logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER FOUR

I am now lying on the grass, peacefully watching the stars that are now scattered in the sky. Habang si Lathan ay nasa tabi ko at nakaupong pinapatugtog ang kaniyang gitara. Sumasabay ang malamig na hangin na dumadapo sa aking balat habang nakatingin sa kalangitan.
Wala ng mas sasarap pa sa ganitong pakiramdam.
And with him, I feel safe. I can sense the warmth of his presence. Delikado na nga, at natatakot ako kung saan ako dadalhin ng nararamdaman kong ito.
I sighed. "Lathan..." mahinang pagtawag ko sa pangalan niya.
I saw in my peripheral vision that he was currently sipping on his cookies 'n cream frappe that we bought earlier. "Bakit?" he replied.
I looked at his side and smiled. "First time nating tumambay dito sa Davi ng tayong dalawa lang, at ganitong oras pa."
Napaisip naman siya bigla at tila inaalala 'yong mga panahong tumambay kami rito. Totoo naman kasi, sa t'wing tatambay kami it's either kumpleto kami o si Gwen ang kasama ko. Pero ewan ko ba sa lalaking 'to at ng isang aya ko lang kanina, pumayag na.
"E, ano naman?" Barung-badong sagot naman niya.
I rolled my eyes. "Wala, ang pangit mo." Bumalik na muli ako sa pagkakahiga at tinignan na lang ang mga bituing nakakalat sa langit.
Napapikit ako ng marinig ang pag-strum ng gitara niya. Sa gitna ng gabi, habang hindi ko malaman kung ano ang aking nararamdaman, naririnig ko ang boses niya na siyang nagpapaginhawa sa aking magulong isipan.
We are both looking at the sky. Tanging simoy ng hangin at ang boses niyang malamig ang nagigingibaw sa paligid.
Bumaba ang mga tingin niya sa gitara, at pinagpatuloy ang pag-strum n'on. Sa hindi malamang dahilan, kinanta ko ang sumunod na linya Napangiti ako nang malaman ang tunay na kahulagan ng linyang iyon. Hindi lang naman sa babae puwedeng maihalintulad 'yon. Puwede rin sa guy 'no.
Biglang napatingin sa akin si Lathan nang banggitin ko ang mga linyang 'yon. Nakakunot ang kaniyang mga noo na napatigil sa pag-strum ng gitara. Tumayo ako at sinenyasan siyang ipagpatuloy iyon.
"You never told us that you can sing?"
I made a face and looked at him. "Dzuh, I'm Zynl Ashayia. I can do everything!" I flipped my hair as if I was proud of it.
Napatawa naman siya at binaba ang gitara, tinungkod niya ang kaniyang mga kamay sa likod at muling tumingin sa langit. "May potential ka, try mong mag-audition sa Music Club." Tumingin siya sa akin, at kita ko sa mga mata niya ang labis na galak.
Lordie, ikalma, natatanga na naman ako sa mga ngiti niya!
Agad kong iniwas ang aking mga tingin sa kaniya. "Well, ano... I'm currently writing a song," nahihiyang saad ko at agad na napahawak sa aking batok.
Umayos siya ng pagkakaupo at interesadong tumingin sa akin. "Seryoso? About saan?"
Tungkol sa 'yo.
Jez, I never thought that I would be at a point where I would be able to make a song for someone. 
I shook my head. "Secret muna, hindi ko pa rin alam kung saan e." Tumawa ako at ganoon din ang ginawa niya.
"Well, maybe I can help you," he suddenly suggested.
Agad kong winasiwas ang mga kamay ko sa harap niya. Sa kaniya nga tungkol 'yong kanta tapos magpapatulong pa ako! No way, saka ko 'yon ibibigay sa kaniya kapag may lakas na loob akong umamin. "Hindi na, kaya ko naman."
Namayani ang katahimikan sa paligid naming dalawa. Tanging tunog na lang ng simoy ng hangin at mga kuliglig sa paligid ang naririnig ko, pero ayos na rin 'yon basta siya ang kasama ko.
Hindi ko alam kung paano nag-umpisa 'yong nararamdaman ko sa kaniya. Basta isang araw, it suddenly clicked to me na gusto ko siya. I don't know, maybe I'm too amazed in his voice and how he played his guitar. Happy crush nga lang dapat talaga ang plano ko, pero the more na mas napapalapit ako sa kaniya, the more na binibigyan ko ng meaning 'yong mga nagagawa niya, roon ako mas lalong nahuhulog. At hindi ko alam kung ikatutuwa ko pa ba iyon.
Wala pa rin akong lakas ng loob umamin, nakakatakot. Baka sa isang iglap, mawala lahat sa amin. Mawala 'yong halos two years na pinagsamahan namin na puro katarantaduhan lang.
"Zy, what are your plans after graduation?" He curiously asked.
Bakit naman niya tinatanong? Baka isama niya ako sa future niya 'no! Char.
"Kukuha ako ng ALE, tapos while I'm reviewing to pass that board, magpa-part time muna ako sa ibang company," I replied.
Lumitaw na naman ang mga guhit sa kaniyang noo. "Part time? But you have—" Siya mismo ay napatigil sa kaniyang sasabihin nang ma-realize niya ang gusto kong iparating.
I awkwardly smiled. "Hindi ko pa nakakausap parents ko about sa part time job, pero hopefully pumayag sila. I also want to become an independent woman, ayoko rin na palaging aasa sa kanila."
He repeatedly nod his head. "Right, you're right."
Kinuha ko ang chocolate frappe ko at nag-sip doon. "How about you? Ang laki ng gagalawan mo, you're in a business field." Talaga namang nagpabida pa ako at sinenyas ko sa kaniya iyong malaking bilog gamit ang kamay ko. 
Kahit magmukhang tanga, basta kausap ko siya, ayos lang.
He shrugged. "I don't know yet."
"Ha?" Ako mismo ay nagulat sa sinabi niya. Aba isang semester na lang at tapos na kami sa college, pero wala pa rin siyang plano? Gagi, paano na future namin. Char. Itigil nga kalandian, Zy!
He awkwardly smiled. "Marami pang time, Zy. Hindi ako mauubusan ng oras don't worry." Inubos na niya ang frappe niya at nilagay na lang niya iyon sa gilid.
Sabagay, lahat naman ng tao may kaniya-kaniyang takbo ng buhay nila. Nasa sa kanila na 'yon, kung papaano nila ito iha-hanfle para makapunta sa destinasyon na gusto at pinapangarap nila. Maybe he does not yet know what he is going to do, but I know that he will eventually find it out soon. Siya si Lathan e, lahat may paraan sa kaniya. Lahat nagagawan niya ng solusyon.
"Thank you salamat very much sa hatid." Binigay ko sa kaniya iyong helmet at ang kaniyang shoulder bag nang makababa ako sa kaniyang motor.
It's already 11 PM, and sapat na rin siguro 'yong oras na nakasama ko siya para magwala ang lahat ng laman loob ko sa katawan.
"No. Salamat," he replied.
Ay oo nga pala, sa t'wing bago umalis o umuwi ang nasa tropa, nagyayakapan muna bilang paaalam. At dahil alam ko naman na hindi siya mag-i-inititae n'on kaya ako na. Lumapit ako sa kaniya at binigyan siya ng isang malanding yakap, este magaan na yakap lang. "Be safe!" Humiwalay din ako kaagad. Iba pa rin talaga kapag siya na 'yong yumayakap, o sadyang walang kakaiba, at ako lang talaga nagbibigay ng meaning?
Ewan, bahala na basta gusto siya.
Akmang papasok na ako sa loob nang marinig ko na tinawag niya ang pangalan ko.
"Ah... Zy." Napahawak pa siya sa kaniyang batok at hindi makatingin ng deretso sa mga mata ko.
Problema nito? "Bakit? May nakalimutan ka ba?"
"Nothing. Thank you for this night." Ngumiti siya pagkatapos at agaran niyang pinaandar ang kaniyang motor papaalis sa harap ko.
K*ngina, what was that?!
Agad sumilay ang nakakakilig na ngiti sa labi ko at tumingin sa langit. "Lordie, gusto ko ng kalimutan nararamdaman ko sa kaniya, pero bakit naman ganito?" Nagpapalatak akong pumasok sa loob ng bahay.
Maybe, maybe confessing to him is the right way for me to fade these feelings away.

Book Comment (36)

  • avatar
    Yohan Ortega

    sana mabigyan niyo ako ng maraming para sa aking pag-aaral at saka magtapos ako kayo na po ang bahala lord salamat single lahat masasabi ko po sa inyo bakit hindi po ba ito scam po ito sana totoo po ito magkatapos lang po sa aking pag-aaral sana po ikaw na po ang app na magkaperan po dapat ang magbigay sa akin ng pag-aaral ko dapat po gabayan niyo ako marami na po ang na-download kong game pero dapat ikaw lang po ang magpasaya sa akin sali lang po sa inyo lord tsaka itong app mo dapat ikaw lang

    10/08

      0
  • avatar
    Jhonwin Lopez

    its nice game

    17/07

      0
  • avatar
    CahambingJerald

    good story

    08/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters