logo
logo-text

Download this book within the app

Loving You Was My Greatest Fear

Loving You Was My Greatest Fear

Ms. Katerine


CHAPTER ONE

I was busy scrolling through my phone when suddenly Gwen nudged at me. "Girl, may gig pala mamaya ang banda, ano punta ba tayo?" Tinaas pa niya ang kaniyang kilay na tila naghahamon.
Nandito kami ngayon sa bahay at hinihintay lang namin na dumating ang bandang tinutukoy niya. E, 'yong banda naman na 'yon ay sa school mismo nanggaling. Kumbaga, sila iyong banda ng school namin.
We are in our final year of studies at the university. Buti na lang talaga at last year na, dahil hindi ko na kakayanin kung magtatagal pa ako ng ilang taon sa paggagawa ng plates. Though, I really like it, no, I literally love making drawings, and such. But, of course, sometimes, I need a school break! E, halos pati weekends nga e may school work na pinapagawa. Nakakapagod 'no!
Saka, may mga taong bang napapagod sa mga bagay na mahal nilang gawin?
Well, I think so.
Sinamaan ko nang tingin si Gwen nang maramdaman kong dumapo ang kaniyang mga daliri sa aking noo. Isa ito sa mga bagay na ayaw ko sa kaniya, laging nakapitik sa noo e! Akala naman niya ikina-astig niya 'yon.
"Para kang tanga, Zy! Tatanungun kita tapos siyempre titingin ka, pero after n'on babalik ka sa pag-scroll sa telepono mo! Seriously, what's the..." Siya mismo ay napahinto sa kaniyang sasabihin, dahil ganoon naman talaga ang ugali niya kapag hindi niya alam ang term na dapat bigkasin.
Napabaling ang kaniyang tingin kay Mama na ngayon ay kalalabas lang ng kusina. "W-what's the ulam, Tita?" Ngingiti-ngiti siyang tumayo at sinalubong si Mama na ngayon ay masama ang tingin sa akin.
Hell yeah, here we go again.'
"Ano ba 'yan Zynl Ashayia, nakakahiya ang grades mo ngayong semester! You're not even the top one in your class!" Palatak sa akin ni Mama kasabay n'on ay ang paghagis sa akin ng report card ko na hindi ko alam kung paano niya nakuha. Tinago ko 'yon, ah!
Napaatras naman bigla si Gwen at sumenyas pa sa kaniyang labi na parang nagsasarado lang ng zipper. Hindi na bago sa kaniya ang ganitong eksena, e halos kasama ko nga ang babaeng 'to sa buong buhay ko. She knows my life better than I do.
"Ma, magpapali—" I couldn't finish what I was going to say when she shouted again.
"What are you going to say? Na babawi ka? E, ilang beses mo ng sinabi 'yan ah? Pero hanggang ngayon pumapangalawa ka lang!" Masama ang tingin na pinupukol niya sa akin.
Nakita ko si Gwen na nakangiti lang sa akin, at sumesenyas na huminga raw ako nang malalim. Sanay na dapat ako sa ganito e, pero bakit sa tuwing nangyayari, parang palaging bago? Nasasaktan pa rin ako.
Simula't-sapul na pumasok ako sa kolehiyo, walang ibang bukambibig ang nanay ko kundi dapat ako 'yong maging una sa klase namin. Na dapat walang aangat sa akin, dahil iyon daw ang nakasanayan ko no'ng elementary at high school ako.
"Hindi ka man lang ba nahihiya? Simula noong elementary at high school ka, ikaw ang nauuna, pero ngayong nakapasok ka na sa kolehiyo, ano at bakit nawala?"
I sighed heavily. Kinuha ko ang report card ko na hindi ko nasalo nang ibato niya sa akin iyon. Nakaupo pa rin ako at pinipigilan ang sarili na 'wag umiyak sa harap niya.
I don't want her to see my tears. I don't want her to see me crying in front of her because of this stupid disappointment I gave her.
"I'm so very disappointed at you Zynl, hindi na nabago iyon simula't-sapul tumungtong ka r'yan sa kolehiyo."
I smiled bitterly. I opened my report card, and I didn't notice that tears were now slowly streaming down my face. Agaran ko iyong pinunasan, pero kahit anong punas ang gawin ko patuloy pa rin ito sa pagtulo.
I could hear my mother sigh. "Bakit ba hindi mo magawang pataasin ang grado mo at ng ikaw naman ang mauna?" Hindi pa rin ako nakatingin sa kaniya kaya hindi ko malaman kung ano ang reaksiyon nga ngayon. "'Yong kapatid mo, bakit nagagawa naman niya? Anak ko kayo pareho, pero bakit hindi mo gayahin ang kuya mo?"
One of the things I avoid most. Comparing. Four years na ako sa college, pero never 'kong narinig na naging proud sila sa akin, na natuwa sila sa kinalabasan ng mga paghihirap ko. K*ngina, halos uno ang mga grades ko, pero ang kinagagalit lang nila kung bakit hindi ako ang nauna? T*ngina, napakalaking unfair naman nito sa buhay ko.
I'm exhausted at this set-up. Nakakapagod, sobra.
"Wala na bang ipipi—" Hindi ko na siya pinatapos magsalita nang lagpasan ko siya, ngunit agad niyang nabawi ang braso ko para bumalik sa harapan niya. "I'm not yet done talking to you!"
"Ma!" Pigil-hiningang sigaw ko. "Ma, nakakapagod kayo!" Pinunasan ko ang mga luhang rumaragasa sa aking pisngi. "Lahat... lahat naman ginagawa ko, so I can meet your stupid expectations ah? Lahat ng grades ko uno, lahat 'yan pinaghirapan ko, tapos... t-tapos ganiyan lang ho maririnig ko sa inyo?" hikbing tanong ko.
Nakita kong umiwas siya nang tingin sa akin, akmang magsasalita siya, ngunit inunahan ko na. "Ever since I was born on this Earth, I have never heard the word "proud" in your mouth, na kahit no'ng mga panahong nangunguna ako, may naririnig pa rin ako sa inyo. Bakit, Ma? Bakit ganito?" Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob para sabihin sa kaniya lahat ng hinanakit ko. Siguro, kapag napupuno ka na talaga, kung kahit anong pigil ang gawin mo, kung sasabog ka, sasabog ka na talaga.
Pinakita ko sa harap niya ang report card. "I really worked hard for this grade. I don't sleep, I don't eat at the right time, I prioritize my studies, I can't even take care of myself just to reach this grade. Hindi lang ako ang nauna sa klase namin, pero grabe na 'yong sinasabi niyo..." Binaba ko ang kamay ko, at muling pinunasan ang mga luha ko.
I sighed heavily and smiled at her bitterly. "Minsan, naiinggit ako sa ibang magulang... k-kasi kahit may tres 'yong papel ng anak nila, n-naghahanda na sila, may pa-surprise pa nga e." Maang akong napatawa sa nasabi ko. "E, halos wala naman kaming pinagkaiba, parehas kaming estudyante na naghihirap sa pag-aaral, pero bakit magkaiba ang trato sa akin?" Hindi ko na alam kung anong hitsura ko sa harap ng magulang ko, at hindi ko na talaga mapigilan pa ang sarili ko. Ngayon lang ako nakakapagsabi ng mga ganito sa magulang ko, at sa tingin ko 'eto na ang huli dahil ayoko na rin maulit 'to.
Emotional damage accomplished.
"Stop comparing that parent—" I halted her.
"Then, stop comparing me to Kuya!" I shouted back.
Sa pagkakataong iyon, doon ko hindi inaasahan na darating pala sa puntong dadapo ang mga palad niya sa pisngi ko. Halos mawalan ako ng balanse dahil sa sampal na iyon, pero naging mabilis si Gwen at naalalayan niya kaagad ako.
Nanginginig ang mga labing tumingin sa akin ang aking ina at may bahid na rin ng luha ang kaniyang mga mata. "How could you shout at me like that, Zynl Ashayia?!"
Huminga ako nang malalim. "I'm tired, let's talk at another t-time..." Nanghihina kong nilagpasan siya at buti na lang hindi niya na ako nagawa pang pigilan. Imbes na dumiretso ako sa kuwarto ko, lumabas ako ng bahay at nadatnan ko ang bandang hinihintay namin ni Gwen na nasa pinto at may mga pag-aalalang nakalapat sa kanilang mga mukha.
But I managed to smiled at them. Nilagpasan ko sila pagkatapos at tumakbo palayo sa bahay na iyon. It's exhausting.
"Zy!" I heard Lathan's shout. I quickly smiled when I heard his voice.
But for now, I really need to be alone. Kahit ako muna ngayon, walang ibang kasama, at gusto kong mapag-isa.
When will it be the time when my parents will be proud of me, even of my small achievements? I really wish it would happen soon. I am still hoping for that to happen.

Book Comment (36)

  • avatar
    Yohan Ortega

    sana mabigyan niyo ako ng maraming para sa aking pag-aaral at saka magtapos ako kayo na po ang bahala lord salamat single lahat masasabi ko po sa inyo bakit hindi po ba ito scam po ito sana totoo po ito magkatapos lang po sa aking pag-aaral sana po ikaw na po ang app na magkaperan po dapat ang magbigay sa akin ng pag-aaral ko dapat po gabayan niyo ako marami na po ang na-download kong game pero dapat ikaw lang po ang magpasaya sa akin sali lang po sa inyo lord tsaka itong app mo dapat ikaw lang

    10/08

      0
  • avatar
    Jhonwin Lopez

    its nice game

    17/07

      0
  • avatar
    CahambingJerald

    good story

    08/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters