-wink.
Hoy ang init. Sira ba aircon? Pinagpapawisan na yata ako.
"Kapal Drake ah" First name basis ang gusto ko. Hindi ko trip ang mga endearments.
"Oh baby, I love it when you say my name" Hindi ko na talaga kakayanin to. I need to get out of this car.
"Kuya este Drake, hinto mo nalang dito. Malapit na naman ang 7/11 eh, ako nalang pupunta dun." Napatingin naman siya sa akin. Alam kong nababasa niya ang mukha ko kaya humarap ako sa bintana
"Are you sure baby?" ayan na naman yang baby eh. Isa pang baby baka maging baby na niya talaga ako.
Landi mo te...
Wag ka nga tiny voice. La kang paki.
"Baby?" tawag niya sa akin, humarap ako sa kanya at pinilit ngumiti.
Yung baby niya kasi eh. Grabe ang impact.
"Ahh yes. Okay lang ako. Salamat prof ah? Alam ko marami ka pang gagawin sorry sa disturbo." Hininto niya ang kotse sa gilid at lumabas agad ako. Hindi na ako naghintay na pagbukdan niya.
Hindi naman ako lumpo para pagbuksan.
"Hey, im going to fetch you later. Be careful baby" Ngumiti ako at tumango saka hinintay na umandar ang kotse niya.
9:08 AM
Shit.shit.shit.shit na malagkit at mainit. Late na late na ako.
Takbo Ysa takbo! Hindi ka pwedeng malate sa unang araw ng bago mong student. 
Inhale.Exhale.Inhale.Exhale.
Nasa loob na ako ng 7/11 at hingal na hingal ako kakatabo habang dala ang mabibigat kong libro.
Huh? Nasaan na yung lalaking yun? Teka, hindi ko pala siya kilala.
"Keyeeeh peeedee pe pectere? hihihi" aba sino yang pinagkakaguluhan nila? May artista bang napadaan dito? Swerte ko naman.
"Ahh excuse me. Padaan nga po..." siniksik ko ang sarili ko para makita kung sino yung taong pinagkakaguluhan nila.
"dangsin-eun neuj-eoss eo (You're late.)" Bumungad sa akin ang isang lalaki na nakatingin sa relo niya.  Siya na kaya yun?
Nakahoodie siya kaya hindi ko aninag ang mukha niya. Base sa mga kamay niya ay isa siyang patay, joke. Ang putla kasi ng kulay eh. Parang pinaglihi sa snow.
"Are you Chan?" Honestly, kinakabahan ako. First time kong malate sa klase. Usually ako yung naghihintay sa kanila.
"neonuen geuleohge malhal su-issda (You could say that...) " tinanggal niya ang hoodie niya at hindi ako makapaniwala dahil
"Min Hyuk?" Seryoso ba to?
"nae sueob-eun yeogie issjiman nae gajeong-gyosaneun neuj-eun geos gat-a. (Im here for my lessons but I guess my tutor is late)" pang-aasar niya sa akin. Akala niya ba hindi ko siya naiintindihan?
"Naega neoleul ihaehaji moshal geos gatni? (Hey, You think I cant understand you?)" Hindi naman siya nagulat sa sinabi ko. Malamang binasa niya yung nasa page.
"naneun nega hal su iss-eum-eul anda. hajiman neo neuj-eoss eo. (I know you can. But you are late)" Paulit-ulit ha?! Nakakainis na.
"Naneun sagolo inhae neuj-eossda. Seung-in? (I was just late because of an accident. Okay?)" Umupo ako sa tabi niya at ibinagsak ang mga libro kong dala sa harapan niya.
"Aish!! eotteohge gamhi? (Yah how dare you?)" Hindi ko siya pinansin at sinimulan ng buksan ang isang english book, actually isang dictionary.
"sijaghaja? (Let's start?)" Wala naman siyang nagawa kundi ayusin ang sarili niya.
Nagsimula ako sa first letter ng alphabet syempre, alangan naman dumiretso ako ng Z diba?
"So the next word is Admirable. It simply means, deserving of the highest esteem or admiration; and this is some of its examples "an estimable young professor"; "trains ran with admirable precision"; "his taste was impeccable, his health admirable" or inspiring admiration or approval; "among her many admirable qualities are generosity and graciousness". Did you get me?" tiningnan ko siya at seryoso lang siyang nakikinig sa akin.
Itinuloy ko ang pagtuturo ko, yung basics lang ang tinuro ko sa kanya gaya nung mga nauna ko nang tinuruan. Nakakabaliw kaya magturo ng lahat ng words sa dictionary.
"So, let's have a short quiz. I wanna see if you really learned something from me" Kumuha naman siya ng maliit na notebook at ballpen.
Binigay ko sa kanya ang isang questionnare at hinayaan siyang mag-answer. Wala naman siyang kokopyaan kaya tumayo muna ako sandali at bumili ng ramen para kainin.
Wala pala akong agahan kaya kumukulo ang tiyan ko.
Habang sinasagot niya ang mga tanong ay kumakain ako sa tabi niya. Di naman siguro masama diba? Ang masama ay yung nakikigamit kami ng mesa tas hindi naman kami customer.
Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga sinabi ni kuya este prof este Drake sa akin.
Sampalin niyo nga ako? Baka panaginip lang yung kanina.
"I like you Ms.Ysidra Sabrina Avria Luna. No, I really really like you. For a long time now"
I really really like you.
I really really like you..
I really really like you...
I really really l--
"gwaenchanh-a?(Are you okay?)" Nakatingin siya sa akin habang pinapakita ang notebook niya.
"Are you done?" Nakakaintindi naman siya ng simple english kaya di na ako nag-korean.
"ye. naega neo hante jeonhwahaessneunde nega kkumkkuneun geos gat-a (Yes. I was calling you but I think you're daydreaming)" Sorry naman, may iniisip lang.
Kasalanan talaga to ni Drake eh. Yan tuloy lutang na lutang ako ngayon.
"Joesonghabnida. Give me your notebook and  I'll check it." Binigay naman niya ito sa akin at sinimulan kong icheck ito. Out of 50 items, isa lang ang mistake niya.
Matalino siya at madaling matuto ng mga tinuturo ko. Hindi ako mahihirapan sa kanya.
"Now, let's talk." Nagtaka naman siya sa sinabi ko. Bakit? May mali ba akong nasabi?
"uli jigeum yaegi anhae? (Arent we talking now?)" Taka niyang tanong.
"I mean in english. An english conversation." Nakita ko ang kaba sa mukha niya. "Dont worry, I dont bite and I wont judge. Im here to teach. So let's start?" Binigyan ko siya ng matamis na ngiti para kumalka
"Hi, my name is Ysidra Sabrina Avria Luna. Ysa for short, what is your name?" Inabot ko ang kamay ko sa kanya para kunwari ngayon lang kami magkakilala.
Eh ngayon lang naman talaga diba? Tss.
"Hi, my name is Park Min Hyuk. My friends calls me Chan because they say Im look like Park Chanyeol." Inabot niya din yun kamay ko kaya nagkamayan kaming dalawa.
"cheos sido-eneun nappeuji anhseubnida. eottae?(Not bad for a first try. How about we correct it?)" Tumango naman siya bilang pagsang-ayon.
"Instead of calls, you say call minus the s and you also say 'said' becauce you are reffering to the past. Meaning it is a past tense. Do you get me?" Tumango siya habang nagsusulat sa maliit niyang notebook.
"Lastly, you say I look like, not Im look like. That is grammatically wrong. Now let's try this again." ngumiti ako sa kanya at tumayo.
"Hi, my name is Ysidra Sabrina Avria Luna. Ysa for short, what is your name?" Same routine lang ang ginawa ko.
"Hi, my name is Park Min Hyuk. My friend call me Chan because they said I look like Park Chanyeol." Nagkamayan kaming dalawa.
"Good job. Now, where are you from Chan?" tanong ko sa kanya. Ito kasi yung ginagawa ko sa mga students ko.
Gusto ko gawin normal lang ang pagtuturo. Yung hindi sila maiilang na kausap ako. Parang barkada lang ang peg, ganern.
"I live in Seoul, South Korea but I transfers here in the Philippine. How about you Ysa-shii?" Napangiti naman ako sa tawag niya sa akin. Ang cute pakinggan.
"Well, I live in Westmont Village, Quezon City but I am currently staying at my apartment here" Alam niya na may ic-correct na naman ako kaya yung mukha niya prang down emoji.
"Okay, that was good. We just have to adjust some things. Like for example, transfer. You say tranfer instead of transfers, you erase the s. And most of all, the country you are staying in is not Philippine but the Philippines. Are you following?" Naglike sign siya sa akin.
Pinagpatuloy namin ang aming pag-uusap hanggang sa di ko namalayan na alas dose na pala at kanina pa tumatawag si Drake.
"I guess we're done. Wow you're a fast learner, I'll see around and again." Tumayo ako at kinuha ang mga libro ko.
"gomabseubnida. naneun manh-eun geos-eul baewossda. da-eun-e boja. hajiman igeol billyeodo doelkkayo? (Thank you Ysa-shii. I learned a lot, see you next time. But can I borrow this?)" Tumango na lang ako bilang sagot.
"I have to go. Bye Chan..." Lumabas na ako at nakita kong nakasandal ang isang bampira sa kanyang sasakyan. Nakashades eh, natatakot masunog.
"You didnt answer my calls" Sus. Itong si Kuya talaga, napakatampuhin. Dinaig pa ang totoo kong kuya.
"I was busy. Now shall we eat?" pagyaya ko sa kanya. Pinagbuksan niya ako ng pinto.
"I saw him. He was Mr.Park right? Why didnt you tell me?" nagtaka naman ako sa inasta niya.
"Hey, ano ba pinagsasabi mo? Hindi ko din naman alam na siya ang tuturuan ko pero ano bang problema?" Hinawakan niya ang kamay ko.
"Nothing. I was just..." parang alam ko na to.
"Jealous? The great Professor Drake Salvatore is jealous? Oh c'mon" natatawa kong sabi sa kanya. Yes po, Salvatore ang apilyedo niya at hindi, hindi po siya kapatid ni Damon at Stefan kung yan ang gusto niyong itanong.
"Yeah what if I am?" he squeezes my hand, not that hard but just enough.
"Seryoso? Nagseselos ka talaga kay Chan? Eh wala naman gusto sa akin yun. Nakakatawa ka kuya" sinamaan niya naman ako ng tingin kaya nag-peace sign ako.
"It takes one to know one baby. And trust me, I know the meaning of his looks." Hindi naman ako nakasagot. Nap-praning na naman siya.
"Paranoid mo talaga nuh? Tara na nga lang sa Paper Lanterns gutom na ako" pagc-change topic ko. 
Ayoko muna pag-usapan ang bagay na yun. Kakasabi niya nga lang na may gusto siya sa akin tas ngayon sasabihin niya din na gusto ako ni Chan.
Ayy nako mga te, nakakawerla. Hindi ko na alam gagawin ko kaya ikakain ko nalang to.

Book Comment (61)

  • avatar
    Collen Sager

    ang ganda naman ng kwento,interesado pa ako sa mga susunod

    14/05/2025

      0
  • avatar
    Pj DelosSantos

    yes

    16/09/2024

      0
  • avatar
    DE VERA, Ericka Mae

    goods hahahh

    10/09/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters